CHAPTER 2
5 years later.
Ang lamig ng simoy ng hangin.
Nakaka-relax yung tipong wala kang problema.
Ang sarap pa lang tumira sa probinsya.
Yung malayo sa lahat,
Malayo sa sakit, poot at pighati.
At lalong-lalo na malayo sa gulo.
Napapikit ako ng maramdaman ko ang malakas na hangin parang ramdam ko ang yakap ni Dominic.
'Hon, I love you so much. Mamahalin ko kayo ng buong-buo ng magiging anak natin.'
Napadilat ako at muli nanamang bumuhos ang mga luhang naipon ko sa limang taon kong pagtatago.
Bakit hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako?
Bakit umaasa pa rin akong hahanapin ako ni Dominic at magpapaliwanag sa lahat ng nangyari?
Bakit hanggang ngayon mahal ko pa rin siya?
Limang taon.
Limang taon mula nung tumakbo ako palayo.
Wala akong ibang narinig na balita mula sa kaniya at sa pamilya ko, pero alam kong pinaghahanap nila ako sa loob ng limang taon.
Marami silang connection at madali lang sa kanila na mahanap ako pero dahil isang akong Knight, nalusutan ko lahat ng pwede nilang daanan para lang mahanap ako.
Hinarangan ko kaagad ang mga connection nila sa tulong na rin ng kaibigan kong si Klaire Perkins na isa rin sa malapit sa pamilya ko at ang pamilya niya.
She's my one and only best friend, and I put my trust in her completely.
Kaya sa pagtatago ko siya lang din mismo ang nakakaalam.
Isa siyang hacker, kaya hindi ako nahanap na isa sa mga pinsan ko.
Kahit sa mga credit card ko pinalitan ko ng pangalan para hindi nila ma-track ang bank account ko.
Kung gaano sila katalino, gano'n din ako katalino hindi ako magiging isang Knight ng wala lang.
Hindi rin nasayang ang ilang taon kong pagtatraining para lang sa wala.
Gusto ko ring lumayo hindi dahil masakit, kundi dahil gusto ko ng tahimik na buhay kasama ang dalawang tao kung bakit nanatili akong tumatayo at lumalaban.
"Mommy!"
Napangiti naman ako sa maliit na braso ang yumakap sa bewang ko.
Ginulo ko ang buhok nilang dalawa.
Yes, kambal ang anak ko.
Isang babae at isang lalaki.
Akala ko mawawala na sila sa'kin dahil nung araw na umalis ako nawalan ako ng malay mabuti na lang natawagan ko pa si Klaire bago ako tuluyang nawalan ng malay.
Nagising na lang ako na nandito na ako sa rest house ng mga Perkins.
At sinabi niya na ayos lamang ang nasa sinapupunan ko.
Yung mga araw na naglilihi ako, medyo nahihirapan ako. Dahil minsan lang mag-stay dito si Klaire, hindi na rin kasi ako nagpakuha ng kasambahay baka makarating pa sa pamilya ko ang nangyayari sa'kin.
Hirap akong makatulog sa gabi at sa araw naman hirap akong makapagluto ng gusto ko, pero kahit nahirapan ako nakayanan ko naman para sa batang dala-dala ko.
Habang lumalaki ang sinapupunan ko mas lalo akong nahirapan ng mag-isa lang, minsan pa nga naiisip ko na tawagan ang pamilya ko dahil na rin sa nahihirapan ako, pero tiniis kong hindi sila kontakin dahil ayoko na ring makigulo pa sa kanila.
Hanggang sa dumating ang panganganak ko mabuti na lang talaga nakabiyahe si Klaire ng araw ng panganganak ko.
Nung una nahirapan pa ako pero dahil sa tulong ni Klaire nairaos ko naman ang panganganak ko na halos ikamatay ko.
Tiniis ko lahat para lang mabuhay ang mga anak ko, at nalaman ko rin na kambal ang anak ko at walang humpay ang saya ko ng malaman ko yun.
Kaya hangga't nabubuhay ako poprotektahan ko ang mga anak ko.
Ilalayo ko sila sa gulo hangga't maaari at hindi ko hahayaan na saktan sila ng ibang tao.
Habang nanatili kami rito sa probinsya, nagpatayo ako ng maliit na business dahil ayoko namang umasa lang kay Klaire. Sobra-sobra na ang tulong niya sa'kin dahil mas gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa.
Dahil hindi na sarili ko ang iniisip ko, kundi ang dalawang taong importante sa buhay ko.
Ang mga anak ko.
"You're always crying, Mommy!" Nakangusong sambit sa'kin ng prinsesa ko.
Siya si Dominica Carrie Knight Stone.
Ginamit ko pa rin ang apilyido ni Dominic sa kanila, dahil siya pa rin naman ang ama ng mga ito.
"Yeah, mommy, always." blankong sambit naman ng anak kong lalaki.
Hawig na Hawig niya ang kan'yang ama.
Siya naman si Dominican Augustin Knight Stone.
Limang taon pa lang sila pero para na silang matanda kung umasta. Napangiti na lang ako ng maramdaman ko ang yakap nila.
"Tears of joy yun mga anak ko, dahil dumating kayo sa buhay ko." niyakap ko sila nang mahigpit.
Salamat dahil dumating sila para magpatuloy sa buhay.
Dahil kung hindi,
Baka sumuko na ako sa hirap ng buhay.
Alam ko ring dadating ang araw na makakalimot din ako sa nakaraan at magpapatuloy sa kasalukuyan.
-
"So, bitch, what's your plan?"
Napabuntong hininga naman ako sa tanong ni klaire.
Sa totoo lang wala pakong plano wala pa akong plano para bumalik dahil hindi ko alam kung anong mukhang ihaharap ko sa kanila pagkatapos kong tumakbo palayo ng limang taon.
Pero nung mga nakaraang taon tumigil sila sa paghahanap sakin pero alam ko ang mga pinsan ko hindi sila tumitigil hangga't hindi ako nagpapakita sa kanila.
"Alam mo bang may nag-eespiya sa'kin? Gosh. Hindi ko alam kung paano ko sila lulusutan, dahil lahat ng pwede kong daanan nahaharangan nila. Hindi tumitigil ang mga pinsan mo, hangga't hindi ka nagpapakita. Halos lumuhod na ang mommy mo sa'kin, para lang mapaamin ako kung nasaan ka pero hindi ko sinabi dahil alam kong hindi ka pa handa," sambit sa'kin ni Klaire.
Napaiwas naman ako ng tingin sa kan'ya at hindi pinakita sa kan'ya ang lungkot na nararamdaman ko.
Hirap sa'kin na hindi kontakin si mom, dahil alam ko siya ang mas nag-aalala sa kalagayan ko. Tiniis ko siya dahil hindi pa ako handang magpakita sa kanila.
I'm sorry, Mom.
I'm not quite ready yet.
"Simula ng mawala ka nagreyna-reynahan na yang kapatid mo. Akala mo siya na ang magiging sunod sa yapak ni Chairman, tsk."
Napalingon ako sa kan'ya at hindi nakapagsalita.
"Kunwari pang suportado kayo ni Dominic, yun pala inaahas na niya ang asawa mo! Kung ikaw hinayaan mo lang, pwes sa'kin hindi! Makabalik lang tayo ingungudngod ko siya sa lupa! Nagpaawa pa ang bruha, kaya ayon balak silang ipakasal ni Dominic." naiinis na sambit niya na siyang kinagulat ko.
"Yes. Ipapakasal sila dahil nabuntis ng asawa mo yang kapatid mo, at magkakaroon ng isang celebration ang mga Knight," seryosong sambit niya sa'kin.
Natigilan ako at napangisi na lang ng mapait.
Mukhang makukuha na lahat ni ate ang nais niya.
I know her.
I know, Sophia Vivian Knight.
Marunong siyang mag manipula ng tao lahat ng gusto niya dapat masunod.
I love her kaya masaya na ako para sa kanila.
Hindi ko guguluhin ang masaya nilang pagsasama.
"Mommy!"
Napatingin ako sa mga anak ko na kumakaway sa'kin at mas lalo akong natigilan.
Paano na ang mga anak ko?
Paano kung isang araw magtanong sila, kung bakit hindi nila pwedeng makasama ang kanilang ama?
Anong gagawin ko?
Hindi naman habang buhay maitatago ko ang mga lihim ko.
Ayokong masaktan ang mga anak ko 'di bale na ako ang masaktan, 'wag lang sila dahil masakit para sa'kin na makitang nasasaktan o nahihirapan ang mga anak ko.
"Ano ng balak mo, Scarlett? Magdesisyon ka na kung babalik ka na, o mananatili na lang kayong mag-iina rito. Meron kang naiwang responsibilidad na kailangan mong gampanan. Hindi habang buhay tatakbo at magtatago na lang kayo. Pag-isipan mong mabuti ang mga sinabi ko sayo," nginitian niya ako at tinapik sa balikat pero bago pa siya umalis nilingon pa niya ako.
"I will support you regardless of your decision."
Napangiti na lang ako sa kan'ya at tumango. Saka tinanaw na lang siya na lumapit sa mga anak ko para makipaglaro.
Napapikit ako at dinama ang hangin.
Handa na ba akong bumalik?
Handa na ba akong humarap sa kanila?
Handa na ba akong kalimutan ang lahat?
O handa na ba akong harapin ang lahat?
**