Chapter 1

9 years after

Hindi malabong maging matalik na kaibigan ang isang taong hindi mo inaasahang darating sa buhay mo.

Iyon bang akala mong masungit siya pero sobrang bait pala. Iyong tipong hindi siya pala-salita ngunit ng tumagal ay mas madaldal pa siya sa parrot.

He became my friends since the day I asked him to be my friends. I didn"t expect that he'll give me that opportunity. Ngunit ang mas hindi ko inaasahan ay tumagal ang pagkakaibigan namin ng sobrang tagal.

It's been 9 years since the day we met.

It's been 9 years and we're still strong.

Kinuha ko ang pinggan at sinandukan ng spaghetti. Nilagyan ko rin ng pancit, shanghai at ketchup. Nang makarating sa dulo ay nilagyan ko ng kalamay ang isang gilid ng plato.

"Ubusin mo iyan, para naman tumaba ka," ani ko saka inilapag ang kinuhang kong pagkain.

"Ikaw 'ata ang kailangang kumain ng marami."

"Sus, bakit hindi mo tignan 'yang sarili mo sa salamin? Ang payat-payat mo, Shad."

Totoo namang payat siya. Sa dami ng trending ngayon, sa pagiging payat na matangkad pa siya sumabay. It's better to chubby kaysa naman malnourished.

"Inaano ka ba ng buto ko," ani nito at bumusangot.

Natawa na lang ako sa inasta niya. Hindi na nasundan pa ang usapan namin dahil sinimulan na naming kainin ang mga pagkaing nakahapag sa aming harapan habang nakikinig sa kwento ng iba naming kaibigan na kasama namin dito sa mesa.

"Happy birthday, Anika!" Sigaw naming magbabarkada.

Isa-isa kaming lumapit kay Anika at nakipagbeso dito. She's the birthday girl. Ang gara ng pa-18th birthday niya. Puno ng flowers, balloons, mga pagkain at alak na hinding-hindi nawawala sa tuwing nagce-celebrate siya ng kaarawan niya.

"Mabuti at nakadalo kayo. Akala ko hindi pupunta si Shobe."

"Ako? Bakit naman hindi?" Tumaas ang kilay nito.

"Si Shobe pa, adik sa alak 'yan!" ani ng isa.

"Adik rin sa lalake!" Gatong naman ng isa pa na sinundan nila ng tawa.

Iyong taong inaasar nila ay inirapan lang sila. Tumayo si Shobe at kinuha ang baso ng wine. Itinaas niya iyon sa ere.

"Cheers para sa mga kaibigan kong may garapata ang utak."

"Cheers!" Sigaw namin habang pinagdidikit ang mga baso.

Ibinaba ko ang baso ko ng hindi iniinom ang laman nito. Hindi ako umiinom. Bawal sa akin ang alcohol pero alcohol ang inabot sa akin kahit na ang sabi ko kay juice na lang.

Mayamaya, natuon ang pansin ko sa katabi ko. May hawak itong baso sa kaliwang kamay habang kinakalabit ako.

"Akin na 'yong sa'yo, ito'ng inumin mo," ani nito.

Walang pag-aalinlangan kong kinuha ang juice na hawak niya saka inabot ang kanina ko pang drink. I smiled and thanked him.

Inabot kami ng gabi ng matapos ang selebrasyon. Ang daming naganap! Ngunit lahat ng iyon ay puro masasaya. Bawal ang bad vibes ngayong araw.

Litaw na ang bituin sa madilim na kalangitan ng lumabas kami sa silid. Ang buwan ay maliwanag gaya ng mga ilaw sa kalye ng lugar na ito. Ang sarap rin sa balat ng malamig na hangin na dumadampi sa aking balat. Hindi ko tuloy maiwasang mapayakap sa aking sarili.

"Good night, Fort," bulong niya sa aking tainga.

"Good night, Shad," ani ko. Bago pumasok sa bahay ay tinignan ko muna ang pag-alis nito, ngunit nalingon siya ulit sa akin. "B-Bakit?" tanong ko ng muli itong lumapit.

Nag-angat ako ng tingin dahil sa tangkad nitong hindi ko kailan man maabot. Nagtama ang mga mata namin, nginitian niya ako na ang iginanti ko lang ay ang pagtaas ng kilay.

"'Yong helmet ko hindi mo pa natatanggal." Natawa siya sa huli.

Ramdam ko ang pamumula ng pisnge ko. Ibinaling ko na lang ang atensyon sa helmet at kunwaring hindi nahihiya sa inasta.

I forgot that I'm still wearing his helmet. Nakakahiya.

—

Habang nakahilata sa kama ay hindi ko maiwasang maisip ang nangyari kagabi. Sa sobrang pagod ko ay kaagad akong nakatulog, ngunit hindi ko inaasahan na ngayon ko maiisip ang mga bagay na iyon.

Nakakahiya na maisip muli ang inasta ko sa harap ni Shad.

Pero bakit nga ba?

Nakatatawang isipin na hiyang-hiya ako sa bagay na hindi ko alam kung ko kinakahiya. I'm not expecting him to say sweet goodbyes nor a action that will show a sweetness. I didn't, I promise.

"Bruh!" Inis ang umupo sa kama.

Kita ko sa salamin ang gulo ng buhok ko. Ang make up ko'y sira na. Ang mahal pa man rin ng ginastos ko dito. Hindi man lang ako nakapagpicture. Sobra kase akong na-busy sa pakikipag-kwentuhan sa mga kaibigan namin kaya wala na akong oras magtake pa ng picture.

Inayos ko ang buhok at sinubukan na ayusin rin ang make up pero hindi ko na talaga kaya pang ayusin. Hindi ako make up artist, at kahit na dalaga na ako ay hindi ko pa rin alam kung paano ayusin ang sarili gamit ang make up.

"Ayos na iyan, maganda ka naman."

Halos tumalon ang puso ko sa gulat ng magsalita ang kung sino mula sa pinto. Nakatayo doon si Shad, nakapa-cross ang braso at nakasandal sa pader. May hawak siyang paper bag na polka dot.

"Bakit ang aga mo?"

"Maaga? Sure ka?" Tumaas ang kilay nito.

Nilingon ko ang orasan. 11?!

"Sabi sa 'yo," ani niya at natawa sa huli.

Napairap na lang ako at tinangal ang tabon sa mukha. Kanina kasi ay tinakpan ko ng malamang nandito siya. Kahit naman parati kaming nagkikita at madalas niya akong makitang bagong gising ay nakakahiya pa rin.

Kita ko kayang may laway pa sa gilid ng labi ko! Sinong hindi mahihiya kapag ganoon. Masyadong napasarap ang tulog ko kaya pati laway ko, tumulo na.

“Saan ka punta?”

Hindi ko siya pinansin. Nagtuloy-tuloy ako sa banyo ng silid ko. Pagdating sa loob ay kaagad kong inayos ang buhok. Tumungo ako sa lababo upang maghilamos at tanggalin ang make up ko.

Paglabas ay nakahilata na ito sa kama ko. Maayos na ang pagkakayupi ng kumot at ang mga unan ay nasa pwesto na rin. Hindi gaya kanina ng iwanan ko siya dito.

"Ano nga pa lang sadya mo dito?"

"May sasabihin ako." Sa boses pa lang niya ay kinakabahan na ako.

Tumaas ang kilay ko. Naghihintay sa sasabihin niya ngunit hindi na nito itinuloy. Bagkus ay naglakad siyang muli patungo sa kusina kaya naman hinawakan ko ang braso nito, ramdam ko ang tigas ng muscles niya kahit hindi halatang naggi-gym siya dahil sa payat nito.

May abs naman siya. Apat nga lang... At parati ko 'yong nahahawakan.

"Ano ba kase 'yon, Shad?"

"Binilhan kita ng pizza, baka gusto mong gawing breakfast."

"Shad?"

"Tita, masarap ba? Ngayon lang kase ako bumili sa shop na 'yon e."

Bumagsak ang aking balikat dahil sa mga sagot nito. Halata namang umiiwas siya sa usapan. Mas nacu-curious tuloy ako kung anong nais niyang sabihin na hindi na niya sinabi sa akin.

Is it bad or good? Whatever it is, I want to know it. Gusto kong malaman. H'wag sana niya akong ipag-overthink.

Lumipas ang magdamag ng hindi ko nakukuha ang nais kong sagot kay Shad. Everytime I'm asking him, palagi na lang baliko ang sagot niya.

Kaya sa huli ay hindi na ako nangulit pa. I let him. Hindi pa siguro siya ready na sabihin sa akin, o baka wala? I mean, baka trip niya lang akong ipag-overthink. Na wala naman talaga siyang sasabihin.

Kapag talaga tama ang hinala ko, pepektusan ko ang mokong na 'to!

Tumunog ang cellphone ko, hudyat na may tumatawag sa akin. Kinuha ko 'yon at sinagot. Bago pa ako magsalita ay ibinaba ko ang hawak kong tinidor.

"Girl!" Tili ni Shobe kaagad ang narinig ko. "Punta ka dito, may mga booth ngayon."

Booth? "Saan?"

"Sa school. Tapos libre mo 'ko."

Libre. Narinig ko na naman ang libre sa bibig ng babaeng ito. Napairap ako kahit alam ko naman na hindi niya ako nakikita.

"Gusto mong pumunta sa school?" tanong ko sa katabi ko. Inilipat niya ang channel ng TV bago ako nilingon.

"Ikaw, gusto mo ba?"

Tinatanong ko siya tapos ipapasa sa akin. Ang hilig talaga nitong magbalik ng tanong. Bumalik ako sa kausap ko sa kabilang linya. Tili siya ng tili na akala mo'y nasa concert. Sa school lang naman ang location.

"Pupunta kami diyan."

"May kasama ka?"

"Syempre, hindi naman ako pwedeng mawala, 'no!" Pagsingit ni Shad. Kinuha pa ang cellphone at pinagtutukan ang sinabi nito. Pinatayan siya ng tawag ni Shobe kaya ibinalik na lang niya sa akin ang cellphone ko.

"Magbihis ka na, lulu."

Pinagtutulakan ako nito hanggang makapasok muli sa silid ko. Parang kanina lang wala siya sa mood, ngayon, nagmamadali naman. Nako, may tinatago sa akin itong si Shad. Hindi ko 'to dapat palagpasin.

Naghanap ako ng damit sa drawer at naghilamos. Nakaligo naman na ako kanina kaya ayos na 'to. Wala pa namang dalawang oras magmula ng maligo ako.

Sinubok ko sa harap ng salamin ang apat na pares ng damit na nahalungkat ko sa drawer. Lahat ng 'yon ay bago, maganda, at bagay sa akin kaya nahirapan rin akong pumili. Ngunit sa huli ay pinili ko na lang na mag-square pants at dilaw na shirt na ipininata sa pants. Naglagay na rin ako ng kwintas na galing kay Shad, may pendant itong sunflower at hair bund na kulay dilaw. Pares sa suot ko.

Bago lumabas sa silid ay nagsuot na ako ng medyas at sapatos na puti.

Inip na inip ang lalaking naghihintay sa akin sa labas ng bahay. Wala sigurong minuto na hindi siya tumingin sa relo niya.

"Ayos na ba? Hindi ba baduy?"

"Talikod." Utos niya. "Harap."

Tumagili ang ulo ito ngunit kalaunan ay nag-angat ng tingin sa aking mukha, dumapo sa ulo. Ang akala ko'y tapos na ngunit bumaba ulit ang tingin nito sa aking leeg.

Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi bago buksan ang pinto ng kaniyang sasakyan. Napailing na lang ako sa inaakto nito. Ngiting-ngiti na naman siya dahil nagamit ko na ang ibinigay nitong kwintas.

"Buti sinuot mo iyan," sambit nito ng hindi nawawala ang ngiti sa labi. Lumilitaw tuloy ang dimples niya.

"Bakit naman hindi?"

"I thought you'll never wear that, alam ko namang hindi ka into flowers but I still buy it."

"It's not flower after all. It's a necklace. H'wag mong problemahin 'yong pendant."

Nanatili akong nakatingin sa labas ng bintana. Hindi na ako nakatanggap ng sagot mula sa kaniya kaya itinuon ko na lang ang pansin sa daan habang hindi matanggal ang hawak sa aking kwintas.

Inihinto niya ang sasakyan sa parking lot. Hindi pa kami nakakababa ng makita ko si Shobe na naghihintay sa isang tabi. Hindi siya naiinip dahil may kausap siya.

Lalake na naman!

"May bago," bulong ni Shad. Tinanguan ko siya saka inayang lapitan na sila.

"Hello, guys! I'm with Anthony, no need to libre me na dahil may date kami."

Kumalawit siya sa braso nong Anthony. Nginitian ko na lang sila kahit na marami akong gustong itanong kay Shobe. Hindi na muna sa ngayon, mukha naman na siyang masaya.

"Fort."

"Shad."

—

"Transferee?" Bulong kong tanong kay Shobe.

Wala si Anthony at Shad, nandoon sila sa isang booth na nagtitinda ng miryenda. Habang kami naman ni Shobe ay naghihintay dito sa bakanteng upuan, dito sa grandstand.

"Oo, kahapon lang kami nagkakilala."

Bakas sa mukha niya na kinikilig siya. Nako, delikado na.

"Sa online na naman ba?" Nag-aalalang tanong ko.

"Hindi!" Umirap siya. "Nagkita kami sa Rose Cafe kahapon."

"Tapos?"

Sa lahat ng lalaking nakasama niya. Dito sa Anthony ako naging interesado. Paano ba naman sa dinami-rami ng lalaking nakarelasyon nito, lahat iyon ay nakilala niya sa social media. Itong si Anthony lang ang nakikala niya sa personal.

Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan. Sumulyap ito sa paligid bago bumalik ng tingin sa akin.

"Kinuha ko number niya. We texted the whole day," sabi niya na may ngiti sa labi.

Bumagsak ang balikat ko ng sabihin niya 'yon. I thought— nevermind.

"Hindi pa kase tapos. OA ka," Inirapan niya ako. "So after we met, we talked and—"

"Natagalan kami, ang dami kasing nakapila."

Inabot sa akin ni Shad ang binili nitong inumin at tinapay. Nilingon ko si Shobe na tinaasan lang ako ng kilay bilang senyas na mamaya na lamang niya itutuloy ang kwento niya.

Tinanguan ko siya bago nagbalik ng tingin kay Shad. Inaya ko itong umalis doon upang mabigyan ng space ang dalawa.

Kakaiba ang pakiramdam ko sa Anthony na iyon. There's something really special to him. Hindi ko pa nakita si Shobe na namula ng dahil sa lalake. Oo, she have a lot of guys but no one make her blush.

"May sinabi sa 'yo si Shobe?" tanong nito.

I look up. Our eyes met and I can see his curiosity. I shooked my head and just continue eating my food.

"Ayaw mong sabihin? It's fine. Kapag gusto niyo nang sabihin sa akin, free naman ako. Kung ano man iyan, mapa-bad o good, pakikinggan ko."

"Anong feel mo sa Anthony na 'yon?"

Sabay naming tinignan ang kabilang parte ng grandstand kung saan nakaupo sina Shobe. Nagsusubuan sila ng pagkain na hindi ko alam kung ano.

"Okay naman."

"Okay? What do you mean?"

"I don't want to drop anything about him. Hindi ko siya kilala. For now all I want is to watch Shobe," he took a sip. "Watch her to be happy with her new man."

Walang salitang lumabas sa aking bibig. Nanatili ang paningin ko kay Shad na abala na sa kaniyang pagkain. Hindi ko mawari kung anong iniisip niya, ngunit ano man iyon, masaya ako na masaya siya para sa kaibigan namin.

Lalake siya. At alam kong may parte sa kaniya na naiinis sa tuwing may sasaktan at mananakit na lalake sa kaibigan namin.

Pinitik nito ang noo ko na ikina-aray ko. Napahawak ako sa noo ko at masama siyang tinignan.

"H'wag kang mag-overthink," ani niya saka natawa.