CHAPTER 6

"K-Kuya.."

Napaiwas ako ng tingin sa kan'ya at napabuntong hininga na lang.

Hinayaan na muna naming maglaro ang mga anak ko, dahil mas mabuting hindi nila maririnig ang pag-uusapan namin ni kuya.

"You made us worried. Nawala ka ng parang bula, tapos babalik ka na parang walang nangyari?" Hindi makapaniwalang tanong ni kuya, pero halata mong naiinis siya sa ginawa ko.

Napatingin na lang ako sa mga anak ko na masayang naglalaro. Naramdaman ko nanaman ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko.

"K-Kuya, h-hindi madaling umalis, pero kailangan.." naluluhang sambit ko sa kan'ya.

Hindi madaling umalis ng nag-iisa.

Hindi madaling mabuhay ng nag-iisa.

Hindi madaling magpalaki ng mga anak ng nag-iisa.

Kaya malaki ang pasasalamat ko kay Klaire, na kahit anong mangyari nasa tabi ko lang siya.

"Hindi mo manlang ba naisip sila tita at tito? Hindi mo manlang ba naisip ang pamilyang iniwan mo rito?! Tapos babalik ka, may dalawa ka ng anak?!" Nagtitimping tanong ni kuya sa'kin.

Napayuko naman ako at napatakip na lang sa bibig para pigilan ko ang paghikbi ko.

Ayokong magtaka ang mga tao kung bakit ako umiiyak kahit na alam kong kilala nila ako bilang isang Knight.

"K-Kuya, please? Ayoko muna 'tong pag-usapan." mahinang sambit ko sa kan'ya at tumayo para puntahan sana ang mga anak ko, pero natigilan ako sa tanong niya.

"Will you run away again?"

Hindi ako agad nakapagsalita dahil hindi ko din alam kung anong maaari kong sabihin.

Tatakbo na nga lang ba ako ulit?

Tatakbuhan ko na lang ba ulit ang problema?

I'm still cowardly..

Hanggang ngayon hindi ko parin kayang harapin ang problema.

Huminga ako ng malalim at nilingon ko si Kuya Erin saka siya nginitian.

"Kung yun ang kinakailangan kuya gagawin ko. Tatakbo ulit ako, dahil ayokong pati mga anak ko masasaktan," nakangiting sambit ko sa kan'ya at pinunasan ko ang mga luha ko saka iniwan siyang nagtatanong pa rin.

I'm sorry, Kuya Erin. Hindi pa ako handang sabihin sa'yo ang lahat.

Tahimik lang kaming dalawa ni Kuya Erin habang kumakain kami sa isang restaurant, habang ang mga anak ko masayang nagkukuwento sa naging buhay nila sa batanes.

"You know what, Tito Erin si mama po palagi pong sad hindi rin po namin alam, kung paano namin siya pasasayahin ni kuya," nakangusong saad bigla ni Carrie kay Kuya Erin nabigla naman ako at nagkatinginan kami ni kuya pero ako agad ang unang umiwas.

"Bakit naman siya sad, darling?" Nakangiting tanong ni Kuya Erin kay Carrie. Nalungkot naman ang anak ko kaya nataranta ako.

"Because of our dad? I don't know po eh. Palagi ko po siyang nakikitang umiiyak," malungkot na sambit ni Carrie agad naman akong napaiwas ng tingin.

Hindi ko akalain kapag mag-isa na lang ako sa kwarto, doon ko na lang nilalabas ang sama ng loob ko. Dahil sa tuwing mag-isa ako, si Dominic pa rin ang palaging laman ng isip ko.

Kung paano niya ako pinagtaksilan.

Kung paano niya sinayang ang ilang taong pagsasama namin.

Kung paano niya binali ang mga pangako niya sa'kin.

Hindi ko rin naman alam na pinapanood pala ako ni Carrie habang umiiyak.

"Carrie." banta ng kapatid niya. Ngumuso naman si Carrie.

"Malay mo, m help niya si mama, kuya. Ayoko na kasing sad si mama," nakangusong sambit ni Carrie sa kuya niya. Napakuyom ang mga kamao ko at bigla akong tumayo na nagulat naman sila sa'kin.

"M-Mama, I-I'm s-sorry po.." nakayukong sambit ni Carrie. Nginitian ko naman siya at hinaplos ang buhok niya.

"I'm okay. Rest room lang si mama," nginitian ko sila at agad akong nagpunta ng rest room.

Nilock ako ang pintuan saka ako napasandal sa pintuan at unti-unti nanamang tumulo ang mga luha ko.

Bakit parang ang hirap ng lahat para sa'kin?

Bakit pati mga anak ko kailangan madamay sa kaguluhan ng buhay ko?

Hindi naman ito ang pinangarap ko sa mga anak ko.

Hindi ito ang buhay na ipinangarap ko, para sa mga anak ko.

Baka tama nga si kuya.

Tumatakbo nanaman ako sa problema.

Umiiwas upang hindi masali sa gulo.

Pero kahit anong gawin ko hinding-hindi ko na maiiwasan ito.

Hinding-hindi ko na mapipigilan ang lahat.

Dahil alam kong mismong pamilya ko nagtatanong, kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon.

Nag-ayos na'ko sa sarili saka ako lumabas ng rest room, pero tila gusto kong bumalik sa loob ng rest room at magtago ng makita kong muli ang dalawang tao naging dahilan pagiging miserable ko.

"You're so sipsip to my Tito Erin," mataray na sambit ng anak ni Sophia kay Carrie na napatago naman sa likod ni Kuya Erin.

"Anong ginagawa niyo rito, Sophia?" Walang emosyon na tanong ni Kuya Erin sa kanila.

"Of course, gusto namin ipag-shopping si Thara, kuya."

"Sipsip talaga. Bakit hindi na lang kayo bumalik sa pinanggalingan niyo?" Mataray ulit na tanong ni Thara kay Carrie na nagsisimula nanamang umiyak.

"Shut up!" sigaw naman ni Augustin kay Thara na nabigla naman sa kan'ya.

"Why? Totoo naman, di b? Sampid lang kayo sa pamilya!" mataray na sambit ni Thara sa mga anak ko.

Kumuyom ang mga kamao ko manang-mana sa ina.

"Thara.." banta ni Dominic sa anak na agad namang napayuko.

"Paano kami naging sampid?! Eh Knight naman ang mama ko! Anak siya nila mamsy at papsy!" umiiyak na sambit ni Carrie sa kan'ya.

Napatahimik naman si Thara kaya agad na'kong lumapit sa mga anak ko.

"Mama!"

Yumakap sa'kin si Carrie, kaya agad ko siyang binuhat at dinukdok niya ang mukha niya sa balikat ko. Narinig ko na lang ang hikbi niya.

Humarap ako sa dalawang taong nanakit sa'kin.

"Hindi mo ba tinuruan ng magandang asal yang anak mo, Sophia?" Walang emosyon na tanong ko sa kan'ya. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Baka anak mo ang hindi mo tinuturuan ng magandang asal! Sinaktan niya ang anak ko!" Sigaw niya sa'kin kaya napangisi ako sa kaniya.

"Maganda at maayos ang pagpapalaki ko sa mga anak ko, kahit nag-iisa lang ako. Tinuruan ko sila kung paano maging Knight. Eh yang anak mo? Anong tinuro mo? Ang pagiging tamad mo?" Natawa ako ng bahagya na parang napahiya siya.

"Sa susunod na pagsalitaan pa ng anak mo, ang mga anak ko.. Hindi mo alam kung anong magagawa ko."

Sumeryoso ako at hinagod ko ang likuran ni Carrie na kanina pa humahagulgol.

"Bakit ba nandito kayo? Kung nasaan ako, nando'n din kayo? Hindi naman siguro kayo bumubuntot sa'kin, noh?" Nakangising tanong ko sa kan'ya. Nanlaki naman ang mga mata niya.

I know you too well, Sophia..

Inaalam mo kung sasabihin ko kay Kuya Erin ang totoong nangyari sa'kin.

"Scarlett," tawag ni Dominic sa'kin kaya inosente akong humarap sa kan"ya at binalik ko ang tingin ko kay Sophia na nanahimik naman sa tabi.

"Ito pakatatandaan mo, Sophia. Sa susunod na kakantiin mo ang isa sa mga anak ko. Malalaman ni chairman ang totoo. Malalaman niya kung sino ang ahas sa"ting dalawa." seryosong sambit ko na nagpatigil sa lahat.

"W-What are you talking about? W-What are you saying?"

Natawa lang ako sa kan'ya na parang wala talaga siyang alam. Na parang hindi niya alam kung anong pagtataksil ang ginawa niya sa'kin.

"Nakakatawa lang, sa sinabi ni Chairman na gayahin kita sa pagpili ng lalaki? Nakakatawa! Hah! Sa sobrang nakakatawa! Naaawa ako sayo. You know what I mean.." At hinila ko na si Augustin saka kami lumabas ng restaurant.

Gusto ko silang sampalin.

Gusto silang saktan katulad ng ginawa nila sa akin noon, pero hindi ko magawa dahil ako lang magmumukhang kawawa.

Walang maniniwala sa'kin. Wala.

"Ano ang totoo, Scarlett?"

Natigilan ako ng malaman kong kasama pala namin si Kuya Erin na naguguluhan sa mga nangyayari sa'ming magkapatid.

What to do, Scarlett?

What to do?

"Bakit parang pakiramdam ko may nagaganap sa inyong tatlo?"

K-Kuya, please, stop.

"Sasabihin mo ba sa'kin o ako mismo ang aalam? Hindi matutuwa si Kuya Carreon kapag nalaman niya 'to. Alam mo, kung ano ka para sa kan'ya,"

Wala na'kong lusot pa.

Hindi ko na rin kayang maglihim pa kay Kuya Erin at baka makarating pa kay Kuya Carreon.

Si Kuya Carreon ang pinaka panganay sa mga Knight. Kilala ko siya kung paano siya palihim na kumilos.

Natatakot ako na baka kapag nalaman ng lahat mas lalo lang gugulo ang sitwasyon.

Napahinga ako ng malalim at inihiga ko si Carrie sa kandungan ko na nakatulog na sa kakaiyak.

Siya talaga ang iyakin sa dalawa, kaunting salita lang umiiyak na si Carrie at sa akin niya 'yon namana.

Dominican Augustin, just like his dad. Matalino pero hindi niya namana ang kapilyuhan ng kan'yang ama parang mas nagmana pa siya kay Kuya Carreon na nakakatakot.

Napangiti na lang ako, sila lang talaga ang kahinaan ko dahil ayokong madadamay sila sa gulo.

Huminga ako ng malalim at tumingin ako kay kuya na nagdadrive.

"Handa na'kong sabihin sa'yo ang lahat kuya, basta ipapangako mo lang na hinding-hindi mo ito sasabihin sa'ting pamilya."

Hindi na'ko tatakbong muli.

Haharapin ko na 'tong mag-isa.

Hindi na rin ako magtatago hinding-hind na.

I'm just going to let fate go.