Chapter 43

Malayuan palang tanaw na namin ang kakaibang ngiti ni Axel kasama ang isang magandang middle aged na babae.

"Tama nga talaga ako bro, sa mama nag mana tong si Axel hahah walang ka bakas bakas ni Tito Tupe eh" natatawang wika ni Max nung matingnan din niya ang pinsan na papunta sa gawi namin.

"Hahaha sinabi mo pa, buti lang talaga ang popogi natin" gantong pa ni Rex kaya diko sila napigilang batokan.

"Agay, sino yun?" sabay nilang lingon sa likod at hinarap ko naman.

"Angkakapal niyo" mataray kong sabi sa kanila dahilan para matawa si Kuya Exur at inakbayan ako.

"Bagay ka talaga samin, matagal narin kasi ako naririndi sa kayabangan ng tatlong yan" pang aasar na wika ni Kuya, dahilan para sunggaban siya ng dalawa kaya lang pilit akong hinaharap dun.

"Nako ah, tumigil kayo, kuya tanggalin mo nga yan ng mabugbug ka agad." pilit kong iwas sa akbay nito, para tuloy akong hinostage na walang dahilan.

"Sumuko na kayo" parang tangang wika ni Rex damang dama niya rin talaga no?

"Pre, andito na kami" biglaang wika ng panibagong boses.

Ng malaman namin kung sino yun, napabalik kami sa katinuan.

"Hi, po tita!" biglang bati ni Rex at nagmano ito, sunod din ng dalawa kaya nagmano rin ako.

"Si sila po yung mga pinsan ko, tsaka yang maganda sya po yung sinasabi ko" nakangiting pakilala ni Axel sa kanyang Ina. Medyo nahiya tuloy ako sa paraan ng pagpapakilala nito.

Ngumiti lang ako at tiningnan kami isa isa.

Di ko alam pero iba yung tingin niya sakin.

"Akala ko talaga ikaw yung anak ko"

biglaan nitong wika na ikinagulat ng kaluluwa ko.

"Masyadong magkasalungat yung hitsura ni Axel sa papa niya, kaya akala namin naipagpalit kayo" natatawa nitong kwento na parang may inaalala.

Bigla nalang napakamot sa ulo si axel, siguro sa hiya.

Ilang sandali pay kailangan na nitong umalis dahil di ito pwede lumiban sa klase.

Masyadong mabait si Tita Rose para iwan niya nalang ng basta basta si Axel.

Sa tingin koy naliwanagan yung mokong na iyon sa lahat.

Dahil kung hindi, hindi dapat ganto yung maging reaksyon niya.

Yun bang sobrang saya.

"Ingat kayo ah? Kuya, ingat sa pagdadrive.

Axel, tawag ah pagdating?" paalam ni Tita ng paalis na kami.

Tumango nalang ang anak nito tsaka ngumiti.

Alas tres na siguro ng sinimulan naming magbyahe pauwi.

Ramdam na ramdam ko yung magandang timpla sa loob ng kotse.

Tiningnan ko si Axel sa unahan na pinipigilan yung ngiti.

"Uy axel, congrats ah?" tawag ko dito na ikinaharap naman niya sa gawi namin.

Ngumiti lang ito ng malapad.

Kung di ko lang talaga alam yung rason siguro masabi kong katangahan yun.

"Ano na bro, iiwan mo na ba kami? Ah?" tanong ni Kuya Exur na may patapik pa sa braso ng katabi niya.

Biglang nawala yung ngiti ni Axel.

Katahimikan

Ilang minuto pa ang nakalipas at di ko na namalayan ang mga pangyayari.

Nagising nalang ako sa biglaang pagkasubsub ko kaya nagising agad yung diwa ko.

"Loko yun ah, alam namang may dadaan" inis na wika ni Kuya sa harap.

Linibot ko ng tingin ang buong paligid.

Gabi na, kinusot kusot ko pa yung dalawa kong mata at tiningnan mabuti ang hinintoang lugar.

Malapit na pala kami.

*Phone Ringing

Kinuha ko nalang iyon sa bag.

*Mama Calling

"Oh? Asan na kayo?" tanong ni Mama sa kabila.

"Malapit na kami ma, nasa may dating school na kami na traffic lang."

"Oh sige, uwi ka agad ah?"

"Opo" sagot ko dito tsaka binaba yung phone.

"Grabe kailangan ko yatang mag cr" wika ni Kuya sa harap habang nilabanan yung traffic.

"Malapit nalang din tayo,

ilabas mo na lang, sayang din" natatawang sagot ni Rex na dahilan ng pag iling ko.

Loko talaga!

Ilang sandali pay, nakarating na din kami sa bahay nila.

Pilit pa akong ihatid ni kuya pero mukhang siya di niya kakayanin kaya di nako nagpahatid.

"Sige Kaimee ah, pabati nalang ako sa Honey mo ayiiie" pahabol ni Max nung makapasok na to sa gate.

Parang Sira!

Ngayon ko lang din nalaman na magkapitbahay lang pala tong zubiring to.

Kaya di nako nagtaka kung bat ganun sila ka close.

Sinimulan na namin ni Axel maglakad.

Katahimikan pero alam kong masaya tong mokong nato.

"Musta naman yung pinag usapan niyo?" biglaan kong tanong sa kanya.

"Masaya. Alam mo, di ganun yung inakala kong pagkatao niya" nakangiti nitong sabi sakin tsaka tumingin sa harap.

Pinagpatuloy lang namin yung paglalakad nung nasa may kanto na kami malapit sa bahay.

"Pero di ako maging masaya ngayon, kung di dahil sayo" bigla nitong hinto tsaka humarap sakin.

Nginitian ko lang sya pabalik.

Ilang sandali pay, nabigla na lang ako sa agarang pag yakap nito.

"Sobrang thank you kaym. Di ko alam pano ko masusuklian yung ginawa mo" wika nito sa pagkakayakap sakin.

Tinapik tapik ko lang yung likod niya.

"Para san pa't birthmate tayo, diba? Nagdadamayan?" mahinahon ko ring sagot nung ramdam kong parang umiiyak tong mokong.

Ilang sandali pay may biglaang nagsasalita na di ko inasahan.