Chapter 29

Palabas pa lang ako ng gate ng bigla nalang akong hinablot ni Axel ng di ko namamalayan.

"Hoy! Hoy! San kayo pupunta?" Sigaw na wika ni cheesy dahilan para tumingin yung iilang estudyante.

"Uuwi bakit? Sasama ka?" ginantongan pa ni axel kaya bumalik nalang ako sa pwesto dun sa tabi. Naabotan ko pang umigting yung panga ni patrick pero umiwas rin to.

"Kaimee, diba sab--" naipagitna ko pa tuloy yung dalawang hintuturo sa maingay na bunganga nito.

"Pre? Ano? Tara na?" Biglang aya ni Rex kasama si Max.

Hayys, naimbyerna talaga ako pag naalala ko yung katangahan ko sa tatlong zubiring ito.

"Sabi sayo besh eh, sila talaga ni axel" rinig ko na namang sabi nung dalawang juniors.

Sila na naman? Napangiti pa yung isa nung tiningnan ko.

"Ah kasi may lakad kami pre" sagot naman nitong si axel.

"Ano? Date?" Natatawang tanong ni Max.

Nako, nako ang gwapo mo sana eh. Hayys pinagloloko lang yata ako ni lord.

"Kaym, tara na!" Aya ni cheesy sa kin na pinigilan naman ni axel sa kaliwa.

"Opps, may lakad kami!"

"Kami yung kasama niya"

"Kami yung may usapan"

"Hayys ang kulit mo naman eh"

"Eh sa may usapan nga kami"

Kulang nalang maglalaro nalang kami ng Tug of war pero ako yung talo. Ansakit na ng balikat ko.

"Bitawan mo nga tong bestfriend ko?" Naiinis na sagot ni cheesy habang hinahawakan na rin yung kamay ko sa kanan.

"May usapan nga kasi kami ang kulit"

"Uuwi nako mag isa. Walang sasama sakin" seryoso kong sagot sa kanila.

"Tara na nga bro" aya naman ni rex at inakbayan pa si axel.

"Uy, kayo dalhin niyo nga yang pinsan niyo, kitang may kasama si kaimee eh" inis na sabi ni cheesy sa dalawang zubiri.

"May lakad nga kasi kami" paulit pang sabi ni axel.

"Sakin sya sasama!" Biglang sulpot ni patrick at tinabig pa yung hinawakang kamay ni cheesy.

Dahilan para mahablot ako.

Ito na naman, may virus siguro tong lalaking to. Palagi nalang akong pinakakaba.

Siya lang may gawa sakin nito eh siya lang.

Liningon ko pa si cheesy na akmang susunod sakin pero pinigilan sya ni steven. Naabotan ko pa rin yung pag akbay ng dalawang zubiri kay axel na pinagigitnaan nila ngayon.

Tiningnan ko naman ang magkahawak na kamay namin ni patrick habang seryoso parin itong naglalakad na kala moy may iniiwasan lang dahil sa pagmamadali.

Iwan ko ba, pero ganto eh.

Ganto yung mga panahong namiss kong gawin kasama sya.

Kahit nababalot kami ng away, kahit di kami magsalita.

Ito yata yung unang paghablot niya sakin na di ako nakaramdam ng pagtatanong.

Mas ramdam ko yung pagiging komportable.