Chapter 7 A little surprise
If there is one thing I’d like to do right now, that is to make up things with my best friend.
Kasalukuyan kong pinapanood ang copy ng cctv footage video sa laptop ni Ashton. Kaninang umaga lang ay bigla itong pumunta rito sa bahay para ibigay ang laptop nito. ‘Di ko alam kung bakit ibinigay pa nito ang laptop kung pwede namang ipasa na lang niya ang video sa akin sa ibang device.
Umalis din ito pagkabigay ng laptop. May iba pa raw itong lakad at baka mamayang hapon na daw ito makabalik. Kung pwede ko nga lang sabihin na huwag na itong bumalik at baka mamaya ma-issue pa kami. Siya ba naman lagi ang kasama ko these past few days.
Sinabi ko nang tigilan na nito ang pagtulong at hayaan na ako nitong lutasin mag-isa ang problema ko, pero sadyang makulit yung tao. Pinagpipilitan pa rin ang gusto.
Tatlong araw narin ang nakalipas mula nang mag-away kami ni Ford. Hindi ko man gaanong naiintindihan ang ipinapahiwatig nito sa last message niya pero alam ko, baka sa galit at tampo lang ang dahilan non kaya niya nasabi ang mga ‘to.
Sinubukan ko siyang puntahan kinaumagahan nang gabing iyon pero wala nanaman ito sa bahay nila. Sabi ni yaya Mina ay, umalis din daw ito ng mga alas singko ng hapon at hindi na daw ito bumalik. Hindi rin daw nito alam kung saan ito nagpunta. Nagpasalamat ako kay yaya Mina at sinabing i-update na lang niya ako kung nakabalik na si Ford. Agad naman itong tumango at sumang-ayon sa sinabi ko. I-tetext na lang daw ako nito kung sakali. Pagkatapos non ay umalis na rin ako.
Sinubukan ko rin siyang kontakin, pero mukhang blinock ako nito maging sa ibang social media accounts ko.
Napasandal ako sa headrest ng kama. Paulit-ulit ko nang pinapanood itong video sa laptop ni Ash.
Kahit ilang beses ko parin itong ulitin ay, hindi parin ako nagkakaroon ng ideya kung sino itong humahabol sa akin. Balot na balot ito kaya hindi ko maaninag at mamukhaan kung sino siya. Ang tinatandaan ko na lang na magiging basis ko ay ang suot nito, ang boses at ang matapang nitong pabango.
Isinara ko ang laptop nang makontento sa paulit ulit na panonood nito. Kinuha ko ang picture frame na nasa bedside table. Picture namin ‘yon ni Ford na magkasama noong graduation day nung high school kami.
We’re both smiling on the picture. Halatang masaya kami ng mga oras na iyon. It was one of the happiest day of my life. Buong araw kaming magkasama and we enjoy our day together. Kung saan saan ako nito dinala, para nga kaming couple na nag d-date kung saan saan noon.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang inaalala ang mga pangyayaring iyon and at the same time ay maging malungkot dahil mukhang hindi na namin magagawa pa ang bagay na ito.
He’s mad and avoiding me now. And it’s all my fault.
Kung nakita ko lang sana ang isa pang vm nito ay, baka siya ang sinamahan ko kahapon at hindi si Ashton. Ibinalik ko ang picture frame sa dating pwesto nito at napagpasyahang umalis ng bahay.
I decided to go back to their house. I know he’s not yet there pero hindi naman iyon ang pakay ko.
Nakarating ako agad sa bahay nila after 20 minutes. Kasalukuyan ko ngayong kausap si yaya Mina at nagpapatulong sa naisip na plano para kay Ford. Hindi naman siya nakatanggi at masaya pa nga ito sa balak kong gawin.
Umakyat ako at agad nagtungo sa kwarto ni Ford. Naka-lock ito at luckily I still have the duplicate key.
Ibinigay din ito sa akin ni Ford noon. Para in case na wala daw ito at gusto kong magpunta sa kwarto niya ay malaya parin akong makakapasok dito.
Magulo ang kaniyang kwarto nang buksan ko ito. Isa sa nagustuhan ko kay Ford ay ang pagiging malinis at masinop nito sa kaniyang mga gamit. Pero nagtataka ako kung bakit ngayon ay tila dinaanan ngayon ng bagyo ang kwarto niya.
Tinamad na ba siyang mag-ayos at maglinis ng kaniyang gamit? O wala na itong time para gawin pa iyon dahil masyado na itong busy? Napakibit balikat na lang ako at nag decide na ayusin ang kaniyang kwarto.
Ang pakay ko talaga ngayon ay i-decorate ang kwarto nito at i-surprise ito bago dumating. Sabi ni yaya Mina ay, siya na lang daw ang bibili ng mga gagamitin nito sa pang dekorasyon at ako na lang sa makakain.
I remember what Ford told me before, parang gusto niya daw maranasan ang ganung surprise. He never experience it. Wala pang nakakagawa ng bagay na iyon sa kaniya, his parents are too busy with their works to do that for him.
I smile at the thought. Sana magustuhan niya ang gagawin ko. And hoping that he’ll forgive me now at magkaayos na kami.
Inumpisahan kong ayusin ang mga nagkalat nitong mga libro sa sahig. Ano ba naman Ford, nawala lang ako, nagwala ka na rin? Natawa ako sa naisip.
Parang hindi ko maimagine na nagwawala ito dahil sa akin. Hindi ko pa nga ito nakitang magalit ng bongga sa akin. Baka nga, ngayon ko pa lang makikita ang galit niyang iyon. Hindi ko tuloy maiwasang mapanguso.
Halos trenta minutos na akong nag-aayos sa kaniyang kwarto. Oo, inabot ako ng 30 minutes sa pag-aayos ng kwarto niya!
Magulo kasi talaga, as in!
Naayos ko na ang ibang gamit nito at tanging ang kama na lang nito ang ‘di pa naayos. Inalis ko ang bedsheet cover, pillow cover at comforter nito para palitan ng bago.
Pasensya na yaya Mina kung madadagdagan pa ang trabaho niyo sa paglalaba ng gamit ni Ford.
Ewan ko ba kasi sa lalaking ‘yon kung bakit ba naman naging ganito kadumi ang kwarto, maging ang higaan nito. May nakikita kasi akong parang mantsa kaya inalis ko na lang. Pagkatapos ay inilihis ko ng kaunti ang kama nito para malinisan ko sa ibabang bahagi ng kama. Pag ako talaga naglilinis, gusto ko kahit sa kasuluk sulukan ng bahay ay malinis at wala akong nakikitang dumi.
Nakunot ang noo ko nang may makapa pang mga damit at iba pang gamit sa ilalim ng kama niya. Hinila ko ito at pinagmasdan.
Isang katok mula sa pintuan ang nakaagaw ng pansin ko. Napaayos ako ng upo at nakita si yaya Mina na nakadungaw sa pintuan ng kwarto.
Sinabi nitong uuwi na raw si Ford, tumawag daw ito kanina at sinabing babalik na ito. Tumango ako at nagmadalaling inayos ang kwarto.
Third person P. O. V
Kasalukuyang nakasakay sa kaniyang sasakyan si Ford at nagmamadaling umuwi ng bahay. Nalaman kasi nito mula sa isa sa kaniyang kasambahay na nagtungo doon ang kaibigan nito kahit alam naman nitong wala siya roon.
Hindi sinabi ng kasambahay kung ano ang pakay nito, ang tanging sinabi lang nito ay nagpunta ang kaniyang kaibigan at mahigit isang oras na ito sa kanyang kwarto. Wala pa sanang balak umuwi ni Ford pero dahil sa nalaman ay tila umusbong ang ibat-ibat emosyon na kaniyang nararamdaman. Mahigpit nitong hinawakan ang manibela at mas binilisan pa ang pagpapatakbo.
Nang makarating sa bahay ay nagmamadali itong umakyat nang kwarto at maabutan si yaya Mina na inililigpit ang mga gamit na ginamit sa pagdedecorate ng kaniyang kwarto.
Hindi nito inalintana ang ginagawa at inilibot nito ang mga mata sa loob ng silid na tila may gustong makita.
“Ay sir, anjan na pala kayo. Hindi niyo po agad sinabi. Hindi na tuloy surprise.” anito at napapakamot ulo.
“Sino ang nagsabing pumasok kayo ng kwarto ko at pakialaman na lang ang mga gamit ko nang basta basta?!” napayuko ang ginang sa sigaw ng kaniyang amo.
Hindi ito ang inaasahan niyang magiging reaksyon nito. Akala niya ay matutuwa ito sa ginawa at plano ng sarili nitong kaibigan.
“Pasensiya na po, aalisin ko na lang po itong mga ito.” tukoy niya sa mga decoration sa kaniyang kwarto na pinagtulungan nilang gawin ni Eash bago ito umalis.
“Just get the hell out of here!” sigaw ni Ford na nakapagpagulat sa matandang kasambahay.
Tumango ito at nagmadaling umalis. Agad dumiretso si Ford sa kaniyang kama at napansing maayos na ito. Muli nitong pinagtatanggal at pinag-aalis ang kaninang inayos ni Eash.
Naikuyom nito ang dalawang kamao nang mapansing tila may nawawala sa kaniyang gamit. Mabilis itong naglakad pababa at tinanong kung nasaan si Eash.
Alam nitong ito lang ang kayang gumalaw ng kaniyang gamit sa kaniyang kwarto. Hindi nakasagot ang kaniyang mga kasambahay dahil hindi naman nila alam kung saan ito nagtungo pagkatapos nitong umalis. Basta na lang daw itong nagpaalam na aalis kay yaya Mina matapos magdecorate sa kaniyang kwarto.
Napasabunot na lang sa sariling buhok si Ford sa matinding inis at nagmadaling bumalik sa kaniyang kwarto para kunin ang isang bagay at saka muling umalis ng bahay.
“You are really getting me insane, Eashie Bae.” wika nito bago tuluyang umalis.