KABANATA 31

Two weeks. Two weeks passed since me and Bellisimo became official at masasabi ko na tila noon ko lang naranasan na maging sobrang saya. Pakiramdam ko ay araw-araw akong inspired. Nangingiti bigla kapag naiisip siya. I never thought that falling inlove with someone and having someone you could completely call yours would make you like this. Like someone stupidly inlove.

“Hay, buti pa ang isa rito, tila araw-araw nang masaya,” rinig kong pagpaparinig ni Bonita sa tabi.

Lihim akong napairap at ngumisi habang pinagpapatuloy ang pagbabasa. Narito kami ngayon sa library at nag-re-research para sa reporting namin na magaganap bukas. Oo nga pala, speaking of Bonita, hindi pa rin pala niya alam na alam ko nang may namamagitan na sa kanila ni Kuya Eli. Oo, tama. Naikwento ko kasi kay Bellisimo iyong nakita ko at siya ang nagkumpirma sa akin na sila na raw ni Kuya. Siyempre nainis ako! I confronted Kuya Eli dahil siyempre nga, alam ko na si Kendall ang mahal niya – na hindi pa rin nahahanap hanggang ngayon – tapos malalaman ko bigla na sila na ng kaibigan ko? They were like cat and dog! Sinong hindi magugulat?

Natigil ako sa pagbabasa at seryosong tinignan si Bonita. Nahagip niya ako ng paningin at kaagad na kumunot ang noo niya, tila nagtatanong kung bakit ko siya tinitignan ng ganoon. Binaba ko ang libro na hawak para makausap siya ng mabuti. Tumingin ako sa paligid ng library bago nagsalita.

“Ikaw, wala kang sinasabi sa akin,” nang-aakusa ang boses kong ani.

“Ha?” tila nagmaang-maangan niya kaagad na sabi. “A-Anong walang sinasabi?”

“Huwag ka nang magmaang-maangan, sinabi na ni Kuya Eli sa akin na kayo.”

Kaagad na nalukot ang mukha niya nang marinig ang sinabi ko. Umiwas siya ng tingin, tila biglang ayaw na salubungin ang mga titig ko.

“Ang lalaking iyon, sinabi ko na itago muna…” halos pabulong niyang ani.

Bumuntonghininga ako. “Ako naman ang nakaalam, hindi niya kusang sinabi sa akin. Iyong araw na pumunta ka sa amin para ayusan ako sa dinner date namin ni Bellisimo, nakita ko kayo ni Kuya na naghalikan.”

Nanlaki ang mga mata niya na tila kwago at kaagad na namula ang buong mukha. Pinigilan kong matawa. Ayan kasi, hindi nag-iingat.

“Shuta…” aniya at tinakpan ang mukha. “’Yan na ba ang natututunan mo kay Bal, ha? Hindi ka na naghe-hesitate sa mga salita mo, ah?”

Natawa ako sa sinabi niya. The bell rung indicating na lunch time na. Napagpasyahan namin ni Bonita na ipagpatuloy na ang pag-uusap sa canteen. Ngunit nang makalabas kami ay isang marahas na paghila sa braso ko ang nagpagulat sa akin. Muntik na akong manlaban kung hindi ko lang nakita na si Bellisimo ang humila sa akin.

“Ginulat mo ako!” sigaw ko sa harap ng mukha niya.

Ngunit nagtaka ako nang makita ang sobrang pag-aalala na may halong takot sa mukha niya. Kaagad na nangunot ang noo ko at may kakaibang takot na nag-umpisa sa aking dibdib. I saw Red walked towards Bonita at nagsimula na silang mag-usap tungkol sa kung ano.

“You need to come with me, Mila,” tila nagsusumamo na ani Bellisimo.

“A-Anong nangyayari? May nangyari ba? Ayos ka lang?” nag-aalala kong tanong sabay hawak sa magkabila niyang braso.

Bellisimo gulped at bigla niya na lang akong hinila para yakapin. I could hear the frantic beating of his heart. Mas lalo akong kinabahan. Ano ang nangyayari?

“I can’t lose you…” halos pabulong niyang ani.

“B-Belli –”

“Ano?” Naitulak ko si Bellisimo nang marinig ang malakas na sigaw ni Bonita.

“Bon?” tawag ko sa kaniya.

From Red, she shifted her eyes at me. There was a hint of nervousness and worry. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang tatlo na tila ba bigla silang naging alien.

“Shit, Jam! Sumama ka muna kay Bal!” nagmamadaling ani Bonita.

“Ha? Te-Teka!”

Ngunit hindi na ako nakapagtanong pa sa kaibigan ko nang hinila na ako ni Bellisimo para makaalis doon. Halos kaladkarin niya ako, ngunit ramdam ko pa rin ang pag-iingat niya sa paghawak sa akin. Ilang minuto lang ay narating na namin ang parking lot. Binuksan niya ang passenger seat at pinilit akong pumasok doon. Mabilis siyang umikot at nang nasa driver’s seat na siya ay buong pwersa ko siyang pinaharap sa akin.

“Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyayari,” mariin kong ani sa kaniya.

Napapikit si Bellisimo. He looked so frustrated. He run a hand to his hair ngunit kaagad kong sinuway ang sarili ko na huwag ma-distract doon.

“I’m taking you somewhere,” pag-iiba nito sa usapan dahilan para mapaungot ako sa inis.

“Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyayari!”

I heard Bellisimo muttered a curse. His eyes were blodshoot nang tignan ako pabalik. Good, now he’s pissed, Jamila.

“Mila, babe, please –” Natigilan kaming dalawa nang mag-ring ang cellphone ko at sabay naming nakita na si Kuya Jamile iyon. “Don’t answer –”

“Hello?” Ngunit huli na siya, nasagot ko na.

“Jamila.” Napaigtad ako nang marinig ang tila pagod na boses ni Kuya. “After you talk to me, turn off your phone until tomorrow at sumama ka muna kay Bal.”

Kaagad na nangunot ang noo ko at tumingin kay Bellisimo na tila nagsusumamo na ang mukha sa akin.

“Kuya, anong nangyayari?” seryoso kong tanong.

“Jamila, makinig ka sa –”

“Kuya, anong nangyayari?” galit ko nang tanong. “Si Nanay?”

Kaagad akong binundol ng kaba sa hindi ko pa rin alam na dahilan. Ngunit kung ganito ang inaakto nilang lahat sa paligid ko, si Nanay lang ang naiisip ko.

Narinig kong nagmura si Kuya Eli sa kabilang linya na bihira ko lang naririnig mula sa kaniya. Malakas siyang bumuntonghininga.

“Jamila, makinig ka,” aniya. “Nakita na si Kendall.”

Nagtaka ako sa narinig. Nakita na si Kendall? Anong kinalamaan noon sa inaakto nila? Sa akin?

“At?”

“At doon siya natagpuan sa bahay ngayon ng Kuya Jamile mo.”

“Ano?” halos hindi makapaniwala kong tanong.

Si Kendall? Naka’y Kuya Jamile? Paano? Magkakilala ba sila? Hindi ko alam, pero hindi maganda ito.

“S-Si Kuya? Anong nangyari kay Kuya Jamile?”

I heard Bellisimo slammed his steering wheel ngunit lutang na ako para pansinin pa iyon. Tila nahulog ang puso ko at gumuho ang mundo sa harap ko mismo.

“The Esperanza accused him of hostaging Kendall, kaagad siyang pinakulong.” Nanghina ako sa narinig kong iyon, tila binuhusan ako ng bloke-blokeng yelo. “Sumama ka muna kay Bellisimo, sis, please. Kami na ang bahala kay Tita Janice. The Esperanzas are mad at nais kayong palayasin sa Esperanza ngayon din.”

Bakit nangyayari ‘to bigla?