Kabanata 15
Kinuha ko ang malaking painting at nilagay iyon sa pader na sinasandalan ng head board nitong kama ko. Finally! After maging successfull ng unang project ko at ng mga sumunod pang project agad akong bumili ng mga materials para sa bahay na gusto ko.
At ngayon tapos na ang bahay na pinagawa ko, ako narin ang gumawa ng mga paintings para hindi na gumastos pa. Bukod sa pag dedesign ng mga bahay bilang architect nabibinta ko rin ang mga designs ko bilang painter.
"Hang out tayo?" pag-pag ni Angel sa kamay na nadumihan dahil sa pag-ayos ng isang sofa.
"Are you free?" tanong naman ni Pauline sa'kin.
I nodded. "I'm always free!"
Nag paalam na ang dalawa kaya minabuti kong maligo narin dahil hindi na maganda ang amoy ko, pumili ako ng damit na mas mangingibabaw ang puti ng katawan ko at hubog din nito.
I decided to wear my favorite black dress mixed with red and wear my expensive earrings na kumikinang pag sinisinagan ng araw.
I texted the girls na ready na 'ko kaya senend naman nila sa'kin ang location ng pupuntahan namin. Isang exclusive bar ang napili nila, palibhasa mayayaman kaya ganyan nalang kung gumastos ng pera ang mga hinayupak.
"Girls!" tawag ko sa dalawa.
"OMG! Expensive car?!" turo ni Angel sa kotse ko.
"No, second hand lang ni Kuya."
Inirapan ako nito. "Anong second hand ka diyan? Gaga! Sa subrang mahal niyan mas mahal pa 'yan kaysa sa bahay mo."
Pumasok na kami sa loob at nag register muna sa VIP para less ingay more chika. Bababa nalang kami kung gusto na naming sumayaw kasama ang ibang tao. Lumipas ang ilang taon na kaming tatlo parin ang mag kakaibigan at mag kakasama may nadadag-dag man pero sa awa ng Diyos walang nababawas.
THE phone i owned vibrate kaya tinignan ko kung sino ang caller, nag excuse muna ako ng makitang si Kuya ko iyon.
"Yes hello Kuya?" sagot ko sa tawag nito.
"Be ready tomorrow okay? Kauuwi lang ng kaibigan kong gusto mag padesign ng bahay sa'yo."
Hinilot ko ang ilong dahil biglang sumakit iyon. "Ready the contract, ayokong mag trabaho na walang kontrata baka mabudol pa 'ko mahirap na."
Natawa naman siya dahil sa sinabi ko. Mas mabuti ng maging maingat at handa kaysa naman iiyak nalang kung nag kanda-letche-letche na lahat ng trabaho.
Pinatay ko na ang tawag at agad na pumunta sa dalawang parang tangang nag uunahan kung sino ang unang makakaubos ng tatlong bote nitong beer.
"Mauna na muna ako sa inyo, tumawag na ang Kuya ko kaya kailangan ko ng umuwi."
Tumayo naman si Angel at pagiwang-giwang na lumapit sa'kin.
"Pakisabi sa Kuya mo miss ko na siya pero hindi ko na siya mahal!"
Pigil ang tawa akong tumango, hindi na daw eh halos araw-araw nga iniistalk niya ang kapatid ko at iniistalk ang mga babaeng nalilink dito.
"Sabi mo eh."
Lumabas ako ng bar at agad na pinaharorot ang sasakyan papuntang bagong bahay, until now hindi parin ako nasasanay sabihin na ako ang may-ari ng malaking bahay na ito, sariling sikap at dugo ko ang puhunan kaya naitayo ko ito.
"I'm always proud of you."
Hindi parin siya nawawala sa isip ko, sa bawat bagay at trabahong ginagawa ko palagi siyang pumapasok sa isip ko. Naaalala ko kung paano ako magyabang na magiging magaling na Architect ako at ngayon nag katotoo na.
"Kahit hindi ka totoo alam kong proud ka ngayon sa mga narating ko, alam kong proud ka habang pinapanood ako mula da malayo."
Tiningala ko ang mga bituin sa kalangitan at nakangiting inalala ang komento nito tungkol sa inosenteng bituin.
"Stars don't shine idiot, they burn."
Natawa ako dahil naalala kong gumawa ako ng kalokohan after ng sabihin niya iyon at nadamay ko pa ang kaibigan niya, naalala ko kung paano niya halikan ang ulo ko tuwing galit o nag pipigil magalit. Naaalala ko parin ang amoy niya kahit hindi totoo, kahit hindi naman talaga siya totoong tao.
"Kahit nasusunog ang bituin kung kaya ko lang silang abutin, aabutin ko parin. Bahala ng mapaso basta maging totoo ka lang."
Kinuha ko ang susi sa bag ko at binuksan ang pinto, uminom lang ako ng tubig bago umakyat ng kwarto para mag toothbrush at mag tanggal ng kung anong nilagay ko sa mukha.
Natulog na ko pagkatapos gawin ang night routine ko pero before that i set my alarm first para hindi malate bukas, ang pinaka-ayaw ko pa naman ay ang nalalate ako sa kahit anong meeting.
Need kong matulog ng early at beauty rest narin dahil may client ako bukas na kikitain.
NAGISING ako dahil sa subrang lakas na tunog ng alarm at tawag mula sa mobile phone ko. Sinong matinong tao ang tatawag sa napaka agang oras?
It's only 6 in the morning for heaven sake kaya ano naman kaya ang reason nitong si Kuya at napatawag siya ng subrang aga?
"Hello?"
"Morning sister, nakabihis kana ba? Nag book ng reservation yung kaibigan ko, mamayang eight malapit lang sa bahay mo. I am expecting na hindi ka malalate."
And he ended the call. Bastos talaga ang lalaking 'to parang hindi matanda kung kumilos. Daig pa ang bata kong mag demand akala mo naman bumabagay sa kanya.
Walang choice akong bumangon at lumabas ng kwarto para mag luto ng pwede kainin for breakfast. Nag init narin ako ng tubig para mag kape, siguraduhin lang talaga nitong si Kuya na matutuwa ako sa client na sinasabi niya.
Binuksan ko muna ang TV para maglibang, may ilang oras pa naman ako kaya inabala ko nalang ang sarili. Saktong bukas ko ng TV sa mga mayayamang tao agad naka-focus ang palabas.
"Mr. Primo Code Pahardo, the owner of PCP Corporation decided to visit the land where he was born. Let's welcome Mr. Pahardo! Welcome back to the Philippines!"
Nanlalaki ang mata kong hinanap ang picture ng taong tinatawag na Code sa balita pero nanghina lang ako ng makitang hindi ito ang Code na nasa imagination ko, ibang tao ito at matanda na.
Pinatay ko nalang ang TV at kumilos na dahil naalala kong matagal pala 'ko kung mag ayos ng buhok at kailangan ko ng oras lalo na't may kahabaan na 'tong buhok ko.
Seven na 'ko lumabas ng bahay para pumuntang restaurant na malapit lang, okay na sana yung motor nalang kaso hindi pwede ang suot ko, i'm wearing a formal attire at hindi ko magagawang bumukaka para lang sa motor.