Chapter 34: Pagsundo
Nagtaka si Lucian nang makitang tumatawag si Marion sa kaniyang cell phone. As it was, he was in the middle of a meeting in the conference room. Gayunpaman ay nandoon ang pananabik sa ilalim ng kaniyang puso. Baka kasi may balita itong importante ukol kay Rowan.
“Please carry on,” nakatiim-bagang siyang nagsalita sa harap ng kaniyang staff.
Lumabas siya ng conference room habang si Rhenn ang iniwan niyang magte-take down notes sa na-miss niyang points sa meeting.
“Alam mo ba kung nasaan kami ngayon, ha?” bungad ni Marion sa kabilang linya pagkasagot niya.
“What?” sabay sulyap niya sa kaniyang smartwatch. It was just 3:30 PM. His meeting was about the year-end report. Simula bukas hanggang sa petsa dos ng Enero ay bakasyon niya at ng kaniyang mga empleyado.
“Narinig mo ba ‘yon?” tanong na naman ng kaniyang kausap.
Kaya nakikinig naman siya nang mabuti. The music in the background was terrible. Where the hell were they?
“The hell, Marion. What are you doing in there? Where’s that place? Kasama mo ba ngayon si Rowan?” sunud-sunod na tanong niya sa babae habang naglalakad patungong elevator. Malalaki ang kaniyang hakbang.
“I wouldn’t call you if she isn’t with me. Duh! Crush kita pero may boyfriend na akong si Tommy. Alam mo ‘yan at hindi ko siya ipagpapalit sa ‘yo. Ano ka ba?” palatak ni Marion.
Napabuga naman ng hangin si Lucian. Pumasok na siya sa elevator nang bumukas ang pinto.
“Just tell me the address, okay?” ungot niya sa kaibigan ni Rowan.
Nag-aalala na siya kung ano ang nangyayari sa mga ito nasaan man ang mga ito. Sa isip niya ay nasa isang magulong bar ang mga ito at baka pagti-trip-an ng kung sinong lalaki.
***
Kumakanta pa rin si Rowan habang umiinom ng beer maya’t maya. Kahit hindi sanay na uminom ay patuloy pa rin siya sa paglaklak. Nalililo na ang pakiramdam niya pero sige pa rin siya nang sige sa pag-iinom samantalang nagkakantahan sina Moira na inimbitahan niyang mag-karaoke.
“Hoy, Marionette! Tigilan mo na nga ang pakikipag-usap kay Tommy!” saway niya sa kaibigan nang makita itong may kausap sa cell phone. “’Di ba? Sabi ko girls’ night out ‘to! Kaya walang boys! Walang cheat! Kung walang boys, walang cheat! Okay?”
Nakita niyang sumimangot ang kaibigan. Kulang na lang ay kukutusan na siya nito.
“Hayan ka na naman sa boys at cheat issues mo. At ano’ng night out? Hapon pa, ‘no? Four o’clock pa lang, tange!” Halos ingudngod pa sa kaniya ang relos na suot ni Marion.
Napatawa siya na parang baliw.
“Lasing ka na kasi, eh! Alas dos pa tayo rito, ah.” Inagaw nito ang hawak niyang bote ng beer.
Mabilis naman niyang inagaw iyon. Napatingin siya kina Moira at Nisa na tuwang-tuwa sa pagkakanta ng “I Will Survive.” Nag-duet ang mga ito.
“Yeah! I will survive!” Tumayo pa siyang nakataas ang mga kamay ngunit biglang umikot ang kaniyang paningin at nabuwal siya sa kinatatayuan. Subalit bago pa siya bumagsak sa sahig o sa kinauupuan niya ay may sumalo sa kaniyang malalakas na braso at pamilyar sa kaniya ang pabangong nasamyo niya.
‘Siya? Teka lang, hindi. Hindi puwede. Sa isip ko lang ‘to.’
Napalingon siya sa sumalo sa kaniya at nalaglag ang kaniyang panga.
Si Lucian ang nakita niya.
Nananaginip ba siya?
Unti-unti ay napangiti siyang nakatunghay rito saka tuluyan nang nagdilim ang kaniyang paningin.
***
“Oh, my God! O-okay lang ba siya?” alalang tanong ni Marion kay Lucian. Namilog ang mga mata nitong nag-aalala.
Pinangko na niya ang dalagang nakatulog sa kalasingan.
“What were you thinking? You were drinking at a place like this like fish?” Pinagalitan pa niya ang mga babae nang mapasulyap siya sa daming bote sa ibabaw ng mesa samantalang natigil sa pagkanta ng “I Will Survive” sina Moira at Nisa.
Akala pa naman niya kanina ay isang cheap bar ang pinuntahan ng mga ito. Kahit paano ay nabunutan siya ng tinik dahil isa palang karaoke place ang kinaroroonan ng mga ito kaya nasa isang pribadong silid ang mga ito.
“S-si Rowan kasi ang nagyaya,” paliwanag ni Marion. “Hindi namin mahihindian, eh.”
“Just how long have you been here?”
“Since ‘Happy Time’?” anang Moira.
“And you all let her drink? Wala man lang sumaway sa kaniya?” inis na baling niya sa mga ito.
“N-nagyaya nga kasi si Rowan na uminom. Alangan namang hindi namin papainumin kung gusto niya? Sinamahan lang namin. Naisip din naman kitang tawagan kung saka-sakali at tinawagan nga kita, ‘di ba?” paliwanag ni Marion na lumabi pagkatapos.
“I’ve already taken care of your bill. So, just go home. All of you. Para hindi naman ako mag-aalala sa inyo,” utos pa niya sa mga kaibigan ng dalaga.
Sumaludo sa kaniya sina Moira at Nisan ang nakangisi. Mukhang lasing na rin ang mga ito. Baka si Marion nga lang ang hindi.
‘Women! Ang sakit nila sa ulo.’
Naalala niya pa si Reina. Pero sa ngayon ay ayaw niya itong isipin. Nasa mga bisig niya ang kaniyang nobyang sobrang lasing.
“Marion, ikaw na ang bahala sa kanila, ah. Iuuwi ko lang ang isang ‘to.”
“Ha? Saan?” tanong naman nito.
“Sa bahay ko. Mas mabuti na roon para hindi niya ako mapapalayas kung sakali!”
Napatawa ang tatlong babae.
Dinala na niya sa kaniyang kotse si Rowan na walang malay. Pinahiga niya ito sa backseat upang mas komportable. Ikinabit niya ang dalawang seatbelt upang hindi ito gumulong at malaglag.
Napatitig siya rito nang ilang saglit. Even though she was drunk, and she reeked, she still looked so beautiful. Ang cute pa nga kahit na medyo nakaawang ang mga labi.
Hinaplos niya ang malambot na pisngi nito. “I missed you so much, sweetheart.”
Dinala na niya ang dalaga sa kaniyang mansion. Napagtanto niya kasing hindi pala niya nadala ang bag at susi nito sa bahay na malamang nasa bag nito. Naisip niyang si Marion na ang bahala niyon. Hindi naman kasi ibinigay sa kaniya ng babae.
Nakatunghay siya sa nobyang inihiga niya sa kaniyang kama. Bigla na lang itong bumangon at sumuka. Napapikit siya sa kaniyang mga mata nang mariin. Paano ba naman kasi ay pati siya ay nasukahan nito. Hindi niya iyon inasahan. Ngunit pagkatapos nitong sumuka ay humiga ito nang nakadapa sa kama na tila wala nang lakas na tumihaya man lang.
Bumuntong-hininga ang binata.
Lumabas siya ng kaniyang kuwarto at inutusan ang katulong na linisin ang suka ng dalaga saka kumuha ng mainit na tubig at tuwalya. Pinahid niya ang mukha ng dalaga na pinatihaya niya at maayos na pinahiga sa kaniyang kama.
Hinubaran niya ito upang mabihisan ng kaniyang T-shirt. Pinalabhan niya kaagad sa isang katulong ang damit nitong may suka rin at mabaho dahil sa ininom nitong beer.
She was reeking, really. Sa katunayan nga ay nakakasuka rin pero nagpigil-pigil lang siya at tiniis niya.
“Alam mo bang ikaw lang ang pinagtitiisan ko nang ganito, ha? Tsk! Inakusahan mo pa akong nambabae? Pinapahirapan mo ako, Rowan.”
Nang tapos na niyang malinisan ang katawan nito ay napatitig siya sa tulog na tulog na dalaga. How he missed her kisses, her calling him “Sugar Daddy” or “my sugar,” and her embraces. Siguro ang kahit na sulyap lang nito sa kaniya ay pinanabikan niya rin.
Lumunok siya at humigit ng hininga.
Humiga na siya sa tabi nito at napangiti kahit papaano habang nakatunghay rito.
“I hope you’ll not hate me anymore when you wake up, sweetheart…” bulong niya pa.
Inayos niya ang ilang hibla ng buhok nitong tumabon sa mukha nito.