Chapter 8 Her killer

Pagod ang isip at katawan ko nang makauwi sa bahay. It was already 3 p. m in the afternoon.

Agad akong napaupo sa sofa at mariing napapikit. Kahit pigilan ay, hindi na nakapagpigil pang kumawala ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan.

Mahigpit kong ikinuyom ang mga kamay at maramdaman ang mga kukong bumaon mula sa mga sariling palad.

Kahit ano pang pananakit ang gawin ko sa sarili ay hindi pa rin nito mahigitan ang sakit at bigat na nararamdaman ko ngayon sa dibdib. Ramdam ko mula sa mga oras na ito ang halo-halong emosyon.

Matinding galit, puot at pagkadismaya sa taong ‘di ko kailanman inaasahang gagawa ng bagay na iyon sa akin. Hindi ko kailanman inasahan na ang kaisa-isang taong pinagkakatiwalaan ko, ang siya rin palang maglalagay sa akin sa panganib.

I never expect to fall and trust someone that will hurt and will betrayed me in the end!

Mariin kong pinunasan ang mukha at inilabas ang mga litrato mula sa folder na ibinigay ni Ashton, saka isinunod ang mga gamit ni Ford na nakita ko kanina sa kwarto nito.

Tandang tanda ko pa ang mga suot ng lalaki bago manlabo ang paningin ko. I didn’t expect that Ford has the things that the guy wears that night.

Maging ang isang voice changer ay naroon din, hindi ko nakilala ang lalaki dahil gumamit pala ito ng vc. And that perfume, he may not have the perfume but the scent of the clothes he wears that night are still there.

Masiyado na ba itong kinabahan to the point na isiniksik at itinago na lang niya ang ginamit nito sa ilalim ng kaniyang kama at ‘dina inisip pang itapon o idispatsa na lang ito?

Hindi ba nito naisip na baka may pumunta doon at makita iyon? Antanga niya sa part na iyon, pero salamat sa katangahan niya. Because, finally! I have now the proof that he’s the one who did that to me. Hindi ko nga lang lubos na maisip at matanggap na siya ang gumawa non.

Of all the people, why him? bakit ang best friend ko pa? Bakit sa lahat ng taong pwedeng gumawa, bakit si Ford pa?

Itinapon ko palayo ang hawak na gamit at ‘di na napigilan ang sariling mapahagulgol.

We’ve known each other for almost 13 years tapos sisirain lang nito ang pinagsamahan ng ganon-ganon lang?

What did I even do to him?

Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong ginawang masama dito na ikakagalit nito. Okay pa naman kami bago mangyari ang party na iyon! Bakit bigla-bigla ay, gusto na lang nito akong saktan?

“Bakit Ford? Bakit mo iyon ginawa sa akin? Bakit ka naglihim? Bakit sa lahat ng taong pwede mong gawan non, bakit sa akin pa? bakit sa mismong kaibigan mo pa?!”

I never felt this kind of pain and betrayal in my whole life!

Sapat na sa akin yung saktan mo ako sa thought na hanggang magkaibigan lang tayo, pero ito? Hindi ko kinakaya!

Agad akong tumayo at pinagbabasag ang mga vase at pinagkakalat maging ang anumang bagay na makita ko sa loob ng bahay.

I even broke the glass that I saw and smashed it on our picture frame.

“Ang kapal ng mukha mong sabihan akong, ako ang unang nakalimot pero ikaw naman pala itong gumagawa ng dahilan para mangyare iyon.”

“How dare you to even say that I should not trust other that easily, because you made me think that every person can do bad things to me."

"Ang kapal ng mukha mong sabihin iyon, pero ikaw na matagal ko ng nakilala at pinagkatiwalaan ang siya rin palang gagawa ng ganung bagay sa akin. How dare you, Ford! Minahal at pinagkatiwalaan kita sa ilang taon na pagkakaibigan natin pero iyon lang pala ang isusukli mo sakin? Ang kapal kapal mo!” I scream at the top of my lungs.

"I trusted you, yet you choose to betray me."

Hindi maaalis ang galit ko kung magmumukmok lang ako sa bahay. Lumabas ako at napagpasyahang umalis.

I texted Ash to meet me. This time I need someone’s company.

Mag-aalas sais na ng gabi nang makarating ako sa lugar kung saan ko balak makipagkita kay Ashton. I decided to go to a place where I can feel at peace.

Sa lugar kung saan tahimik at walang gaanong tao. Dito ako madalas magpunta sa tuwing gusto kong mag-unwind at mag-isip isip.

Napapikit ako habang pinakikiramdaman ang hangin na humahaplos sa aking balat. Kasabay niyon ang pagkawala ng mga luha sa mga mata ko.

This pain in my heart, is slowly killing me.

Tahimik ko na lang na hinihiling na sana ay isa na lamang itong masamang panaginip.

“I wish and hope, that I was just having a nightmare. Because I can’t accept the fact, that Ford and I will be finally over because of this.”

__

Third person P. O. V

Hindi malaman ni Ashton kung bakit bigla-bigla ay gustong makipagkita ni Eashie sa kaniya sa ganitong oras, at lalong makipagkita sa hindi pamilyar at hindi mataong lugar. Madami pa itong ginagawa and to be honest, ay ang problemang kinakaharap ngayon ni Eashie ang pinagkakaabalahan nito.

Hindi pa niya sinasabi ang tungkol sa bagay na iyon, dahil alam na nito kung ano ang magiging reaksyon at sasabihin nito sa kaniya. Alam niyang hindi iyon papayag sa gusto niyang mangyare.

He said he wasn’t expecting something in return, totoo ang sinabi niyang iyon. At totoong gusto niya talaga ang dalaga at isa iyon sa rason kung bakit niya ginagawa ang mga ito.

Ang mapalapit dito ang unang bagay na gusto niyang mangyare noong una palang niya itong makita. Totoo ngang tila na love at first sight ito sa kaniya, maganda naman kasi talaga ito.

She has the angelic type of a look na agad nakabihag sa kaniya. She met a lot of pretty girls pero sadyang iba ang naging epekto sakaniya ng ganda ni Eashie.

Nalaman niyang kaklase din ito ng kaniyang kapatid na si Lei, kaya dito niya naisipang humingi ng tulong. He tried to confess his feelings towards Eash with the help of his sister, pero na friend zone agad ito.

He thought she doesn’t like him, until he found out that she’s already in love with someone else. At dahil gustong gusto niya ang dalaga, maging ang tungkol doon ay hinanapan niya ng sagot.

He wants to know kung kanino ito nagkakagusto, just to find out na ang kaklase lang pala niya ang gusto nito. It’s none other than her one and only best friend, Ford.

Pasado alas syete na nang makarating siya sa napag-usapang lugar. Matagal ang naging byahe nito dahil bukod sa malayo ang lugar ay na-traffic din ito kanina.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone at nakitang may ilang missed call sakaniya si Eashie. Tila umakyat ang kaba sa kaniyang dibdib.

‘Kanina pa kaya ako nito ina-antay?’

Sinubukan niya itong tawagan pabalik ngunit cannot be reach na ito. At parang nakapatay na ang kaniyang cellphone.

Kahit ‘di alam kung saan banda naroroon ay nag-umpisa na itong maglakad upang hanapin si Eashie. Halos limang minuto na itong palakad lakad sa lugar pero hindi pa rin niya ito nahahanap. Hindi niya maiwasang mapalunok dala sa matinding kaba.

‘Baka may nangyari na dito.’ sa isip niya.

Muli siyang naglakad lakad habang tinatawag ang pangalan ng dalaga hanggang sa magpang abot ito malapit sa may tulay. Hindi nito alam na may ganun pala doon.

Maglalakad na sana ito pabalik nang mapansin ang isang bagay malapit sa naturang tulay.

Mabilis itong tumakbo patungo roon at nakita ang ilang gamit ng dalaga. Nagkalat ang gamit nito na nasa loob ng kanyang bag. Maging ang phone nito ay nandoon ngunit may basag na ito.

He look around to see Eashie, but can’t be found. He repeatedly shouts for her name hoping she’ll respond, but to no avail.

Napunta ang kamay nito sa railings ng tulay at napansin ang pulang likido doon ng itapat nito ang flashlight ng kaniyang phone.

He doesn’t want to overthink. Ramdam niyang dumoble ang kabang bumabalot ngayon sa buong sistema niya.

Hinawakan nito ang pulang likido na nakita sa railings ng naturang tulay.

Nag-umpisang mamasa ang kaniyang mga mata. He wasn’t expecting this to come, it’s not what he expected to happen when Eashie wanted to meet with him here.

He suddenly felt sorry for being late at maabutan itong wala na. He closes his eyes and tightly close his palm.

“Where are you, Eashie?”