Chapter 32
Hinihintay ko lang si cheesy na lumabas ng gate para sabay kaming umuwi.
"Hi, kaimee!" biglang sulpot rin ni axel, napairap nalang ako nung maalala ko yung nangyari kahapon.
Kukulitin na naman ako nito, panigurado!
"Tabi nga!" biglang wika ng kung sino sa likod ni axel.
Si Patrick!
Pilit kong tiningnan yung mukha nito pero di man lang ito nag aksayang lumingon sakin.
Naramdaman ko nalang ulit yung bigat,
Hayysss naloloka na talaga ako!
Bat ba kasi may ganto?
Natanaw ko pa syang seryosong naglalakad pauwi.
Sana maging okay din lahat.
"Ano nga yun manang?" naiinip na sagot ni axel na katabi ko lamang dun sa kausap niya sa phone.
Napatingin na rin ako sa biglaang paglabas ng dalawa pang zubiri at kinaladlad yung isa.
"Anong nangyari dun?"
Di man lang nagpaalam.
Hayaan na nga lang!
Napa atras pa ko sa gilid nung mas marami pa ang lumabas ng gate.
"Nako sorry kaym, kanina kapa?"
Biglang sulpot ni Cheesy umiling lang ako bilang sagot.
Sinimulan lang namin maglakad,
di narin man lang ako kinukulit nitong isa, napagod yata sa kakapraktis.
Pero okay narin to di ko rin kasi feel makipagbiruan.
"Kaym, nakikita mo ba yung nakikita ko?"
Eh! Anyare dito? Seryoso lang siyang nakatingin ng diretso.
Sinundan ko nalang din yung tiningnan niya.
Si Patrick.
May kasamang babae na kaedad ko lamang. Pilit pa nitong ginugulo yung buhok ng lalaki kahit may katangkaran.
Pilit ding umiwas si patrick, at sa huli inakbayan niya nalang to at sinimulang
maglakad.
Ewan ko ba.
Di ko gusto yung nakita.
Pero parang mas lalong bumigat.
May kung ano sa dibdib ko na di ko maintindihan.
Gusto kong magalit na ewan.
Ilang sandali pay, bigla na lamang naglabas si cheesy ng panyo.
Gulat pa akong lumingon sa kanya.
Umiiyak kaya ako?
"Pa-para san to?"
"Di ka umiiyak pero paiyak pa lang!" wika nito tsaka ngumiti.
"Kahit naman loka loka ako, pwede mo parin akong kausapin. Bestfriend mo kaya ako!" nakangiting wika ni cheesy.
Iniwas ko nalang yung tingin at pinagpatuloy rin yung paglalakad.
"Kaya ka siguro nahihirapan, kasi ayaw mong tanggapin!" sabi pa nito na ikinabigla ko.
Huminto ako't hinarap sya.
"Ano na naman yan cheesy!" pilit kong ngiti at mahinang hinampas yung noo niya.
Tiningnan niya lang ako ng diretso.
"Mahal mo sya, nahihiya ka lang aminin!"
seryoso nitong sabi sakin.
"Uy di ah, ano ba yan cheesy tara na nga!" pilit ko syang hinablot pero di ito umalis sa pwesto kaya bumalik ako.
"Kaym, bestfriend moko. Alam ko kung anong trip ng kaluluwa mo ngayon, lalong lalo na diyan!" turo niya sa dibdib ko.
"Eh?" taka kong tanong dahilan para mabatokan ako. Agay naman.
"Kaya kitang hampasin ng katotohan, pag di kapa nagsalita!"
"Ano ba yan! Uwi na nga!" akma na akong aalis pero pinigilan niya ako.
"Walang uuwi pag di ka umamin!" galit nitong sabi, tiningnan ko naman yung buong paligid. Andito kami sa may park, sure talaga? Dito sa gitna?
Hinablot ko siya sa bench. Para kasi kaming tanga dun nakatayo.
"Eh? Ano bang dapat kong sabihin?" nahihiya kong tanong sa kanya . Inirapan lang niya ako, buti naman pag ganun. Masakit mabatokan.
"Ano bang nangyari kahapon?" seryoso nitong tanong sakin.
"Late akong umuwi!"
Akala ko di niya ko babatokan pero on the way pa pala yun.
"Sa inyo yung gusto kong marinig!"
Samin? Wala ngang kami eh.
Pero mukhang gets ko naman.
"Nag usap kami sa coffe shop.
Di okay!" nakayuko kong sabi.
"Hayys, gusto mo bang ako pa yung magtanong para masagot mo ng tama?"
Napatingin ako sa kanya.
"Eh kasi chees, di ko alam! Naalala mo yung bigla niya kong hinablot? Kung dati eh nagagalit pa ko nun, pero kahapon dun ko lang hinayaang hablutin niya ko ng walang dahilan." kwento ko sa kanya.
"Eh kasi nga gusto mo rin" napatakip pa ko sa mukha dahil sa sinabi niya. Agad ko ring naramdaman yung pag init ng mukha ko.
Nakakahiya!
"Nako, ikaw babae ka, sabihin mo na kasi!" Irita nitong sabi at pilit pang tinatanggal yung kamay kong nakatakip.
"Eh, chees, mukhang , hayyys, mukhang gusto ko na yata siya!" nahihiya kong sagot.
Kasi naman , ehhhh ayaw ko nito!
"Gusto nga lang ba?" tanong pa nito sakin na mas ikinagulat ko.
"Tingin mo palang dun sa babae parang gusto mo ng hampasin"
"Hoy hindi ah" depensa ko sa kanya. To talaga kung anong iniisip.
"Kulang na nga lang sabihin mong, 'hoy babae wag ka ngang lapit lapit dyan sa mahal ko ng di kit---"
Natakip ko yung bunganga nito, mukhang mali mali yung sinabi eh. Naramdaman ko nalang yung hampas sa tuhod ko kaya nabitawan ko na rin.
"Sus nahiya kapa, eh kulang nalang piliting bumagsak yang mga pinipigilan mong luha kanina!"
"Ehhhh, ewan ko nga diba? Di ko alam!" nakabusangot kong sabi at tumingin lang sa harap.
"Mahal mo o hindi?" agad kong lingon dito dahil sa sinabi.
"Ehhhhhhhhhhhhh" napatakip uli ako sa mukha dahil ayaw kong sumagot.
In short, nahihiya akong sabihin yung sagot.