Chapter 3

It's 4 in the afternoon. Tapos na ang klase at kasalukuyang naghihintay sa gilid ng canteen dito sa building ng grade 11 ABM student.

Hindi gaanong mainit sa labas dahil malapit na rin namang lumubog ang araw. Mas mabuti rin sigurong dito ko na hintayin si Shobe, bukod sa presko ay tahimik rin dito dahil karamihan sa mga ABM student ay naka-uwi na.

Tingin sa paligid at sa cellphone. Iyan ang ginagawa ko minu-minuto. Naghihintay kay Shobe, at baka magmessage rin si Shad. Maghihintay rin kase siya sa parking lot para sa akin. He doesn't want to join us, kanina ko pa siya pinipilit at sinasabi na dalawa kaming kumausap kay Shobe pero ang dahilan niya ay "girls talk" kuno kaya pinabayaan ko na lang.

Isa pa, may practice sila para sa darating na contest. Representative sila ng school para sa "2023 paradise", laban ng mga banda sa iba't ibang parte ng luzon, at kung hindi ako nagkakamali ay hindi lang luzon.

Mayamaya pa ay tumayo na ako at kinawayan ang babaeng naglalakad mag-isa sa mabuhangin na field.

"Kumusta ka?" tanong ko dito.

Inabot ko ang binili kong tusok-tusok sa kaniya.

"Hindi ko alam, Fort. Okay pa ba ako?"

Bakas sa mukha nito ang pagod, stress, sakit. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganyan. Nandito ako para kausapin siya tungkol sa ganoong bagay. I'm concern to my friend. Hindi ako sanay na ganito kaputla ang kaibigan ko. She's not Shobe that I know, ibang-iba ang postura niya ngayon.

Inilapit ko sa kaniya ang lemonade. Hindi na ito nagbigay ng kahit anong salita dahil abala siya sa pagkain niya. Ako nama'y umayos ng upo at humarap sa field.

Tanaw na tanaw mula sa kinauupuan namin ang langit na kulay asul na nahahaluan ng kulay pink, dilaw, at kahel. Ang ganda. Kung anong ganda ng langit, siya namang pangit ng araw na 'to.

Ang daming problema na hindi masulusyunan. Problema pa nga ba ito? Ang sabi ng Nanay ko, kapag may problema ka at kahit anong gawin mo ay wala ka pa rin mahanap na solusyon, pag-isipan mo ng mabuti dahil baka hindi na iyan problema. Baka pagsubok lang. Baka binigyan ka lang ng pag-iisipan tapos paggising mo kinabukasan ay ayos na.

Iyon bang pagmulat ng mata mo, okay na. Wala na iyon sa isip mo, hindi ka na nai-stress sa pag-iisip kung bakit at paano masosolusyonan ang ganoong bagay.

Malay mo... Malay natin hindi pala talaga 'to problema, baka pag-iisip lang talaga.

Pero sa tingin ko'y hindi.

Sumapit na ang bukas at hindi pa rin ako naaalis sa kulungan ng kahapon. Alam ko, hindi lang pag-iisip ang buhat-buhat ko. Problema na 'to. At sa problemang ito dapat kong mahanap ang solusyon, sapat kong magawa, matapos ang problemang ibinigay sa akin bago pa mauna ang buhay ko.

Hindi na kami nakapag-usap ng maayos ni Shobe. Hindi na kase siya nakapag-open sa akin kahapon dahil hindi ito matigil sa pag-iyak. Kahit anong gawin kong pagpapatahan sa kaniya ay hindi pa rin ito humihinto kaya napagpasyahan ko ng tawagin si Shad para tulungan akong iuwi siya.

Iyong lalaking iyon, kahit hindi niya sabihin ay alam kong nasasaktan rin siya para sa kaibigan namin. Kahit sino naman sigurong concern sa damdamin ng isang tao ay ganoon ang mararamdaman.

Ngunit sa kabila ng pagtulong sa amin ni Shad at pagdamdam ni Shobe sa nangyari sa kaniya, hindi ko pa rin maiwasan na hindi isipin si Shad. Hindi ko maalis sa aking isipan ang umagang siya ang bumungad sa akin, ang umagang nagtungo siya sa bahay para sunduin ako.

That really hit my heart.

"Good morning!" Masiglang pagbati nito.

"Late morning na. Malapit ng maglunch," ani ko.

Nagbuhos ito ng isang malalim na buntong-hininga. Bumagsak ang balikat niya at yumuko, ipinatong nito ang dalawang kamay sa aking balikat at unti-unting inilapit ang kaniyang mukha sa aking mukha.

Napapikit ako dahil hindi ko na matagalan pang makipag-eyes to eyes sa kaniya. Pakiramdam ko'y nalulusaw ako sa mapanlinlang nitong tingin.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking noo. Umayos siya ng tayo at hinawi ang iilang hibla ng aking buhok na siyang tumatabon at tumutusok sa aking mata.

"Hindi ka nagre-reply sa mga messages ko, hindi mo rin sinasagot ang tawag ko. Nag-aalala ako sa 'yo." Ang matikas nitong boses ay nagbigay ng kuryente sa aking sistema. Idagdag pa ang palad niyang malapad na nakapatong sa aking balikat.

Nginitian ko siya at pakunwaring dinampa ang braso. Lumayo ako ng kaunti dahilan ng pagbagsak ng mga kamay nito.

"Nakatulog ako. Sa dami ng problema, hindi ko na alam anong uunahin ko kaya tinulugan ko na lang," Pagpapaliwanag ko. "Salamat sa concern. Kain na tayo?"

"Fort," sambit nito sa mababang tono. Muling dumampi ang kaniyang kamay sa aking braso. Ilang saglit lang ay naramdaman ko ang mainit na pakiramdam na nanggagaling sa katawan naming magkadikit. Niyakap niya ako. "Kung may problema ka, pwede mong sabihin sa akin. I'm always open. Kahit alas-tres pa iyan ng madaling-araw," dagdag nito.

Ang hininga niyang dumadampi sa aking balat ay nagbibigay sa akin ng kiliti. Nakakapanlambot. Maya-maya ay humahagod na ang kaniyang palad sa aking likod.

"Hindi ako convenience store pero bukas ako 24/7 para sa 'yo."

Ramdam ko ang pagtigil ng paghinga ng ilang minuto. Nang bumitaw siya sa yakap doon pa lamang ako nakahinga ng maluwag ngunit kahit na ganoon ay hindi ko pa rin pinahalata sa kaniya ang kilig na bumabalot sa aking sistema.

"Dami mong kaekekan, 'lika na kain na tayo."

Sabay naming tinahak ang daan tungo sa cafeteria. Puno ng estudyante ang hallway dahil oras na ng lunch pero kahit na ganoon, hindi pa rin sila naging distraction para matigil ang puso ko sa pagkabog.

—

Confirmed!

Isang malalim na buntong-hininga ang aking binitawan. Pinulupot ko ang kumot sa aking katawan na hindi matigil sa pagkembot. Parang lintang binudburan ng asin.

Ganito nga siguro?

Hindi ako sigurado. This is my first time and I admit it, tuluyan na nga akong bumitaw. Tuluyan ko na ngang sinira ang pangako ko.

I need to forget this damn feelings but I can't. I just can't. I'm totally inlove with his spell. His actions makes me feel like I'm laying on the cloud.

"Anak?" sabi ni Mama mula sa labas ng silid. Sunod-sunod ang pagkatok nito kaya bumango ako saka siya pinagbuksan ng pinto.

Bumalik ako ulit sa kama at inaya siyang maupo rin.

Bakas sa mukha niya ang pagod. Paano ba naman buong araw siyang nasa trabaho. Ngayon nga lang siya naka-uwi dahil 24 hours talaga siyang nasa opisina, inaasikaso ang mga customers na dapat niyang kausapin. She's a call center agent.

"Kumusta?" Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi. "Naririnig kita mula sa baba, ang ingay. Tumitili ka ba?"

Bigla naman akong nakaramdam ng hiya sa sinabi niya. Oo. Tumitili ako. Hindi ko maiwasan.

"M-Mama."

Nais kong matawa sa sarili ko dahil sa panginginig ng aking boses. Hindi naman ito ang unang beses pero iba 'to sa mga nagdaang usapan namin ni Mama.

Involved na dito ang love life ko.

"Dahil sa lalake?" Tumango na lang ako. "Si Shad ba?"

"Mama..."

She tap my shoulder. "Alam mo ba nang nasa gan'yang edad ako, kagaya mo rin ako. Tili nang tili, kilig na kilig. Ang sarap sa feeling ng inlove, ano? Para kang dinuduyan sa ulap. Tapos kapag nakakasama mo 'yong taong dahilan n'on, para kang hinahabol ng kabayo at ni Cupido. Na tipong tatawagin mo na lahat ng santo para lang magkasama kayo araw-araw."

She know because she already experienced it. We both love it. Napangiti ako sa pagku-kwento nito. Ngunit napahid ang ngiti sa aking labi ng ituloy niya ang kaniyang kwento.

"Pero love isn't happy as always. Sabi nga nila kakambal ng saya ang lungkot, kasama ng kilig ang sakit. Kung masaya ka ngayon, baka sa susunod na bukas ay magbago na lang ang lahat," Huminga siya ng malalim at tumingin sa kisame na puno ng glow-in-the-dark stars na akala mo'y may taong tinatanaw siya doon. "Hindi ko 'to sinasabi sa 'yo para takutin ka sa pag-ibig, para takutin ka na itigil ang nararamdaman mo."

Kung hindi pa niya sinabi iyon, baka mamaya lang ay uurong na ako sa nararamdaman kong ito.

Nagbaba siya ng tingin sa akin. Nginitian niya ako saka pinahid ang luhang dumadaloy sa kaniyang pisnge.

"Alam mo ba n'ong panahong kinikilig ako, hindi ang Papa mo ang dahilan n'on? Hindi siya."

"Sino?" Nangunot ang noo ko.

"Isang lalakeng sobrang importante sa akin, iyong tipong inaayawan ko lahat para lang sa kaniya. Iyong mga manliligaw ko, mga gala with friends, lahat ng 'yon tinanggihan ko para lang sa kaniya. But at the end of the day, naiwan akong mag-isa, umiiyak sa sakit. But it's my fault. Hindi ako umamin sa kaniya. Oo, nagbibigay ako ng motibo, pero may mga tao talagang hindi iyon makikita lalo na kapag nasanay siyang nakikita ka ng ganoon araw-araw. Akala siguro niya normal pa rin iyong mga aksyon ko, akala niya tulad pa rin ng dati ang nararamdaman ko. Puro na lang akala kaya nga sa huli akala ko rin gusto niya ako."

Nais kong maiyak sa kwento nito. Pero ayaw kong sayangin ang pagkakataong ito. I don't want to waste this night because of my damn feeling. Gusto kong pakinggan si Mama. Ngayon lang siya nag-open tungkol sa nakaraan niya. She never told me about it and now, I'm so curious. I want to heard all she want to say. I want to get some advice and lesson from her past love life.

"Gusto mo pa bang marinig?" Tanging pagtango lang ang sinagot ko sa kaniya. "Nalaman ko na may girlfriend na siya, 1 week na sila kaya mas nauna ako sa babaeng iyon. Pero nahuli ako sa pag-amin. Then after a months of being lonely and lowkey girl, your Dad approached me. I don't want to talk to other boys but your Dad did everything I want and after that day, we became friends 'till he ask me to go out. I joined him. Nagpunta kami sa dalampasigan, ang sarap ng simoy ng hangin, ang sarap sa tainga ang paghampas ng alon. Then he kneel down, opening a box for me, he asked me; pwede ba kitang ligawan? And there my friend turned into my suitor, to my boyfriend, and my husband."

Paano kung ganoon rin ang mangyari sa akin— amin? Iniisip ko pa lang, hindi ko na makaya paano pa kaya kapag tuluyan ng nangyari? Ano ba'ng dapat kong gawin?

Sa kwento ni Mama, hindi sapat ang pagbibigay ng motibo. Kailangan mong umamin, sabihin sa kaniya ang nararamdaman mo. Siguro sasabihin ko? Pero kapag ginawa ko baka iba ang maging kalalabasan kaysa sa naiisip ko.

Nabaling ang tingin ko kay Mama. Nagpa-alam na siyang babalik sa kaniyang silid ngunit bago iyon ay nag-iwan muna ito ng halik sa aking noo at bahagyang hinaplos ang aking buhok.

"Magpahinga ka na," ani nito sa mababang tono.

Pagod siya. Dapat nagpapahinga na siya kanina pa pero mas pinili niyang magtungo dito at kausapin ako— ikuwento sa akin ang tungkol sa nangyari sa kaniya sa nakaraan. Alam kong may nais siyang iparating sa akin at sa tingin ko'y tama ang hinala ko.

"Mama," Pagtawag ko sa kaniya. Muli siyang humarap sa akin ngunit hindi isinasara ang pinto. "A-Anong dapat kong gawin?"

Ang namumungay nitong mata ay hindi maalis sa aking paningin.

"Magpahinga ka na, Ma. Pagod ka n—"

"Alam mong hindi lahat ng bagay magkakapareho, 'di ba? Hindi ko masasabi sa 'yo. Ikaw, pag-isipan mo ng mabuti ang desisyon na gagawin mo," ani nito. "Kilala mo si Shad, pero hindi mo alam kung anong mararamdaman niya dahil lumaki kayong magkaibigan."

Tama siya. Kilala ko si Shad pero bilang magkaibigan iyon. Pero paano kung mangyari sa akin ang nangyari kay Mama?

Lumipas pa ang ilang minuto at hindi pa rin ako makatulog. Ang tahimik ng paligid. Bumangon akong muli sa higaan at sinuot ang tsinelas ko. Nagpunta ako sa kusina upang magtimpla ng kape at magluto ng pancit canton.

Nang matapos ay saka ako nagpunta muli sa silid ko. Tinungo ko ang bakanteng veranda at doon naupo sa maliit na upuan saka ipinatong ang hawak kong tasa at pinggan sa maliit na mesa.

Ang lamig! Ang sarap sa pakiramdam ng pagdampi ng malamig na hangin sa aking balat. Hindi ganoon karaming building sa bayan namin kaya masarap ang simoy ng hangin.

Dinama ko ang lamig ng gabi habang kumakain. Hindi pa rin kayang lisanin ng isip ko si Shad. O si Shad ang ayaw akong lubayan?

Napasinghap ako kasabay ng paghihip ng malamig na hangin. Nilipad ang iilang hibla ng aking buhok kaya inayos ko 'yon bago tumingin sa madilim na kalangitan.

Nagniningning ang mga bituin. Nagbibigay liwanag ang half moon. Ang mga puno, mapa-maliit o mataas man ay gumegewang dahil sa hangin.

I slowly closed my eyes and let my self feel this cold night.