Chapter 31

"Oh!" biglang lapag niya ng mango shake.

Andito kami sa isang resto malapit lang sa street nila Max.  Dito rin kadalasan kumakain yung mga teacher ko nung public.

"Muntikan ka ng magpasagasa kanina, alam mo ba yun?" kwento nito sakin.

Tiningnan ko ng mabuti yung mga mata nito.

Bat ganun? Wala namang nagbago kumg tutuusin pero may mali.

"Uy, ang daya mo naman kanina pa ako nagsasalita dito tapos ikaw titig lang?" biglaang sagot niya na ikinagulat ko.

"Ah sorry, may naalala lang"

"Hahaha alam ko na!

Tsaka yung si Mendoza?  alam mo ba nung Grade 9 kami? May nagustuhan yung babae!" kwento ni Max na mas ikinagulat ko.

Pano niya nalaman?

May nasabi kaya ako tungkol sa negang yun? Mukhang wala naman ah? Tahimik nga lang ako kanina.

"Kaya ayun nagtransfer nalang si Samantha wala pa ring confession naganap!" pagtapos niya naman sa kwento.

"Pano mo? "

Di ko nalang tinuloy dahil ayaw kong banggitin yung pangalan niya kaya mas pinagtuunan ko nalang ng pansin yung shake na nandito sa harap.

"Nako mga babae talaga, syempre andon kaya kami nung hinablot ka niya. Wag kang mag alala gusto ka nun!" kampanteng sabi ni Max at may taas baba pang kilay.

"Oh andito lang pala ang loko eh!" napalingon kami sa bagong nagsasalita na mukhang nandito sa likod ko.

"Kaimee? Panong?--" bungad sakin ni Axel at tinuro turo pa kami ni Max.

Agad nalang ginulo ni Rex ang buhok niya  at naki upo narin sa pwesto namin.

"Ah, Hi!" bati ko kay Rex na tumingin sakin.

"Aha! Ikaw yung nasa ghjkpf" Di niya natuloy yung sasabihin dahil natakpan agad ni axel yung bunganga nito.

"Bro itigil niyo nga yan, nako kaimee pagpasensyahan mo na tong dalawang pinsan ko ah. Bukod sa ako talaga yung mas gwapo, ako lang din ang matino!" natatawang kwento ni Max na agad naman linabanan nung dalawa,

mukhang may mangyayari yatang live wristling dito na diko kakayanin.

Kaya lang nung nilapag ang mga order nito tsaka pa sila bumalik sa kanya kanyang pwesto na parang walang nangyari.

"WOW! Ang cool nun!" mangha kong wika sa kanila nung inabutan pako ni axel ng spoon.

At dun ko lang naalalang.

"Patay! Anong oras naba?" biglaan kong tayo dahilan para mapatingin yung ibang costumer kaya yumuko nalang ako.

"7:12 na" mahinang boses ni Rex.

Patay talaga ko nito!

"Ah boys salamat, ah! Max? Thank you talaga kanina, pero kailangan ko ng  umuwi!" paalam ko sa kanila.

"Ihatid na kita!" biglaan ring tayo ni axel umiling lang ako at lumabas na don sa resto.

Pagkalabas ko dun

"Patrick?" mukhang si patrick yun ah? Oh guni guni ko lang?

Ng ilang sandali pa'y.

"Agay ano ba?" sigaw ko sa walang hiyang bumatok sakin.

"Hoy babae, anong oras na? Alam mo ba yun? Ha?" biglang harap ni cheesy sakin.

"Tinawagan ako niyan!" biglang sulpot ni Steven at tinuro pa si Cheesy na nakaharap samin.

"Bukas na kitang pagalitan, kailangan mo munang umuwi " biglang pulupot ng braso nito sakin.

"Kayo lang ba?" agad kong tanong dito, tumingin muna ako sa likod dahil sure akong nakita ko yung negang yun.

"Bakit? Kailangan ba buong baranggay?" napairap nalang ako sa naging sagot nito.

"Di ka dw macontact ng Mama mo, kaya kay cheesy sya nagtxt na baka madaling araw na sila makakauwi  dahil nga sa  Alumni nung dating school niyo, pero di karin niyan macontact" kwento ni steven na mukhang naperwisyo nga dahil ngayon ko lang napansin ang eye glasses nito. Nakashort tsaka T shirt na sky blue.

Tahimik lang itong babaeng naglalakad na kasabay namin.  Wala naring ingay sa pagitan naming tatlo.

"Kaimee, ano bang meron sa inyo ni Patrick" biglaang tanong ni steven na ikinahinto ko.

"Ah oh okay lang kung di mo sasagutin"

Hays, di kami okay! Sa katunayan nga, mababaliw nako kakaisip sa kung anong dapat kong  gagawin, maging okay lang lahat.

"Wala naman ba't mo natanong?"

Mapait kong sagot .

"Eh kasi, palagi nalang yun napapagalitan ng Daddy niya dahil sa pagbiglang pag inom nito, di ko naman matanong kung anong dahilan. Kaya nagbakasakali lang kung may alam ka" mahinahong kwento ni steven.

Nakaramdam naman ako ng inis sa sarili.

Ano naman kayang pumasok sa ulo nun?

Siguro isa ako sa posibleng dahilan, gaya rin sa naikwento ni Max. Torpe yung negang yun, kaya siguro ganun nalang sya kaseloso.

"Ah, di ko alam, pero baka posibleng isa ako dun sa maaring dahilan" nahihiyang sabi ko sa kanila at napayuko pa.

Naramdaman ko nalang bigla yung akbay ni steven sakin.

"Maging okay din lahat"