CHAPTER 8
Ilang linggo na kaming namamalagi sa Knight Palace.
Iniiwasan kong magtagpo ulit kaming tatlo dahil ayoko ng gulo.
Pinipilit kong iwasan na magkaroon ng tensiyon sa pagitan naming tatlo. Ayokong mag-isip ang mga pinsan ko, lalo na ang mga magulang namin. Tama ng si Kuya Erin lang ang nakakaalam ng lihim naming tatlo.
Mas nag-focus ako sa mga anak ko at ang trabahong naiwan ko.
Nagpatayo kami ni Klaire ng isang restobar, dahil ayoko namang umasa sa mga magulang ko. Mas gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa.
Sa ilang linggo na naming nakatira rito, naging matiwasay naman, pwera lang sa kapatid ko. Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya ng bumalik ako.
Wala na ba akong karapatan na tumira rito? I am a member of this family. Kahit balik-baliktarin nila isa pa rin akong knight.
Hindi ako bumalik para manira ng pamilya, bumalik ako dahil alam kong may responsibilidad pa rin ako bilang isang Knight.
At gusto ko rin na makilala ng mga anak ko, ang pamilyang kinabibilangan ko.
"Ms. Scarlett,"
Napalingon ako sa pintuan ng opisina ko rito at pumasok ang secretary ko.
"Yes?" Nakangiting sagot ko.
Pumasok naman siya at may binigay na phone.
"Si Mr. Erin Knight po,"
Inabot naman niya sa'kin ang phone at nakangiti naman akong tumango sa kaniya bago siya lumabas ng opisina ko.
Napatingin ako sa phone.
Bakit naman kaya napatawag si Kuya Erin?
May nangyari ba?
Pagkadikit pala ng phone ko sa tenga ko, sigaw ni Kuya Erin ang bumungad sa"kin.
"Go home, Scarlett!"
"B-bakit kuya? May nangyari ba?" kinakabahang tanong ko sa kaniya.
"Yes, In-ambush si chairman!"
Nanlaki ang mga mata ko at napatayo ako agad sa kinauupuan ko.
"I'll be there!" natatarantang sambit ko sa kaniya at naibaba ko na ang tawag saka nagmadali akong lumabas ng opisina ko.
Damn!
H'wag kang mag-iisip ng iba, Scarlett.
Ligtas ang chairman. Alam kong ligtas siya.
He's our chairman.
"Miss?"
"Ikaw na muna bahala rito, Lisa. I have something to do," nagmamadaling sambit ko sa kaniya at mabilis akong sumakay ng elevator.
Napasandal na lang ako habang nakatingin sa numero ng mga floor ng elevator dahil na rin sa kaba.
Kinakabahan ako para kay chairman, lalo na sa mga anak ko.
Baka mas lalo silang maguluhan kung anong meron sa pamilya ko.
Jusko po, sana wala pong nangyaring masama kay chairman.
Naiiyak na ako habang nagdadasal, hindi ko kayang pabayaan ang responsibilidad ko bilang isang Knight.
Hindi ako nagkamali na bumalik dito dahil alam kong maraming kaaway ang buong pamilya namin.
Gusto nilang makuha ang kayamanan ng mga Knight.
Ilang beses ng sinubukan ng mga kaaway namin na pabagsakin kami, pero hindi sila manalo-nalo laban sa'min, bukod sa mas makapangyarihan kami mas matalino pa kami.
Hindi kami nagtraining para sa wala.
Hindi kami tinuruan ni lolo para lang magpatalo kami.
Pagkabukas pa lang ng elevator agad akong lumabas at bumungad sa'kin ang mga customer namin sa bar.
Marahil nagtataka sa'kin ang mga empleyado namin, dahil halatang hindi ako mapakali.
Hindi ko na sila pinansin at agad akong nagtungo sa parking lot pero may isang sasakyan ang bumungad sa'kin.
"Let's go!"
"Klaire!"
Mabilis niyang binuksan ang pintuan kaya agad-agad akong sumakay at pinaharurot niya bigla, pagkasakay ko pa lamang.
Mukhang alam na niya ang nangyari kay chairman.
"What happened--"
BANG!
Damn!
Napatingin ako sa may likuran namin ng mapansin kong may sasakyan na humahabol sa'min.
"Shit! May humahabol sa'tin!" Sambit naman ni Klaire at naglabas na siya ng baril niya.
At pinagbabaril ang sasakyan na sumusunod samin.
"Fuck that asshole!" Gigil na sambit niya at pinagbabaril ang mga humahabol sa'min.
Napahagod ako sa buhok dahil sa nangyayari at nilingon ko si Klaire na nahihirapang mag-drive habang bumabaril sa sasakyang humahabol sa'min.
Huminga ako ng malalim at hinila ko siya papunta sa passenger seat na kinagulat niya, napa liko-liko pa ang sasakyan kaya lumipat agad ako sa driver seats.
"Go! I'll drive!" Sigaw ko sa kaniya kaya tumango siya at nagsimula na siyang magpaputok ulit sa likuran namin.
"Tangina! Ang titibay nila!" sigaw niya habang nakikipagbarilan sa likuran namin.
Napailing naman ako at inabot ko ang baril niya na tinatago niya sa loob ng sasakyan niya at inumpisahan ko na rin ang pagbabarilin ang mga humahabol samin habang nagdadrive ako.
Sanay na ako sa mga ganito dahil na rin sa pamilyang kinabibilangan ko.
Napatingin ako sa side mirror at napansin kong parami sila ng parami.
Fuck! Ano ba gusto nila?!
Binilisan ko ang pagdadrive ko at mabilis kong niliko para humarang sa dinadaanan nila.
Napansin ko ang paglingon sa'kin ni Klaire.
"Ven?! Anak ng! Huminto ka pa!" kunot noong sigaw ni Klaire sa'kin.
Hindi ko siya pinansin at kinasa ko lang ang baril na hawak ko.
Hindi sila mababawasan kung patuloy lang kami sa paglayo.
I want to go home.
"Ven? Saan ka pupunta?! Anak ng!"
Lumabas ako ng sasakyan at malakas kong sinarado ang pintuan sa driver seats.
Pagkaharap ko sa tatlong sasakyan na nakahinto sa harapan namin tinutok ko ang baril na hawak ko sa gulong ng mga sasakyan nila at isa-isa kong binaril ang mga gulong nila para mabutas.
Nang hindi na makaandar ang mga sasakyan, agad akong sumakay sat mabilis kong pinaharurot para makalayo sa mga 'yon.
Napatingin pa ako sa side mirror para malaman kung makakasunod pa ba sila, pero napansin kong tinanaw na lang nila kami kaya alam kong hindi na sila makakasunod pa.
Napasandal naman si Klaire at pinaglalaruan niya ang paborito niyang baril sa mga daliri niya na may ngisi sa labi.
Mukhang nakahinga na rin siya ng maluwag.
"Tangna ng mga 'yon! Akala naman nila matatalo nila ako! Hah! Isa akong Perkins!"
Napailing na lang ako sa kaniya pero totoo naman ang mga sinasabi niya.
Pamilya nila ang nagbebenta na iba't-ibang uri ng armas sa pakikipagbuno sa mga ganung tao.
Kaya madalas sa sasakyan niya punung-puno ng mga armas mga nakatago sa buong sasakyan niya.
Nilagay ko naman ang baril na ginamit ko sa lagayan nito, akala niya siguro hindi ko yun malalaman kung saan nakalagay.
"Infiernes nalaman mo!" Nakangising sambit niya.
Umirap lang ako sa kaniya at nagpatuloy na ako sa pagmamaneho.
"Ano ba talagang nangyayari Klaire?!" Tanong ko sa kan'ya.
Lumunok naman siya at ngumiti sa'kin.
"In-ambush ang sasakyang ginamit ni chairman. Mabuti na lang nalaman agad ng mga Knight kaya pinalipat nila sa ibang sasakyan ang Chairman at Pinagpanggap yung sasakyan na una niyang ginamit," Sambit niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil alam kong hindi naman nasaktan ang chairman grabe ang kaba ko ng malaman ko yun.
Kahit naman may hindi kami pagkakaunawaan ni lolo o may galit siya sa'kin, hinding-hindi mawawala na lolo ko siya at apo niya ako. Responsibilidad ko rin na lumaban para sa kaniya.
"Iniisip ko ang mga anak ko Klaire, baka mas lalo silang maguluhan kung anong meron sa pamilya namin ayokong madamay sila sa gulo," nag-aalalang sambit ko sa kaniya.
Narinig ko namang bumuntong hininga siya.
"Kahit anong paglilihim mo sa mga anak mo, kahit na ilayo mo sila sa gulo.. Madadamay at madadamay pa rin sila,"
Lumingon siya sa'kin at pinatong niya ang kamay niya sa kamay ko na nakahawak sa manobela.
"Iba ang mundo natin, Ven. H'wag mo sanang kakalimutan 'yon." ngumiti siya sa'kin at sumandal na ulit saka siya tumingin sa labas ng bintana.
Napahawak ako ng mahigpit sa manobela at napahinga na lang ako ng malalim.
Hindi ko alam kung anong pwede kong sabihin sa mga anak ko. Ayokong pati sila madamay sa magulong mundo ng pamilya ko.
Ilang segundo lang natahimik kami ni Klaire, hanggang sa ako na ang bumasag ng katahimikan.
"Sinong malakas ang loob na nang-ambush sa chairman?" Seryosong tanong ko sa kaniya. Ramdam kong napatingin siya sa'kin.
"What will you do?"
Sumulyap ako saglit sa kaniya bago ako seryosong pinaharurot ang sasakyan niya.
"We'll see.."
Napansin ko ang pagngisi niya.
"Are you back?"
Umiling ako sa kaniya.
No, I'm not.
Gusto ko lang siguraduhin kung sinong poncio pilato ang naglakas loob kalabanin ang pamilya ko.
"Who's is that jerk, Klaire?" Seryosong tanong ko sa kaniya.
"Who else? The CEO of Young corporation." Seryosong sagot naman niya sa'kin na kinabigla ko.
How come?
How did this happen?
That jerk is a troublemaker!
NAkarating na kami sa Knight palace at mabilis kong pinarada ang sasakyan ni Klaire sa labas mismo ng mansion at mabilis din akong pumasok sa loob.
Nakita ko kaagad ang buong Knight na may halong pag-aalala at galit.
Nandito rin ang mga Stone siguro tumutulong sa nangyari kay chairman.
Lumapit agad ako sa kanila kaya nailipat nila ang attention sa'kin.
"A-anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko sa kanila.
Nilapitan naman ako ng mga pinsan ko.
"In-ambush ang chairman at ang ibang mga tauhan natin namatay, tsk." Inis na sambit ni Zandro.
Si Zandro Knight, anak siya ni tito Alejandro.
"Mabuti na lang may nagsabi na a-ambushin nila si chairman, kaya nailipat agad siya ng sasakyan." walang emosyon na sambit naman ni Rios Knight.
Isa siya sa pinaka misteryoso sa'min pero malambing naman 'yan pagdating sa mga pinsan niyang babae.
Kapatid siya ni kuya Erin, pangalawang anak sa pamilya nila.
"Gosh! I can't believe na magagawa niya kay chairman! Is there something we did wrong? Para paghigantihan niya?!" Inis naman na sambit ni Delux Knight.
She's a strong and pretty woman.
Anak ni Tita Fernina Knight ang nag-iisang babae na anak ni chairman pero Knight ang dinadala niyang last name.
Napabuntong hininga naman ako at hinimas ko ang kamay ni Lux at matipid na ngumiti sa kan'ya.
"May humabol rin samin kanina habang papunta kami rito," sambit ko.
Agad namang lumapit sa'kin si mommy.
"Baby, ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?"
Umiling naman ako kay mommy at ngumiti.
Napukaw ko ang attensyon ni chairman na nakakuyom ang kamao.
Halata na rin sa kanya na matanda na talaga siya.
Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin.
Natatakot ako na kapag lumapit ako kay chairman baka itaboy niya ako.
"Ven, sige na lapitan mo na ang chairman." bulong sa'kin ni mom na kinalingon ko sa kaniya at tinanguan naman niya ako.
Kaya nginitian ko na muna si mommy bago ako lumapit kay chairman.
Lumuhod ako sa harapan niya at hinawakan siya sa kamay na ramdam kong kinabigla din niya.
"I know you despise me, but I'm worried about you, lolo." Nag-aalalang tanong ko sa kan'ya.
Hindi niya ako sinagot at nanatili lang siyang nakatingin sa malayo na may matapang na mukha.
"I apologize if I disappointed you, Grandpa; I made a mistake." nakayukong sambit ko pa sa kaniya.
Napapikit siya ng mariin pero nanatili pa rin ang tingin niya sa malayo kaya napakagat na lang ako sa labi.
Hanggang sa unti-unti ng tumutulo ang mga luhang naipon ko kaya napatakip na ako sa mukha.
"Sorry.. kung napabayaan ko ang responsibilidad ko bilang isang Knight. Nakalimutan ko rin kung anong buhay na meron tayo. Hindi ko inisip ang mga pangaral mo sa'kin noon. I'm sorry, kung sinuway ko ang batas ng ating pamilya. I'm sorry, kasi umalis ako ng walang paalam." Huminga ako ng malalim.
"I'm sorry, ako na lang ang sasalo ng aking magiging parusa. H'wag lang ang mga anak ko.." umiiyak na sambit ko sa kaniya at naramdaman ko na lang niyakap ako ni mom.
"Ven.."
Yumakap din ako kay mom ng mahigpit habang humahagulgol ng iyak.
Naramdaman ko na lang ang pagtayo ni chairman habang nakaalalay ang nurse niya sa kaniya.
"I don't want to hear your explanation, Scarlett; you're disappointing me." seryosong sambit niya at umalis na siya mismo sa harap namin.
Mas lalo akong napahagulgol ng marinig mismo sa kaniya ang salitang ni minsan hindi ko pa naririnig sa kaniya.
Siguro nga nasaktan ko ang lolo, sa lahat ng ginawa ko.
I know my mistake, at hindi ko yun pinagkakaila.
Sa kabila ng lahat ng ginawa ko, wala akong kahit na kailan na pinagsisihan. Dahil dumating sa buhay ko ang dalawang tao, na nagbibigay ng lakas sa'kin para harapin ang laban at nagsisilbing ilaw ko, para muli kong makita ang pag-asa na hinihintay ko.
Ang pag-asang mababalik sa dati ang pamilya namin kasama ng mga anak ko.
Nagsilapitan ang mga pinsan ko sa'kin at niyakap nila ako kaya wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak sa harapan nila.
"I'm sorry! I'm sorry!" Paulit-ulit na paumanhin ko sa kanila.
Hindi ako mapapagod na humingi ng tawad sa lahat ng pagkukulang ko at sa lahat ng kasalanan ko.
Ang mali ko lang nagtiwala ako sa taong nangako sa'kin na kahit na kailan hinding-hindi niya ako masasaktan.
"Sssshhh! Mahal ka ng lolo masyado lang siyang nabibigla ngayon," bulong sakin ni Hillux Knight.
Kapatid ni Delux.
Tumango naman ako sa kanila at pinunasan ang mga luha ko saka ako ngumiti.
"Ayan ang Scarlett namin!" Hirit ni Arthur Knight.
Napatawa na lang ako sa kan'ya at naalala ko bigla ang mga anak ko.
Kaya napatayo ako bigla saka bumalik sa'kin ang pag-aalala.
Sa sobrang dami ng nangyari ngayong gabi nawala sa isip ko ang mga anak ko.
"Mommy!" Rinig ko ang sigaw ni Carrie at humawi ang mga tito, tita ko para makadaan sila.
Napangiti na lang ng makita ko si Carrie pero nawala rin ng mapansin kong buhat buhat siya ni Dominic na seryosong nakatingin sa'kin.
"Mommy!"
Bumaba si Carrie sa pagkakarga kay Dominic at lumapit siya sa'kin at yumakap.
"Welcome home, mommy. What happened?" Nakangiting salubong niya sa'kin. Nginitian ko lang siya ng pilit at hinalikan ko siya sa pisngi.
"Nothing princess.." tumango naman siya sa'kin at humiga siya sa balikat ko na hinimas ko naman siya sa may likuran niya.
"Mom," bati ni August sa'kin at yumakap din siya kaya napangiti na lang ako.
"I'm home. Are you okay?" tanong ko naman sa kaniya. Ngumisi naman siya sa'kin.
"Yes, we're cool!"
Napailing na lang ako pero napangiti rin dahil mukhang hindi naman sila aware sa nangyari kanina.
"Ang cute!" Hagikhik ni Delux.
Ngumiti lang ako sa kanila.
"You're not innocent, Scarlett. Stop crying."
Nawala ang ngiti ko ng makita ko si Sophia na tinaasan lang ako ng kilay.
"Sophia!"
Natawa naman siya at nagtataka na nakatingin sa mga pinsan ko at sa mga pamilya namin na nandito.
"What? I'm telling the truth! She's disgrace to our family." Nakangising sambit niya sa lahat na kinakuyom ng mga kamao ko.
"Sophia, Stop it!" sigaw ni dad sa kaniya na mas lalo niyang kinangisi.
"Why dad? Nahihiya ka rin naman sa ginawa niya, di ba? Nahihiya kayo sa lahat ng ginawa niya, right?"
Natigilan ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa buong pamilya ko na kinangisi ko ng mapait.
"N-No! Of course not!" Sagot ni dad sa kaniya na mas lalong kinatuwa ni Sophia.
So, dad, kinahihiya mo rin ako?
Why? You have no idea what happened to me.
"Enough, Sophia. Baka lalong hindi kita matantcha." seryosong sambit ni Lux sa kaniya.
I know her too more than you do, Sophia.
"Kung hindi ka sana bumalik sana maayos pa ang lagay ni lolo. Ikaw ang naglalagay sa kaniya sa pangani--"
Natigilan siya ng mapansin niyang blanko akong nakatingin sa kaniya.
"Yes, I am a disgrace to my family. How about you? Paano mo maipapaliwanag sa lahat ang kababuyang ginawa mo?" Blankong tanong ko sa kaniya na kinabigla ng lahat.
"W-what?" Gulat na tanong niya sa'kin na kinangisi ko.
"Kung nakakahiya ako mas nakakahiya ka, Sophia. Naaawa lang ako sa'yo, kaya pinapalagpas ko lahat ng kasalanan mo sa'kin. Ipapaalala ko sa'yo na sa'ting dalawa ikaw ang mang-aagaw," nakangising sambit ko sa kaniya na mas lalong naguluhan ang pamilya ko.
"I-I d-don't know, what you're talking--"
"No, Sophia Vivian. Alam mo kung anong sinasabi ko " seryosong putol ko sa sasabihin niya.
Napansin kong nagpapanic na siya sa loob niya.
Ito ang gusto niya, right?
Ang mapahiya ako? Pwes. HIndi lang ako ang mapapahiya kundi pati siya.
"Shut up!" Nanginginig na sigaw niya sa'kin habang nakaturo sa'kin.
"No. You fucking shut your mouth. So, what did I tell you, huh? hindi ako makikialam basta hindi mo rin ako pakikialamanan!" galit na sambit ko sa kaniya.
Niyakap ko ng mahigpit si carrie habang buhat ko at hinawakan ko naman sa kamay si august. Mabilis akong naglalakad papunta sa hagdan pero hinila ako ni Sophia ng akmang sasampalin niya ako, pero mabilis kong binitawan si August at pinalipad ko ang palad ko sa mukha niya na kinabigla nilang lahat.
Hindi ako pinanganak kahapon para hindi ipagtanggol ang sarili ko.
"Hindi pa kita nasasampal sa lahat ng kasalanan mo sa'kin! Wala kang karapatan na dumapo yang palad mo sa mukha ko! Wala! Dahil ako lang ang may karapatan!" sigaw ko sa kaniya at nabigla ako ng may tumulo nanamang luha sa mga mata ko.
"Ven.."
"What happened?!"
"I'm confuse!"
"Me too!"
"Hindi lang kayo, assholes!"
Nangingining naman ang mga kamay ko habang nakatingin sa kaniya na masama naman ang tingin sa'kin.
"Sinabi ko na ito sayo at hindi ko na uulitin. H'wag na 'wag mo akong pakikialamanan sa lahat ng gagawin ko, lalo na ang mga anak ko. Dahil kundi malalaman nila ang baho mo!" sigaw ko sa kaniya at mabilis akong tumakbo habang buhat ko si Carrie patungo sa kwarto nila ramdam ko namang nakasunod sa'kin ang prinsipe ko.
Maingat ko na hiniga si carrie na nakatulog na sa balikat ko at kinumutan ko na rin siya.
"Mom.."
Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at pilit na ngumiti ako kay augustin.
"I apologize, my little prince. Okay, go get some rest." Nginitian ko siya at ginulo ko ang buhok niya.
"Don't cry, mom; do you want me to kick her ass?" Seryosong tanong niya sakin at nag-acting pa siya na maninipa na kinatawa ko.
"What's funny? I'm serious, mom! I'm going to kick that witch."
Pfft.
My little prince is so adorable!
Niyakap ko si Augustin ng mahigpit at pinaghahalikan ko siya sa pisngi niya.
"M-Mom! I-I c-can't breathe!" Reklamo niya sa'kin na kinatawa ko lang.
"Go to sleep, my little prince. I'm fine, I swear," nakangiting sambit ko sa kaniya at maingat ko siyang hiniga sa tabi ni Carrie at kinumutan ko rin saka ko sila hinalikan sa noo.
"Mahal na mahal kayo ni mommy mga anak," nakangiting bulong ko sa kanilang dalawa. Ngumiti lang si August hanggang nakatulog na siya.
Napabuntong hininga na lang ako at napangiti sa dalawang anak ko.
Mas mahalaga pa sila sa lahat ng meron ako.
Sila ang kayamanan ko,
Sila ang lakas ko para lumaban,
At sila rin ang magiging kahinaan ko.
Hindi ko hahayaan na mapahamak silang dalawa, kung kailangan kong itaya ang buhay ko para sa kanila gagawin ko. Dahil walang ina na kayang makita na nahihirapan ang mga anak.
Sila na ang buhay ko ngayon, kaya gagawin ko ang lahat para sa kinabukasan ng mga anak ko.
Sumulyap pa ako saglit sa kanila at ngumiti.
"Goodnight mga anak.."
Pagkalabas ko atsaka ko pinatay ang ilaw ng kwarto nila at nakangiti kong sinara ang pintuan ng kwarto nila, pero nawala ang ngiti ko ng makita muli sa harap ko ang taong pinaka ayaw kong makita.
"D-Dominic.."
**