CHAPTER 3

"Mommy, saan po tayo pupunta?" Tanong sa'kin ng anak kong si Carrie.

Ngumiti naman ako sa kan'ya.

"Kung saan lumaki si mommy," ngiting sambit ko sa kan'ya.

Nanlaki naman yung mata niya sa gulat.

"Omo! You mean mommy, makikita ko na sila mamsy at papsi?!" Tumango naman ako sa kan'ya at ginulo ang buhok niya.

Napangiti na lang ako sa pagiging excited nilang dalawa na makita ang pamilya ko.

Napag-isipan kong mabuti na ito na ang tamang oras para bumalik ako, at harapin ang tinakbuhan ko noon.

Hindi habang buhay na magtatago lang kami dahil kahit anong mangyari babalik at babalik pa rin ako kung saan ako nanggaling.

Alam ko rin naman na excited na si c

Carrie dahil ilang beses na niya akong natanong kung bakit apat lang kami ang nandito, at kung nasaan daw ang mga lolo at lola niya dahil gusto na nila itong makita.

"So, pati si daddy, mommy?"

Natigilan ako sa tanong niya.

Paano nga kung malaman nila si Dominic ang ama?

Maniniwala ba sila sa'kin?

Kung hindi naman nila alam yung naging relasyon naming dalawa.

Ngumiti lang ako kay Carrie.

"Rie anak, pwede mong makita ang daddy mo pero may bago na siyang pamilya, okay? Naiintindihan mo naman si mommy, di ba?"

Lagi kong pinaiintindi sa kanila na may iba ng pamilya ang papa nila.

Hindi ko siniraan si Dom sa kanila, dahil kahit papano siya pa rin naman ang ama ng mga ito.

"But, how about us, mom? Hindi natin pwede makasama si daddy?" Malungkot niyang tanong sa'kin.

Napabuntong hininga naman ako kahit nangingilid na ang luha ko.

Ako ang nasasaktan sa mga anak ko, imbis na ang mga anak ko ang dapat may karapatan kay Dominic, sila pa itong makikihati ng attention.

Pero iba na kasi ang ihip ng hangin ngayon dahil wala nag bisa ang kasal naming dalawa.

At sila na ni Sophia ang ikakasal.

Baka maging bastardo pa ang mga anak ko at mas lalo lang silang masasaktan.

Ako na ang saktan, 'wag lang sila dahil hindi pa nila nakikita kung ano ang kayang gawin ng isang Scarlett Venice Knight, kapag mga anak ko na ang pinag-uusapan.

"Stop it, Rie!"

Naagaw lang ang eksena ng biglang pumasok si August sa kwarto nila.

Na halatang malungkot din.

Niyakap ko silang dalawa at tahimik na umiyak.

"I'm sorry! I'm sorry!"

Paulit-ulit lang na sorry ang sinabi ko sa kanila.

Hindi ito ang pinangarap ko para sa mga anak ko.

Hindi ito ang gusto ko para sa kanila.

Gusto ko silang maging masaya, pero kahit anong gawin ko kulang pa rin ang mga ginagawa ko para lang maging buo lang sila.

"Ano, Ven? Handa kana bang harapin ang pamilya mo?"

H-Handa na nga ba ako?

Handa ka na nga bang bumalik Scarlett Venice?

Handa ka na bang harapin sila?

H-hindi ko alam. Dahil hanggang ngayon, kinakabahan pa rin kung anong mangyayari sa pagbabalik ko.

Naging matiwasay naman ang biyahe namin gamit ang chopper.

Sa building ng Perkins Hotel kami binaba.

Kung saan sila Klaire ang nagmamay-ari.

Dito na muna kami mamalagi ng ilang oras, dahil mamayang gabi na ang pagbalik ko sa Knight Palace.

Doon daw gaganapin ang Engagement celebration nila Sophia at Dominic.

Ilang beses akong huminga ng malalim habang tinititigan ko ang invitation na binigay sa'kin ni Klaire kanina.

Mapait lang akong ngumiti, dahil ganito ring kagarbo sana ang gusto ko sa magiging kasal namin ni Dominic, pero alam kong hanggang sana na lang 'yon.

Dumating na ang gabi ng engagement celebration.

Nag-ayos na kami ni Klaire dahil ang sabi niya pamilya ko at pamilya lang ni Dominic, upang mapag-usapan ang gaganapin nilang kasal at inimbitahan din nila ang pamilya ni Klaire na malapit din sa pamilya ko.

Talagang pinaghandaan nila ito.

"Tara na, Ven? Ayos na rin yung dalawang bata. Naghihintay na ang driver ko sa baba," tumango lang ako kay Klaire at sumunod na sa kan'ya.

Nakapikit lang ako buong biyahe dahil pakiramdam ko kahit na anong oras babagsak at babagsak nanaman ang mga luha ko.

Pero kailangan kong tatagan ang sarili ko, dahil ako mismo may gusto nito ang tumakbo palayo kaya,

Scarlett must bear the consequences.

It's entirely your fault.

Napadilat lang ako nang kalabitin ako ni Augustin. Tinuro niya ang malaking mansion ng mga Knight.

Napatulala na lang ako sa malaking gate ng Knight Palace.

Wala paring pinagbago kahit limang taon na ang nakalipas. Ito parin talaga ang lugar kung saan namulat ako sa katotohanang demonyo ang pamilyang kinabibilangan ko.

Pagka parada ng sasakyan nila Klaire, kinausap ko muna ang mga anak ko na halatang kinakabahan.

"Mga anak anong unang gagawin niyo kapag nakaharap na natin sila?" Nakangiting tanong ko sa kanila.

"Mag bow po at magpapakilala," sabay na sagot nila sa'kin.

Napangiti naman ako sa kanilang dalawa. Dahil sa murang edad nilang 'yon tinuruan ko na sila kung ano ang natutunan ko noong bata pa'ko.

Pero hindi lahat sa kanila tinuro ko dahil kailangan pa nilang maging bata.

Ayokong matulad sila sa'kin na hindi mulat sa totoong mundo.

"Good job babies, Let's go!"

Napailing na lang kaming tatlo kay Klaire na siya lang ang pinaka excited sa'ming lahat.

Nang makababa na kami, inalalayan kami ng mga tauhan ni Klaire hanggang makapasok kami sa entrance.

Halatang nagulat ang mga tauhan namin na nakita nila ako.

"Welcome back, Lady Scarlett." bungad nila sa'kin.

Nakangiti kong tinanguan sila at naglakad na papasok mismo sa Knight Palace.

Nilingon ko ang mga anak ko na nag bow sa mga tauhan ng mga knight kahit alam kong kinakabahan din sila kung anong magiging reaction mismo ng pamilya ko.

Napangiti ako at napailing na lang dahil mukang pinipilit nilang hindi kabahan.

Nataranta naman ang mga tauhan namin at agad kaming pinagbuksan ng gate.

"LADY SCARLETT IS BACK!" sigaw ni general kung saan siya ang namumuno sa mga tauhan namin.

Napahinga ako ng malalim ng isa isang pumila ang mga tauhan namin at sabay-sabay silang nag-bow, habang dumadaan kami napakapit naman ang mga anak ko sa dress ko na biglang kinabahan.

"Maligayang Pagbabalik, Lady Scarlett." sabay-sabay na sambit nila kahit alam kong hindi nila ito inaasahan.

Miski si Manang Lydia ay halatang nagulat din.

Nangingilid din ang luha niya. Nginitian ko lang siya at tinanguan kaya sinamahan niya kami kung nasaan ang pamilya ko at ang pamilya ni Dominic.

"Maligayang pagbabalik, iha." mangiyak-ngiyak na sambit ni manang Lydia habang naglalakad papasok sa loob.

"Maraming salamat ho manang, hindi pa rin kayo nagbabago," nakangiting sagot ko sa kan'ya. Ngumiti siya sa'kin at tinap ang ulo ko.

"Marami ng nagbago iha. Simula ng mawala ka, hindi na katulad ng dati. Palagi ring nag-aaway ang mommy at daddy mo at ang kapatid mo mas lalong naging--" natigilan siya at napatakip sa bibig ng maramdaman niyang marami na siyang sinasabi.

"Manang, bumalik ako para makibati sa gaganaping kasal ni ate at ni Dominic para na rin kay mom and dad," nakangiting sambit ko sa kan'ya na kinahinga niya ng maluwag.

Curious rin ako kung anong nangyari sa Knight, pagkawala ko ng limang taon.

Pero hindi yun ang binalikan ko. Bumalik ako dahil ayoko ng tumakbo pa palayo.

Mas gugustuhin kong harapin na lang ang lahat dahil pagod na'kong tumakbo sa nakaraan.

Pagkarating namin sa dining area.

Napatigil ako at napansin ko ang mga ngiti at saya nila sa pagkwekwentuhan maliban kay dad and mom na parang iwas sa isa't-isa.

"Ven?"

Parang gusto kong umatras.

Parang gusto ko na lang manatili sa probinsya at hindi na bumalik pa.

Napangisi ako ng mapait.

Parang ako pa ang intruder ng pamilya nila.

Nalipat ang tingin ko kay Dominic na walang emosyon ang mukha at kay Sophia na walang mapag lagyan ang saya.

Napakuyom ng palihim ang mga kamao ko.

Hindi mo manlang ba ako hinanap Dominic?

Hindi mo manlang ba naitanong sa sarili mo kung bakit ako lumayo?

Wala na ba talaga ako sa puso mo?

Kaya ba agad ka ring pumayag magpakasal, kasi buong akala mo iniwan kita ng walang dahilan?

Sa napapansin ko parang nagsawa na silang hanapin ako.

Sabagay,

Ano nga ba ako sa kanila?

Isang kahihiyan sa pamilya.

Isang pasaway na sumuway sa kahit na anong batas ng pamilya.

"Ven?"

"Mom?"

"Iha?"

Napakurap ako at para akong bumalik sa realidad.

"Are you okay? H'wag na kaya tayong tumuloy? Namumutla ka," nag-aalalang sambit sa'kin ni Klaire.

Napahinga ako ng malalim at napailing sa kaniya.

Nandito na rin kami kaya magpapatuloy na ako.

Hindi na'ko tatakbo pa palayo.

Hinding-hindi na.

Nang kumalma nako ngumiti ako sa kanila at sa mga anak ko.

"Let's go," aya ko sa kanila at hinawakan ko sa kamay ang mga anak ko bago kami nagpatuloy sa harap ng dining area.

Napahinga ako ng malalim bago ako umubo para kuhanin ang attention nilang lahat na siyang kinatahimik nila.

Ngumisi ako ng mapait.

"I-I'm B-Back," Mahina ngunit alam kong dinig nilang lahat ang sinabi ko.

Lahat sila nabigla at nataranta ng makita nila akong nakatayo sa harapan nila.

"S-Scarlett.."

Ngumiti ako sa kanilang lahat at tumango.

Bumalik ako hindi para sumunod sa yapak ni lolo.

Bumalik ako dahil alam kong kailangan niyo'ko.

**