Chapter 36

"Victoria, bangon na diyan!"

rinig kong wika ni mama pero di parin ako umimik.

"Hayys , wag na nga lang!" sabi nito tsaka umalis ng kwarto.

*Phone Ringing

Hayyss inaantok pa ako eh. Bahala nga.

*Phone Ringing

No.

*Phone Ringing

Hayss ang kulit. Bumangon nalang ako at kinuha ang panirang phone sa umaga.

Kinusot kusot ko pa yung mata ko at tiningnan yung screen.

*Nega Calling

Nanlaki bigla yung mata ko ng makita ang tumawag *Ehem.

"Hello?" medyo kinakabahan kong bungad sa kabilang linya.

"Sorry nagising yata kita"

"Nako, di naman kakagising ko lang din"

Sus, yung totoo? Ehhh hayaan niyo na

"Ah na miss lang kita"

Ayun, ang aga aga bumabanat na.

"Andyan ka pa ba?"

Hala! Bat ganto yung boses nito? Masyadong malandi ah!

Tss nako patrick wag mo kong ginaganto.

"Ha? Oo andito pa, na ano lang."

Anong na ano? Eh kasi di nga ako sanay

Ano ba!

"Hahah, sige na ibaba ko na to!" paalam nito kaya nabuhayan din ako.

Hayyy grabe! Di ko kinaya yun! Bat kasi may ganun???

Di ko mapigilang magpagulong gulong sa kama sa di malaman na dahilan.

Pagbaba ko kumain na silang lahat sa dining area kaya sumabay narin ako.

"Hmm kaimee, 18 kana next month anong plano mo?" tanong ni Tita Lara nung kumuha ako ng kanin.

"Di ko alam" sagot ko dito at sinimulang lumamon.

"Dapat magplano kana, siguro last dance mo yung patrick no?" biglang sulpot ni Tito Pets dahilan para mabalaukan ako.

"Uy uy easy!" agad rin nitong bigay ng tubig sakin.

"Ipakilala mo yang patrick na yan samin ah? Victoria? Sinasabi ko sayo!" seryosong wika ni mama tsaka umalis ng hapag.

Patay tayo diyan.

"Sino ba yung patrick , ah victoria?" biglaan ding tanong ni Papa.

Nako naman mapapahamak ako nito.

"Ah wala naman po kaklase lang!" mahina kong sagot tsaka uminom ng tubig.

Bumalik nalang din ako ng kwarto ng di ko gusto yung atmosphere sa kusina.

Ano bang magandang gawin pag walang ginagawa?

Ayy, gawain ng mga kabataan, edi social media!

Oo tama.

Nag log in lang ako sa facebook at nagtingin tingin sa newsfeed.

Deym Patrick Mendoza is feeling loved❤.

Yesterday.

212 likes. 16 comments.

Hala hala! Dahil nga sa sobra akong nacurious agad kong tiningnan yung comments.

Syempre may iilan na di ko kilala.

Meron ding nagtatanong kung sino.

At mawawala din ba yung dalawa? Syempre hindi kaya nga binasa ko eh.

Baka may ginawa naman yun na di karapatdapat.

Steven Eight

Nakks! Ayos puso natin bro ah?

Deym Patrick Mendoza

Loko ka bro!😂

Cheesy Lowelie

Tao ba to? Bagay? Pagkain?

Lugar? Kilala ko?

Deym Patrick Mendoza

Bestfriend mo😍

Cheesy Lowelie

Iba tologo👏 Inggit nako😭

Steven Eight

Nagpaparinig ka lang yata babe😂

Ayoko na! Di na yata to virus! Pag ibig na to huhuhu naman eh.

Samahan pa ng dalawang loko loko.

Wait, tama ba yung nabasa kong reply ni steven? (Nagpaparinig ka lang yata babe)

Anak ng-- hmm matawagan nga yung cheesy cake na yun.

*Calling Cheesy Cake

"Hi, kaymee" masigla nitong bati sa kabilang linya.

"Uy, babae, magtapat ka nga sakin, kayo ba ni steven? Ha?" agad kong tanong dito.

"Ho- hoy pano? " Di niya natuloy yung sasabihin dahil agad akong nagsalita.

"Amin na!" sigaw ko sa kabila.

"Ehh oo na nga! To naman eh"

Ano dw? Sila na? Ang bilis naman nun.

"At ikaw kaym, akala mo rin talaga ah, di kita tatanungin? Ano kayo naba?"

Napakunot nalang yung noo ko sa naging tanong nito. Talagang binalik pa sakin ah?

"Di no, tsaka wag mong ibahin yung usapan!"

"sus, wag na mahiya. Kahapon ba? Hahah" malakas na tawa nito sa kabilang linya, para tong sira! Pero sila na talaga? Ambilis naman nun! Eh kami nga, wait wait. Bat ko ba naisip yun.

Pero yung dalawang yun talaga, may endermeant pang BABE, ehhhh parang kinikilabotan yata ako pag sakin tinawag yun!

(Babe) ehhhhh di pwede, hindi!