Chapter 21
Hiding Son Of Atlas Gilmore
Sa mga araw na lumipas ay napapadalas ang dalaw sa akin ni Tyler, Hindi ko alam kung bakit, pero I guess may problema ito kay Triana, may improvement na ang pag memessage ko kay Triana.
Pero sa aking loob-looban ay guilty din ako sa mga ginagawa ko, Isa rin iyon sa pinagsisihan ko, nagawa ko ito dahil kay Triana sa selos, pakiramdam ko inaagaw niya lahat sakin.
Lumipas lang ang ilang buwan ay isang buwan na lang ang aantayin ni Vanessa ay ipapanganak na ang anak nito kay Atlas.
Agad ako na binati ni Tyler ng dumating ito mukhang pagod ito sa biyahe. Wala akong intensyon na akitin ito, ang tanging gusto ko lang ay maitago ako nito.
" Hi" bati ko kay Tyler.
" Hi kamusta si baby?" Tanong naman nito sakin.
Mahahalata sa boses ng lalaki na hindi niya ako gusto na makasama. Kung hindi lang dahil sa baby ay hindi ito tatagal sakin.
" You know nakakapag taka bait ang bilis mong pumayag sa gusto ko na itago ka? May pinagtataguan kaba? At bakit napaka bilis ng desisyon mo?" Tanong na tila pinag-sususpetiyahan ako nito.
Dahil sa sunod sunod na tanong ni Tyler tila kinabahan ako sa mga tanong nito. Marami akong reason kung bakit mabilis ako pumayag sa nais ng lalaki kahit na ayoko niya ako na itago ay pumayag ako upang magtago kay Atlas
Pero kailangan niya din yun. Upang hindi na maghinala ang asawa nito, lalo na at tinatago ako nito
" B-bakit mo naman natanong yan?? Duda ka pa ba sakin hanggang ngayon?? 7months na akong buntis ngayon kapa nag dududa."
Pilit na nililito ko si Tyler, at baka mabuking ako nito sa mga balak ko.
" Wala, dahil baka may pinagtataguan ka na, importanteng tao." Walang ganang sagot nito sa akin.
" By the way kelan ka manganganak? Para mapag handaan ko." Tanong nito sakin. Nakakapag taka at parang hindi ito ata ito busy ngayon?
" Sa May pa ang due date ko, and make sure na nandoon ka Tyler dahil first baby mo to." Saad ko dito.
Ilang oras pa bago umalis dito si Tyler, sa katunayan ay nakatulog pa ito dito. Pero ramdam ko na iniiwasan ako nito na tila may sakit ako, I understand naman kung bakit ganito sakin si Tyler.
I like him noon, pero ngayon wala na iyon, marahil iniisip parin nito na nag hahabol lamang ako dito. Kasalanan ko naman bakit ganito ang mga tingin sakin ng mga tao ko sa paligid.
1 am in the morning na nakauwi sa bahay nila ito, tila wala sa sarili siguro may problema nga sila, dapat maging masaya ako pero lalo lang ako naging malungkot sa nagawa ko.
I'm so sorry Tyler and Triana kung naiipit kayo sa sitwasyon ko.
Umaga naglalakad ako sa labas ng aming bahay, ang mga paligid ay maaliwalas sa paningin, nakaka pag bigay ng magandang mood iyon.
Napaka ganda ng garden, ito pala ang inaayos noong nakaraan ni Arthuro. Napaka ayos at ang gaganda ng mga tanim. Wala akong hilig sa mga pananim.
Nang makita ko ang mga ito ay naging interesado ako. Kahit malaki na ang tiyan ko ay gustong gusto ko parin na may ginagawa, ang sabi naman ng iba ay okay lang daw iyon lalo na at malapit na due date ko.
Pipitas sana ako ng Isang bulaklak ng may marinig ako na boses mula sa likod ko.
"Napaka ganda nila ano? Kasing ganda niyo po. Hindi ko lang maintindihan bakit ganun ang trato sa iyo ni sir, huwag niyo po mamasamain asawa po ba talaga kayo ni Sir?" Tanong nito sakin.
Kahit pala si Arthuro ay naka halata na sa pag trato sakin ni Tyler. Ayoko ng pakiramdam na parang kawawa ako.
"Ahh... Ang totoo oo, may unang asawa ang sir mo, kaya dito ako itinago." Pag amin ko dito. Kita ko sa mga mata ni Arthuro ang pag kagulat sa aking inamin.
"Pero may sapat ako na dahilan kung bakit ito nangyari sakin. Sa ngayon Hindi ko pa kaya na aminin iyon." Maliit na ngiti ang ginawad ko dito.
"Sa ganda niyo pong iyan ay hindi ka mahal, ang tanga naman ni Sir." Mahinang saad ni Arthuro sakin.
Akala siguro nito ay hindi ko iyon rinig. Gusto ko sabihin na hindi ko naman mahal si Tyler dahil ang taong akala ko na mahal ako ay sinaktan ako at umabot sa punto na makakasira ako ng relasyon.
Masiyado ako nag pa kampante kay Atlas na hanggang dulo ay kami. Nakalimutan ko na label nga ang taga na ibigay sa akin ang pagmamahal pa kaya niya.
Dahil sa nangyari ay parang ayoko na humarap kina dad and mom. Naalala ko paano ako sigawan ni mom na once may mangyari sa akin ay huwag ako hihingi ng tulong.
Napaka dilim ng paligid para sakin, walang sino man ang makaintindi sakin ngayon, kung malalaman nila ang nagawa ko ngayon ay baka husgahan nila ako.
"Ikaw napaka agad napaka bolero mo." Natatawang saad ko kay Arthuro.
"Eto po mam maganda to." Sabay lagay sa aking tenga ang pula na rosas.
Hindi ko alam bakit tila natuwa ako sa ginawa ng lalaki. Siguro dahil hindi ko pa iyon naranasan.
"Oh diba bagay po sa iyo mam, sige po balik na ako sa trabaho." Paalam nito bago umalis sa aking harapan.
Naka ngiti ako ng umalis si Arthuro. Tila pakiramdam ko ay parang bata ako at napaka ganda ko kahit na buntis ako at parang lolobo na sa laki ng tiyan ko.
Pabalik ako sa loob ng bahay ng salubungin ako ni Manang.
"Oh, napaka ganda naman ng bulaklak sa iyong tenga, mula ng dumating ka dito ngayon lang kita nakitang ngumti ng ganyan. Saad ni Manang sakin.
Agad na nawala ang ngiti ko dahil pakiramdam ko ay mali ang ginagawa ko, na parang inisip ko ay nagtataksil ako.
Ganito ba ang pakiramdam ng tratuhin ng tama? Parang bago sa aking pakiramdam.
Mag mula ng makarinig kasi ako ng saljtang malandi kay Atlas ay pakiramdam ko ay napaka liit ko at ang liit ko.
"Ah.. ito po kinuha ko po ito sa garden natin." Nakangiti ko na sagot dito.
Ngumiti sakin ang matanda at ini-abot ang mga vitamins na kailangan ko. Naging malaking tulong sa akin si Manang lagi ako nito pinahalalahanan sa mga kailangan ko.
Kaya kahit hindi ko ito kaduvo ay mahal ko ito na parang lola ko.
Marami itong bilin kapag nanganak na ako, ano ang mga dapat at hindi dapat gawin. Nakakatuwa at may mga bago akong kaalaman.
Nang dumating ang araw na manganganak na ako ay andito nga si Tyler kahit sa aking pag lalabor ay nasa tabi ko ito.
Naging maalaga ito sakin dahil sa concerned ito sa bata.
Gabi ng maramdaman ko na manganganak na ako. Sobrang sakit parang pinupunit sa sakit ang pakiramdam ko.
" Ahh... T-tyler manganganak na ata ako!!!" Dahil don ay agad na binuhat ni Tyler si Vanessa at dinala sa hospital.
Tila kinabahan sa labas si Tyler dahil baka mapano ang baby paglabas.
Ilang oras ay tinawag naman ng doctor si Tyler. " Sino po ang asawa ng patient?" Tanong ng doktora.
" Ako po doc." Kinakabahan na ani ni Tyler.
"Don't worry daddy, safe na deliver si baby mo" dahil don nawala ang kaba ng lalaki. " T-thank you doc" nakangiting ani ni Tyler.
Agad na pumunta si Tyler kung nasaan naka room si Vanessa. Nakita ni Tyler ang baby, Puno ng luha ang mata ni Tyler dahil sa tuwa.
"Anong gusto mong name ng baby natin?" Tanong ni Vanessa kay Tyler.
"Adan Ezekiel Callistar yan ang pangalan ni baby." Tulalang ani ni Tyler sa baby na tila manghang-mangha ito sa baby.
Tumango nalang si Vanessa bilang pag sangayon sa gusto ni Tyler.
Nang makita ko ang baby ko ay napaka saya ko, naiyak pa ako ng makita ito dahil sa kamukha nito ang daddy niya. Walang duda na anak nga ni Atlas ito.
Hindi ko alam paano ko pa maitatago ang anak ko once na makita ito ni Atlas. Gagawa ito paraan makuha sakin panigurado.
Ibinigay sakin ang bata upang maramdaman daw nito na I'm his mother. Napaka sarap sa pakiramdam na nailuwal ko ng maayos si Baby Ezekiel. akala ko mag kakaroon ng problema.
Dahil sa history ko na dinugo ako dito. Mabuti nalang at normal si baby.
Aking nakikita na labis ang tuwa ni Tyler sa aking anak gusto ko sabihin na hindi mo anak si baby Ezekiel. Pero ayoko sirain ang moment nila.
Masaya itong nag pakuha pa ng litrato with baby. Nang biglang nag ring ang phone nito, ibinaba niya ito ng dahan-dahan at sinagot ang tawag.
Pagkatapos ng tawag ay tila natataranta ito at nag paalam na aalis muna ito. Naiwan ako na mag isa, mabuti nalang at nandito sina Manang at Arthuro.
Enjoy reading.. follow na rin guys para updated kayo sa mga new update ko.
Baddie_Cutie8
__________