Chapter 19
Hiding Son Of Atlas Gilmore
Kahit na mahal ko pa ay pinilit ko nalang kalimutan, sisiguraduhin niya na mag-sisi si Atlas sa pang-tataboy niya sakin. Umasa ako na magiging mabuti ito sakin, but I'm wrong sa tingin niya pala sakin isa ako whore.
Kaya naman pala antagal ako bigyan ng label, Hindi pa pala sure sakin, sakit non ah parang kagat lang ng dinosaur. But I'm okay kaya ko naman sarili ko na wala siya.
Ilang days muli ang nakalipas ay nalaman ko na pumunta pala sa bahay namin ang magulang ni Atlas at gustong ipagkasundo na I arrange kami. Kung noon gusto ko kami ikasal, pero ngayon ayoko na.
Ayokong ikasal sa kasinungalingan lamang at ang tingin sa akin ay isang malandi. Sa ilang beses na samin may nangyari, ni hindi nga kami gumagamit ng protect.
Habang ako naman ay nakalimutan na ang pills ko, masyadong nag pakampante ako na walang mabubuo, o di kaya kapag may nabuo ay papanagutan naman ako nito.
Hindi ko umuwi ng bahay kahit panay ang message ni daddy na umuwi ako, dahil andoon daw pamilya ni Atlas at ang ex boyfriend ko.
Ayokong makita ang mukha ni Atlas, pakiramdam ko ang pangit niya ngayon. Hindi ko alam kung dala lang ba iyon ng hormones ko.
Nag lakad lakad ako ng makita ko si Tyler, tila nag iisa ito. Agad naman naisip ko na palipasin ang araw at sabihin na siya ang naka buntis sakin. Wala na akong choice kundi gawin na lokohin ito.
Nagawa ko rin ito dahil sa selos sa gf nito, si Triana ang dahilan bakit nag away kami at nag kasagutan ni Atlas. Kung hindi sana ako nag sinungaling masaya sana ako ngayon.
Sa ngayon na may malaking problema ako na kinakaharap ay Wala akong maka usap at maka sama, dahil yung nag iisang kasama ko sa ganitong sitwasyon ay wala na.
Si Natalia lagi kong takbuhan noon, masiyadong nag paka busy ako kay Atlas at nakalimutan ko na ang kaibigan ko na my pinag dadaanan din pala. Ni hindi ko man ito naka musta.
Huling kita ko dito noong pumunta ako ng bahay nila at takot na takot ito sa asawa. Sabay sabay ang problema na dumating sakin, Hindi ko alam hanggang saan ang kakayanin ko.
Alam ko na masama ang gagawin ko na panglilinlang kay Tyler, pero ito nalang paraan ko para ilayo ako dito ni Tyler.
Then one time nag ask ako sa mga kakilala ni Triana na hingin ang number nito. At may nagbigay naman sakin.
Gumamit ako ng ibang number upang sirain ko sila ni Tyler, it ang na isip ko na sirain sila at Iwan ni Triana si Tyler.
Ilang beses ako nag message kay Triana, upang linlangin ito na Tyler is cheating with her. But inignore lang ata ni Triana ang mga message.
Nang dumating na ang tamang araa upang maniwala si Tyler na buntis ako sa anak niya ay nangunlit na ako dito sa message.
"Tyler, I'm pregnant." Laman ng message ko mula kay Tyler.
Noong una hindi naniwala ang lalaki sakin, at talaga ng humingi pa proof na kanya ba ang bata. Naghanap kami ng hospital kung saan pwedeng I DNA ang bata kahit dugo palang ito.
Mahal iyon pero afford namin dahil pareho naman kami mayaman. Kinuntiyaba ko ang nag suri ng DNA at pinalabas na positive iyon.
Ng lumabas ang results ay tahimik lamang si Tyler, marahil hindi niya iyon inaasahan.
I'm so sorry Tyler kung nagawa ko man ito, kahit grabe itong gagawin ko ay kinakain din ako ng guilt ko.
Simula noon ay naging maalaga sakin si Tyler, kahit alam ko na para sa bata ay at least may nag aalaga sakin, dapat si Atlas ang nandito pero hindi.
Mas pinili nito na paniwalaan na baka sa ibang lalaki ko ang dinadala ko.
Noong napagpasiyhan ko na talagang sirain na sina Tyler at Triana ay tumungo ako sa office ng babae, inabang ko ito at kinausap ko .
"Hi, ikaw si Triana right?" Tanong ko dito, kahit naman na kilala ko na ito.
" Y-yeah? And who you are??" Takang tanong nito sakin.
"Can we talk? About Tyler?" Sagot ko dito.
Mukhang may idea na ang babae kung anong pinunta ko sa kanya, dahil ng banggitin ko na gusto ko makipag usap tungkol Kay Tyler, ay tumahimik ito saglit.
"S-sure may alam ako na malapit na cafe dito, okay lang ba sayo doon tayo?"
Tumango naman ako bilang pag sangayon sa babae.
Nang makarating kami doon ay saktong wala naman masiyadong tao. Siguro kasi oras na ng uwian ng mga empleyado kaya konti nalang.
Umupo kami sa malapit at agad ko na sinimulan ang nais ko.
"Di nako mapapaligoy pa, I'm pregnant with Tyler child."saad ko dito.
Kahit papano ay naawa parin ako sa babae, dahil mukhang nanghina ang babae sa aking sinaad.
"Excuse me? Pregnant? At si Tyler ang ama?"
"Y-yes" sagot ni Vanessa.
"How?" Nagtatakang tanong ko dito.
"Noong panahon na may problema kayo, nakilala ko siya sa isang exclusive na bar si Tyler. That time parehas kami lasing and promise hindi ko intension na may mangyari samin."
"Kapwa kaming lasing ni Tyler non." Pinutol ko na ang kwento niya isa lang ang gusto ko pa malaman.
"Isang tanong lang ang gusto kong malaman nasundan paba?"
Kahit na ang totoo ay wala na kundi pag dalaw lang ang tanging pinupunta sakin ni Tyler.
"Kaya ako nandito para sabihin na, please ipaubaya mo na sakin si Tyler!" Paiyak kong saad kay Triana.
"Wow! ah ngayon iiyak ka sakin na parang ikaw pa ang victim dito. Huwag kang feeling victim dito Vanessa." saad ni Triana saakin.
"Alam mong may gf ang tao pero pinatulan mo pa den! Siraulo kaba?" Pagak na tawa ni Triana sakin.
"Now i know bakit bainalik balikan ako ni Tyler Triana. Kasi ganyan ang ugali mo." Sagot ko dito.
"Alam mo ba na tuwing nagkikita kami sarap na sarap si tyler sakin, akala ko nga iniwan kana kasi siya pa ang pumupunta sa place ko. Oo aminin ko noong una hindi ko intension na may mangyari samin. Pero nung naulit pa muli intension ko na yun."
Hindi ko alam bakit nasasabi ko ang mga salita na hindi naman totoo, ganito ako ka desperada na magtago kay Atlas.
Dahil sa aking sinabi ay malakas ako na sinampal ni Triana, malakas iyon at tiyak na babakat.
"How dare you!!" Galit na saad ko dito.
"Alam mo ikaw Vanessa yung mga tulad mo kayo pa matapang kahit naka sira na kayo ng relasyon ng iba." Galit na sagot sakin ni Triana.
Tinitigan ako mula ulo hanggang paa ni Triana. "Mukha ka naman may pinag aralan ka pero sa inaasta mo, parang wala. Alam mo sayang yang ganda mo bobo mo nga lang, siraulong lalaki ang kinababaliwan mo." Saad nito.
"Dahil alam mo ba kaya ka hindi kana uli binabalik-balikan e nasa kanlungan ko naman si Tyler, He warmed my bed every night, and you nag aantay na baka bumalik si Tyler."
Gusto ko sumagot na, I'm so sorry if nasasaktan kita Triana, I'm so desperate na mailayo ni Tyler kay Atlas. Ikaw din ang dahilan bakit ko nagagawa ito.
"Sa kwentong ito ikaw ang pang-gulo kaya huwag feeling ikaw ang bida. Huwag ka pakampante na kung talagang totoong buntis ka ay pipiliin ka ni Tyler." Masakit iyon para sakin.
Dahil noong college si Tyler ang lalaking gusto ko, pero diko malapitan dahil may nobya ito at hanggang ngayon ang mga lalaking gusto ko ay sa kanya parin may gusto.
Noon gusto ko si Tyler, pero ng makilala ko si Atlas akala ko siya na talaga e.
Umalis na taas noo si Triana sa cafe, ang mga ilang tao ay naka tingin sakin, siguro nakita nila ang pag sampal ni Triana sakin.
Umalis nalang din ako doon upang hindi na mapahiya. Hindi ko din pinaalam sa magulang ko kung nasaan ako ngayon dahil kukuliti lang ako ng mga ito lalo na at anak ng mga Gilmore ang pumunta.
Lalong-lalo na si mommy, tiyak na sa sobrang saya ni mommy na mga Gilmore na ang tumungo sa bahay ay tiyak na naka taas na ang mga Tenga nito sa sobrang saya.
Gusto kasi nito na mga mayayaman ang mapangasawa namin ni Ate.
Nasa condo ako ng biglang dumating si Tyler.
"We need to talk.." saad nito sakin.
"About? What?" Sagot ko dito.
"Kailangan na umalis ka dito, may place ako na walang nakakaalam. May makakasama ka naman doon para bantayan ka at tulungan." Saad ni Tyler sakin.
Eto na ang hinihintay ko na itago ako ni Tyler, siguro nag susupetsiya na sa kanya si Triana kaya ata ako nito itago.
"Okay kailan ba?" Tanong ko muli dito.
"Kung maaari lang ngayon na mag impake kana ng mga dadalhin mo." Maiksing sagot ni Tyler sakin.
Wala na akong inaksayang oras at nag impake na ako. Ngayon sisimulan ko na kalimutan si Atlas.
Pagsisihan mo na hindi mo ako pinaniwalaan Atlas.
Author notes:
Kalmahan niyo lang always naman ako may update, kapag sabado at linggo Wala talaga akong update, rest day ko iyon, at nagsusulat din ako ng mga Chapters don't worry.🤗