Chapter 35
"Patrick" sabi ko nung tumabi siya sakin naglakad lang kami ng tahimik.
Di ko alam pero puro nalang kami nagparamdaman.
Lakad.
Lakad.
Lakad.
Nung nakarating na kami sa isang kanto, bigla syang huminto.
Kaya napahinto rin ako at lumingon sa gawi niya.
"Ah, ano. Yung kanina-" medyo nahihiyang sabi niya sakin.
Dahilan para magsimula na naman akong kabahan.
"Ah, totoo yun" sagot niya na tumingin na sa mga mata ko.
Hayys, ito na naman sya.
Akala ko kaba lang yun, pero agad na bumilis yung tibok ng puso ko.
"Ha?"
Sagot ko dito na ikinalingon niya sa harap.
"Gusto mo bang ulitin ko pa?" wika niya na di tumingin sakin.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Hayaan mo na, kalimutan mo na yun!"
Sabi nito tsaka umunang maglakad.
Hayys kaimee, ano ba? Tanga ka ba ha?
"Ah pa - patrick!" tawag ko sa kanya pero di na naman nakinig.
Hayss ito na naman tayo.
"Uy patrick! Ma may sagot na ko!" tawag ko uli sa kanya dahilan para mapahinto ito.
Lumapit ako sa gawi niya.
Hayyss kakayanin ko ba?
"Ah ano kasi-- " di ko naituloy yung sasabihin nung akma itong maglakad pero napigilan ko rin.
"Gu gusto din yata kita!" kinakabahan kong sagot na syang lingon niya sakin.
"Ha?" di makapaniwalang tanong nito. Napairap nalang ako sa hiya.
Akma na kong aalis nung bigla niya kong niyakap.
Oh MY!
"Ah pa patrick kasi nandito tayo sa daan!" sabi ko dito na mukhang naintindihan naman.
Nakangiti itong humarap sakin.
"Sabihin mo nga ulit?" wika nito na agad kong nabatokan.
"Agay! Para san yun?"
Di nako sumagot at umuna ng maglakad.
Agad rin itong sumabay sakin kaya hinayaan ko na lang.
Katahimikan.
Pansin ko rin ang kada minuto nitong lingon sa gawi ko pero di ko nalang pinansin. Parang tanga!
Lakad.
Lakad.
Lakad.
Ilang sandali pay, nagulat nalang ako nung bigla niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko tsaka ngumiti.
Ehhh! Ayoko na! Para akong kakapusin ng hininga.
Lakad.
Lakad.
Lakad.
"Ah kaimee" biglaan nitong wika na ikinahinto namin pero hawak parin yung kamay ko.
"Hmm?" naiilang kong sagot.
Ilang sandali pay bigla niya nalang akong yinakap ng mahigpit.
Mas lalong bumilis yung tibok ng puso ko at sa di malaman na dahilan sinuklian ko rin ang yakap nito.
" I really miss you!" bulong niya sakin.