Chapter 28
Malayo pa lang tanaw ko na yung likod ni Axel a. k. a Maxwell Boom Zubiri.
Sinundan ko yun hanggang sa maabotan ko yung bag niya.
"Oh kaimee?" nakangiting bungad niya sakin. Tiningnan ko lang sya ng seryoso, hayyss nakakainis parin. Naniwala nako nun eh.
"Ikaw, Ano bang full name mo ha?" inis na tono kong tanong sa kanya na dahilan ng pagtawa nito.
"Bakit? Interesado ka na ba sakin?" akma ko na syang babatokan ng hinarap niya yung bag pack nito.
"Okay na, tanggalin mo na yan"
"Ba't mo nga natanong?"
"Sagutin mo na!" Inis kong sagot dito, ang kulit kasi baka kung san san pa mapunta yung usapan namin.
"Okay, I'm Maxwell Boom Zubiri" formal niyang sagot.
"Birthday?" this time kinabahan na talaga ko kahit naman alam ko yung sagot, pero naninigurado lang.
"hayys, September 9, 1999, ano okay na? Baka gusto mo pa yung hospital? Juan de Luz Hospital! Ano? Satiisfied?" nakangiting sagot nito at naka thumbs up pa! Parang tanga! Tama nga yung impormasyon na binigay niya isang tao nalang yung kulang.
"Yung kay Max?"
"Ha? Ba't nasali sya dito? Akala ko pa naman--"
"Sagutin mo na!" agad kong sabi, ang daldal kasi, di kaya di talaga sya yung birthmate ko?
"Si Max, Maximo Alejandre Zubiri"
What? Anak ng-- akala ko tapos na yung revealation sa mga nakakapagod nilang names tapos may kulang pa pla.
"Opps, pero wag mong banggitin yung Maximo kay Max kung ayaw mong ma deds" ang arte naman nun? Kaya pala Max Alejandre lang yung nababasa ko sa account nito.
"Baka naman gusto mo pang marinig yung kay Rex?"
"Nako wag na, nakakahiya namn sayo! Pero salamat ah!" nakangiti kong sagot sa kanya.
"Sus, pasimple ka rin. Di mo nalang sabihin ako lang yung puntirya mo" akbay nito sakin tsaka pinagpatuloy yung paglalakad.
"May lakad ka ba mamaya?" tanong ko dito, nung matanaw ko na ang simbahan.
"Bakit? Yayain mo ba akong magdate?" natatawang tanong nito na dahilan ng pag irap ko.
"To naman di mabiro, wala naman bakit?"
"Samahan moko sa bahay!"
Sabi ko dito at tinanggal yung pagkaakbay at hinarap sya.
"Anooo? Meeting the parents na agad?"
ba't ba ang shunga nitong kausap? Di ko na napigilan at nabatokan ko talaga sya.
"Seryoso nga kasi, sige una nko!" paalam ko sa kanya at tinahak na yung gate.