Chapter 2
It's been 2 days since Shobe introduced her new guy. All I can say is she's really happy with that man. True love na ba? Hindi pa ako sigurado. Pero sa ngayon masaya rin akong masaya ang kaibigan ko sa kung anong meron siya.
Pinunasan ko ang tumutulong pawis sa aking noo gamit ang tissue. Huling roll na lang kaya ng pagkakuha ko ay ubos na. Itinabi ko na lang ang balot at pinagpatuloy ang pagpupunas sa sarili.
Inilibot ko ang paningin sa buong silid. Malinis na ang mga mesa, ang floor at ang bawat sulok ng silid. Ang board namin ay pinipinturahan ng kulay dark green para maging maayos ito.
May darating na bisita at titingin sa bawat room. Kumbaga para itong plus points sa aming mga estudyante. Kailangan naming pataasin ang grades namin sa lahat ng subject dahil malapit na kaming gumraduate ng high school. Sayang naman kung babalik pa ulit kami dahil lang sa isang bagsak na grado.
Kabilaan ang ingay na ginagawa ng mga kaklase ko. May nagbabardagulan, may iilang seryoso sa ginagawa. Ganito naman talaga kapag high school life. Magulo. Madaming challenges.
Dahil ang high school life ay paghahanda para sa college life.
Pero ako, hindi ko alam kung aabot pa ba ako sa paghahanda na iyon.
Naupo ako sa bakanteng table habang pinapakalma ang sistema kong nagwawala dahil sa pagod. Ramdam ko ang bilis ng kabog ng aking dibdib.
"Tubig?"
Nalingon ko sa gilid ng marinig ang boses ni Shad. May hawak itong watter bottle na sigurado akong sa kaniya. Kinuha ko na lang iyon at uminom.
"Bakit nga pala nandito ka? Dapat tumutulong ka sa mga kaklase mo."
"We're done already. Kahapon pa kase namin sinimulan."
Ang sisipag. Kaya kilala ang section nila. Hindi dahil maraming gulo, kun'di isa sila sa mga responsible student sa university na 'to. Karamihan sa kanila ay top student ng school, ang iba ay kasali sa mga well-known club ng university. At isa na doon si Shad.
He's a guitarist from Pacific band. One of the best band here in our university. Nakasali na rin sila sa ibang competition na nirerepresinta ang school.
"Lunch tayo?"
Tinignan ko ang mga kaklase ko. Madami pang ginagawa. Hindi sapat ang buong araw na 'to para ayusin ang room namin. Bukod kase sa paglilinis ay maglalagay pa kami ng decoration para naman hindi plain ang room.
I gave back my look to him and smiled. "Hindi na muna siguro ako sasabay. Si Shobe na lang ayain mo, magkaklase naman kayo."
Sinabayan ko ang paglakad nito. Lumabas kami saglit dahil umaalingasaw na ang amoy ng pintura sa pwesto namin. Ang sakit sa ilong!
"Kasama niya 'yong Anthony," he said. "Hintayin na lang kita. Hindi pa naman ako gutom."
Tinaasan ko siya kilay at 'wari'y sinusuri siya.
"Balik na ako," ani ko.
Hindi pa ako nakakapasok sa loob ng tawagin niya ulit ang pangalan ko. Tumalikod ako upang salubungin ang tingin nito.
"Ilalagay ko lang 'to sa likod mo, hindi magandang matuyuan ng pawis," he said and smiled. He put the towel on my back before letting go back inside our room.
Tumulong na akong muli sa pag-aayos ng silid para mas mapabilis kami. Iyong ibang officers namin ay binabawalan na ang iba na magharutan at tulungan na lang kami.
—
"Macaroni sa lunch?" Natatawang tanong ni Shad. "Mahahalo mo ba 'yan sa kanin?"
"I don't want to eat rice now. Nagdi-diet ako."
"Ang payat mo na, magdi-diet ka pa? It's not good for your health."
Nanatili akong nakikinig sa usapan ng dalawa. Patuloy sila sa pagtatalo sa pagkain ni Shobe samantalang itong katabi ko ay parang walang pakialam dahil hindi siya matigil sa pagkain. Gutom na gutom ba siya?
"Akala ko ba hindi ka pa gutom?" He looked up. "Sabi mo sa 'kin kanina, and now you're eating like there's no tomorrow."
"Syempre kanina pa 'yon."
"Sus, palusot mo bulok na. Ba't 'di mo na lang aminin na nagugutom ka na kanina, ayaw mo lang mauna kase gusto mo akong kasama."
"Kung alam mo lang!" Pagsingit ni Shobe.
"Na?"
Nagkatinginan ang dalawa. Nanliit ang bilugang mata ni Shobe, si Shad nama'y walang ibang reaksyon sa mukha kun'di ang blanko at parang malalim na iniisip.
"Try this one." Pagpuputol ni Anthony sa usapan nila.
Mukha namang wala rin silang balak na ituloy pa ang pinag-uusapan. Ang awkward na rin. Thank's to Anthony! He saved the day anyway.
Napairap ako sa hilo dahil sa rami ng gagawin. I'm finding my folder. I forgot where I put it, tinutulungan na nga ako ni Shobe sa paghahanap ngunit hindi pa rin namin makita.
"Baka naman wala dito?" she said. Umayos ito ng tayo at nagpamewang akong hinarap. "Sure kang dito mo naiwan?"
Tumaas-baba ang balikat ko bilang sagot. Hindi ko rin sigurado.
"Kung pwede lang 'yon ipa-ring, ginawa ko na."
Tumigil na siya sa paghahanap. Sumusuko na rin ako. Sayang, nandoon pa man rin ang report namin para bukas. Nakakapanlumo.
Bumukas ang pinto ng silid. Dahil sa papalubong na ang araw ay hindi maliwanag ang labas. Medyo madilim na rin at hindi ko kita kung sino man iyong nagbukas ng pinto.
"Anthony?"
"It's not Anthony. Bukang bibig mo na iyon, ano?"
Binuksan ni Shad ang ilaw. Doon pa lamang namin nasilayan ang mukha nito. Bakas ang pagod sa kaniyang mukha. Madami rin kase silang ginawa kaya sa buong araw na 'to ay ilang oras lang kaming nagkasama.
"Alam mo ba saan ko nailagay 'yong folder?" tanong ko.
Tumaas ang kilay niya. Ani mong nag-iisip. "Naiwan 'ata sa bahay, iyong ginawa mo kagabi?"
I nodded. Sa bahay kase nila namin 'yon ginawa. Kahit na may ka-group mate ako, ako pa rin ang mag-isang gumawa ng report. May ambag naman sila kahit papaano. Sadyang ako ang leader kaya ako ang nag-edit at print ng buong report.
Palagi namang ganoon. Nasasanay na ako kahit na hindi naman dapat. Because we all need to cooperate, hindi biro ng report. Lalo na kapag ang teacher ay terror. Nagiging tiger makakita lang ng isang mali.
"May ginawa kayo kagabi?" Nanlalaki ang mata niyang sabi.
"Oo," sagot naman ng isa.
"Masarap ba? Matigas? Oh my god! Umamin na kayo!" Tumitiling ani niya.
Hindi ko maintindihan kung anong nais niyang ipahiwatig. She's crazy. Napailing na lang ako bago isandal ang katawan sa upuan. Ang puting kisame ang aking kaharap ngunit pakiramdam ko sobrang layo ng tinitignan ko. Pakiramdam ko'y lagpas pa sa bubong ng silid na ito ang natatanaw ko.
Out of nowhere, I ask him. "Na-in love ka na ba, Shad?"
I can feel their eye are looking at me. I took a deep breath before looking at them.
"Naranasan mo ng mahulog sa isang taong... Isang taong hindi mo inaasahan?"
He shook his head, saying: no. "I never experience. Ikaw ba?"
A smile drawn on my lips as he ask that. I actually don't know what to say. Oo ba o hindi? Oo siguro pero hindi ako sigurado. In love ba ako?
"Tara na, gumagabi na," Pag-aaya ko sa dalawa.
Nang makalabas ay ako na rin ang nagsara ng pinto. Since I'm the one who's holding the key. Kaya even I don't want to go to school, napipilitan ako dahil sa susi na 'to.
Nagpaalam na si Shobe, tinawagan na kase siya ni Tita at kailangan na niyang umuwi dahil may bisita siya sa bahay. Kami naman ni Shad ay naiwan sa parking lot.
"Fort," ani nito sa mababang tono.
Hinintay naming makadaan 'yong guard bago ko siya nilingon. Nagtama muli ang aming paningin. Sa sobrang lapit ng mukha nito ay ramdam ko ang ang paghinga niya sa aking noo. Bahagya ko pang inangat ang paningin na halos maduling ako dahil sa sobrang lapit nito.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," Nagsalubong ang mga kilay niya. Nagpapalipat-lipat ang tingin sa dalawang mata nito na para bang sinusuri ang aking kaloob-looban. "Have you ever fallen in love?"
Pakiramdam ko ay mapupugot ang hininga ko ano mang oras kapag hindi ako umalis sa bisig nito. Damn! I hate to admit it. Ramdam ko ang pangingilid ng luha sa aking mata.
"Inaantok na ako, Shad. Umuwi na tayo." Iyon na lamang ang nasabi ko.
—
Nakahilata sa kama at tulalang nakatingin sa puting kisame sa nababalutan ng mga glow in the dark stars. Sa isang gilid ay may buwan. Ang silid na ito ay parang kalangitan, kahit na walang bituin at maulap ang langit, this room is here for me. This is here to show me incredible things.
I don't know what's happening.
I hate this feelings.
"Tanging ikaw ang sigaw ng puso araw-araw. Aminin ko na sa 'yo—"
Pinatay ko ang musika sa aking cellphone. Nakakarindi rin na paulit-ulit mo na lang naririnig ang kanta. Magmula kanina hanggang ngayon, pitong beses ko ng nakompleto ang kantang iyon. Pang-walo ang pagkakataon na ito ngunit nagsasawa na ako.
I looked at my phone again. Bumungad sa akin ang wallpaper kong bituin, naka-edit iyon with my photo and Shad's photo. He did it. Ang ganda. I been using this as my wallpaper for almost a year. Taon-taon rin kase ako nagpapalit. At baka sa katapusan ng November ay magpalit na naman ako dahil another friendship anniversary na naman iyon.
Napapaisip tuloy ako, when I can experience the anniversary? The real one. Relationship anniversary ba. Iyong tipong kasama mo 'yong boyfriend mong nagce-celebrate.
But I don't have one! Iyon lang.
Malalim na ang gabi ngunit hindi ko pa rin nararamdaman ang antok. Nagbuntong-hininga na lamang ako ng maalala ang nangyari kanina. Hindi ko maiwasang hindi isipin kung gaano kalapit ang mukha namin ni Shad sa isa't isa.
Napahawak ako sa aking pisnge nang maramdaman ko ang pagtaas ng dugo ko. Ang maiinit na pakiramdam na ngayon ko lang ulit naramdaman.
Am I blushing?
And its because of him.
Ilang beses akong napakurap. Tumitig sa isang maliwanag na glow in the dark star na nasa aking harapan.
Am I in love?
Napahawak ako sa aking dibdib ng maramdaman ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Parang hangin na dumampi sa aking isipan si Shad. Ang ngiti nitong matamis, ang mata niyang nangungusap, ang labi nitong kasing kulay ng rosas.
No, this can't be!
Umayos ako ng higa at pilit na inaalis sa aking isipan si Shad. Pumikit ako, umaasang mapapanatag ang aking sistema. Hindi naman ako nabigo dahil sa huli'y dinalaw rin ako ng antok.
—
Hinila ko ang bag sa aking kama habang ang kabilang kamay ay nag-spray ng pabango sa buong katawan ko. Pagbaba ko ay si Shad ang bumungad sa akin sa sala. Naka-upo ito at nagbabasa sa notebook niya.
"Kanina ka pa?"
Umiling ito. "Hindi naman. Pwede na tayong umalis?"
Sa byahe, hindi ako nagbukas ng kahit anong topic. Pakiramdam ko kase ay hindi ko siya matatagalan kung magsasalita ako.
"Ba't ang tahimik mo?"
Nakabukas ang aircon ng sasakyan niya ngunit ramdam ko na pinagpapawisan ako. Ang lamig ng bawat butil ng pawis na dumadaloy sa aking balat.
"Fort? Nandiyan ka pa ba?"
"Pakibukas ng bintana. I need some fresh air," I said without looking at her.
I bit my lower lips when I saw his action on my peripheral vision. He turned off the air-condition and opened the window of his car. Sa labas ko itinuon ang aking pansin at inabala ang sarili sa ibang gawain.
Nang makarating kami sa school ay pinark ni Shad ang sasakyan niya sa bakanteng space sa parking lot. Kaagad naman akong bumaba, hindi na inantay pang pagbuksan ako ng pinto ni Shad.
Iyon ang iniiwasan ko. Ayaw ko munang ma-attouch masyado sa kaniya since I still don't know what it is. Kung ano talaga itong nararamdaman ko. I need to talk to Shobe about this.
Ngunit pagpasok namin ng campus ay bulong-bulungan sa bawat sulok ang pangalan ng kaibigan ko.
"Did you saw her new post?"
"Si Shobe ba? Oh god!"
What about her? I immediately grabbed my phone and opened my account. I stalk Shobe's account.
@cadoñaSD
(Photo)
I trusted you a lot, but you broke it, A.
Samot-saring reaksyon ang komento ng kaniyang IG followers. Naka-attouched dito ang litrato niya kasama ang isang lalake, kahit nakatalikod silang dalawa ay alam kong si Anthony iyon. Ang caption nito'y I trusted you a lot, but you broke it, A.
May kakaiba bang nangyari sa kanila?
Mukhang si Shobe ay may kailangan ng kausap ngayon.
"S-Shad, pakisabi kay Shobe na magkita kami sa tabi ng grade 12 faculty."
Ang namumungay nitong mata ay natuon sa akin. Dumampi ang malapad na palad nito sa aking balikat bago sa aking buhok. He smiled. "Sige. Mukhang kailangan niya ng tulong."
Hinatid ako nito sa aking silid dahil mas malapit ang building ng HUMSS, ang STEM ay malapit naman sa likod ng university.
Isang kaway mula sa kaniya ang aking natanggap pagpasok ko sa loob ng classroom. Mabuti at wala pang teacher kahit na late na ako.
Muli kong kinuha ang aking cellphone at chineck ang number ni Shobe sa aking contact. I sent her a message even though Shad will do my command.
Usap tayo?