Kabanata 14
Agad kong pinatay ang alarm clock at agad na kumilos para maligo at magbihis, sinuot ko lang ang simple jeans and tops nag apply ng pulbos at lipstick bago nag mamadaling lumabas.
Una kong pinuntahan ang kwarto ni Code at kinatok ito pero walang sumasagot. "Code? Code! Nakabihis kana ba Code?" katok ko.
Pero kahit anong lakas ng katok ko wala talagang sumasagot hanggang sa bumukas ang pinto ng kwarto ni Angel.
"Anong kinakatok mo diyan?" inaantok niyang tanong.
"Kanina pa ba gising si Code? Bakit hindi ko man lang narinig na bumukas ang pinto niya?"
Naplaplastikuhan siyang tumingin sakin bago naiiling na sinarado ang pinto niya. Hinawakan niya 'ko sa braso at hinila pababa ng hagdan, ine-expect kong nasababa na sila Lucas at gumagawa na naman ng ingay pero bukod kay Pauline wala na 'kong naabutan don.
"May kilala ka bang Code?" tanong ni Angel kay Pauline.
"Code who?" kunot noo na tanong ni Pauline at sumimsim ng kape.
"Ano bang joke 'to?! Code ang pangalan ng kapatid ni Angel at nililigawan niya 'ko kaya nga hinahanap ko kasi nag promise niya sa'kin kahapon na siya ang mag hahatid sa'kin sa school."
"May imaginary manliligaw ka?" tanong ni Angel. "And excuse me, only child lang ako kaya wala akong kapatid."
Mas lalong gumulo ang utak ko, paanong wala siyang kapatid eh kasasabi niya lang noon na magkapatid sila ni Lucas na bestfriend ni Code.
"Si Lucas? Kilala niyo si Lucas?"
Tumango naman sila. "Crush ko siya," sagot ni Pauline.
"Anong crush eh boyfriend mo 'yun! Ano bang kalokohan 'to?"
Gusto ko ng ngumawa sa takot pero iniisip ko na baka pinag tri-tripan lang nila 'ko. May mga picture ako kahapon at pag pinakita ko sa kanila iyon talagang maniniwala na sila sa'kin.
Agad akong tumakbo papasok sa kwartong tinulogan ko at kinuha lahat ng picture, hindi ko muna tinignan ang mga picture dahil nag mamadali ako kaya hindi ko alam kung alin don ang picture niya o picture ko kasama siya.
"Look at this pictures," at niladlad ko lahat.
Pinahiran ko ang mga luha habang nilaladlad lahat pero mas lumakas lang ang iyak ko ng makitang purong itim lang ang nasa picture na kinuha kong stolen at mag-isa lang ako sa mga picture na dapat kasama siya.
"Anong nangyayari? P-prank ba 'to? Hindi na 'ko natutuwa sa walang kwentang jokes niyo."
Wala sa kanila ang nag sasalita kaya agad kong kinuha ang shoulder bag at lumabas para sumakay ng Taxi, for sure kilala ni Felia si Code dahil ex-boyfriend niya ito. Tatanongin ko nalang din si Lucas kung nakita niya si Code.
Pinakita ko lang nag ID sa guard at agad na tumakbo papuntang classroom ni Felia, sakto naman papalabas siya kasama ang grupo nila.
"F-felia," tawag ko.
Tumaas ang isang kilay niya at pinasadahan ako ng tingin. "What?!"
Matipid akong ngumiti at lumapit. "Kilala mo ba si Code?"
Please lang sagutin niyo naman ako ng Oo, please wag niyo ng dag-dagan ang takot na nararamdaman ko.
"Are you insane? Pakialam ko sa mga stupid creatures?" irap nito.
"So you know him? You know him right?"
Nandidiri siyang tumingin sa'kin. "Wala akong kilalang Code."
Tumulo ang luha ko dahil sa sinabi nito.
"Paanong hindi mo kilala eh ex-boyfriend mo 'yun. Stop lying Felia, alam kong kilala mo si Code."
Gulat siyang tumitig sa'kin. "I don't know him! And for your information i'm No Boyfriend Since Birth!"
Tinalikuran niya 'ko habang ang mga kaibigan niya ay natatawang tumingin sa'kin bago sundan si Felia.
Imposibling hindi niya kilala si Code. Unti-unti ng naglalaho ang pag-asa ko sa buhay at kung sasabihin pa nitong si Lucas na hindi niya kilala si Code talagang guguho na 'ko.
Nagulat si Lucas ng bigla akong magpakita sa harap niya, luminga-linga pa siya na parang tinitignan kung nandito ba 'ko para sa kanya o para sa ibang tao.
"I'm here for you," sagot ko agad sa hindi niya masabing tanong.
"Ano yung miss?" tanong nito.
"Kilala mo ba si Lucas? Alam kong kilala mo siya dahil bestfriend kayo diba? Sabihin mo naman sakin kung nasan siya please?"
Kulang nalang ang lumuhod ako at umiyak sa harap niya para lang makita niya kung gaano ako nag susumamong sabihin niya sa'kin ang totoo.
"I don't know him."
Parang hindi lang ang luha ko ang sumabog kundi pati narin ang puso ko. Hindi ba talaga siya totoo? Imaginary lang ba talaga siya? Paanong hindi siya totoo eh kilala siya ng buong school, Mommy niya ang librarian kaya paanong hindi siya totoo?
Oo nga, ngayon ko lang naisip na paano magiging kapatid ni Angel si Code? Paanong magiging magkapatid sila kung laging nasa ibang bansa ang parents ni Angel dahil sa business nito while nandito lang sa school ang Mommy ni Code dahil siya ang nag ma-manage ng library.
Parang puzzle ng pumapasok sa utak ko ang mga dahilan kung bakit dapat akong maniwala na hindi totoo si Code at puro imahinasiyo lang lahat. Dapat ko ba talagang paniwalaan ang mga sinasabi nila? O mas maniwala ako sa sinasabi ng puso ko, puso ba talaga ang nag sasabi nito? O pinag lalaruan lang ako ng utak ko?
Pagud at wala sa sarili akong bumalik sa bahay nila Angel, naabutan ko ang dalawa na nag hihintay sa'kin sa labas ng bahay nilan. Gusto kong tumakbo palayo sa bahay na 'yon at puntahan lahat ng pinuntahan namin ni Code, hindi man lang namin natapos puntahan ang mga lugar na nakasulat sa notebook ko.
"Are you okay?" pahikbing tanong ni Angel.
Dahil sa tono ng pananalita niya mas lalo lang bumabaw ang mga luha ko.
"Hindi ba talaga siya totoo? Hindi ba talaga totoong tao si Code? Imagination lang ba talaga lahat?"
Tumango sila at inakay ako papasok sa loob. May kung sinong tinawagan si Angel kaya si Pauline nalang ang nakayakap sa'kin.
"Magiging okay ka rin, magiging okay din ang lahat."
Kahit hindi sigurado pinilit ko nalang ang sariling sumanggayon sa sinasabi ni Pauline. Sana nga bukas o sa makalawa okay na lahat, sana maging okay na 'ko.
"Tinawagan ko si Kuya mo, susunduin ka daw niya mamaya kaya ihahanda ko na mga damit mo."
Pilit akong ngumiti at tumayo, sumama ako kay Angel paakyat para tulungan itong ayusin ang mga gamit ko, pero hindi pa man ako nakakapasok sa pinto tumulo na naman ang mga luha ko.
Naalala ko na naman siya na nag hihintay sa labas ng pinto ko at kakatukin ako, naalala ko na naman ang yakap niyang lagi kong nasasalubong tuwing umaga.
Namimiss ko na naman siya, ang mga ala-alang gawa-gawa lang ng malungkot at malikot kong utak, mga ala-alang wala namang katotohanan.