Chapter 10: Love always protects
“Cadmus?”
“Yes?”
Nasa sasakyan kaming dalawa. Mula kahapon ay hindi pa kami umuuwi ng mansion. Pagkauwi namin mula sa sementeryo ay dumiretso kami sa isang parke malapit dito.
“Tanong ko lang ha, okay lang kung hindi mo sagutin kasi naiintindihan ko medyo uncomfortable. Gusto ko lang malaman…”
“What’s that?” Pumihit siya sa akin. Saktong huminto ang sasakyan dahil traffic na naman.
“Ilang taon kayong nagkaroon ng relasyon ni Amber?” Curious kong tanong. Sorry, pinigilan ko naman ang bunganga ko pero talagang puro katanungan ang isipan ko.
“Almost two years…” He answered. “Mas tatagal pa naman tayo roon kung magkakaroon tayo ng relasyon.” Simpleng sagot niya bago humarap ulit para paandarin ang sasakyan.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi nito. Ni hindi pa nga ako nakakamoveon sa sinabi niya kahapon! Kung ganoon, gusto nga niya ako!
Nag-init ang aking pisngi habang iniisip ko lang ‘yon. Sa bintana ko na lang inilagay ang aking tingin upang hindi niya makita ang namumula kong mukha.
Kanina sa park ay binilhan ako ni Cadmus ng lobo, cotton candy at ilan pang binibili ng mga bata. Napasaya niya ang inner child ko sa ginawa niya. Ang dami niyang nagawa sa akin. Magsusumikap akong mag-aral ng mabuti para maging CEO kagaya niya.
Sumandal ako sa kanya nang makaramdam ako ng antok pero agad ko rin iyong tinanggal nang maalala kong nagd-drive nga pala siya.
Papunta kami ngayon sa company building. Sabi niya kasi, pwede ako roon. Ang ikinababahala lang niya ay baka ma-buryong ako roon pero sinabi kong hindi naman.
Pagkapasok namin sa loob ay tumayo agad ang mga tao para mabati ako’t si Cadmus. Bumabati naman pabalik si Cadmus pero hindi siya nagsasalita. Yumuko’t sumesenyas lang ito sa kanila. Ngumiti na lang din ako’t kumaway sa mga bumabati sa akin habang naglalakad kami.
Nakasalubong namin si Rachel sa may elevator. Mukhang nagmamadali siya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako at tila mas lalo itong ninerbyos.
“Good morning, Mr. Arcajante, Ms. Erin!” Bati nito sa amin.
Mukhang gusto niyang kausapin si Cadmus pero hindi makakuha ng tyempo. Ang ginawa ko’y lumayo ako nang kaunti para makapag-usap sila pero mas pinili nitong manahimik na lamang.
Pagkapasok namin sa floor na iyon ay nanlaki ang mga mata ko at noong babaeng nasa harapan ko ngayon. Napatingin siya sa aming dalawa ni Cadmus habang nanlalaki ang kanyang mga mata sa gulat.
“Amber…” Bulong ko sa pangalan nito.
Ano kayang ginagawa niya rito?
Tinaasan niya ako ng kilay. “Erin? Nagt-trabaho ka rin pala rito. Ang bilis mong makahanap ng trabaho ah?” Peke niya akong nginitian.
Sarkastiko ko siyang nginitian. Kahit inis na inis na ako sa kanya ay wala akong balak magsayang ng oras sa kanya. Hindi ko sasayangin ang lakas ko sa utak ng babaeng ‘yan.
“What are you doing here, Amber?” Matigas na tanong ni Cadmus. “I already told you I’m no longer interested in whatever you will say. How many times do I have to tell you that I don’t want to see your face anymore?”
Lumapit bigla itong si Amber kay Cadmus. “Oh Cadmus… I know you miss me too. We can go back together again.”
“You said it.” Pinaglaruan ni Cadmus ang kanyang dila sa ilalim ng pisngi. “Get out now, Amber. Or I’ll drag you out.” May halong galit ang boses nito.
“Erin’s here too! I know her! She knows we look good together.” Tumingin siya sa akin. “Erin, Cadmus and I look good together right?”
Kumunot ang tanong ko sa tanong niya. Bakit naman ako ang tinatanong niya? Balak niya bang inisin talaga ako hanggang sa sumabog ako?
“Amber please---” naputol ang sasabihin ni Cadmus nang magsalita ako.
“No. You guys don’t look good together.” Binigyan ko siya ng mapaglarong ngiti. Gusto niya ng gulo? Pagbibigyan ko siya.
Natahimik ito sa sinabi ko. Nawala ang ngiti niya sa akin saglit pero napalitan agad ito ng ngisi. “Ano? Nag-iilusyon ka na sa kanya? Eh tinanggal lang naman kita sa trabaho.”
“Ano bang gusto mo sa kanya, Amber? Pera?” Tanong ko sa kanya. “Kung pera lang ang gusto mo, sa akin ka lumapit. Kayang-kaya ko namang isampal sa ‘yo ang milyones ko.” I rolled my eyes.
Nalaglag ang panga ni Rachel at Amber sa kanilang narinig. Tumingin lang sa akin si Cadmus, bahagyang napangiti dahil sa sinabi ko.
Ang ‘kikitain’ ko rito kung sakali ay bibigyan ko siya ng parte. Para maisampal ko sa kanya lahat ng masamang ginagawa niya sa akin. Mula sa pangmamaltrato sa akin sa trabaho; tinatawag niya akong pangit, tinisod sa harap ng isang customer at sinesante sa trabaho dahil lang sinisi ako ng inggit na customer.
“Milyones? Saan mo naman nakuha ‘yon?” Humalakhak ito. “Oh let me guess… Ikaw na ngayon ang pumalit sa pwesto ko bilang taga-hithit ng pera?”
“Edi umamin ka rin!” Humalakhak ako pabalik.
Kahit mukha akong baliw, hindi ako papayag na pride ko lang ang tapakan niya. Tatapakan ko rin ang pride niya nang mas malalim. Oo na, magsasayang na ako ng oras para tapakan ang pride ng babaeng ‘to para bumalik sa kanya lahat ng ginagawa niya sa iba.
“Hindi ako katulad mo ng kailangan ng lalaki para makakuha ng pera. Ako kasi, may natitira pa akong kahihiyan sa sarili ko kaya lahat ng natatanggap ko, galing sa pinaghirapan ko. Hindi kagaya mo na galing sa panloloko.” Kalmado kong sabi sabay ngiti.
Namula ang mga mata nito sa galit. Balak pa sana niya akong sabunutan pero agad na nagsalita si Cadmus.
“Rachel, please get her out of here.”
“Immediately, sir.” Tumango si Rachel tsaka agad na hinila si Amber.
“Hey! Don’t touch me, you cheap bitch!” Sigaw nito kay Rachel.
“Ikaw ang cheap bitch!” Palatak pabalik ni Rachel dito tsaka malakas na hinila ang braso ni Amber para kaladkarin palabas.
“Cadmus please help me!” May gana pa itong bumanat pero nag-iwas lamang ang tingin si Cadmus. “You love me, right? I’m your first love! I was your girlfriend! Your first girlfriend, Cadmus… How could you hurt me? Do you know how it feels like?” Kunwari’y umiiyak pa ito.
“How could you hurt me? Do you know how it feels like?” Ulit ni Cadmus dito. “I hope you have thought how hurting people feels like to them before you did it to me. It’s all in the past now and I don’t want to go back to you. I will never go back to you again, Amber. We will never get back together.”
Nawala ang nagmamaka-awang mukha ni Amber sa kanya. Kitang-kita mo na talaga na umaakto lang ito para magamit ulit si Cadmus pero hindi na ito gumagana ngayon.
Tumingin siya sa akin. Galit na galit ang kanyang mga mata na para bang sa akin nanggaling ang mga salitang binitawan ni Cadmus para sa kanya. “May oras ka rin sa aking babae ka! Babalikan kita rito hanggang mawala ka sa trabaho mo!”
“Trabaho? I don’t work here.” Naisip kong inisin muna ito bago siya tuluyang umalis. Isa pa, hindi naman talaga ako nagt-trabaho para sa kumpanya ni Cadmus.
“She’s my girlfriend,” biglang singit ni Cadmus.
Doon nanlaki ang mga mata ni Amber. “G-Girlfriend?! No way!” Tumingin ito sa akin para kumpirmahin ang totoo pero nagkibit balikat na lang ako habang nakangisi sa kanya. “You fucking bitch! You’re using Cadmus too! I knew it! That’s why you said you’ll give me millions because it’s from him!”
“You’re wrong, Amber. That millions belong to her.” Iyon ang huling sinabi ni Cadmus bago tuluyang kaladkarin ni Rachel at ng mga guards si Amber palabas.
Pathetic bitch. Akala niya siguro’y lahat ng tao, kontrolado niya. Kung makapagsalita siya, parang siya ang nasa taas ng lahat ng mga tao. Nakakainis siya.
Umakbay sa akin si Cadmus. “I hope I’ll never see her face again.” Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay nakatingin siya sa pintong pinaglabasan kay Amber bago siya tumingin sa akin pabalik din sabay halik. “Don’t stress yourself because of that woman. She’s not worth our time.”
Ngumiti ako at tumango. “She’s not worth our time.”
Bago pa man kami pumasok sa loob ng opisina ay nakita namin si Rachel na nagmamadaling umakyat pataas. Kasama nito si Ms. Kimberly na sekretarya ni Cadmus. Ngayon ko lang ito nakitang muli dahil lagi akong nasa mansion.
“Kimberly,” tawag ni Cadmus dito.
“Sir, someone wants to see you. Nasa baba po siya ngayon.” Si Rachel ang unang nagsalita.
Nang tumingin kay Cadmus ay parang inaasahan niya na ‘yon. “Whose appointment is there today?”
“He doesn’t have any appointments for today sir,” si Kimberly na ang sumagot. “But I know he’s been wanting to see you.”
“If he has no appointments---”
“Cadmus Arcajante Jr., It’s been a while…”
Napihit ang tingin ko papunta sa pintuan. Ang pamilyar na boses na ‘yon ay parang gustong magpatakbo sa akin paalis ngayon pa lang.
Ilang buwan ko nang hindi naririnig ang boses na iyon pero ayaw ko na itong marinig ulit. Nakalimutan kong magkakilala nga pala silang dalawa ni Cadmus, sa picture pa lang na nakita ko sa mansion.
“Jarmin Daelijji,” sabay naming pagbanggit ni Cadmus sa pangalan nitong nagsalita.
My ex boyfriend… And probably Cadmus’ highschool friend. He’s here now, he’s in front of me.
Akala ko tapos na kami kay Amber na ex ni Cadmus pero ngayon ay ang ex ko namang si Jarmin ang pumalit.
Nang makita ako nito’y lumapad ang kanyang ngiti. “So that’s why you’re not answering my calls. You’re here.”
“I don’t want to see you,” kumuyom ang aking kamao.
“Well,” ngumisi ito. “You will be seeing me oftenly now so you need to deal with it.”