Chapter 38

Pauwi na kami ng matanaw namin na may nagkukumpulan.

"Ano kaya yun?" tanong ni cheesy na wala ding sumagot. Pano sasagot eh kami nga yung magkasama.

"Hayys, kawawa nga si axel eh, biruin mo, gusto siyang kunin ng papa niya matapos mamatay ng lola nito"

Agad akong lumingon dun sa mga nagkukwentohan.

Yung dalawang juniors na naman na babae.

Nginitian pa ako nung isa nung napansin niyang tinitingnan ko siya.

Di nako naghintay pa kaya, linapitan ko.

Pinigilan pa ako ni patrick pero nginitian ko lang siya.

"Hi Ate" nahihiyang bati nung ngumiti kanina.

"Ah, ulitin mo nga yung sinabi mo?" nakangiti ko ring tanong kahit na gigil na gigil nakong marinig.

"Ah yung nagkukumpulan po dyan, sina axel tsaka yung papa niya.

Gusto na raw kasi siyang kunin matapos mawala nung lola nito. Pero ayaw niyang sumama sa ibang pamilya ng papa niya."

Paliwanag nito sakin.

"Alam mo pa rin ba kung ba't ayaw niya?"

Ang tsismosa ko talaga , hayaan na nga.

"Sa pagkaka alam namin, bukod sa ayaw niyang iwanan sina Max at Rex di niya pa nakita yung Mama niya"

"Ano?" gulat kong tanong kaya napa atras din yung dalawa.

"Ah sorry nadala lang!"

"Kaimee tara na!" biglang  aya ni patrick pero tumango lang ako.

"So, bat di pa sila nagkita ng mama niya?"

"Nako ate di rin namin alam, basta sabi sabi ulila na si Axel , may ibang pamilya yung papa niya at di niya alam sino yung mama niya, kaya yung lola nalang niya yung nagpalaki sa kanya"

Kwento naman nung isa.

Wait. Mukhang may kailangan yata akong gagawin.

"Ah sige salamat ah?" paalam ko dun sa dalawa.

Bumalik narin ako kila cheesy na kanina pa pala ako hinihintay.

Ayun sa dalawang yun, di niya nakilala yung mama niya.

Bat kaya di niya nakilala?

Baka namatay? Ay di naman siguro.

Baka lumayas kaya nakahanap ng iba yung papa nito?

Posible rin.

Wait, kaya ba hindi magkaparehas yung last name nila na nakasulat sa diary?

Panong di sila magkakilala eh nasali nga yung name ng mama niya?

Hayyss nakakalito.

"Kaym, bro dito nalang kami!" biglang paalam nila steven. At dun ko lang napagtantong malapit na pala ako sa bahay.

Tiningnan ko si Patrick na masama na yung tingin sakin.

Ano na namang problema nito.

Umuna na kong maglakad pero bigla niya kong hinablot at hinarap sa kanya.

"Mag usap nga tayo, ano bang meron sa inyo ni Axel ha?" galit nitong tanong sakin.

Eto na naman, nakakaloka na!

"Wala, kaibigan lang, tara na?" aya ko sa kanya pero di parin ito umalis sa kaninang pwesto.

"May dapat kang ipaliwanag, bat parang nakalimutan mo na ako, di lang ako kundi kaming tatlo nung may marinig ka tungkol sa mokong na yun!?"

"Hayss wala nga diba, pag aawayin paba natin to? " inis kong sagot sa kanya.

Hayys naman kasi, di ko pa pwedeng sabihin eh. Di ko pa nga nasabi kila papa.

"Gusto mo ba talaga ako? O napilitan ka lang?" agad ko syang nasampal dahil sa sinabi nito.

"Ano? Yun na ba yun? Kaimee?" galit nitong tanong sakin.

Di ko sya matingnan sa mata dahil ayaw kong may lumabas na luha.

"Umuwi ka na, sunod nalang tayo mag usap" mahinahon kong sabi na di man lang tumingin. Agad ko ring napansin ang paglayo ng presensya nito.

Pinagpatuloy ko lang yung paglalakad na may kirot.

Ba't ba ganun sya?