Kabanata 13
Binilang ng machine ang mga tickets ko at ang masasabi ko lang si Code ang nanalo sa whole game. Parang hindi pa siya pinagpawisan dahil sa mga laro namin.
"Tomorrow, nine a. m. sa park tayo at tayong dalawa lang."
Tumango ako dahil wala naman akong plano isama ang iba at gawing mga gulong. Nag-snack lang kami ng ice cream at umuwi na sa bahay nila, hindi namin napansin na mag gagabi na pala kaya pag pasok namin ay masasamang tingin ang pinokol nila sa amin, i hide at sa likod ni Code ako sumiksik.
"Why are you hiding?" he asked.
"Nakakatakot silang tumingin," sumbong ko.
Nag tataka naman na tumingin si Code sa mga kaibigan namin at inismiran niya lang ang mga 'to. Hinawakan niya ang pulsunan ko at hinila ako paakyat ng hagdan.
"Change your clothes."
"Pwede bang matulog na 'ko? Subra akong napagud kanina."
Nakangiti niya kong niyakap at hinalikan na naman ang aking ulo. "Sleep well."
Tumango lang ako at humalik sa kanyang pisnge, nilock ko lang ang pinto ng kwarto at hindi na nag abala pang mag bihis o maligo dahil talagang inaantok na 'ko ng subra.
Hindi ko na nakayang pigilan ang antok at agad na 'kong nilamon ng kadiliman at napunta sa mundo ng panaginip.
SEVEN days to go, pitong araw nalang at aalis na siya hindi ko alam kung may lakas pa ba akong ituloy ang pag-arteng kaya ko pa o susuko nalang, iiyak nalang at yayakapin hanggang sa maglaho siya.
"Bakit ganyan yang mga mata mo? Iniyakan mo na naman ba?" nag-aalalang tanong ni Pauline sa'kin.
"Hindi ko na alam kung paano kakayanin Pau."
Pauline smiled. "Ikaw ang pinakamalakas na taong kilala ko kaya alam na alam kong kakayanin mo lahat. Babalik din naman siya at alam kong pagbalik niya, pagbalik niya may maipagmamalaki kana."
Pinahiran ko ang luhang tumulo at inayos ang dress na suot, i wore black dress with pear designs. Sa park lang naman kami kaya hindi ko na kailangan pang mag-ayos ng subra.
May dala din aking camera para may pictures akong makukuha everytime hindi siya nakatingin o kahit nakatingin siya talagang kukunan ko siya ng picture for Album lang. For memories.
"Are you ready?" Code asked.
Mabilis ang naging lakad ko at agad siyang niyakap at sininghot ang kanyang amoy, ang bango talaga ng lalaking 'to at hindi ako mag sasawang amoyin siya araw-araw.
"Sapat ba yang perang dala mo?" tanong ko sa kanya kahit ang totoo naman wala akong planong gumastos ng malaki.
Hindi naman sa minamaliit ko ang yaman nila pero wala pang trabaho si Code, siguro buburaotin ko nalang kung malaman kong stable na ang buhay niya at may trabaho na siya.
"It's sunday today, simba muna tayo bago kita ipasiyal?"
Tumango ako at agad na pumasok sa kotse at hinintay na marating namin ang Cathedral kung saan kinasal ang mga magulang ni Code. Pumasok kaming mag kahawak ang kamay at naghanap ng mauupoan. Tanging ang pinaka gitna nalang ang may vacant kaya doon na kami naupo.
Sana, sana sa simbahan din na 'to ang huling hantungan ko kung saan nasa altar si Code at hinihintay ang paglakad ko. Sana, sana ang simbahan na 'to ang maging saksi na hand kong hintayin ang pagbabalik ni Code.
"Diyos ko, alam ko pong hindi magandang pangunahan ang desisyon mo pero sana. Sana po si Code na, sana siya na ang taong para sa'kin at kung hindi man, Lord ipilit niyo po, gawan niyo po ng paraan para maging fit kami? Lord God, bigyan niyo po ako ng sign hindi lang sa love life kundi sa pag-aaral, kung makakaya ko po ba ang mga daan na nilalakaran ko. Amen."
Pag mulat ko si Code agad ang bumungad sa'kin nakangiti niyang pinag mamasdang ang mukha ko, ni hindi ko nga alam kung para ba akong tanga o pangit ba 'ko pag nakapikit.
"I want to stay here with you i want to be with you."
Ngumiti lang ako at hinawakan siya sa pisnge, gustuhin ko man pero kailangan mo rin magtira para sa sarili mo Code, kailangan may gawin ka rin para sa ikabubuti at ikauunlad mo. Bumalik ka nalang kung nasa tamang panahon na at kung ako na ba talaga ang tamang tao.
Natapos ang ceremony at agad naming hinanap ang nagtitinda ng street food. Kumuha kami ng tag-isang malaking plastic cup at doon nilagay ang order namin.
"Kuya apat na kwek-kwek at tatlong luto nitong meat ball," wika ko at kumuha na.
Natatawa naman na ginaya ni Code ang ginagawa ko at kumuha din siya kagaya ng mga kinuha ko.
Gaya-gaya!
Kumuha ako ng another plastic cup for buko juice at nilagyan ko din siya para fair, siya na nga itong magbabayad tapos siya pa 'tong kulang ang kinain.
"Saan tayo pupunta after this?" tanong ko sa kanya.
"Movie world. Let's watch some movies," ngiti niya at pinaghila ako ng upuan.
"Di mo ba bet mag beach kasama ang barkada? I mean mas maganda parin kung mas marami tayo para mas masaya," suggest ko.
Hindi muna siya nag sumagot dahil pinag iisipan niya ng mabuti ang sinabi ko. Kinuha ko ang camerang nakasabit sa leeg at kinunan siya ng litrato, agad na lumabas ang picture kaya pinaypay ko lang iyon para mas mabilis na kumalat yung ink.
Ang pogi niya, seryuso ang mukha habang may hawak na plastic cup, hindi din nawawala ang kunot niyang noo kaya mas lalo siyang naging hot. Hindi ko pinakita sa kanya ang picture at agad ko lang iyon pinasok sa bag ko. Baka angkinin niya tapos wala akong maging memories.
Tumayo ako kaya napatingin naman siya sa'kin. Hinila ko siya at may tinawag akong bata para kumuha ng litrato namin.
"Why are we standing?" walang clue niyang tanong.
"Picture."
Unang pose namin ay nakasandal ang ulo ko sa braso niya habang siya nakahawak sa beywang ko. Ang pangalawang pose naman ay nasalikod ko siya at yakap ako, habang ako nakatingin lang sa camera. Sa subrang dami ng picture namin nahiya nalang ako sa bata kaya nilibre nalang namin ng kung anong gusto kainin nito.
"Hihingin ko yung isang picture," wika ni Code.
Tumango ako at nag labas ng picture, i choosed the one na nasa likod ko siya at nakayakap sa'kin while ako nasa camera lang ang tingin. Hinalikan ko muna ito sa likod bago ibigay sa kanya kaya nagiwan ng lips mark ang naging halik ko sa likod nito.
"I like you.