Chapter 28

"Number 14. This novel has been dubbed as the evils in society.

Number 15. This novel exposed those in the government and in the church. Okay? Pass your papers"

Biglang sabi ni Sir Quenza nung natapos na ang walang katapusang quiz.

"Bat di exchange papers?" nagtatakang tanong ni Cheesy.

"May nag exchange answers daw kasi sa kabila kaya si sir nalang daw bahala" sagot ni ace nung dumaan sa gawi namin.

"Kaym sa tingin mo straight kaya yun?" nabatokan ko sya sa biglaang tanong. Ang ganda pa ng topic namin tapos babaguhin agad?

"Hmm, alam mo kaym, napansin kong palaging tulog si pogi!" oh tingnan niyo? Kakasabi lang eh.

"Oh tingnan mo kaym, tumingin sya dito. Ehhh, enswet naman tologo." napailing nalang ako sa kaartehan nito parang tanga.

"Cheesy practice dw mamayang 3" sabi nung classmate kong si Adrian.

"Sige thanks!"

"Di kaba napapagod?" tanong ko dito nung umalis na si adrian.

"May mga bagay kasi na di dapat sinusukuan" Napairap nalang ako kung saan patungo tong topic namin. Di nako nagtanong, sayang laway ko sa kanya.

🎶

I never dream

Cause I always thought that dreaming was for kids

Just a childish thing.

Rinig kong simula ng kanta, dahilan para may namuong ingay sa baba, mukhang may activity yata yung mga juniors. Di nako nagulat nung isa isang nagsitakbohan yung mga kaklase ko.

🎶Till I met you

I never knew what love was

Till I met you

This feeling seems to grow more everyday

I love you more each day

"Ho-hoy pre san ka pupunta?" rinig kong wika ni steven mula sa likod.

Di ko na tiningnan kung sinong kausap nito. Nung ramdam kong wala ng ingay tiningnan ko yung mga naiwan sa room, Ako , si steven tsaka syempre mawawala ba si mitch na nakasalpak na naman yung headset at busy kakanood ng k-drama.

Iidlip na sana ako ng ilang sandali pay,

"Anak ka ng* anong ginagawa mo dito axel?" mahimbing tayong natutulog tapos di mo pala alam may kanina pang nakatingin sa yo.

Agad kong tiningnan yung pwesto nila sa likod at tama nga ako, nakatingin na naman si patrick samin, buti na nga lang malaki tong ulo ni axel kaya di ako nakita.

"Edi nakatingin sayo hehe" binatokan ko nga ang lakas ng trip eh.

"Nakakasakit ka na ah? Ba't ba kasi tay--" di niya natapos yung sasabihin nito dahil tinakpan ko na yung bunganga niya baka ano pang masabi.

"sgdftp- helbgb-" si axel yan habang inaakay ko palabas ng room.

"Ang ingay mo sobra alam mo ba yun?" inis na sagot ko.

"Hayy, papatayin mo ba ko?" hinang tanong nito habang hinahabol pa yung hininga.

"Okay lang sakin kung ayaw mong sumama!" kampante kong sabi sa kanya.

"Uyy sasama ako, to naman di mabiro, pero bat nga ka---" nabatokan ko na naman.

"Bawal matanong sa bahay!"

"heheh sige gets ko ! Bye Kaym" nakangiti nitong paalam. Parang Sira! Napailing nalang ako nung bumalik sa room kaya lang.

Nakasalubong ko si Patrick.

AKWARD! Dadaan ako sa kanan, dun rin yung punta niya. Pag sa kaliwa naman pakaliwa rin sya, kaya ending.

Pumasok sya ng room.

Nagpigil nalang ako ng tawa, nung sa tingin koy ako yung nanalo.