Chapter 19
Hiding Son Of Atlas Gilmore
Nang makarating kami sa lugar na sinasabi ni Tyler ay parang nanibago ako, masiyadong tahimik at iilan lang ang mga tao.
Sa tingin ko ay dito nagpapahinga noon si Tyler kapag, gusto nito ng payapa na kapaligiran. sariwa ang mga hangin at ang mga bata ay masayang nag lalaro sa kanilang mga tapat ng bahay.
Napatitig ako sa kung paano kasaya ang mga bata mag laro, noon kasi wala akong kalaro, natatakot sila sakin dahil daw ako ang may kasalanan bakit nawala si Freya samin.
Tanging ate Eunice lang ang kalaro, minsan naman busy ang ate kasi nag aaral na siya noon. Nasa labas lamang ako ng bahay ay nakikita na binabantayan ng mga yaya nila, at masayang naglalaro.
Yun lagi ang kinaiingitan ko noong bata pa ako, kahit pag mamahal ng kaibigan noong bata pa ako, Hindi ko naranasan kung iwasan nila ako parang may sakit ako na nakakahawa.
Kaya labis ang lungkot ko na malaman ko na wala na si Natalia. Ito lang ang lumalapit sa akin o di kaya nakakasama ko noon.
Pinangako ko sa sarili ko na mamahalin ko ang anak ko, Hindi ko ipapadama sa kanya na nag iisa siya. Kahit tinaboy kami ng daddy niya ay bubuhayin ko ito ng ako lang.
"Maraming salamat Tyler. Okay na ako dito." Saad ko dito.
Ngunit masamang tingin lamang ang ginawad sakin ni Tyler. Saktong dumating naman ang makakasama ko sa bahay. Mabait si Manang at napaka maasikaso.
Parang lola ko na rin ito ituring, dahil kahit mga grandparents ko ay ayaw sakin. Favorite kasi nila na apo si Freya. Kaya labis din ang paninisi nila sakin.
"Siguraduhin mo na maayos ang lagay mo, ayoko na ipahamak mo ang anak ko Vanessa." Bilin nito sakin.
Pagkatapos ng pag uusap namin ay umalis na din si Tyler. Tanging kami lang ni Manang ang naiwan sa malaking bahay.
Hindi rin pala ako nakapag sabi kay Ate. Naisip ko na I message ito upang hindi na mag alala sakin ito.
"Hi, Ate si Vanessa po ito, kung nagtatakaka po na hindi ako nakakadalaw. May problema lang po ako. At babalik din naman po ako. Huwag ka po mag alala sakin, I love you ate!!" Laman ng mensahe ko.
"Nasan ka ba? At bakit ayaw mo sabihin nasaan ka?" Tanong ni Ate sakin.
"Secret ate siyempre, tsaka don't worry about me ate, I'm okay. I will be back soon. Sagot ko dito.
Agad ko na inalis ang sim na aking gamit, at baka matunto pa ako ni Atlas. Alam ko na gagawa ng paraan iyon kung sakaling matauhan na siya ang ama ng dinadala ko.
Maraming connections si Atlas kaya madali lang iyon para sa kanya. Kaya naman si Tyler ang aking naisip na alas mula kay Atlas.
Ayoko man gawin ito, pero Wala nakong choice lahat sila ayaw na sakin. At Hindi ko kaya kimkimin ang mga masasakit na salita na binabato nila sakin.
Hindi ko alam kung sa sobrang dami ko bang iniisip ay napapabayaan ko ang paligid ko, napaka kalat at dumi. Saktong dumating naman si Tyler sa bahay.
Sinermonan ako nito na dapat maging malinis ako sa paligid ko, kesyo may kasama ako ay hahayaan ko na ang kasama ko. Dahil doon ay inayos ko ang aking sarili.
May point si Tyler, matuto tayong huwag umasa sa tao, dapat bilang magiging Isang ganap na ina ay marunong na ako sa ganitong bagay.
Sa umaga ay panay ang lakad ko bilin kasi ni Manang maganda daw iyon sa buntis, at dapat kahit papano ay naaraawan ako.
Sa aking pag lalakad ay may bata ako nakita umiiyak ito, nilapitan ko ito dahil sa nakikita ko ang sarili ko sa kanya noon.
Walang gustong makipag laro, dahil daw sa hindi daw ito marunong. At walang laruan.
Ang pinagkaibahan lang namin ng batang ito ay umiiyak ito dahil sa ayaw din siya kalaruin at walang laruan tulad ng mga bata.
I have allowance naman na pwede ko ibili ito para hindi na malungkot ang bata, naawa din ako dahil pakiramdam ko ako ang bata.
"Bata, bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa bata.
" Ayaw po kasi nila ako kalaro, Kasi wala daw po akong laruan na maganda." Sagot nito sa aking tanong.
Walang pag-aalinlangan ko na inaya ang bata na sumama sakin.
"Tara sama ka sakin. Bibili tayo." Pag aya ko dito.
"Ayoko po, sabi ni Mother Mila bawal daw po ako sumama kung kanino lamang." Sagot muli ng bata.
Kaya pala parang ayaw ito isali sa laro ay dahil sa ampunan pala galing ang bata.
"Don't worry magpaalam tayo, upang maka siguro ka." Pag lahad ko ng aking kamay sa bata.
Agad ako sinamahan ng bata kung saan ang tinutuluyan nito. Isang matandang Madre ang sumalubong sa akin.
"Magandang araw sayo, oh Kate bakit naman nag pasama ka pa buntis pa naman si Iha." Tukoy nito sakin.
Hindi ko alam paano agad na tukoy ng madre na buntis ako, gayong maliit pa masiyado ang tiyan ko.
"Ah okay lang po, sa katunayan po ako po talaga nag pasama para kausapin po kayo." Sagot ko sa Madre.
"Ganon ba? Ano bang atin?" Mahinhin na ani ng Madre sakin.
"Gusto ko po kasi sana isama itong bata, ibibili ko lang po ng mga toys. Naaaa po kasi ako na ayaw siya kalaruin ng mga bata doon, dahil sa wala daw itong laruan." Pag eexplain ko sa Madre.
"Walang problema, Kay buti ng iyong loob nawa'y pagpalain ka ng mahal na diyos." Saad ng Madre sakin.
Masaya ako na sa ganong paraan ay makatulong ako sa mga batang may mga kailangan.
Sinamahan ko si Kate na bumili ng laruan. Marami ang aming binili upang ang lahat ng mga bata na nasa ampunan ay mayroon din at patas lang.
Nang dumating kami doon ay sobrang saya ng mga bata, ang iba ay naiiyak na ngayon lang daw sila nagkaroon ng ganong laruan. Napaka saya sa pakiramdam na nakatulong ka kahit doon man lang.
Sa mga bata sa ampunan ay si Kate ang pinaka malapit sakin, napaka sweet na bata at napaka masunurin nito.
Nang makauwi na ako ay nag alala pala si Manang sakin, Hindi ko pala nasabihan si Manang na aalis ako, ang alam lang kasi nito ay mag lalakad lakad lamang ako sa labas.
"Iha asan kaba nang galing?" At anong oras na, mahamugan kang bata ka." Saad nito sakin.
"I'm sorry po, may bata lang po ako tinulungan, yung mga nasa ampunan po. Meron po palang malapit dito?" Tanong ko.
"Andoon ka lang pala, papunta na si Tyler dito, akala ko kasi nawawala ka. At oo may malapit nga, sa susunod mag sabi ka ah para alam ko kung nasaan ka." Bilin ng matanda sakin.
Tumango naman ako bilang pag sangayon dito. Ilang oras lang ay dumating na si Tyler kahit gabi na ay pumunta pa rin ito. Sa kanyang itsura ay mukhang nag madali ito na pumunta dito.
"Ano bang pinag gagawa mo?" Tanong nito sakin.
"Sorry, doon lang naman ako nanggaling." Turo ko sa daanan patungo sa ampunan.
Akala ko magagalit pa ito ng ituro ko ang ampunan.
"Sa susunod mag paalam ka, Hindi yung bigla kang aalis pinagalala mo si manang." Sermon nito sakin.
Tumango nalang ako, ayoko pa na magtalo dahil lang doon, aminado naman ako na mali ang ginawa ko.
Umaga ng mapagpasiyahan ko na gumamit ng social media, hindi ko personal na account ang gamit, ayoko ma trace ni Atlas. Ewan ko bakit biglang napunta ako sa account ng lalaki.
Sa mga upload nito ay tila masaya at parang walang sinaktan na iba. Haang ako nagiisa dito, at pakiramdam ko ay napaka lungkot.
Akala ko siya ang magiging sandalan ko, pero ito pala magiging dahilan ng kalungkutan ko.
Busy ako sa aking binabasa ng biglang pumasok si Manang.
"Iha ipapakilala ko nga pala itong bagong hardinero natin, siya rin magiging utusan natin sa mga mabibigat." Pag papakilala ni manang sa lalaki.
Ang lalaki ay may magandang pangangatawan at Moreno ito na lalong bumagay sa lalaki. Halatang sanay mag banat ng buto.
"Ako mga po pala si Arthuro po, magandang araw po mam." Bati nito sakin.
"Magandang araw din sa iyo, kinagagalak ko na makilala ka." Sagot ko.
Inaya na ito ni Manang kung saan ang mga gagawin ng lalaki. Naka upo sa bintana at kita ko paano mag buhat ng mga kahoy, parang ako ang nabibigatan sa mga dala nito.
Si Tyler naman ay bihira lang kung tumungo dito, para lang kamustahin ang lagay ko, palaging pinapaalala ang mga vitamins na kailangan ko.
Siguro kaya bihira lang ang lalaki dito, ay nag iingat ito kay Triana upang hindi mahuli, nag usap kami paano ang magiging set up, walang personal na connection kundi ang bata lang talaga.
Yung guilt na nararamdaman ko ay parang nag dudulot ng kahinaan sakin. Hindi ko gusto ito pero nagawa ko dahil sa selos.
Tuwing umaga ay ganon parin ang routine ko, maglalakad lakad at kung minsan ay nasa ampunan ako para makipag laro sa mga bata. Minsan naman naka tingin lang mula sa malayo, at nanonood kay Arthuro.
Nag lalakad ako pauwi sa bahay ng salubungin ako ni Arthuro.
"Magandang araw po, akin na po iyang dala niyo baka po mabigat." Saad nito sakin.
"Ah hindi na magaan lang ito, huwag kang mag alala, kung mabigat ito ipapabuhat ko naman." Nahihiyang sagot ko dito.
Ngumiti naman sakin si Arthuro. Totoo ang kasabihan na napaka attractive ng mga lalaking galing probinsya. Napaka sipag pa. Now I know bakit ganun ka mahal noon ni ate Eunice si kuya Alejandro.
Pero hindi ko tipo si Arthuro, nakakahiya at lalo na kakahiwalay ko lang Kay Atlas, at buntis pa ako.
Enjoy reading mga loves...
Baddie_Cutie8
__________