Chapter 30
AKWARD.
Mahigit isang minuto na siguro ang nakalipas mula ng pumasok kami ni Patrick dito sa coffe shop.
Seryoso lang itong nakatingin sa misa habang ako naman ay di ko alam kung anong gagawin.
This is really really akward.
Puro lang kami pakiramdaman.
Mas lalo tuloy akong kinakabahan.
Kailangan kong basagin tong akwardness nato. Oo tama!
Pano ba? Ay naman kasi nakakahiya!
Uuwi nalang kaya ako? Oo tama.
"So your dating?" Agad na tanong ni patrick at tumingin pa sakin ng diretso.
Gahd? Di ko akalaing pati pagtingin nito may epekto rin sakin.
"Answer me!" Mahinahon nitong sabi na kala moy humihingi lang ng 1 whole sheet of paper.
"Ah, hindi! Hindi!
Tsaka bat mo ba ako dinadala rito?" naiilang kong tanong at nilibot ng tingin ang buong paligid.
"Di ko alam, gusto ko lang maliwanagan!"
Maliwanagan? Enlightenment ba yun? Nagamit ko pa tuloy yung topic kong buddhism.
"Ah? Anong ibig mong sabihin?"
"Anong meron sa inyo ni axel?"
Seryosong tanong nito at pinagpatuloy parin ang pag titig.
Ano nga ba? Dapat ko bang sabihin na kabirthmate ko yun? Pero di pwede eh. Dapat ko munang ipaalam kila papa.
Hayys ang hirap naman talaga ng buhay oh!
"Kaimee, may kausap ka" naiinis na tono nitong sabi dahilan para magulat ako ng sobra.
"Ah?- Ano, ah--" Di ko natapos yung sasabihin ko kasi biglang tumayo yung kasama ko at mukhang galit lumabas.
"Ho hoy- san ka pupunta?"
Sunod kong habol sa kanya , mabuti na nga lang at meron dumaang tricycle kaya nahawakan ko yung braso nito.
"Pat--"
Di ko na naman matapos yung sasabihin ko kasi humarap nalang ito ng basta basta sakin. Ramdam ko yung tensiyon saming dalawa.
"Ba't mo ba ako ginaganto?" galit na medyo may laman na tanong ni patrick.
Pilit ko syang tinitingnan na ngayoy mas lumalim yung pagtitig sakin.
"Ba't ba palagi ka nalang nangingialam?" sigaw na tanong ko sa kanya.
Tiningnan ko siyang mabuti, at pansin ko pa ang pag galaw sa may lalamunan nito.
Katahimikan.
"So- sorry!" biglaan ko ring sabi na kahit ako di ko alam bat ko sinabi yun.
Naramdaman ko nalang ang pag tanggal ni Patrick sa kamay ko na nakakapit sa kanya.
Napapikit na lamang ako sa di malaman na dahilan.
Ang bigat bigat bigat!
Bakit ganto? Di ko dapat maramdaman to pero parang ang sakit.
Yung tipong gusto ko syang makausap pero di ko alam kung pano gawin ng tama.
Ang Hirap!
Umalis na nga lang din ako dun, mabagal lang akong naglalakad. Nakasalubong ko pa yung iilang grupo ng mga estudyante na sobrang sayang nagkukwentuhan.
Sa mga gantong sitwasyon nakangiti sana ako. Pero mukhang mas malakas yung lamig ng naramdaman ko kaya kahit pagngiti di ko magawa gawa.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad na parang buong mundo hawak ko na.
"Tabi!" biglaang sigaw ni Manong naka tricycle kaya medyo nagulat ako.
Ano bang nangyari sakin?"
Nasa pangalawang kanto na ako ng ilang sandali pay.
"Ano ba miss may tricycle pa oh!" bigla namang hablot ng kung sino sa likod.
Tiningnan ko siya at para mapasalamatan man lang.
"Max?"