CHAPTER 4
"Oh, my gosh!"
Nakita ko si mom na napatakip sa bibig niya at nangingilid na rin ang luha niya.
"Oh, my gosh! My daughter is back!" Natatarantang sambit niya at halos madapa pa siya sa paglapit niya sa'kin at dinamba niya ako ng yakap napabitaw ako sa kamay ng mga bata at sinalubong ng yakap si mom.
"Scarlett baby!" Mahinang bulong ni mommy habang yakap yakap niya ako.
Hindi ko na rin mapigilan ang luha ko habang kayakap ko siya.
I miss her so much.
"Mommy," mangiyak-ngiyak na tawag ko sa kan'ya kaya mas lalo siyang umiyak.
Ramdam ko ang pangungulila niya sa'kin.
Kapag may problema ako, siya rin ang nagiging sandalan ko palagi niya rin akong pinaaalalahanan na maging matatag ako sa buhay.
"My princess,"
Napakalas ako sa pagyakap ko kay mom. Napansin ko namang umatras si mom at napaiwas ng tingin sa'kin.
Anong nangyari sa kanilang dalawa?
May nangyari ba habang wala ako?
"Daddy," nakangiting tawag ko sa kan'ya at niyakap ko rin siya ramdam ko ang paghigpit n yakap ni dad sa'kin at naramdaman ko na lang din ang luhang tumulo sa balikat ko.
Ngayon ko lang nakitang umiyak si daddy, dahil kilala ko siya na matapang at matatag.
Ramdam ko ang pagmamahal sa'kin ng magulang ko, hindi sila nagkulang sa'kin pero hindi ako karapat-dapat maging anak nila dahil sa nagawa kong katangahan noon.
Wala silang kaalam-alam na nagkaroon na ako ng anak sa lalaking pinagtaksilan ako.
"Yaaaahhh! Scarlett!"
"Ohmyyy! Nagbalik na siya!"
"Hi cous!"
Napabitaw ako kay daddy at ngumiti sa kanilang lahat.
Kumpleto ang mga Knight ngayong gabi.
Dahil ikakasal na ang kapatid ko.
Speaking of her.
Napasulyap ako sa kan'ya at napansin ko kung paano siya namutla humigpit ang pagkakapit kay Dominic na tila aagawin ko ito sa kan'ya.
"Hi, ate. I'm back," mahina ngunit may diin na sambit ko sa kan'ya.
Nanlaki naman ang mga mata niya at tila hindi alam kung paano ako sasagutin.
Gan'yan ka ba katakot na nagbalik na'ko?
Anong pakiramdam na sa'yo na ang asawa ko?
Napangisi ako ng mapait, at napaiwas na lang ng tingin sa kan'ya at binalingan ko ang mga anak ko na todo ang kapit sa laylayan ng dress ko, at nagtatago sa may likuran ko.
Lumingon ako sa kanila at nginitian sila kaya nakayuko silang lumabas sa likuran ko.
"M-Mom, D-Dad alam kong matagal akong nawala pero may dahilan ako.." Huminga ako ng malalim at hinawakan ko ang kamay ng mga anak ko.
"Hmm.. I have two kids. Sila ang dahilan kung bakit mas pinili kong umalis at lumayo,"
Hinarap ko ang dalawa kong anak na tila nahihiya naman sa kanila.
Napatingin ako kay Dominic na natigilan pero napaiwas na lang ako ng tingin sa kaniya saka ako ngumiti sa kanilang lahat.
Ramdam kong natigilan sila at natahimik dahil sa isang balitang alam kong ikakagunaw ng mundo nila.
Halos limang taon akong nawala at sa pagbalik ko may dalawang bata na akong kasama. Bahala na sila kung anong pwede nilang isipin sa'kin basta mananatili lang lihim, ang lihim ko.
"Mommy, ayaw ata nila sa'min.. I-I'm scared.." Bulong sa'kin ni Carrie na sobra ang pagkakakapit niya sa bewang ko.
"Let's leave, Mom; I don't want to be here!" nakasimangot na sambit ng anak kong si Augustin sa'kin.
Nanlaki naman yung mga mata ni mom at dad na parang natataranta pa.
Hindi alam kung ano ang uunahin.
Hindi ko mapigilang matawa sa ginagawa nila.
"Mommy, Let's go!" Inis na sambit ni Augustin. Habang hinihila ang laylayan ng dress ko.
Natawa naman ako sa kan'ya at ginulo ang buhok niya.
"No. Stay here, Dominican Augustin. Say hi to your grandma and grandpa," sambit ko sa kan'ya.
Kaya ngumuso lang siya at lumapit sa mga magulang ko na hanggang ngayon nakatulala pa rin sa mga anak ko.
"Hello?! I'm hungry!" iritang sambit ni August sa kanila.
Napabalikwas naman si mom at binuhat si Augustin saka niya ito niyakap.
"Let me go!"
Napailing na lang ako kay Augustin, manang-mana talaga sa ama.
"Dominican Augustin!" Maotoridad na sambit ko sa pangalan niya.
Alam na niyang magagalit na'ko.
Tumahimik naman siya at yumuko na lang.
"Sorry, Mom. Sorry, Mamsy." nakayukong sambit ng anak ko kay mom.
Ngumiti lang si mom sa kan'ya at pinaghahalikan ang matabang pisngi ng anak ko.
"Oh, I like that! Come on!"
Nakangiting naglakad si mom palapit sa lamesa. Halatang nagigiliw siya kay Augustin.
Lumapit naman kami habang buhat buhat ko si Carrie. Napansin ko si Chairman at nagbow ako sa kan'ya.
Takot ako kay Chairman dahil iba talaga siyang magalit, pero naiintindihan ko naman kung magagalit siya dahil may kasalanan din naman ako.
Tahimik kaming kumakain dahil ramdam ko pa rin ang tensiyon ngayon lalo na't kaharap ko si Dominic at ang ate ko.
Wala ni isang nagsasalita sa'min hanggang sa si Chairman na mismo bumasag ng katahimikan namin.
"Where have you been, Scarlett?" walang emosyon na tanong niya sa'kin.
Na tila may bumara sa lalamunan ko at napapalunok pa.
Ito na ba ang kinakatakutan ko?
Harapin mo yan, Scarlett.
"C-Chairman.."
Yumuko ko at kinuyom ko lang ang mga kamao ko.
Hindi siya pwedeng tignan sa mata dahil nakakabastos yun para sa kaniya.
"Mabuti't naisipan mong bumalik pa. May dala ka pang bastardo na anak! Hindi kita pinalaking gan'yan! Hindi kita tinuruan para lang maging suwail sa'kin!" sigaw ni Chairman na nagpakaba lalo sa'kin.
Napansin ko ang pag-ngisi ni Sophia dahilan mas lalo akong kabahan.
Nagsisimula na ang tensyon sa pagitan ko at sa pagitan ni Chairman.
Tinakpan naman ni mommy ang tenga ni Augustin at Carrie para wala silang marinig na sasabihin ni Chairman tungkol sa kanila.
"Imbis na asikasuhin mo ang responsibilidad mo, pero ano?! Umalis ka at lumayo. Tapos babalik ka ng may dalawang anak?! Anong klase kang babae, huh?! Hindi mo tularan ang ate mo! Natagpuan niya ang lalaking karapat-dapat sa mga Knight!" Singhal niya sa'kin at ramdam ko ang panggagalaiti sa kaniya.
Natigilan ako sa pagkain ko at kahit nangingilid na ang mga luha ko pinilit kong hindi maiyak sa harapan nila.
Naikuyom ko ng mariin ang mga kamao ko at huminga ako ng malalim saka ako nag-angat ng tingin.
Napatingin ako kay Sophia na nakangisi sa'kin.
Ito ba ang gusto mo, Sophia? Ang mapahiya ako?
Pwes, hindi ako isang inutil para hindi ipaglaban ang sarili ko at ang mga anak ko.
"Tularan? Sinong tutularan ko?" Natawa ako at napangisi na lang.
"Si Sophia? Sa pagiging ahas niya?"
Natigilan si Chairman at ramdam kong nakikiramdam lang ang mga pinsan ko at ang pamilya ni dominic.
"Scarlett!" gulat na sambit ni dad sa pangalan ko.
Napakagat ako sa labi at napahinga ako ng malalim at hindi na nagsalita pa.
"Scarlett! Hindi kita pinalaking bastos!" nangingili na luhang sigaw ni chairman sakin.
"Chairman, ginagalang ko ho kayo dahil kayo ang lolo ko. Pero sana naman respetuhin niyo rin ang mga anak ko." mahinahong sambit ko kahit kinakabahan pa rin ako.
"Scarlett, sino ang lalaking nakabuntis sa'yo?! Ipapapatay ko!"
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at gusto niya talagang malaman kung sino ang ama ng mga anak ko.
Natatawang napapailing na lang ako. Hindi ko alam kung nagbubulag-bulagan ba sila o ano.
"Chairman."
Natigilan siya ng titigan ko siya mata.
Kailangan kong magpakatatag para sa mga anak ko.
Gaya nga ng sinabi ko, kakalabanin ko lahat para sa mga anak ko, even my family.
"Kapag sinabi ko ba kung sino ama ng mga anak ko? Maniniwala ka ba?"
Mas lalo silang natigilan at nanlaki pa ang mga mata nila.
Napahinto si chairman sa pag-inom ng wine at nagkatitigan kami na mata sa mata.
Mukhang hindi rin nila inaasahan na sasagutin at titignan ko sa mata ang Chairman.
Tila namutla naman si Sophia.
"Scarlett, Respect the Chairman!" Sigaw sakin ng Tito ko.
Si Tito Alejandro Knight.
Mapait lang akong ngumiti sa kaniya.
"Paano mo nagagawang sagutin ako ng ganyan, Sarlett?! Ikaw ang inaasahan ko! Dahil alam mong ikaw lang ang maaaring pumalit sa'kin dahil na rin sa hiling ng lola mo!" naluluhang sambit ngunit may diin.
Napailing na lang ako sa kaniya.
"Chairman, malaki ang respeto ko sayo, pero kung sasabihan mo lang na bastardo ang mga anak ko hindi ako papayag. Kakalabanin ko lahat ng mananakit sa mga anak ko. Kahit kayo pa ang kalabanin ko." seryosong sambit ko sa kaniya at pinipigilan ko hindi maiyak.
Kailangan kong maging matapang para sa mga anak ko. Hindi ako papayag na apihin sila.
Mas okay na ako lang ang apihin nila, 'wag lang ang mga anak ko.
"Paano ka natututong sumagot sa'kin ng gan'yan, Scarlett?! Ikaw ang papalit sa'kin!"
Napabuntong hininga na lang ako.
Hindi na matatapos ang usapan
Nawalan na rin ako ng gana.
Masakit sa'kin na makitang nahihirapan si lolo, pero anong magagawa ko?
Kung pati sila handa akong kalabanin.
"I don't need your throne grandfather. Bumalik ako hindi para pumalit sa'yo. Bumalik ako dahil alam kong may tungkulin pa rin ako rito sa pamilyang 'to. Ibigay niyo na lang kay ate, tutal 'yan naman amg matagal niyang pangarap, di ba ate?"
Nilingon ko siya pero umiwas lang siya ng tingin sa'kin kaya napangisi na lang ako at tumayo na.
"I'm sorry pero hindi ko matutupad ang hiling ni lola. Masaya akong bumalik dito dahil bahagi pa rin ako ng pamilyang 'to."
Nag-bow ako sa kanilang lahat at kinuha ko na ang mga anak ko para magpunta sa kwarto ko.
Tinatawag pa nila ako, pero wala ako ni isang nilingon.
Pagkapasok ko pa lang sa kwarto ko agad nagbagsakan ang mga luha ko.
Masakit marinig kay lolo na tularan ko ang ate ko pagdating sa pagpili ng lalaki.
Kung alam mo lang lo, Magkahati kami sa lalaki. Nasa kan'ya na ang taong mahal ko.
Nawala dahil sa kalandian niya. Kaya pati mga anak ko kailangang makihati ng attention sa ama nila.
I know you too well, Sophia Vivian Knight.
Pero ako ang hindi mo kilala. Hahayaan kitang maging masaya kay Dominic, basta hindi mo guguluhin ang buhay ko dahil kung hindi.. Ako mismo tatapos ng kaligayahan mo.
Masaya akong bumalik pero tama nga ba na bumalik ako, rito?
Ramdam kong hindi na ako kahit na kailan welcome rito.
Napatingin ako sa mga anak ko na nakatulog kaagad dahil pagod sa naging biyahe namin napangiti na lang ako at hinalikan ko sila sa noo.
Akmang tatayo na'ko para makapagpalit na rin, ng maramdaman ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko.
"Bakit bumalik ka pa?"
Natigilan ako at napalingon sa babaeng naging dahilan kung bakit walang ama ang mga anak ko.
Mapakla akong napangisi na lang sa kaniya
"Aren't you happy? I returned; you should be happy for me, right, ate?"
Diniinan ko ang salitang 'ate' para magpagulat lalo sa kan'ya.
Sinamaan niya ako ng tingin na siyang kinaseryoso ko.
So, this is the real, Sophia Vivian Knight.
"No. Sisirain mo lang ang relasyon namin ni Dominic. He loves me! Kaya dapat hindi ka na bumalik dahil wala kanang babalikan!" matigas na sambit niya sa'kin at bahagyang ngumisi.
Natigilan ako sandali pero napahinga rin ako ng malalim kahit natamaan ako sa sinabi niya.
"Bakit hindi ako pwedeng bumalik? Hindi kayo ang binalikan ko. Kundi ang pamilya ko."
Nilingon ko siya at nginisihan at kita ko ang galit sa mga mata niya.
"Isa akong Knight, kaya may karapatan ako.." Tumayo ako at lumapit sa kaniya.
"Bakit ate? Natatakot kaba?"
Natigilan siya at halatang namutla.
Hindi ako yung tipong kayang balewalain ang lahat, kung dati hinayaan ko na mapunta sa kan'ya si Dominic. Pwes, ngayon. Lalabanan ko siya sa tamang paraan kapag kinanti niya ang isa sa mga anak ko.
Huminga ako ng malalim at seryoso ko siyang tinignan at muling nagsalita ng mapansin kong wala siyang makapang sagot.
"Natatakot kabang malaman nila ang totoo, Sophia Vivian?"
**