Chapter 42

Agad akong nagising nung naramdaman ang init sa noo ko.

Liningon ko yung paligid.

Nakahinto parin ang kotse habang may namumuong traffic sa unahan.

Tiningnan ko yung mga kasama ko sa loob.

Tulog yung tatlong zubiri maliban kay kuya exur na busy parin ang atensyon sa daan.

*Phone Ringing

"Uy kaimee, gising kana pala, kanina pa nagriring yang phone mo" biglang wika ni kuya sa gawi namin.

"Ah sige po". sagot ko dito.

Tiningnan ko yung phone at nalaglag nalang yung panga ko.

52 missed calls. 40 messages.

Andami naman ata.

Call log.

Hayyss bat puro kay patrick to? Yung negang yun talaga.

Sa messages naman, may iilan kang steven at cheesy pero halos karamihan galing kay patrick.

Di ko na binasa tatawagan ko nalang sya.

*Calling Nega

"Kaimeeeee" agad na bungad niya sakin.

"Nakatulog ako, ano ba yang tinawag tawag mo?

"I really miss you hon" hayss ito na naman sya.

"Sinabi mo na sakin yan, baka naman di ka pumasok ha?" tanong ko sa kabila.

"Pumasok ako, nabubwisit lang ako sa dalawang yun. San ka ba kasi?"

"Ipapaliwanag ko nga bukas, ang kulit" irita kong sagot, paulit ulit lang?

"Ngayon nalang!"

"Bukas nga ano ba yan"

"Honnnnnn" ang landi talaga ng negang to.

"Hayys anoo?" inis kong sabi.

"Wag ka ngang mainis sakin, ako na nga tong nagtatampo!"

"Oo na, sorry na! "

"I miss you"

"Sige na!"

"I miss you"

"Oo na nga ang kulit"

"Sagot nga kase!"

"Ang landi mo po!"

"Kaimeeee"

Agad kong inilayo yung phone sa tenga.

"Sige na, iend ko na ha? Bukas nalang"

Paalam ko tsaka inend yung call.

Ilang sandali pay naramdaman ko ang pag andar ng kotse.

San na ba kami? Bat nga ba ako nagtatanong? Di pa namn ako nakapunta dito.

*Beep beep

Hooo si patrick na naman siguro to?

1 New Message

From: Cheesy Cake

Uy kaimee, ginayuma mo ba yung si pogi? Ang kulit eh, sabing wala akong alam.

Sabihan mo nga yun, naiimbyerna nako!"

Napailing nalang ako sa nabasa.

To: Cheesy Cake

Pagpasenysahan mo na yun, ngayong araw lang. Basta wag mo lang sabihin ha? Baka anong gagawin nun.

*Beep beep

1 New Message

From: Cheesy Cake

Oo na hon este kaym.

Sus kayo ha! Meron kayong di sinasabi sakin. Sige na ingat nalang kayo diyan.

Tinago ko nalang yung phone nung huminto na naman yung kotse.

"Mukhang Lunch Break pa nila, mag lunch nalang din tayo" wika ni Kuya tsaka lumabas.

Pansin kong gising na din pala yung tatlo mukha lang tulog.

Paglabas namin papasok sa isang resto.

Bigla agad kaming pinagtitinginan.

Di kaya nagwagwapohan lang sila sa mga kasama ko?

Ah okay alam ko na, di pala kami nagbihis kaya siguro sila nagtataka kung ba't may kakaibang uniporme ng estudyante dito.

*Beep Beep

1 New Message

From: Nega

Nakakapanibagong mag lunch pag wala ka.

Napailing nalang ako sa naging text nito.

To: Nega

Ano yan? Kanin? Di mo kayang maglunch pag wala yun?

Nakangiti kong sagot.

Agad nalang may naglapag ng pagkain sa harap ko.

Dun ko lang napansin, nagsimula ng kumain yung apat.

Kakain na nga lang din.

*Beep beep

Hayys ito na naman siya.

1 New Message

From: Nega

Wag ka ngang ganyan kaimee, seryoso na nga yung tao.

Ba't ba kasi di moko sinama?

Excited pa naman akong makita ka kanina😟 I really miss you na.

Napairap nalang ako sa naging sagot nito.

Tiningnan ko yung mga kasama kong nakatingin din pala sakin pero umiwas din .

To: Nega

Wag ka na munang mag text, nasa resto na kami.

Tinago ko na talaga yung phone bago pa ako maiwan ng apat na zubiri.

Ilang sandali pa'y umalis din kami agad at dumiretso sa mismong school kung san nagtuturo yung mama ni axel.

"Ano bro tara na?" panlakas loob na aya ni Rex kay Axel nung nakarating na kami.

"Kinakabahan yata ako pre" nag alinlangang sagot nito pero lumabas lang din naman kinalaunan.

Pagpasok pa lang namin nandyan na naman yung mapanghusgang mata ng karamihan.

Bat ba kasi di namin naisipang magbihis? Sa bagay wala naman kaming extra.

Dumiretso kami agad sa may faculty room pero sila Kuya at Max lang yung nakikipag usap.

Pansin ko rin yung pananahimik ni Axel.

Di ako sanay na ganto sya pero kailangan lang talagang suportahan. Kasi siguro pag kami yung nasa lagay niya yung tipong di mo alam kung saan ka lulugar?

Ang hirap nun, buti nga maswerte ako kila mama.

Kasi di ko kaya pag walang magulang na gumagabay sakin.

Ba't kaya ako nag iisip ng ganun? Manahimik na nga lang.