Chapter 19
Hindi maiwasang makaramdam ng inis si Jarred sa magiging biyenan niyang babae. Oo, payag siya na pamahalaan ni Jasmine ang SCF, pero hindi kasama roon na lalaki ang gagabay rito sa mga dapat matutunan ni Jasmine. Naikuyom niya ang kamao, nilalamon siya ng selos sa ideyang may makakasamang ibang lalaki si Jasmine.
Tumawag kanina si Mrs. Saderra at sinabing si Ronnel Sarmiento ang magtuturo kay Jasmine. Katwiran nito, matagal ng empleyado si Mr. Samiento kaya mas matuturuan nito ng maigi si Jasmine. Oo, kilala niya si Mr. Sarmiento. Isa na rin ito sa mga Board of Directors na kompanya.
Dahil sa sipag at dedekasyon nito kaya napunta rito ang posisyon. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. Siguro, mas mabuting kausapin niya ang future mother-in-law niya baka sakaling magbago pa ang isip nito. Napatayo siya ng makitang pababa ng hagdan ang kasintahan.
Naka-office attire ito at talaga namang hakab na hakab sa kaniyang makurbang katawan ang suot nito. Ngumiti sa kaniya si Jasmine ng magtama ang mata nila. Malaki ang tiwala niya kay Jasmine, pero sa ibang lalaki hindi. Bumuga siya ng hangin.
"Ang lalim nun ah. May problema ba?" tanong nito na hindi niya napansin na nakalapit na pala sa kaniya. Tinitigan niya ito sa mata.
"Hindi ko lang maiwasang mainis dahil lalaki ang magtuturo at gagabay sa iyo, baby. Paano kung landiin ka niya? Hindi ba pwedeng pakiusapan si Tita na babae na lang?" tanong niya rito habang titig na titig sa mga mata nito. Ngumiti si Jasmine at hinawakan ang baba niya.
"Baby, iyo lang ako. Trust me, okay? Please. Iyon ang kailangan ko ngayon sa iyo. Kaya mo bang ibigay?" tanong nito at hinalikan siya sa baba.
Napapikit siya dahil sa kiliting naramdaman. Ipinalibot niya ang kamay sa bewang nito at kaagad na sinakop ang labi nito. Napangiti siya, mukhang gumamit si Jasmine na waterproof na lipstick. Nang maghiwalay sila, tinitigan niya ito.
"Akin ka lang, baby." aniya at bahagyang pinisil ang dibdib nito.
"Ooohhh. I'm yours only baby." anito. Humiwalay na siya at pinagsiklop niya ang kamay nila at iginiya ang kasintahan palabas ng mansiyon. Ihahatid niya kasi ito sa SCF.
Nang marating nina Jasmine at Jarred ang SCF. Bago lumabas ng sasakyan si Jasmine, binigyan niya ng mabilis na halik sa labi si Jarred.
"Mag-iingat ka." aniya. Tinitigan siya nito.
"Oo baby, mag-iingat ako. Para sa inyo ni baby." anito at hinalikan ang tiyan niya na naging dahilan para bumilis ang tibok ng puso niya.
Bumaba si Jarred sa sasakyan at pinagbuksan siya ng pintuan. Napangiti siya, always the gentleman. Nang makalabas, ay nagpaalam na siya rito at naglakad na siya patungo sa entrance ng kompanya. Nang malapit na siya sa glass door ng building. Nakatanggap siya ng mensahe galing sa kaniyang ina na nagsasabing nasa lobby si Ronnel at hinihintay siya.
Parang pamilyar sa kaniya ang pangalan. Nakita na kaya niya ito? Binati siya ng gwardiya bago binuksan ang glass door, binati niya rin ito pabalik bago siya pumasok. Nang nasa loob na siya ng lobby, hinanap niya si Ronnel. Natigil ang ibang empleyado na naroon at halata ang pagkagulat sa mga mukha nila ng makita siya.
"Narito si Ms. Saderra." anang isang babae na naroon.
"Oo nga eh. Ang ganda niya." anang isang kasama nito.
Kitang-kita rin ang paghanga sa mga mata nila habang nakatingin sa kaniya. May mga bulong-bulungan sa paligid na halos paghanga ang naririnig niya. Ngunit, wala doon ang atensyon niya kundi sa lalaking papalapit sa kinaroroonan niya na may nakapaskil na ngiti sa mga labi. Ito na ba si Ronnel? Sandali! Kilala niya ito! Siya yung lalaki na nakita niya noong minsang namasyal siya rito pitong taon na ang nakakaraan.
Natatandaan pa niya niya nagkaroon siya ng crush dito dahil sa kagwapuhan nitong taglay. Mas lalo itong naging magandang lalaki. Sh*t! Ano ba itong iniisip niya?! May kasintahan siya pero kung ano-ano ang pinag-iisip niya. I'm sorry Jarred, aniya sa sarili.
"Good day, Ma'am. Ako nga po pala si Ronnel Sarmiento." anito at inilahad ang kamay sa kaniya na kaagad naman niyang tinanggap.
"Good day. Nice to meet you." aniya. Ngumiti ito na naging dahilan para lumabas ang pantay-pantay at mapuputi niyong ngipin. Ngumiti rin siya pabalik.
"So, let's go. Para makapagsimula na tayo?" tanong niya. Tumango ito at pinauna siyang maglakad patungo sa elevator.
Kanina pa hindi mapalagay si Jarred sa kinauupuang swivel chair dahil walang ibang laman ng isip niya kundi ang kasintahan na sa pagkakataong ito'y kasama na ni Ronnel Samiento.
Bumuga siya ng marahas na hininga, kinuha niya ang cellphone na nasa kaniyang mesa at nagpadala ng mensahe sa kasintahan na nagsasaad kung kamusta na ito. Ngunit, ilang minuto ang nakalipas ay hindi pa nito nirereplayan ang kaniyang mensahe.
"Baka busy." aniya sa sarili.
Ipinilig niya ang ulo at itinuong muli ang atensiyon sa ginagawa at pinilit na iwaksi sa isipan ang mga bagay-bagay na hindi nakakatulong sa kaniya lalo na ang mag-isip ng hindi maganda. May tiwala siya kay Jasmine, yan ang lagi niyang sinasabi sa sarili. Tatlong katok sa pintuan ang nagpagising sa kaniyang lumilipad na diwa.
"Pasok!" sigaw niya. Narinig niya ang pagbukas ng pintuan. Pumasok si Ms. Iya at bahagyang yumukod.
"Sir, narito po si Ms. Viesta. May dala po siyang meryenda, sinabi ko po na ako na ang magbibigay ngunit ipinagpilitan na siya na lang daw. Papasukin ko po ba siya?" tanong nito. Napatingin siya rito tsaka tinanguan.
"Okay. Papasukin mo." aniya.
"Okay, Sir." sagot nito at dahan-dahang niluwagan ang pintuan para makapasok si Genesaret. Nang makapasok ito, dali-dali namang isinara ni Ms. Iya ang pinto.
"Good Morning!" masiglang bati nito. Tumingin siya rito ng walang emosyon ang mukha at bumaba ang tingin niya sa bitbit nito na hinuha niya ay kakanin ang laman.
"Bakit Ms. Viesta?" pormal niyang tanong.
Naglakad ito palapit sa kaniya na may matamis na ngiti sa mga labi. Nang makalapit sa kaniyang mesa, inilagay nito sa harapan niya ang isang parihabang kahon na may lamang puto dahil nakikita niya iyon mula sa cellophane ng kahon. Umupo ito sa visitor's chair sa gawing kanan.
"Baka kasi hindi ka pa nagmemeryenda kaya nagdala na ako ng meryenda." anito sa mapang-akit na boses. Huminga siya ng malalim.
"Okay. Salamat Ms. Viesta, pwede ka ng umalis." aniya.
Itinuon na niya ang pansin sa ginagawa at isinawalang-bahala ang presensiya ng kaharap. Tumayo si Genesaret at naglakad patungo sa pintuan, ngunit sa kasamaang-palad bigla nalang itong natapilok. Dali-dali siyang tumayo at tinulungan itong makatayo at pinaupo sa sofa.
"Masakit ang paa ko." anito na may kasamang pag-igik.
Dali-dali niyang tinawagan si Krizza na isa sa staff niya sa clinic ng kompanya. Kaagad naman nitong sinagot ang tawag niya at papunta na raw ito sa opisina niya.
"Tinawagan ko na Krizza, papunta na siya rito." aniya. Aalis na sana siya ng hawakan nito ang kamay niya.
"Jarred, ikaw nalang. Konting hilot lang naman ito, tiyak na mawawala na." ani Ms. Viesta.
Alam niyang gumagawa ito ng dahilan para makuha ang atensyon niya pero hindi niya hahayaang mangyari iyon. Iwinaksi niya ang kamay nito.
"Hintayin mo nalang si Krizza, parating na siya." aniya.
Bumalik na siya sa mesa tsaka ipinagpatuloy ang ginagawa. Ilang sandali pa ay dumating na si Krizza at ang kasama nito tsaka tinulungan si Ms. Viesta na dalhin sa clinic ng kompanya. Napailing-iling siya.
Hindi niya alam kung sinasadya ba nito ang nangyari para mapansin niya ito pero alam niyang ganun iyon. Hindi siya dapat nagpapadala sa mga pinaggagagawa nito, dahil baka isang pagkakamali niya lang mawala si Jasmine sa kaniya.
Biglang tumunog ang kaniyang cellphone, kinuha niya iyon. Napangiti siya ng makitang kay Jasmine galing ang mensahe. Kailangan malaman ni Jasmine na may ibinigay sa kaniya si Genesaret. Kinunan niya iyon ng litrato at ipinadala sa fiance.