Chapter 7

Dahil sa nangyari kanina nawalan ng gana ang mga bata na maglaro sa mall. Kaya ang ginawa ni Kuya Erin binilhan sila ng mga paborito nilang laruan para kahit papaano maging masaya sila sa pamamasyal.

"Let's talk."

Napalingon ako kay Kuya Erin na inabutan ako ng coffee.

Ngumiti lang ako sa kaniya at napasandal ako sa inuupuan ko.

"Hindi ako bulag scarlett at hindi rin ako bingi. Alam kong may nangyayari sa inyong tatlo," panimula ni kuya Erin sa'kin.

Napatingin naman ako sa mga bata na nilalaro ang mga regalo na binili sa kanila ni Kuya Erin.

"I'm your cousin, Ven, and you can talk to me whenever you want."

Hinaplos ko ang buhok ni carrie bago ako humarap kay kuya erin.

"Saan ba ako magsisimula?" natatawang tanong ko at napahinga ako ng malalim.

"Ven,"

Natigilan ako at nawala ang ngiti sa mga labi ko.

"Kuya, you're aware of our rules and boundaries. You are aware that I am not allowed to have a boyfriend, aren't you? Pero sinuway ko yun kuya, sinuway ko ang batas ni chairman para sa'kin."

Napatingala ako ng maramdaman kong may luha nanamang pumapatak mula sa mga mata ko.

"Sumuway ako, hindi dahil gusto kong mag bulakbol. Kundi dahil gusto kong makalaya. Gusto kong maging masaya na walang halong takot at malayo sa gulo," pinunasan ko ang mga luha ko at ngumiti ako kay Kuya Erin na nakikinig lang sa mga sinasabi ko.

"Mula pagkabata tayo, kilala na ng pamilya natin at ang pamilya ni Dominic. Maayos ang pagsasama ng bawat pamilya natin, ayoko noon kay Dominic, because he's a playboy. Masyado siyang pilyo pero dahil sa ugali niyang 'yon doon ako nahulog sa kaniya." Nakangiting pagkukuwento ko kay Kuya Erin at binabalikan ko ang nakaraan kung saan nahulog kami sa isa't-isa ni Dominic.

"I was in love with Dominic, but I knew we couldn't be together because of the chairman's rules. Pinigilan ko ang nararamdaman ko sa kaniya noon, pinigilan ko dahil ayokong magkaroon ng lamat ang bawat pamilya natin, kaya kahit nasasaktan ako tiniis ko para lang hindi magkagulo."

Napasimsim ako sa coffee at nilingon ko ang mga anak ko na masaya ng naglalaro kaya napangiti na lang ako.

"Pero hindi rin nagtagal nagkaaminan kami ni Dominic na mahal na mahal namin ang isa't-isa. Tinago na lang namin ang relasyon naming dalawa. Dahil mahal ko siya mas pinili kong sumuway sa batas, mas pinili kong mahalin si Dominic, dahil alam kong mahal niya rin ako. Wala kaming pinagsabihan sa relasyon namin na kahit na sino, maliban kay Klaire. Pero nahuli kami ni Sophia, nahuli niyang may relasyon kami."

Napakuyom ang kamao ko pagkabanggit pa lamang ng pangalan ni Sophia.

Napansin kong nanginginig na rin ang mga ito kaya itinago ko kay Kuya Erin ang kamay kong kanina pa nanginginig.

"Akala ko isusumbong niya kami pero hindi, mas sumuporta siya sa relasyon namin. Kahit alam kong may gusto siya kay Dominic, mas pinili niyang pagtakpan kami. Nagtagal ang lihim ng relasyon namin ni Dominic ng mahigit isang taon. Dahil mahal na mahal namin ang isa't-isa nag decide kaming magpakasal ng patago."

Napalingon ako kay Kuya Erin na marinig akong parang may nayupi. Nabigla ako ng mapansing nakakuyom ang dalawa niyang kamao.

"K-kuya.." Nag-aalalang tawag ko sa kaniya. Umiling lang siya sa'kin at walang emosyon lang siyang nakatingin sa'kin.

"Go on, Continue."

Akmang hahawakan ko siya ng pigilan ko ang sarili ko.

I know him.

Hindi ko siya mapapakalma kapag galit na siya.

Kahit nag-aalala ako kay Kuya Erin nagpatuloy ako sa pagkukwento ko sa lahat ng nangyari sa'kin.

"Naging mag-asawa kami kuya ng halos anim taon ng walang nakakaalam. Naalala mo nung minsan hindi ako umuuwi pero ang lagi kong sinasabi na kayla Klaire lang ako pero hindi, dahil tumira ako sa sariling bahay ni Dominic. Naging matiwasay ang relasyon naming dalawa hanggang sa dumating ang hindi ko inaasahang pangyayari.." Natawa ako habang unti-unti nanamang tumulo ang mga luha ko ng maalala ko ang lahat, bago ako lumayo noon.

"Y-you mean.." Tumango ako kuya at nginitian siya.

"Yes, kuya. Asawa ko si Dominic noon, at si Sophia naman ang babae ang may dahilan kung bakit ako lumayo. Hindi ko kinaya kuya. I was pregnant before. Mas pinili kong tumakbo palayo para makaiwas sa sakit, at makalayo sa gulo. Ayokong maranasan ng mga anak ko ang mundong magulo," napatakip na ako sa mukha ko at napahagulgol na lang ako bigla.

"Kaya mas pinili mong takbuhan ang lahat Scarlett. Kaya hindi ka nagsabi sa'min dahil alam mo ang mangyayari." seryosong sambit ni kuya Erin sakin. Sunod-sunod akong umiling sa kaniya.

"No, kuya Erin. Pinasok ko ang gulong 'to, kaya paninindigan ko. ayokong madamay ang mga anak ko sa away naming tatlo. Ayokong maipit sila sa gulo namin, and please, don't tell anyone.." umiiyak na sambit ko sa kaniya.

Napatalon ako bigla ng sinuntok ni kuya Erin ang pader sa may likuran namin.

"Damn Scarlett. You can tell us! You can tell me everything! Sana natulungan manlang kita! Sana nagawan ko ng paraan ang mga nangyari sa'yo! Hindi yung mawawala ka na parang bula at babalik ka na parang walang nangyari!" nagtitimping sigaw niya sa'kin. Napahagulgol na lang ako at umiling sa kaniya.

"I want to punch him! I want to kill Dominic! I want to kill that moron!" galit na galit na sambit niya sa'kin.

Umiling ako sa kaniya at tumakbo ako para yakapin siya na kinabigla niya.

"Please, we need you.. I need you" umiiyak na bulong ko sa kaniya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Ven.."

"Please, kahit ngayon lang pagbigyan mo na ako. Ayoko ng magkagulo pa ang lahat mas okay na ako na ang masaktan."

Mas mabuti ng hindi na malaman ng buong pamilya ko ang nangyari sa'kin o saming tatlo nila Dominic.

Ayokong magkaroon ng lamat ang pamilya namin, hindi magandang imahe yon para sa mga bata.

Mas mabuti na rin na sa'min na lang ang away namin at mananatili pa ring lihim ang mga lihim ko.

Tahimik lang kami sa biyahe ni kuya at nakatulog na rin ang mga bata dahil na rin siguro sa pagod.

Nagkakatinginan kami ni kuya pero iniiwasan ko lang ang mga tingin niya, dahil alam kong hindi pa siya satisfied sa lahat ng sinabi ko sa kaniya.

Nakarating na kami sa palace at napansin namin na maraming sasakyan at lahat pamilyar.

Nang makababa kami, binuhat ko na si Carrie at binuhat naman ni kuya Erin si Augustin at sabay kaming pumasok sa loob ng mansion pero nabigla ako ng mapatingin sa'min lahat ng mga pinsan ko.

"Yo, baby Ven!"

Arthur Knight, one of my cousins.

He's a playboy.

"Baby Ven-ven! Imishuu!"

Erron Knight,

Isa ring babaero pero sweet pagdating sa'ming mga pinsan niyang babae.

"Yo, bro Erin! Baby Ven!"

Aeron Knight, his twin.

"Cous!"

Napailing na lang ako at napangiti sa kanila.

Limang taon lang akong nawala pero halos lahat sila wala paring pinagbago.

Parang bumalik kami sa pagkabata namin noon.

"Waaahh! Tulog sila! They're adorable!" Kinikilig na sambit ni Lux habang mahinang pinipisil niya ang mga pisngi ng mga anak ko. Ngumiti lang ako sa kaniya.

"Cous, by the way. You are aware that your sister is getting married, right? Samahan natin siya mamili ng gown!" Nakangising sambit ni Lux na kinatahimik ko.

"Excuse me.." pilit na ngiting sambit ko sa kanila na kinatahimik nila at pinagtataka nila.

"What's wrong with her?"

Napapikit ako at napahinga ng malalim ng magtuloy-tuloy akong umakyat sa kwarto ko.

Hiniga ko ng maayos si Carrie at kinumutan ko siya. Napalingon ako ng pumasok si Kuya Erin, para ilapag naman si Augustin sa tabi ni Carrie at kinumutan din niya.

"Don't worry. I won't tell them." Ngumiti siya sa'kin at tinapik niya ako sa balikat bago siya lumabas ng kwarto ko.

Napabuntong hininga naman ako at nilingon ko ang mga anak ko at niyakap sila.

"Walang pwedeng manakit sa inyo mga anak. I'll do everything in my power to protect you both." bulong ko sa kanila at hinalikan ko sila sa noo.

Hindi ko hahayaan na may mananakit sa mga anak ko.

Gagawin ko din ang lahat para malayo sa gulo ang mga anak ko.

Poprotektahan ko sila kahit buhay ko pa ang nakataya.

**