Chapter 4 His scent
“Thank God, you’re awake!”
Masakit at mabigat ang ulo ko nang bumangon ako mula sa pagkakahiga.
Hinawakan ko ito at naramdamang may kung anong tela ang tila nakabalot sa aking ulo.
Pinagmasdan ko ang paligid at napansing nasa hospital ako. What the eff am I doing here?
Ini-angat ko ang tingin sa taong nasa harapan ko at nakita ang nag-aalalang mukha ni Lei. Ano namang ginagawa ng isang 'to dito?
“How are you feeling? Do you feel okay now? do you want something or what?” sunod-sunod niyang tanong. And what’s with her?
“I’m okay now, masakit lang ang ulo ko. And why am I here anyway?”
Inalis ko ang kumot na tumatakip sa kalahati ng katawan ko at sinubukang umalis sa kama.
Umupo din ito sa kama at tinignan ako.
“Wala kang maalala?” takang tanong nito.
Umiling lang ako.
“O em gee!” sabi nito sabay takip sa kaniyang bibig.
Oa naman nito kung maka react.
“Have you remember the night you attend at my brothers party? Bish, yun din yung gabi kung saan nakita ka ni Ashton na walang malay sa gitna ng daan. He said, he saw your head bleeding kaya nagmadali siyang ipunta ka rito sa hospital.” kwento niya.
Agad naman akong napaisip habang hawak ang nasaktang ulo. Napapikit ako ng maramdaman ang pagsakit nito.
“Hey are you okay? Do I have to call a doctor na?” umayos ako ng upo at tinignan siya.
“Hindi na kailangan, okay lang ako.”
Napabuntong hininga siya. “Bakit kasi hindi ka na lang nagpahatid kay Ash? Sabi niya sakin, ayaw mo raw magpahatid sa kaniya, at pinagpipilitang umuwi na lang mag-isa. You’re drunk that time and you’re our visitor, alangan namang iwan ka nalang nun mag-isa?"
"We’re the one who supposed to take you home. E, kaso, ang arte mo, pinagpilitan mo parin daw ang gusto mo. Walang nagawa si Ash kundi ang sundin ang gusto mong mangyare."
"After that, he came to me and told me you left on your own. Nainis ako sa kaniya nung time na ‘yon bakit hinayaan ka na lang niyang umalis ng ganun-ganun na lang?"
"So I told him na sundan ka at ihatid ka pauwi, whether you like it, or not.” she paused. ”At ayun, nakita ka niyang nakahandusay sa gitna ng daan, akala nga daw niya ay dahil lang ‘yon sa kalasingan but when he saw your head bleeding, itinakbo kana niya agad dito. He was worried as hell.”
“Ano ba kasing nangyare sa iyo, Eash at saan mo nakuha ‘yan? Don’t tell me, naumpog mo ang ulo mo nang matumba ka sa daan?” tanong niya.
Hindi naman ako agad nakasagot. I’m still recalling about what happened that night.
The party, the beer, Ford, and that guy.
Napapikit ako at mariing naikuyom ang kamao. Mukhang naalala ko na kung anong dahilan kung bakit ako narito ngayon.
“Someone was following me..” mahinang sabi ko habang nakapikit pa rin.
Tila bumalik ang takot na naramdaman ko nung mga oras na ‘yon.
It’s my first time to experience it and it is somewhat traumatized me.
“What, sino? Are you sure?”
Sariwang sariwa na ngayon sa isip ko ang mga nangyare ng gabing ‘yon.
I may be drunk that time, but I can still remember what happened that night.
“I was walking alone that time, gusto ko na nga rin bumalik pabalik at magpahatid nalang pauwi kay Ashton at baka kung ano pang mangyare sa akin. Pero nung pabalik ako, may napansin akong lalaking nakatayo ‘di kalayuan sa kinatatayuan ko."
"I thought isa lang din siya sa mga taong gustong maglakad lakad sa labas, but seconds, minutes had passed hindi pa rin ito umaalis sa pwesto which creeps me out. I started to run, and so he does. Dun ko lang nalaman na ako talaga ang pakay nito at ako ang sinusundan.”
I look at Eashie na gulat na gulat ngayon sa nangyare.
“And then he caught my hands and grabbed them tightly. He used some fabrics to cover my nose and mouth. Hindi ako makahinga, all I’m thinking that time is Ford and my life, akala ko mamamatay na ako."
"Hanggang sa bumagsak ang katawan ko and the last thing I knew is that he smashed that thing in my head.” pinunasan ko ang butil ng mga luha sa aking pisngi.
I’m still trembling in fear. Hindi ko malilimutan ang pangyayareng ‘yon.
I almost died!
Naramdaman kong hinawakan ni Lei ang kamay ko at marahan iyong pinisil.
“I’m sorry about what happened, Eash. Kung nandoon lang sana si Ashton.” dagdag pa nito at niyakap ako.
--
Si Lei na rin ang nagbayad ng bill at naghatid saakin pauwi. Nung una ay tumanggi ako doon but she insisted.
Nakokonsensiya daw ito sa nangyare sa akin kaya heto siya ngayon at tinutulungan ako. Lumabas ito ng kotse at ipinagbukas pa talaga ako ng pinto.
Hinahayaan ko na lang ito sa ginagawa, ito ang gusto niyang gawin e.
“You know, you don’t have to do that.”
Tumawa ito. “Bakit kasi, e sa gusto ko nga.”
Tumingin ako sakaniya at binigyan siya ng isang ngiti.
Take not, hindi na ‘yan pilit o peke. Mabait din naman kasi itong si Lei, may pagka attitude nga lang minsan.
“Thank you, Lei.”
“You don’t have to, we supposed to help you kasi kami din ang dahilan kung bakit nangyare ‘yon."
"And sorry na din pala for letting you go home alone, si Ash kasi.”
Kinuha ko ang bag ko. “It’s not your fault, makulit ako at nagpumilit na umuwing mag-isa kaya huwag niyong sisihin ang sarili ninyo. Kasalanan ko rin naman kung bakit yun nangyare sakin.”
“No! yung lalaki ang may fault non!” she proclaimed.
Natawa ako at sabay tango. “Oo na.”
Kung alam ko lang noon na may ganitong side itong si Lei, matagal ko na itong kinaibigan. Maybe we can be good friends.
Speaking of a friend. Nasaan kaya si Ford? Hindi ko nanaman tuloy maiwasang malungkot.
Alam kaya nito ang nangyare sa akin? Gusto ko na siyang makita at makausap tungkol sa nangyari sakin kagabi.
Pero bago ‘yon makakatikim muna siya ng mag-asawang sampal mula sakin.
“Oh siya, pumasok kana sa loob at magpahinga ka na, Eash. I’ll tell Ashton to come here later to check on you.”
She hugged me one last time and kissed me on the cheeks.
“See yah.”
Paalam nito at pumasok na sa kaniyang kotse. I wave to her before she finally leaves.
Pumasok na ako ng bahay at imbes na magpahinga ang unang gawin, ay mas inuna ko pang kontakin si Ford.
Umupo ako sa sofa at inumpisahang i-dial ang kaniyang number. Naka limang tawag na ako pero hindi pa rin nito sinasagot ang mga tawag ko. Sa inis ko ay naibato ko pa ang cellphone sa center table.
What did I even do wrong para bigyan niya ako ng ganitong treatment?
Napapikit ako at pilit pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Ayoko ng ganitong feeling. Ang bigat bigat ng dibdib ko ngayon, Ford. Bakit ganiyan ka sakin?
Napaayos ako ng upo nang maramdamang may kumakatok sa pinto. Tumayo ako at agad dumiretso doon.
Nang buksan ko ito ay isang naka bouquet na bulaklak ang sumalubong sakin.
Hawak hawak ito ng hindi ko malamang tao. Naharangan kasi ng bulaklak ang mukha nito.
Maya-maya ay inalis nito ang bulaklak at agad nagpakita ang nakangiting si Ashton.
“For you.”
“Thanks, but you don’t have to buy such things.” sabi ko at kinuha ang ini-aabot nitong bulaklak.
Napansin kong may sulat doon. Kinuha ko ito at binasa sa isip.
‘I hope you’re fine now princess.’
Hindi ko naman maiwasang mapangiwi. Hindi ko alam, pero ‘diko feel ang matawag non.
“Masiyado bang cliché yung ginamit na endearment?” natatawang tanong nito.
Napansin siguro niya ang pag-ngiwi ko.
“Sige, kung ayaw mo. Love na lang ang isusulat ko sa susunod.” dagdag pa niya. May pagka echusero din to e no?
“Asa.” sabi ko na ikinatawa nanaman niya. Sinilip ko ang loob ng bahay kung maayos ba ito. Okay naman sa loob.
“Gusto mong pumasok?”
“I’d love to, pero sumaglit lang kasi talaga ako to check if you’re okay now. Maybe next time.” sabi niya na may kasama pang kindat.
Is he that obsessed with me at ganiyan treatment niya sakin? Okay sana kung ganiyan din si Ford. Bigla nanaman akong nalungkot.
“Hey, don’t be sad. Babalik din ako.”
Hinawakan ako nito sa balikat at nag-aalalang tinignan. Kunot-noo ko siyang tinignan pabalik.
Anong pinagsasabi niya? Echusero ng taon! Akala niya naman kung siya ang dahilan ng pagkalungkot ko.
Inalis ko ang kamay nito sa balikat ko.
“Umuwi ka na nga lang.”
“Hala, nagtatampo ka na ata? Sabing babalik ako, e.”
“Huwag na.”
“Bakit?”
“Pupunta ako kay Ford.” sagot ko.
Natigil ito saglit bago ito tumango at ngmumiti ng pilit.
“Okay, then.”
Pinagmasdan ko siya. Bakit parang tumahimik siya?
“So see you, when I see you?”
Tumango ako. “Hmm.”
Maglalakad na sana ito paalis nang tawagin ko siya.
“Ash.”
“Yes?”
“Thank you,” I said sincerely.
Nakita ko muli ang paglapad ng mga ngiti nito sa labi. Lumapit ito saakin at binigyan ako ng isang yakap.
Ah, okay?
Matapos niyon ay masaya itong sumakay sa kaniyang sasakyan.
They say hug works sometimes. Nakakatulong rin daw ‘to para mabawasan ang lungkot at bigat na nararamdaman mo sa dibdib.
I was expecting that to happen, pero bakit iba ang naramdaman ko? Imbes na comfort ang maramdaman ay, gulo sa isipan ang naging dulot ng yakap na iyon.
For a moment, biglang pumasok sa isip ko ang nangyare sa akin nung gabing iyon bago ako tuluyang mawalan ng malay.
I couldn’t recognize his face, but I know how he smells. I can still remember how strong his perfume was.
Napatingin ako sa papaalis na sasakyan ni Ashton. Ayokong mag-overthink. But why does Ashton smells exactly like him?
Napahawak ako sa doorknob ng pinto nang muntik na akong mawalan ng balanse sa sarili.
Sana nagkamali lang ako.
Sana mali ang naiisip ko.
Sana hindi siya si Ashton.
Sana…