KABANATA 32
“Hindi kita hahayaang umuwi ngayon sa inyo! I’ll lose you, Mila! Hindi ko iyon kaya!” Bellisimo shouted at ngayon ay namumula na ang sulok ng mga mata niya. “Please, babe.”
“Ngunit mas hindi ko kaya na si Nanay ang umalis habang ako ay ligtas, Bellisimo. Hindi ako patutulugin no’n.” Gumaralgal ang boses ko habang nagsusumamo nang nakatingin sa kaniya.
Hindi pa rin kami umaalis sa tinigilan namin kanina nang tumawag si Kuya Jamile. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Bellisimo, ngunit base sa paulit-ulit na pag-ring din ng cellphone niya kanina bago niya iyon pinatay ay hindi niya ako sa kanila iuuwi. Looked like the Ferrers were trying to get ahold of him, too. Sigurado akong ayaw na nila ako para kay Bellisimo ngayon.
Nakita ko kung paano palihim na nilagay ni Bellisimo ang dalawa niyang daliri sa pagitan ng mga mata niya, tila mabilis na pinigilan ang kaniyang mga luha sa pagpatak. Suminghap siya at marahang tumango, gumagalaw ang panga na diretso nang tumingin sa harap.
“Okay…” namamaos niyang ani. “I’ll take you home.”
Nawala ang tensiyon sa katawan ko nang marinig ang sinabi niya. Alam kong mahirap sa kaniya na pumayag dahil kahit ako rin naman, nahihirapan ngayon na iwanan siya. Kaso hindi ko kayang pabayaan si Nanay. Isa pa, gusto ko ring makita si Kuya Jamile sa lalong madaling panahon at malaman ang katotohanan mula mismo sa kaniya. Hindi ako naniniwala sa kung ano man ang inakusa sa kaniya. Hindi ko alam kung paano sila nagkakilala ni Kendall at kung bakit naroon siya sa puder ni Kuya, pero nasisiguro kong walang masamang ginawa si Kuya sa kaniya.
“Salamat.” I gently caressed Bellisimo’s cheek at nakita kong napapikit siya nang maramdaman ang init ng palad ko. “Mahal na mahal kita, Bellisimo.”
He groaned at mabilis akong yinakap. A lone tear escaped my eyes at ramdam ko ang sakit na unti-unti ay pumupunit sa aking dibdib. I badly wanted to choose him, but my choices were limited. I could feel his breathing at my neck at napakabilis noon. Ang init ng hininga niya ay nagpataas ng mga balahibo ko.
“Mahal na mahal kita, Mila,” he hoarsely said. “I wouldn’t let go of you no matter what.”
Marahan siyang kumalas sa yakap namin. We stared at each other’s eyes at tila ba sa mga titig nami’y nagkaiintindihan na kami. There was nothing but our genuine love for each other. I never though I could fall inlove this hard to this playboy. He was the last thing I thought of falling inlove with, pero heto kami ngayon, walang ibang nakikita kung hindi ang isa’t isa lang.
Bellisimo leaned in at masuyong humalik sa bahagyang nakaparte kong mga labi. I could faintly taste the sweet mentol in his mouth. His tongue gently swiped at my lower lip seeking for entrance and I immediately obliged. Mahina akong napaungol nang magtama ang malalambot naming mga dila. One of his big, rough hand landed at my nape at mas dinidiin pa ako sa kaniya. Ang marahang halikan ay biglang naging mapusok na iyon na lamang ang tanging ingay na maririnig sa loob ng kaniyang kotse. He’s very expert on this. He was my first kiss and he’s teaching me everything I need to do and know. I was in daze nang magparte ang mga labi namin. Wala sa sarili ring naisara ko ang mga binti ko dahil sa kakaibang naramdaman sa pagitan noon. Bellisimo looked like he wanted more, too. Kita ko ang bahagyang pamumula ng leeg niya.
“Damn it, you tasted so sweet,” halos pabulong niyang ani bago ako hinalikan sa aking noo. “Let’s get you home bago pa magbago ang isip ko.”
The ride going back was very heavy. I could still remember the very first time I saw Esperanza and I didn’t lose hope that one day, I could really belong in this place. Na matatawag ko ring tahanan ang lugar na ito. But I was wrong. Mukhang hindi talaga ang lugar na ito ang para sa akin. My admiration for the place instantly drifted in the wind.
The only thing I could call mine in this place is my beloved Bellisimo.
Pagkarating namin sa bahay ay dali-dali akong bumaba ng sasakiyan. Sobra akong kabado at hindi ko na alam kung nakasunod pa rin ba sa akin si Bellisimo. Ang tanging pokus ko lang noon ay si Nanay.
“Nay!” tawag ko habang papasok sa loob. “Nay!”
“Jamila?” rinig ko ang nag-aalalang boses ni Nanay.
Nakita ko siyang dali-daling bumaba sa hagdan nang makita ako. Bihis na siya at mukhang aalis na sa kung saan man siya papupuntahin nina Tito Elton. Kaagad akong tumakbo kay Nanay at yumakap. I saw her tired and puffy eyes at hindi ko mapigilang masaktan para sa aking ina. Alam ko na kahit panaka-naka silang nag-aaway ni Kuya ay sobra niya itong mahal. Mahal na mahal niya kaming mga anak niya.
“Anak,” nag-aalala niyang ani sabay hawak sa magkabila kong balikat. “Bakit ka narito? Sabi ng Kuya Eli mo ay si Bellisimo na raw ang bahala sa iyo.”
Sumulyap si Nanay sa likod ko kung saan natitiyak ko ay naroon si Bellisimo. Nakita ko ring lumabas si Kuya Eli kasama si Tito Elton mula sa library sa second floor at mukhang galing sila sa isang seryosong usapan.
“Ija?” si Tito Elton.
Kaagad na kay Bellisimo dumapo ang seryosong titig ni Kuya Eli.
“I told you to take her away safely. Why is Jamila here now?”
“Kuya,” kaagad kong kontra. “Sasama ako kay Nanay. Hindi ko siya hahayaang umalis mag-isa, hindi ako patutulugin noon. Isa pa, nais ko ring makita at makausap si Kuya Jamile.”
Kuya Eli shook his head at sa huli ay sumuko rin. Dagli akong umakyat para kuhain ang mga damit ko. Pagkababa ay kaagad na nagtama ang mga mata namin ni Bellisimo. His pained gaze landed at my things at ramdam ko ang hirap na panatilihin ang paningin sa kaniya. I am going away. Away from the place where he is. Ofcourse, it was a very hard decision. I was torn between love and family. But my family was my top priority.
“I’m sorry,” pabulong kong ani nang makatayo sa harap niya.
Ang isa niyang kamay na nasa loob ng bulsa niya kanina ay masuyong humawak sa aking pisngi. He tried to smile but he looked really tired.
“It’s fine, I understand your decision, Mila,” namamaos niyang sabi habang namumungay ang mga mata. “I’ll be patient, but I’ll follow you.”
Magpoprotesta na sana ako, ngunit nalunod kaagad ang boses ko ng isang maawtoridad na tinig.
“No you don’t, young man. You have to end everything you have with that girl.”
Kaagad na humawak si Bellisimo sa braso ko at bahagya akong tinago sa kaniyang likod. I saw his jaw clenching hard at kahit hindi ko na kita ang mukha niya ay ramdam ko naman ang talim ng paningin niya sa mga tao sa harap.
Standing on our doorway were the Ferrers and the Esperanzas.