Chapter 34

Agad akong umiwas nung hindi ko alam pano mag react.

Bwisit talaga tong counselling nato, akala ko mas hate ko yung isang subject pero mukhang sinusumpa ko to.

"Hayys, ba't ba kasi ito yung sinulat mo?" naiinis kong sabi sa kanya at kinuha yung papel sa arm chair nito.

"Ano bang dapat gawin dito?" tanong ko uli nung binasa ko yung papel.

(Pano pasayahin ang pusong nasaktan?)

Tiningnan ko siya na kanina pa pala nakatitig sakin tsaka umiwas.

"Uy, baka naman pwede  palitan to?"

Lumingon ito uli tsaka kinuha yung papel.

Mga Paraan

1. Pag Usapan

Basa ko sa sinulat niya.

Hayy, ang hirap naman nito. Tiningnan ko yung iba kong kaklase na busy kakausap.

"Uy patrick, wala pa tayong sagot oh" wika ko sa kanya.

"Edi sabihin mo kung anong sagot!" sagot nito tsaka tumingin lang sa harap.

Napairap nalang ako sa inis.

"Ano bang dapat gawin ko?" tanong ko uli na buti namay lumingon sa gawi ko.

"Ano sa tingin mo?" sagot niya na tinitigan pa ako.

Ito na naman, mas lalo akong kinakabahan.

"Ano ba kasing problema mo sa kin?" inis na sagot ko sa kanya.

"Gusto kita" sagot niya na ikinalaki ng mata ko.

Hala!

"Ha? "

"Ang bingi mo naman, gusto mo isigaw ko pa"

"Nako hindi! Ah eh kasi naman.

Hayss ang hirap!" sagot ko at napatakip pa yung mukha.

"Five Minutes Left" wika ni Mam sa harap.

"Uy, kaonti pa lang yung sagot natin!" sabi ko sa kanya na nakatingin lang sa papel.

Kinuha niya iyon at may isinulat.

2. Magpaliwanag

3. Piliin maging masaya

4. Magmahal

5. Mahalin Pabalik

Sulat nito na ikinatibok ng puso ko.

Tsaka siya lumingon sakin.

Ayoko na!

Tumayo ito, akala ko ibibigay yung papel kay Mam pero tiningnan pala ako.

Tsaka ngumiti.

Umiwas lang ako nung ibinigay niya kay mam yung papel.

Napasubsub nalang ako sa di malaman laman na dahilan.

Ano bang nangyari? Ikakamatay ko na yata to.

Ilang sandali pay naramdaman kong may tumabi sakin. Kaya di ko nalang tiningnan kong sino yun.

"Bangon nga diyan kaym!"

Napabangon ako agad nung marinig ko ng boses ni cheesy.

Napahinga ako ng maluwag.

"Ano? Musta puso?" natatawang tanong ni cheesy kaya napairap nalang ako.

"Hmm, so ano dw problema niyo?" tanong niya uli na pinigilan yung ngiti.

Parang tanga!

"Wala! " inis kong sagot.

"Sus sabihin mo na!" pilit nitong katabi ko.

Kinuha ko nalang yung papel na di nagamit kanina at sinulat yung problema na ikina tayo ng maingay.

"Hoy, wag kang mag eskandalo, sinasabi ko sayo!" paalala ko sa kanya na bumalik din sa pwesto.

"Tapos, tapos anong sagot  mo? Ehhh! Kinikilig ako!" parang bulateng pilit ni cheesy. Tinakpan ko nga yung bunganga.

"Siya lang yung sumagot!" walang gana kong sabi sa kanina pa nangungulit.

"Hayys, wag na nga lang kukuntsabain ko nalang si mam!" sagot niya na dahilan ng pagbatok ko.

"Oo na, di na nga diba?" nakabusangot nitong sabi.

Buti naman.

Uwian na, at gaya nung una team antay na naman ako sa gate.

Antagal naman ng cheesy na iyon.

*Beep beep

1 New Message

From: Cheesy Cake

Kaym, sorry pero kailangan talaga naming tapusin yung last steps.

Okay lang ba kung umuna kana?

Napabuntong hininga nalang ako sa nabasa.

To: Cheesy Cake

Okay lang, basta wag kang magpagabi.

Text mo nalang ako mamaya.

Sagot ko sa kanya tsaka ibinalik yun phone.

Uuwi na nga lang.

"Ka-kaimee!"