CHAPTER 9

"D-Dominic.."

What is he doing here?

"Let's talk."

Bago pa ako makaalma hinila na niya ako na kinagulat ko.

"Let go! Let me go! You jerk!" Inis na sambit ko habang hila hila niya ako at nanlaki ang mga mata ko ng mapansing pumasok kami sa mismong kwarto ko.

Napapikit ako ng isandal niya ako sa pintuan ng kwarto ko, fuck.

"What is your--" natigilan ako ng ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko na kinatikom ng bibig ko.

Napapikit ako ng hahalikan niya ako pero iba ang inaasahan ko isang kalabog ang narinig ko sa side ko kaya napadilat ako at nakita kong nagtitimpi siya ng galit at nasa pintuan ang kamao niya.

"Why?"

Mas napatigil ako sa tanong niya at hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.

Ayokong marinig niya ang lakas ng tibok ng puso ko, dahil ayokong malaman niya na siya pa rin ang nilalaman ng puso ko, kahit limang taon na ang nakakalipas.

Hindi siya mawala sa isip ko dahil na rin siguro sa mga anak ko.

"Why, why did you leave me?"

Napakagat ako sa labi at umiwas ng tingin sa kaniya.

"Answer me, please."

Napakuyom ang kamao ko ng mariin at naramdaman ko na lang na bumaon ang kuko ko sa palad ko sa sobrang diin.

Bakit ngayon pa, Dominic?

Bakit ngayon pa? Kung kailan kinakalimutan na kita.

"L-Let me go.." Mahinang sambit ko sa kaniya pero hindi siya nakinig sa'kin mas inilapit pa niya ang katawan niya sa'kin na halos hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"No! Until you explain why!" Sigaw niya habang nakadukdok siya sa balikat ko.

Napahinga ako ng malalim at pinipilit ko siyang ihiwalay sa'kin.

"Wala tayong dapat pag-usapan, Dominic" napapagod na sambit ko sa kaniya habang pinipilit ko siyang itulak para mailayo siya sa'kin.

"I said no! Please tell me, why did you leave me?"

Napapikit ako at napahinga ng malalim nang nagsisimula ng uminit ang ulo ko sa kaniya.

"I said, let me go!" Sigaw ko kasabay ng pagtulak ko ng malakas sa kaniya kaya napahiwalay siya sa'kin.

Napahawak ako sa bewang ko at napaiwas ng tingin sa kaniya.

Ayoko siyang makita, dahil baka lumambot lang muli ang puso ko kapag nakita ko siya ng malapitan.

"You're annoying! I told you we didn't have anything to talk about!" inis na sigaw ko sa kaniya at tinuro ko ang pintuan ko.

"Leave!" Sigaw kong muli sa kaniya pero hindi siya nakinig sa'kin.

I'm begging you, leave me alone, Dominic. Hindi pa ako handang sabihin sa'yo ang lahat.

Hindi pa ako handang aminin na nagkaanak na tayong dalawa.

Ayoko na ng gulo at ayoko ring makasira ng pamilya.

Pabayaan mo na ako. Maging masaya ka na lang sa magiging bago mong pamilya.

"Bakit bigla kang nawala? Bakit hindi ka na bumalik sa bahay?"

"Please, Dominic. Leave me alone."

Pagod na akong hihiga sana sa kama ng hilahin ako ni Dominic, paharap sa kaniya at hinawakan niya ako ng mariin sa braso ko na kinangiwi ko.

"Hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasabi! Bakit hindi ka na bumalik?! Hindi ko alam kung bakit mo ako iniwan. Ayos naman tayo, di ba? Walang iwanan, di ba? Pero bakit nagawa mo pa ring--" natigilan siya ng marinig niyang natawa ako sa mga pinagsasabi niya.

"Ayos tayo NOON! Noon yon, Dominic! Hindi na ngayon!" Inis na sambit ko sa kaniya at inalis ko ang mga kamay niyang nakahawak sa braso ko.

Ngumisi ako sa kaniya na naiinis at napahagod ako sa buhok at sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi kita iniwan, Dominic ng walang dahilan! Hindi kita iiwan kung walang mabigat na dahilan! Paano ko haharapin ang asawa kong may ibang babae?! Paano ko haharapin ang asawa ko na parang walang nangyari, huh?! Paano ako kikilos na parang walang nangyari?! Tell me, how!" Nakangising sigaw ko sa kaniya at bahagya ko siyang itinulak.

Naguguluhan naman siyang tumingin sa'kin.

"What do you mean? What are you talking about?"

Hah!

Natatawa akong napatingala sa kisame para pigilan ko ang mga luha ko.

"Scarlett? I'm not sure what you're saying,"

"Hindi mo alam?! Hindi mo alam ang sinasabi ko?! Tangina naman, Dominic. Hindi ako nakikipag gaguhan sa'yo!" Inis na sambit ko sa kaniya.

Hindi ko siya maintindihan paanong hindi niya alam kung ano ang sinasabi ko o ang tinutukoy ko?!

Napasabunot siya sa buhok niya at napahilamos sa mukha niya na alam kong nagtitimpi na lang siya ng galit.

"Yes! Wala akong alam sa mga sinasabi mo! Ang gusto ko lang naman malaman, kung bakit mo ako iniwan?!" Nagtitimping inis na sambit na tanong niya sa'kin.

Napailing na lang ako at napangisi.

Hindi na kami makakapagusap ng matino.

Hindi ko na kaya pang harapin siya. Pagod na ako at wala na akong ganang kausapin pa siya.

"Iniwan kita kasi yun ang nararapat. Ngayong alam mo na, maaari ka ng umalis. I'm tired, please? I'm begging! Umalis ka na!" Walang ganang sambit ko sa kaniya at tinalikuran ko na siya pero napahinto ako sa sinabi niya.

"Sophia's right. Iniwan mo ako dahil may iba ka na! Sumama ka sa kabit mo! Hindi ko akalain na magagawa mong lumandi sa ib--"

SLAP!

Nanginginig akong sampalin siya habang maluha-luha akong nakatitig sa kaniya.

Hindi ko akalain na makikinig siya sa ibang tao.

Kaya ba hindi niya ako hinanap?

Kaya ba hindi niya ako hinanap sa loob ng limang taon?

"H'wag na wag mo akong pagsasalitaan ng gan'yan! You have no idea! Hindi mo alam kung ano ang hirap na naranasan ko, Dominic! Kaya h'wag na 'wag na kang magsasalita na parang wala kang alam!" Umiiyak na sigaw ko sa kaniya na kinabigla niya.

Gusto niyang malaman kung bakit ako umalis? Pwes. Isasampal ko sa kaniya ang buong katotohanan.

"Gusto mong malaman kung bakit kita iniwan?! Fine! I'll tell you!" Bahagya ko pa siyang itinulak sa inis ko.

"Iniwan kita because you're cheating on me! I saw you and my sister! I noticed you two in the same bed." Sigaw ko sa kaniya na kinalaki ng mga mata niya na para bang natataranta pa siya.

"Sa tingin mo kaya pa kitang makasama sa iisang bahay, huh, Dominic?! Ngayon mo sabihin na ako ang lumandi sa'ting dalawa!" Umiiyak na sigaw ko sa kaniya at pinagsasampal ko siya.

"Bakit, huh?! Bakit mo ako niloko?! Putangina Dominic, ni minsan hindi tayo nag-away ng dahil sa babae! Dahil buong akala ko nagbago ka na!" Umiiyak na sambit ko sa kaniua habang pinagsasampal ko siya.

"Sa tingin mo, anong naramdaman ko ng mga panahon na 'yon?! Puta ubos na ubos ako no'n, Dominic! Hindi mo alam kung gaano kasakit sa'kin na makita kayo ng kapatid ko na nagnanaig sa kama! Sa kama natin Dominic!"

Nanghihina akong napaupo sa sahig. Sa sobrang pagod, ngayon ko lang ulit naramdaman ang sakit.

Sa loob ng limang taon, wala akong ibang inisip kundi ang mga anak ko. Dahil ayokong bigyan sila ng dahilan para kamuhian nila ang kanilang ama.

"Scarlett.."

Lumapit siya sa'kin pero pagod ko siyang tinutulak palayo sa'kin.

Ngayon ko lang din binuhos ang lahat ng sama ng loob ko sa loob ng limang taon.

"Akala ko nagbago ka na! Akala ko magbabago ka kapag nagpakasal ako sa'yo! Pero, Bakit? Bakit ang ate ko pa?! Mas matatanggap ko ang ibang babae kaysa sa sarili kong kapatid! Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman! Gusto kitang saktan, pero hindi ko magawa! Gusto kong maranasan niyo rin ang mga naranasan ko, pero hindi ako ganung tao, Dominic. Kaya mas pinili kong takbuhan ang lahat mas pinili kong lumayo para makaiwas sa gulo."

Napatakip nako sa mukha at bibig ko para pigilan ko ang paghikbi.

"Mahal na mahal kita, pero bakit parang hindi pa rin sapat? Naging mabuti akong asawa sa'yo, pero bakit kulang pa rin?! Bakit kailangan mo pang--" hindi ko na matapos ang sasabihin ko sa sobrang pag-iyak ko.

Hindi ko na alam kung ano pang mga sasabihin ko.

Pagod na pagod na ako.

Parang gusto ko na lang bumalik kung saan masaya kami ng mga anak ko.

Parang nagsisisi na ako na bumalik pa kami rito.

"Scarlett, I'm sorry.."

Natulala na lang ako, pero nang maalala ko ang mga anak ko dahan-dahan akong tumayo at pinunasan ko ang mga luha ko.

"Now, are you happy? Nasabi ko na lahat kaya makakaalis ka na. Pagod na'ko, Dominic. Hindi ko na kaya pang makinig sa mga sasabihin mo. Parang awa mo na, patahimikin mo ako." Mariin kong pinunasan mga luha ko.

"Bumalik ako rito para sa pamilya ko. Hindi, para sa nakaraan natin," pagod na sambit ko sa kaniya at hinubad ko na ang suit ko saka ako nahiga patalikod sa kaniya.

"Scarlett.. Sila Carrie, anak natin sila, 'di ba?"

Natigilan ako at mas lumakas ang tibok ng puso ko. Nagusot ko na ang unan ko sa sobrang kuyom ng mga kamao ko.

"Mga anak ko sila, 'di ba?" marahan na tanong niya na para bang umaasa na siya ang ama ng mga anak ko.

Napapikit ako at napahinga ng malalim.

"Hindi. Hindi mo sila anak." nakapikit na sambit ko sa kaniya.

"Umalis ka na gusto ko ng magpahinga." dugtong ko pa sa kaniya.

"Scarlett, please.."

Hindi na ako sumagot pa at nanatili lang akong nakapikit. May mga luhang tumutulo pa rin sa mga mata ko.

"Naniniwala akong anak ko sila. Papatunayan ko 'yan sa'yo at kapag nangyari 'yon, you won't leave me again, Scarlett."

Mas lalong kumuyom ang mga kamao ko at mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Fuck.

Narinig ko na lang ang pagbukas ng pintuan at narinig ko na lang ang yabag niyang palabas ng kwarto ko.

Napabangon ako at sumulyap ako sa pintuan at napangiti na lang ng mapait.

I'm sorry..

Hindi ko kayang ipaalam sa'yo na anak mo sila, dahil alam kong manganganib ang buhay nila.

Mahal na mahal kita, pero alam kong hindi na tayo pwede pa.

-

DOMINIC

Kung kaya ko lang ipaliwanag ang lahat sayo, Scarlett. Pero hindi pa sa ngayon, mas kailangan kong protektahan kayo.

"What are you doing there?"

Walang gana akong lumingon kay Sophia na inaabangan ang paglabas ko sa kwarto ni Scarlett.

"It's none of your business." walang ganang sagot ko sa kaniya at bumaba na'ko pero sinundan pa rin niya ako.

Here we go again.

Palagi na lang niya akong pinakikialamanan sa bawat kilos ko, at palagi pa siyang nakamanman sa'kin.

"It is! I'm your fiance!" sigaw niya sa'kin kaya nagkatinginan ang mga katulong ng mga knight.

"Don't forget, you're just my fiance." sambit ko sa kaniya.

Pagod na akong lumabas ng mansion, para makauwi sa bahay namin ng pamilya ko. Mas malulungkot ako kapag sa bahay namin ni Scarlett ako uuwi. Maaalala ko lang ang masasayang mga araw namin na magkasama noon.

"Are you leaving? I'm still talking to you!"

Napapikit ako sa inis at hinarap ko siya.

"What do you want? I'm tired, Sophia." bagot na sambit ko sa kaniya na mas lalo niyang kinainis sa'kin.

Kung hindi dahil sa kaniya hindi malalaman ni Scarlett ang ugnayan namin ng kapatid niya. Sana hindi niya ako iniwan noon.

"Anong pinagusapan niyo?! Nagbalikan na ba kayo?!"

Blanko akong tumingin sa kaniya.

"So, what? Wala ka ng pakialam do'n. Alam mo kung ano ka sa'kin Sophia. At alam mo rin kung sino ang mahal ko sa inyong dalawa ni Scarlett, at hindi mo mababago 'yon,"

Nanlaki naman ang mga mata niya at galit na sinampal ako at hindi ko naman ito ininda.

Sawang-sawa na'ko sa kakasalita niya.

Sawang-sawa na'ko na kasama siya.

"Niloko ka niya! Sumama siya sa iba! Nakakalimutan mo ba?!"

Napapikit ako sa inis at bumuntong hininga ako ng malakas.

"Tama na ang kasinungaling, Sophia. Hinding-hindi na'ko makikinig sayo. Sayang lang ang limang taon na nakinig ako sa'yo. Sana hindi ako iniwan ng asawa ko," napapailing na sambit ko sa kaniya at binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan ko pero hinila ako ni Sophia at hinalikan niya ako ng mariin.

Fuck.

Naitulak ko siya ng malakas sa sobrang galit ko.

"Ano ba! Hindi ka ba nahihiya?!" Galit na tanong ko sa kaniya na kinangisi niya lang.

"Tsk. Dominic. I know you want me! You want my body, right? Kaya nga nagawa mong lokohin ang kapatid ko kasi alam mo sa'ming dalawa mas magaling ako sa kaniya, right?"

Ngumisi siya sa'kin at inilapit niya ang katawan niya sa'kin pero umiwas ako sa kaniya na kinainis niya.

"Simula ng minahal ko si Scarlett, hindi na'ko tumingin sa iba. Hindi na'ko naaakit pa sa iba. Nagawa ko ang malaking kasalanan dahil nilasing mo ako noon. Nakakalimutan mo bang binlackmail mo'ko? para maghiwalay kami ni Scarlett!" Inis na sambit ko sa kaniya at akmang sasakay na'ko ng sasakyan ko ng natigilan ako sa sinabi niya.

"Sige, balikan mo siya mas mapapahamak siya. Wala na siyang kapangyarihan sa pamilyang 'to. Ako ang hihiranging reyna sa mansion na 'to. At si Scarlett, isa na lang aiyang magiging alipin ko na papaikutin ko sa mga kamay ko, katulad ng pagpapaikot ko sa mga Knight."

Kumuyom ang mga kamao ko, I know, she's evil.

Mabilis ko siyang sinandal sa sasakyan ko na kinangiwi niya.

"H'wag na 'wag kang gagawa ng ikakagalit ko, Sophia. Pwedeng-pwede kong sabihin kay, chairman. Ang lahat ng ginawa mo! H'wag na 'wag mo akong susubukan!" Galit na sambit ko sa kaniya at idiniin ko siya sa may sasakyan ko para mas masaktan siya.

"Fuck. Let me go!" Sigaw niya sa'kin at tinulak ko siya palayo sa sasakyan ko na kinatumba niya sa lupa.

"Walang pwedeng maging reyna kundi si Scarlett lang. Wala ka pa sa mga nagawa niya, 'yan ang tatandaan mo."

Akmang sasakay na'ko ng sasakyan ko ng lingunin ko siyang muli.

"Si Scarlett ang mahal ko, at hindi ikaw." huling sambit ko sa kaniya at sumakay na'ko sa sasakyan at malakas kong sinara ang pintuan, bago ko pinahaharuto ang sasakyan ko, palayo sa mansion ng mga knight.

Napahampas pa ako sa manobela ng sasakyan at gigil kong hinawakan ito.

H'wag na 'wag kang magkakamali na hawakan ni dulo ng buhok ni Scarlett at ng mga anak namin. Ako mismo papatay sa'yo.

Alam ko naman na ako ang ama nila, nararamdaman ko 'yon. Ngunit kailangan ko lang talaga patunayan 'yon, para hindi na muling umalis si Scarlett sa tabi ko.

Babawi ako sa mga araw na wala ako sa tabi nila, at papatunayan ko sa kaniya na siya ang mahal ko at hindi ang kapatid niya.

Wait for me, Scarlett. Gagawin ko lahat para protektahan kayo, mahal na mahal ko kayo.

-

SOPHIA

Arggh! Kainis!

Masama lang ang tingin ko sa sasakyan ni Dominic.

Alam ko, sa'kin pa rin siya babagsak, tsk.

Kailangan ko lang unahin ang mga hadlang.

"I knew it. May ligaw na damo,"

Natigilan ako at nanigas sa kinatatayuan ko.

"Oh? Para kang yelo d'yan?" Natatawang tanong niya sa'kin.

"R-Rios.."

Rios Knight, isa sa mga pinsan ko na pinaka misteryoso sa lahat. Palihim kung kumilos. Siya lang yung taong hindi ko mabasa ang bawat galaw.

Sa magpipinsang Knight, maliban kay Carreon Knight na isa ring halimaw.

"Yes? I am Rios Knight. What about you? What the hell is your name? Who are you working with?" Nakangising tanong niya sa'kin.

Nabigla ako sa tanong niya

What the fuck?

"W-what are you talking about?" Nagugulat na tanong ko sa kaniya.

Ngumisi lang siya at nag -hum- bago lumapit sa sasakyan niya.

"Sana lang hindi malaman ng mga Knight, ng mga lihim mo Sophia. Hindi mo kilala ang pamilyang pinanggalingan mo. At si Ven-ven? Mas worst pa siya sa'yo," ngumisi siya sa'kin at mabilis siyang sumakay sa sasakyan niya at pinaharurot ito paalis.

What the fuck?

Is he insane?

What does that mean?

Arrggh! Sakit mo sa ulo, Rios Knight.

-

Nakarating na ako sa bahay ng mga magulang ko at dumiretso ako sa minibar.

Nagbukas ako ng alak at walang ano ano'y, tinungga ko ito.

Hindi ko lubos maisip na matagal ng alam ni Scarlett, ang ugnayan namin ni Sophia. Hindi ko akalain na nasaktan ko siya ng sobra.

Sana lang hindi na'ko nakinig pa sa iba. Sana masaya kaming nagsasama ni Scarlett, katulad noon.

Napagulo ako sa buhok ko at tinungga ko na lang ang boteng hawak ko.

"Anak? What are you-- Oh?"

Wala akong ganang makipagusap kay mom. Isa siya sa mga dahilan kung bakit si Sophia ang inaakala niyang nobya ko, tsk.

"How is she?" Excited na tanong niya sa'kin, pagkaupo niya sa tabi ko.

"Who?" Walang ganang tanong ko sa kaniya at nagtaka naman siya.

"Who else? Of course your fiance," takang sagot niya sa'kin.

Napairap naman ako at napatungga na lang sa bote.

"She's nothing more than my fiance." sambit ko sa kaniya at nagulo ko muli ang buhok ko.

Kung sana lang pinakinggan niya ang paliwanag ko baka sakaling hindi humantong sa ganito ang lahat. Tsk.

Napaka gago ko para saktan ang babaeng mahal ko. Ang babaeng walang ibang ginawa kundi alagaan at mahalin ako.

Ang gago mo, Dominic! Wala kang kwentang asawa.

"Anak? May problema ka ba? Nag-away ba kayo ni Sophia? Nako, pagusapan niyo 'yan, okay? Hindi pa kayo naikakasal nagkaka problema na kayo," mataray na sambit niya sa'kin.

Napailing na lang ako at napangisi sa kaniya.

Hindi si Sophia ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito, kundi dahil sa babaeng mahal ko.

"Mom, please?"

Napataas naman ang kamay niya at ngumiti sa'kin.

"Sinasabi ko lang anak. Ayokong masasaktan si Sophia, she's a lovely person. Unlike her sister,"

Natigilan ako at napalingon ako sa kaniya kaya napalingon din siya sa'kin at napataas ang kilay.

"What? Sophia, told me, her sister is a rebel girl, tsk. tsk. Sinisira niya ang pangalan ng kanilang pamilya. Mabuti pa si Sophia, Unlike that girl, she's a lovely and responsible daughter. What is her first name again? Scarlett?"

Napakuyom ang mga kamao ko sa mga narinig ko sa kaniya.

At talagang si Sophia pa ang nagsabi?

That bitch!

"Sophia, told me, na sumama raw sa isang lalaki kaya nabuntis, tsk. tsk. She was an absolute disgrace to her family--"

Naibagsak ko ang bote sa harap ni mom kaya napatigil siya sa pagsasalita.

"Austin?"

Sinamaan ko ng tingin si mom na kinagulat niya.

"You don't know anything about her, mom!" Sigaw ko sa kaniya na mas nabigla siya.

"W-what?"

"Don't say that to Scarlett!" sigaw kong muli sa kaniya at nagulo ko ang buhok ko sa inis.

"What's wrong with you?!" Galit na tanong niya sa'kin kaya napahinga ako ng malalim.

"Ang babaeng sinasabihan mo ng rebelde ay ang asawa ko, mom. Ang bunso ng mga Knight. Now, excuse me!" galit din na sigaw ko sa kaniya at mabilis akong umalis sa harapan niya kahit tinatawag pa niya ako pero alam kong nagulat din siya sa sinabi ko.

Bago pa ako makaakyat nilingon ko pa si mom na natahimik naman.

"And don't listen to Sophia. Siya ang hindi mo kilala." huling sambit ko bago ako tuluyang umakyat sa kwarto ko.

How dare her!

Hindi niya nakilala si Scarlett para makinig siya sa kwento ng ibang tao.

Napahampas na lang ako sa pader ng kwarto ko at inis na naligo bago ako matulog para mahimasmasan ako marami-rami rin ang nainom ko.

Napasandal ako sa pader ng banyo habang hinahayaan kong tumulo ang shower sa buong katawan ko.

Babawi ako sa'yo, hon.

**