Chapter 20

Naging madalas ako na lumabas ng bahay, nababagot ako kasi ako dahil wala man lang magawa, alam ko na kasalanan ang pag iisip ko na sana hindi nalang ako nabuntis.

Sa tuwing naalala ko ang mga masasakit na salita ni Atlas sa akin ay nanakit ang puso ko na parang may karayom na nakabaon.

Sa aking pag lalakad ay tumungo ako sa bahay ampunan, tulad ng ginagawa ko ay lagi akong may dala sa mga bata, bagay na ikinatuwa ng mga bata.

Tuwing dadating ako ay nag tatakbuhan na ang mga ito sa tuwa na makita ako. Ang mga bata ay naka ngiti habang naglalaro. Sa ngayon ay ako ang gusto lagi na kalaro ni Kate.

Nag lalaro ito ng lutuan ng mabanggit ng bata ang pangalan na pilit ko na iniiwasan.

"Ate Tasia, alam mo po may bisita kami mamaya, pogi po iyon at si Kuya Atlas po." Saad nito.

Nagulat ako sa pangalan na binanggit ng bata. Hindi pwede na malaman ni Atlas na nandito ako. Akala ko ba walang nakakaalam Dito? Hindi ba alam ni Tyler na pumupunta ang kaibigan ng asawa niya?

Dahil doon ay nagmadali ako na umalis doon, nag paalam ako ng maayos sa Punong Madre na uuwi na ako bilang pag bigay galang.

Takot ako na makita ako ni Atlas. Paano kung kunin niya ang bata? Once na ma confirm na niya na sa kanya itong dinadala ko. At hindi pwede na malaman ni Tyler na hindi ito sa kanya.

Magagalit ito sa akin, grabeng gulo ang nagawa ko. Ano bang kamalasan mayroon ako ngayon. Naglalakad ako pauwi ng makita ko si Tyler na naka tayo sa labas ng bahay.

Tila naiinip na ito sa kakaantay sakin.

"Oh? Bakit andito ka?" Tanong ko dito.

" Kailan ba ang check up mo? At bakit panay alis ka bahay? Diba ansabi ko mag paalam ka?" Masungit na saad ni Tyler sakin.

"Wala pa akong schedule, pero kung meron na i will inform you Naman agad, and sa ampunan ako galing. And pwede mo ba I advance ang allowance ko?" Tanong ko muli dito.

"Saan mo Naman inubos ang allowance mo?" Tanong ni Tyler sakin.

"Bumili kasi ako, dami mo namang tanong." Kunwaring naiinis na ako sa mga tanong nito.

Saktong nag uusap kami ni Tyler ng dumating si Arthuro, tila nag tinginan pa ang dalawa. siguro hindi pa ito napakilala ng Manang sa kanya.

"Magandang araw po, ako po pala si Arthuro, bagong trabahador dito." Magalang na pakilala ni Arthuro kay Tyler.

Tumango naman si Tyler sa lalaki, at nag lahad ng kamay dito.

"Ako nga pala si Tyler." Pag papakilala ni Tyler kay Arthuro.

"Asawa nito po ba si mam?"tanong nito kay Tyler muli.

"Ah, actually no." Tanggi ni Tyler kay Arthuro.

Hanggang ito ba naman ay tinatanggi pa rin ako. Napaka sakit na itanggi ka ng Isang tao. Lalo na kung si Atlas iyon.

Ilang araw din muna ako hindi nag tungo sa ampunan dahil sa takot na baka makita ko doon si Atlas. Siguro nag tataka na ang mga bata bakit hindi na ako tumutungo doon.

Naisip ko na bumili pa rin at si Arthuro ang mag dala doon at sabihin na galing sakin para sa mga bata.

Ganon na ang ginawa ko, maganda na maka siguro na hindi na maglandas ang mga landas namin ni Atlas.

Nag message ako kay Ate sa bagong ko number upang kamustahin ito.

"Kamusta ate?" Tanong ko dito.

"Okay lang ako, ikaw kamo ang kamusta, may lalaking naghahanap sayo dito, Atlas daw pangalan. Araw araw nagtutungo dito baka daw tinatago kita." Sagot ni Ate sakin.

Agad ako tinubuan ng kaba sa dibdib, at tama nga ako hahanapin din ako non once na matauhan na siya.

"Huwag mo nalang pansinin Ate, baliw lang yan di pa siguro nakaka move on." Sagot ko.

"Tanga, anong di naka move on, ang sabi tinataguan mo kasi buntis ka? Umamin ka nga kanya ba iyan?" Tanong muli ni Ate sakin.

" Hindi, huwag ka maniwala diyan te hibang na yan. Tsaka bakit ba ang siya pinaguuusapan natin, ikaw kinakamusta ko e." Sagot ko.

Nung una ay nalilito pa ako sa panglusot ko kay Ate, dahil sa mga tanong nito ay hindi ito kumbinsido sa mga sagot ko.

Hindi ko na ginamit ang lumang cp ko at dating sim, upang hindi ako matrack ni Atlas.

Dahil sa takot na baka mahanap ako ni Atlas ay marami akong ini-isip at noong pababa na ako sa hagdan ay ilang steps nalang ay nadulas ako, Hindi naman iyon sobrang lakas pero dinugo ako.

Ang mga kamay ko ay puno ng dugo mula sa akin. Umiiyak ako ng ! alitang galing iyon sa mga binti ko, sinisisi ko ang sarili ko na nag pabaya ako.

"M-manang tulongggg po!!!" Sigaw ko agad naman na lumapit si Manang at Arthuro, mabuti at andito pa ang lalaki.

"Yung baby ko po.." umiiyak na sumbong ko sa mga ito.

Agad ako na binuhat ni Arthuro at mabuti nalang may nasakyan kami agad at nadala ako sa hospital.

Inasikaso din agad ako ng madala na ako doon, si manang naman ay tinawagan agad si Tyler. Kinakabahan ako habang wala pang sabi ang doctor kung okay lang ba si baby.

Nakatulog ako ng ilang minuto at nagising lamang ako ng marinig ko na dumating agad dito si Tyler. Tila nag madali pa ito na tumungo dito.

Saktong pag dating ni Tyler ay pumasok na din ang doctor.

"Good evening, Wala na kayo dapat ikabahala, safe na si Baby, mabuti at nadala ni mister si misis." Saad ng doctor samin.

Gulat naman si Arthuro sa sinabi ng doctor. Akala kasi ng doctor siya ang asawa ko.

"Ah.. doc, ako po ang ama." Saad ni Tyler sa doctor.

"Ah ganon, ba pasensiya na. Next time mag iingat ka misis, iwasan ang stress. Baka kung maulit ay hindi na kayanin ni baby niyo." Pag eexplain ng doctor samin.

Nang umalis na ang doctor ay umalis muna silid si Arthuro at Manang. Dahil sa kakausapin daw ako ni Tyler.

"Kamusta ka?" Tanong nito sakin.

" I'm okay Tyler" ang boses ay parang pagod.

" Mabuti at may balak ka din na dalawin ako ano?" Pa galit na ani ko dito.

"Correction Vanessa di Ikaw ang pinunta ko dito kundi ang bata, huwag mag pa ka ilsuyunada diyan" malamig na ani naman ni Tyler sa sakin.

Nag stay lang ng ilang hours si Tyler dahil nag wo-worry padin ito na baka hanapin ito bigla ng kanyang asawa at lalo na naiwan nito ang kanyang cellphone.

" Aalis nako Vanessa, please alagaan mo naman ang sarili mo." Pag papaalam ng lalaki kay Vanessa.

" Alam mo Tyler kung mang sesermon ka lang umalis kana pwede ba?"

Ilang beses pa ako sinermonan non ni Tyler, at umuwi na din ito dahil sa tumakas lang daw ito sa bahay nila Triana.

Ilang araw din ako nag stay don at umuwi na din ako, sa tuwing baba ako ng hagdan ay double ang ingat ko na huwag madulas dito.

Araw araw ay may mga natutunan ako kay Manang, upang mawala ang pagkabagot ko ay nagpapaturo ako dito mag luto ng mga pagkain.

Dapat matuto ako, dahil magiging soon to be mother na ako.

Sa umaga naglalakad ako sa labas at magpapa araw saglit, habang ang mga bata sa ampunan ay dinadalaw ko paminsan minsan. Mabilis na kasi ko mapagod kaya minsan nalang ako mag tungo doon.

Gumamit ako ng social media ng mapadaan sa feed ko na balita na kumakalat about kay Atlas.

May dinadate na ito at based sa mga info ay anak din ito ng may malaking company. Hindi ko alam kung totoo ba iyon. Pero isa lang nasa isip ko ang suwerte ng babae na iyon.

Habang ako ito nag tatago, na dapat hindi naman. pinatay ko nalang ang cellphone ko at nag basa nalang ng libro.

Ganon lagi ang ginagawa ko kapag wala akong magawa dito sa bahay.

Lumipas ang buwan at check ko noon sinamahan ako ni Tyler dahil malalaman na namin ang gender ni baby.

Tila excited ito sa baby, nakaka konsensiya lang dahil sobrang saya nito at Hindi naman sa kanya ang bata.

I'm so sorry talaga Tyler. Sana kapag dumating ang panahon na alam mo na patawarin mo ako.

Nang kami na Ang tinawag ay pinapwesto na ako ng doctora. Kinakabahan kami pareho na excited sa gender ng baby.

Nang malaman na kung anong gender ay natuwa ng sobra si Tyler, dahil it's a boy!!

"Hi misis unang baby?" Tanong ng doctor.

"Yes po first time po" ngumiti ang doctor sa kanila. Nag explain ang doctor sa kanila kung ano ang mga dapat at hindi.

"First time niyo pala, ikaw ba ang mister ni misis?" Tanong nito sa dalawa, Hindi agad naka sagot si Tyler ng sumagot si Vanessa.

"Opo siya nga po ang daddy."

"Gwapo naman pala ang daddy, sure kung ano man ang gender ni baby maganda ang lahi" mahinang natawa si Vanessa sa sinambit ni doctor.

Pag katapos ng session na iyon ay inis na hinatak akon ni Tyler.

"Bakit mo sinabi yun?" Padabog na inalis ko ang kamay ni Tyler sa kanyang braso.

" Ano ba nasasaktan ako ah, bakit totoo naman Ikaw ang baby daddy diba?" Inis na tumingin si Tyler kay Vanessa.

" Didn't I tell you not to say that I'm the daddy, did you forget what we talked about?" Hinatid na lamang ni Tyler ang babae sa kanyang pinagtutuluyan.

Akala ko pa naman magiging maganda ang araw ko ngayon. Pero nasira nanaman iyon.

Baddie_Cutie8