Chapter 37

Ilang weeks na din ang nagdaan at naging masaya ang lahat.

Oo lahat, yung tipong di mo inakalang may ganto?

Kung dati eh palagi akong binubwisit nung nega, pero ngayon.

* Ehem ehem ah okay lang naman.

Mas sweet pa nga yung dalawa sa min eh.

Maliban nalang dun sa pagtawag ni steven kay cheesy ng babe.

Ehh, gusto kong matawa na ewan. Pag naririnig kasi ni cheesy yun, para siyang kamatis na pwede ng lutuin.

Gaya ngayon, andito kami sa library pero yung si steven eh nakatitig lang sa nagbabasang si Cheesy.

Tss, pag ibig!

"Natapos mo na ba yung reaction paper kay sir Quenza?"

Tanong ni patrick nung kakabalik ko lang matapos manghiram ng glue.

"Yun ba? E tatransfer ko nalang bakit? Tapos ka na?" tanong ko dito na kanina pa pala nakatingin.

"Ah oo, akin na yung sayo, ako na magsulat!" wika nito sakin na ikinagulat ko.

"Weeh? Totoo?" di makapaniwalang  tanong ko sa kanya.

"Oo naman, ano pa't--" agad kong natakpan yung bunganga baka ano pang sabihin.

"Hayys papatayin mo ba ako?" inis nitong sabi habang hinahabol yung hininga at tiningnan pa ako ng masama.

"Oo sana eh!" pang iinis ko sa kanya.

" Tss, di pwede" sagot nito tsaka kinuha yung ballpen sa may uniform.

"At bakit hindi?" mataray kong sagot.

Agad rin itong huminto at tumingin sakin.

Di lang yun, bigla itong lumapit sa kin na ikinagulat ko pero huminto rin.

"Kasi , papakasalan pa kita" mahina nitong sabi tsaka tumingin sa ibabang bahagi ng ilong ko pero umiwas rin at bumalik sa kaninang pwesto.

Hayy! Ano ba yun? Nakakakaba ah!