CHAPTER 5
Nanlaki naman yung mga mata niya at nataranta bigla.
"H-Hindi ako n-natatakot.." nauutal na sagot niya.
Hmm..
Hindi nga ba?
Ano bang kinakatakot niya?
Ang malaman nila ang totoo? o pagbalik ko rito?
Kahit kapatid ko siya, hindi ko pa rin mabasa kung ano ang nasa utak niya.
Napabuntong hininga na lang ako at napaatras na lang saka ako ngumisi sa kaniya.
"Wala kang dapat ikatakot. Hindi ako manggugulo basta hindi niyo rin guguluhin ang mga anak ko. Kung wala ka ng kailangan makaalis ka na."
Tinalikuran ko na siya at inayos ang mga gamit namin nang mga
anak ko.
Narinig ko na lang ang yabag niyang paalis sa kwarto ko.
Napapikit ako at huminga ako nang malalim, saka ko ipinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit namin ng mga anak ko.
Minsan pala nakakapagod maging mabait. Sobra kang aabusuhin. Pero sa sitwasyon namin, hindi ako isang desperada para lang makasira ng pamilya.
Hahayaan ko na lang silang maging masaya.
Kinabukasan, inayos ko ang dapat ayusin dahil matagal-tagal na rin akong nagleave sa trabaho.
Kailangan kong ayusin ang Restobar namin ni Klaire, yun na lang ang dapat kong pagtuunan ng pansin kaysa sa ibang bagay.
Nag-ayos na ako, saka ako lumabas ng kwarto. Nadadaanan ko pa ang mga taga pagsilbi namin dito, puro pag-ngiti lang ang ginaganti ko sa bawat pagbati nila.
Saktong pagbaba ko nakarinig ako ng sigaw na nagmumula sa kusina, kaya agaran akong napatakbo patungo ro'n
Natigilan lang ako ng makitang umiiyak ang prinsesa ko, habang pinapatahan naman ito ng kuya niya.
Hindi ko alam kung anong pwedeng maramdaman ko sa nakikita ko ngayon.
Sa limang taon naming paninirahan sa probinsya, ngayon ko lang nakitang umiyak si Carrie.
"Anong nangyayari?" Nag-aalalang tanong ko sa mga anak ko na niyakap naman agad ako ni Carrie.
"Mommy," mangiyak-ngiyak na sambit ni Carrie at mas lalo niyang binaon ang ulo niya sa may tiyan ko.
Bibihira lang umiyak si Carrie kaya nakakapagtaka lang.
Tinignan ko si Sophia na umirap sa'kin at inalo ang anak niya na umiiyak na rin.
"What happened?" Malambing na tanong ko sa kan'ya.
Humihikbi naman niyang tinuro ang braso niya, at nanlaki ang mga mata ko nang mapansin unti-unti ng nagpapasa ang braso ni Carrie.
"Anong nangyari rito?!" Nag-aalalang tanong ko sa kan'ya at hinaplos ang braso niya.
"That witch, mom. She's hurting my sister!" Inis na sambit ni Augustin habang nakaturo kay Sophia.
Kumunot ang noo ko at tumingin ako kay Sophia na masama ang tingin saming mag-iina.
Sinaktan niya ang anak ko?
Wala siyang karapatang saktan ang isa sa mga anak ko.
Nagtitimpi ko siyang nilapitan at hinablot ang braso niya na gulat naman siyang tumingin sa'kin.
Walang pwedeng manakit sa mga anak ko. Dahil ako mismo ang makakalaban nila.
"Bakit mo sinaktan ang anak ko?" Nagtitimping na tanong ko sa kan'ya at humigpit ang hawak ko sa braso niya na kinangiwi niya.
"Dahil sinaktan niya ang anak ko!" Singhal niya sa'kin habang nakangiwi.
Kumuyom ang kamao ko imposibleng manakit si Carrie ng walang dahilan.
"Nakita kong tinulak niya si Thara!" dagdag pa niya kaya napahinga ako ng malalim at sinamaan ko siya ng tingin.
"No, mommy. She's lying! Si Thara ang nauna. Gusto ko lang kumain, pero pinagbawalan niya ako dahil hindi raw ako kabilang sa pamilyang 'to!" umiiyak na sambit ng anak ko kaya napalingon ako sa kan'ya.
"Totoo naman, di ba, mommy?! Hindi siya Knight!" segunda naman ng anak ni Sophia na si Thara.
Ayokong idamay ang bata sa problema namin ng mga magulang niya, pero kung ganito lang na bastos na pinalaki ni Sophia ang anak niya..
Hinding-hindi ko palalampasin yon!
Anak sa Anak.
Huminga ako ng malalim at sinamaan ko ng tingin silang mag-ina.
"Pinalaki ko ng maayos ang mga anak ko ng mag-isa. Kaya alam kong hindi sila mananakit ng walang dahilan!" Sigaw ko sa kanila na kinagulat nila.
Napahinga ako ng malalim at naramdaman kong nanginginig ang mga kamao ko at nangingilid ang mga luha ko.
"Sinaktan niya ang anak ko! Bastos! Wala silang modo! Katulad mo!" Sigaw naman ni Sophia sa'kin at napataas ang kamay ko para sampalin siya pero natigilan ko kaya naibaba ko ang kamay ko.
"Katulad ko sophia? Did you heard yourself, huh? Sino sa'tin ang walang modo, Sophia? Huh? Sino sa atin?!" Nagtitimping tanong ko sa kaniya na kinatahimik niya kaya napangisi ako ng mapait at tinignan ko ang anak niya na manang-mana sa kaniya.
"Tila anak mo yata ang hindi mo pinalaki ng maayos. Kaya naging bastos. Like mother, like daughter," sambit ko sa kaniya at akmang sasampalin niya ako ng pigilan ko siya.
"H'wag na 'wag mong sasabihan ng bastos ang anak namin ni Dominic!" sigaw din niya sa'kin pero ngumisi lang ako sa kan'ya.
"Pwes. H'wag mong sasaktan ang isa sa mga anak ko. Dahil wala kang karapatan! Naiintindihan mo?! Wala kang karapatan!" Galit na galit na sambit ko sa kan'ya.
Gusto ko siyang saktan. Gustung-gusto ko na siyang saktan! Pero hindi ko lang magawa dahil na rin sa mga anak ko.
Hindi magandang ihemplo sa mga bata na nakikita nilang nag-aaway ang mga matatanda sa harapan nila.
Pero hindi ko mapigilan uminit ulo ko lalo na naririnig kong umiiyak ang anak ko.
Kahit sinong nanay, hindi makakapayag na masaktan ang mga anak nila.
"M-mommy, stop it, please.." pigil sa'kin ni Carrie na siyang kinalingon ko sa kaniya ng makitang maluha-luha nanaman siya at nakatakip sa dalawang tenga niya kaya agad ko siyang nilapitan.
Ayaw na ayaw ni Carrie na nakakarinig ng pag-aaway, dahil hindi ko sila tinuruang makipag-away palagi kong sinasabi sa kanila na masama ang may kaaway.
"I-I'm sorry," paumanhin ko kay Carrie at niyakap siya at niyakap din niya ako.
"Anong nangyayari?"
Napalingon ako ng makitang pumasok si mom, kasunod si Dominic. Laya napaiwas ako ng tingin sa kanila at binuhat ko lang si Carrie na nahiga nasa balikat ko.
"M-Mom, sinaktan kasi ng anak niya ang anak ko," mangiyak-ngiyak na sambit ni Sophia kay mom.
Natigilan ako at napailing na lang sa kaniya tila nagbago na talaga siya.
Hindi na siya yung ate ko na kakampi ko noon.
"Yes, mamita! Sinaktan niya ako, look oh.." segunda naman ni Thara kay mom.
Humigpit naman ang yakap sakin ni carrie kaya inalo ko na lang siya.
"Hindi man sila maniwala sayo anak, si mommy naniniwala sa'yo, kami ng kuya mo," nakangiting bulong ko sa kan'ya. Tipid naman siyang ngumiti sa'kin at tumango na lang siya.
"Are you okay?"
Napatingin ako kay mom na nag-aalalang nakatingin kay carrie na umangat ang tingin kay mom.
"Opo. Okay lang po ako, mamsy," nakatungo na sambit naman ni Carrie. kumunot ang noo ni mom at tinignan ang braso niya.
"Anong nangyari d
Rito?! Gamutin natin 'to!" Natatarantang sambit ni mom sa'kin.
Umiling lang ako sa kaniya at nginitian si mom.
"Ako na lang mom. Mauuna na po kami," nakangiting sambit ko kay mom at humalik na ako sa pisngi niya.
Tumayo na'ko at hinawakan ko sa kamay si August at hinarap sila Sphia.
"Ito tatandaan mo, Sophia. Sa'ting dalawa, anak mo ang walang karapatan dito." seryosong sambit ko na nagpatigil sa kaniya.
"Saktan mo ulit ang anak ko, malalaman nila kung ano ang itinatago mo. Sa isang iglap mawawala ang lahat sa'yo." dagdag ko pa.
Nanlaki naman ang mga mata niya at namutla napansin ko namang natigilan si Dominic kaya napangisi na lang ako.
"Scarlett? Sophia? Anong meron sa inyo?" Naguguluhan na tanong ni mom sa'min. Nginitian ko lang si mommy at sinulyapan ang dalawang taong nanakit sa'kin ng lubusan.
"Why don't you ask, Sophia, mom? For sure, alam niya ang sagot. Right, ate?"
Ngumiti lang ako sa kanilang dalawa ni Dominic at lumabas na kami sa may dining area.
"Scarlett,"
Natigilan ako ng makita si Kuya Erin na nakasandal sa may tabi ng hagdan habang nakapamulsa na tila, ako talaga ang hinihintay niya.
"K-Kuya.." bati ko sa kanya. Nginitian naman niya ako at lumapit sa'kin para kuhanin si Carrie sa'kin.
"Labas tayo?" Tanong niya saming tatlo. At nginitian si Carrie.
"Gusto mo bang magshopping, baby girl?" Malambing na tanong niya kay Carrie na nagliwanag naman ang mukha.
"Really, tito? Pwede po mga toys?" nagniningning na tanong ni Carrie kay Kuya Erin.
"Oo naman. Bibilhin ko pa ang buong mall para sa'yo, baby girl," natatawang biro ni Kuya Erin sa anak ko at nilingon naman niya si Augustin na nakangisi sa kan'ya.
"Let"s go, tito buddy. Books for me, please?" Natatawang sambit naman ng anak kong lalaki.
At pare-parehas silang tumingin sa'kin kaya napataas ang kilay ko sa kanila.
"Sige na mom, please?"
Napabuntong hininga na lang ako at napatango sa kanila kaya napasigaw ang dalawa kong anak halatang-halata ang saya sa mga mata nila.
Hindi ko mapigilang malungkot, dahil alam kong ito ang kauna-unahang makakalabas sila at makakapuntang mall.
Sa loob ng limang taon, puro sa loob ng bahay at sa tabing dagat lang sila. Ni hindi nila naranasan na lumabas ng lungsod dahil na rin sa takot na baka may makakilala sa'kin, kaya nagtitiis sila sa loob ng bahay.
Pero ngayon, hahayaan ko muna silang maging masaya, dahil masaya na rin ako kapag nakikita ko silang masaya.
Kaya kahit may kulang sa buhay nila, hindi yun hadlang para hindi sila maging masaya.
Napangiti na lang ako habang nakasunod sa kanilang tatlo na masayang masayang nagkukwento tungkol sa naging buhay nila sa probinsya kung saan kami nanirahan ng limang taon.
"Scarlett,"
Napalingon ako kay Kuya Erin na seryoso namang nakatingin sa'kin.
"Bakit ka umalis ng walang pasabi? Bakit ka nawala ng halos anim na taon?"
Natigilan ako at nawala ang ngiti sa labi ko at tuluyan ng nawala ang saya ko.
"K-Kuya.."
Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, dahil kahit anong oras pwede na nilang malaman ang tinatagong lihim ko.
Ang lihim na binabaon ko na sa limot.
Ang lihim ng kahapon.
**