Chapter 44

"Ka- kaimee" agad akong napabitaw sa narinig na boses.

Oh God wag naman sana.

Naabotan kong umigting yung panga ni patrick pati ang pagkuyom ng kaliwang kamay nito.

"Pa patrick" bigla kong lapit sa kanya pero agad niya kong tinalikuran.

"Bro, mali yung iniisip mo!" habol ni axel dito di pa humarap si patrick at lumayo samin pero ilang sandali pay agad ko nalang nakita ang pagsuntok nito kay axel dahilan para mapabagsak ito sa daan.

Mas lalo kong binilisan yung galaw at nagpagitna sa kanila.

"Patrick, ano ba?" pilit kong layo dito.

Naramdaman ko yung galit sa pagitan naming tatlo.

Napansin ko pang nahirapang tumayo si Axel habang hawak nito ang napuruhan ng suntok ni patrick.

"Pre mali nga yang inakala mo!" inis na paliwanag ni axel na ngayoy nakaupo na sa daan.

"Patrick tama na!" pilit kong hawak sa braso nito.

Pero di niya lang ako pinansin, agad ko nalang nakita ang paglapit na naman nito kay axel at sinuntok ito ulit.

Di ko alam pero sinuntok rin ito ni axel pabalik na dahilan ng pagkagulat ko.

Pilit kong hinarang si patrick dahil gusto pa nitong lumaban.

"Anong di tama sa iniisip ko ha? Sabihin mo nga?" galit nitong tanong kay axel ng mapasandal ito sa may gilid.

"Di nga kasi tama yung inakala mo" galit nitong sagot at pinupunasan pa ang namumuong sugat sa may labi.

Agad ko ring hinablot yung kaliwang kamay ni patrick at pilit palayuin sa eksena pero ilang hakbang pa lamang at tinanggal niya mismo ito na dahilan ng pagharap ko.

Kitang kita ko yung galit nung tinitingnan niya yung mga mata ko. Pero bigla nalang nagbago yun ng may namumuong luha dito na ayaw pabagsakin.

"Ba't mo ba ako ginaganto?" madiin nitong tanong dahilan para diko mapigilang bumagsak yung mga luha ko.

"Patrick, di naman kas"

"Paulit ulit nalang kaimee, pinaglaruan mo lang yata ako!"

Wala akong ibang masagot kundi pabagsakin yung mga luhang di ko kayang itago.

Tumalikod ito na dahilan ng pag habol ko at pagyakap sa likod.

"Patrick wag naman ganto"

Sabi ko dito nung makalapit sa likod niya.

Pero bigla niyang tinanggal ang nakakapit kong mga kamay.

Tsaka sya humarap.

"Sobrang sakit na kasi kaimee, di ko na yata kakayanin" wika nito kasabay ng pagbagsak ng iilang luha.

Lumapit uli ako para yakapin sya pero bigla lang syang umatras at nag iwan ng mga salitang nagpadurog ng puso ko.

"Piliin mo na sya" wika nito na agad ring tumalikod at sinimulang lumayo.

Di ko alam pero sa oras na yun bigla nalang akong napaupo sa gitna ng daan.

Ang sakit! Sakit! Sakit!

Di ko rin yata kakayanin!