Chapter 20

Kitang-kita ni Ronnel ang pagsimangot ni Jasmine habang nakatingin sa cellphone nito. Bakit naman kaya? Ka-text ba nito si Jarred at may hindi sila pinagkakaintindihan?

"Ma'am Jasmine, okay ka lang?" tanong niya rito. Bakas ang pag-aalala sa boses niya. Napatingin sa kaniya ito at bahagyang ngumiti tsaka nagpakawala ng marahas na hininga.

"Nagbigay kasi si Genesaret ng pagkain kay Jarred kaya hindi ko maiwasang mainis. Hindi man niya aminin pero ramdam ko na may gusto siya sa fiance ko. Ramdam ko iyon dahil babae ako. Ano ang motibo niya bakit niya binigyan ng pagkain si Jarred? Diba?" aniya na may pagkakunot ng noo.

Kitang-kita niya ang selos sa mga mata nito. Kusang gumalaw ang kaniyang mga kamay at hinawakan ang kamay nito na nakapatong sa mesa at bahagyang pinisil. Napakalambot ng kamay nito. Tinitigan niya ang maganda at maamong mukha nito. Mabuti naman at hindi nito iwinaksi ang kaniyang kamay, marahil hindi nito binibigyan ng malisya iyon.

"Tiwala lang ang kailangan Ma'am Jasmine, kung mahal ka talaga ni Jarred hindi niya papatulan si Genesaret. Ano apelyido ni Genesaret?" tanong niya rito kahit alam niya kung sino ang tinutukoy nito.

Nabanggit sa kaniya ng Tito Allan niyq noong nakaraan na investor na silang dalawa ng pinsan sa kompanya ni Jarred. Kailangan malaman rin ni Jasmine na pinsan niya ito dahil baka kapag hindi niya sinabi agad iyon pa ang maging mitsya para layuan siya nito. At ayaw niyang mangyari iyon, gusto niya mapalapit sa dalaga. Kahit kaibigan man lang.

"Genesaret Viesta. Kilala mo ba?" sagot nito. Tumango siya.

"Pinsan ko siya, Ma'am— pinutol na nito ang iba pa niyang sasabihin.

"Huwag mo na ako i-ma'am, Jasmine nalang. Masyadong pormal kapag Ma'am." anito na nakangiti na maging dahilan para mad lalo siyang humanga rito dahil napaka-humble nito. "So, pinsan mo siya?" anito na hindi makapaniwala. Tumango-tango siya.

"Oo, magagalit ka ba dahil pinsan ko siya? Papalitan mo ba ako?" aniya.

Bigla siyang kinabahan, paano kung palitan siya nito? Paano kung magalit ito sa kaniya? Bakit biglang bumigat ang dibdib niya sa isiping tatanggalin na siya nito sa posisyon niya ngayon at may tendency na hindi na sila magkita. Natawa ito ng mahina. Kaysarap pakinggan ng tawa nito. Mukhang iba na ata ito? Mukhang lumalalim na ang paghangang nararamdaman niya para kay Jasmine. Tinitigan siya nito na may ngiti pa rin sa mga labi.

"Huwag kang paranoid diyan. Hindi ko gagawin iyon. Hindi nanan ako ganoon na idadamay kita dahil may inis akong nararamdaman para kay Genesaret. Alam ko naman na hindi mo sasabihin sa kaniya ang mga sinabi ki, diba? I trust you, Ronnel." anito na naging dahilan para bumilis ang tibok ng puso niya. She trust him? Ganoon na ba siya kabilis pagkatiwalaan.

"Isang araw pa lang tayong magkasama, pinagkakatiwalaan mo na ako?" nagtataka niyang tanong.

"My parent trust you. Kaya pagkakatiwalaan din kita. Mabait ka at responsable, kaya walang dahilan para hindi kita pagkatiwalaan." aniya ng nakangiti. Dahil sa labis na kasiyahan sa dibdib. Napatayo siya at nilapitan ito tsaka niyakap ng mahigpit kahit na nakaupo ito. Nabigla ito sa ginawa niya.

"Ronnel..." anito. Dagli siyang humiwalay rito hindi niya tuloy maiwasan makaramdam ng hiya. Kitang-kita sa mukha nito ang pagkalito sa ginawa niya.

"Sorry, hindi ko lang napigilan ang sarili ko na yakapin ka dahil sa tuwang nararamdaman. Himdi ko akalain na pagkakatiwalaan mo ako kaagad. Pangako, gagawin ko ang lahat maturuan ka lang ng maayos at magampanan ko ng maayos ang trabaho ko." aniya habang titig na titig dito. Ngumiti ito ng matamis.

"Ayos lang. Mabuti naman kung ganoon. Ayaw ko rin biguin ang magulang ko sa iniatang nilang responsibilidad sa akin. So, go back to work na?" anito na may ngiti pa rin sa mga labi. Tumango siya at nagpatuloy na siya sa pagtuturo rito.

Mag-aalas-onse na ng umaga ng matapos sila sa ginagawa. Napainat ng kamay si Jasmine at tumingin sa kaniya.

"Grabe. Ang dami kong natutunan ngayon. Mag-lunch ka na baka gutom ka na." anito. Sa totoo lang gusto niyang makasabay ito sa lunch. Ewan, basta guato niya lang ito makasabay. Hindi naman siguro masama kung yayain niya ito.

"Ahem, pwede bang— naputol ang iba pa niyang sasabihin ng tumunog ang cellphone nito. Kinuha nito ang cellphone na nakapatong sa mesa at sinagot iyon tsaka inilagay sa taenga.

" Baby, kamusta?" tanong nito sa kabilang linya na siguradong si Jarred iyon. Nakaramdam siya ng kaonting kirot sa dibdib.

"Okay. Hihintayin kita dito sa opisina. Mag-iingat sa byahe. I love you!" anito at ibinaba na ang tawag. Hindi niya maiwasang mapangiti ng mapait. Ngayon na mas lumalim pa ang paghanga niya rito, kailangan niya ng sanayin ang sarili na masaktan.

"Ano nga ulit iyong sasabihin mo?" tanong ni Jasmine. Napatingin siya rito. Kahit pagod ito hindi pa rin nababawasan ang ganda nito. Kaya hindi maipagkakaila ng mahal na mahal ito ni Jarred. Ngumiti siya.

"Wala. Yayayain sana kita mag-lunch pero mukhang makikisabay sa iyo si Sir Jarred." aniya sa pinasiglang tinig.

"May next time pa naman. Bukas, sabay tayo mag-lunch. Magpapaalam pa ako kay Jarred." anito na ikinabahala niya.

Kung ipapaalam pa nito kay Jarred na magsasabay sila bukas, baka magalit sa kaniya si Jarred. Pero, ano ba ang mali kung sakali man na magsabay sila bukas? Wala naman silang ginagawang masama ni Jasmine, kaya wala siyang dapat ikatakot.

Oo, alam niya na si Jarred ang dahilan kaya nakahaon ang kompanya sa pagkakautang pero hindi iyon sapat na dahilan para tanggalin siya kung sakaling pagselosan siya nito. Naging parte siya ng kompanya at isa sa mga tumulong para maisalba ang kompanya.

Hindi pagiging propesyonal kung gawin niya iyon. Negosyante ito kaya dapat alam nito na hindi dapat hinahaluan ng personal na bagay ang negosyo depende kung talagang hindi na maganda iyon. Tumayo siya.

"Sige, aasahan ko iyan bukas. Aalis na ako, see you later." aniya. Ngumiti lamang ito. Tumalikod na siya at naglakad palabas ng opisina. Paglabas niya at pagpihit paharap, nasa harapan niya na si Jarred.

"Ronnel Sarmiento." anito na may diin sa pagkakabanggit sa kaniyang pangalan. Insyos niya ang sarili at tinitigan ito mata sa mata, ganun din ito. Matiim ang pagkakatitig nito na wari'y handa siyang sakmalin anumang oras. Ngumiti siya.

"Sir Jarred Racqueza." aniya. Timango-tango ito. Naglakad ito palapit sa kaniya at bumulong.

"Kapag nalaman ko na may intensyon kang hindi maganda kay Jasmine. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Be professional. I trust my fiance, pero wala akong tiwala sa lalaki." anito sa tunong nagbabanta. Hindi siya nagpatinag sa banta nito.

"Mr. Racqueza, wala akong intensyon na hindi maganda kay Miss Saderra. Mabait po ang fiance niyo, at ginagawa ko ito dahil iyon ang trabahong iniatang sa akin. Kaya wala po kayong dapat ikabahala." aniya pero sa totoo lang naiinis na siya dahil sa mga sinabi nito.

Wala itong karapatan na sabihan siya ng mga ganoong bagay! Pero kailangan niyang magpakumbaba muna dahil mas mataas ito sa kaniya, pero sa susunod lalaban na siya. Hindi porket makapangyarihan ito ay may karapatan na itong sabihin sa kaniya ang mga bagay na iyon! Tinapik nito ang kaniyang balikat.

"Mabuti na iyong nagkakaunawaan na tayo." anito at pumasok na sa loob ng opisina. Pinakalma muna niya ang sarili, pero naglaakd patingo sa elevator.