Chapter 5 Wrong person
It’s Monday morning and as a senior high school student, I should be preparing for school right now.
Bumangon ako at umupo sa kama. Alas otso na ng umaga, masyado na akong late para habulin pa ang first class ko. And even if I woke up early, wala din akong balak pumasok ngayon.
Tumayo ako at agad dumiretso sa harap ng salamin. I can see the dark circles under my eyes. Napakalaki ng eyebags ko at may pimples pa ako sa noo.
Napahinga ako ng malalim. Napuyat ako sa kakaisip ng mga nangyare sa akin ngayong mga nagdaang araw.
Mula kay Ford, sa nangyare sakin sa party, at kay Ashton.
Hindi na talaga pinapansin ni Ford ang mga text at tawag ko. Kaya hanggang ngayon ay nababagabag ako.
Isa sa rason ng ‘di ko pagpasok ay balak ko talaga itong puntahan. Nalaman kong hindi rin daw ito pumasok ngayon, kaya nagbabaka-sakali akong naroon lang ito sa bahay nila.
Tungkol naman kay Ashton, I’m still thinking about his perfume. Alam ko namang hindi lang iisang tao ang nagmamay-ari at pwedeng gumamit ng pabangong iyon, but my curiosity’s eating me.
Imposibleng maging coincidence lang ang lahat ‘di ba?
“Damn. This is stressing me out.” mariin kong hinilot ang sentido ko nang bigla itong sumakit.
Maya-maya ay biglang nag-ring ang cellphone ko at nakitang may tumatawag. It’s from an unregistered number.
Nagtataka ko itong kinuha at agad sinagot ang tawag.
“Hello?”
“Eash?”
My forehead creased.
The voice is familiar.
“Who’s this?”
“It’s me, Ash.”
Damn. Right.
I paused for a second before I speak.
“Why’d you call? And how’d you get my number?”
“Ahm.., secret.” And he laughs.
“Kiddos, I get it from Lei. Anyways, hindi ka raw pumasok?”
Umupo ako.
“Yep. Why?”
“Nothing, I just asked. Maybe hindi ka pa talaga totally okay. Nababagabag ka pa rin ba sa nangyare saiyo sa party?” tanong niya.
Sobra, Ash.
Lalo na sa ‘yo.
“Hmm.” Ang tanging sagot ko.
Wala ako gaanong mood na makipag-usap ngayon. I wonder why he's calling me, at kung bakit ito nakakatawag. Wala ba itong klase? O hindi rin ito pumasok?
Napansin kong hindi na ito nagsasalita, ang tanging naririnig ko na lang ay ang tunog ng mga sasakyan.
Nasaan ‘to?
Isang minuto na ang lumipas pero wala pa rin itong sinasabi. Ano nang nangyare sakaniya?
Iniwan ko ang cp sa kama at hinayaan ko na muna itong naka-open. Baka bumalik din ito maya-maya.
Nagpunta ako sa kusina para muna mag-almusal. I only ate one bread and a coffee. Wala din naman akong ganang kumain ngayon ng kanin.
Tumayo ako at agad dumiretso sa banyo para maligo. Ngayong umaga ko pupuntahan si Ford. I couldn’t wait any longer. Gustong gusto ko na siyang kausapin.
30 minutes na ang nakalipas nang makabalik ako sa kwarto at napansing naka off na ang cellphone ko. Maybe he ended the call already. Ilang minuto ba naman akong nawala.
Kinuha ko ito and I received 2 different messages from different persons.
Nang tignan kung kanino ito nanggaling ay tila bumilis ang tibok ng puso ko. One message was from Ford. And the other one’s from Ashton.
Para na akong maiiyak sa tuwa habang binubuksan ang message box. Inuna ko talagang i-open ang message ni Ford.
I can feel my heart's beating so fast. Finally, he message me! Akala ko ay nakalimutan na talaga ako nito ng tuluyan.
‘Check my vm, bae.’ yun ang message nito.
Agad kong sinunod ang sinabi niya at inopen ang messenger. Nakita kong may dalawang vm itong sinend.
‘Hey, how are you? I’ve heard what happened to you, the other day. I’m so sorry, Eash. Hindi na ako nakapagreply sa mga text and calls mo. I didn’t even inform you that I’ll be attending someone’s party. Nasira kasi ang phone ko, that’s why. I’m so sorry, I really am. Patawarin mo sana ako kung hindi man lang kita nasamahan at naprotektahan ng mga oras na ‘yon. If I just knew you were there, Eash..’
Ramdam ko ang sinseridad sa mga sinasabi niya at kung gaano kalungkot ang boses nito habang sinasabi ang mga ‘yon. Maging ako ay tila nahawa sa lungkot nito.
Oh, Ford.
Thinking of you being sad, makes me feel sadder. Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko.
I tap the reply button and starts to send him also a voice message.
“Hey, Ford. Thank you for updating and to your concern. I’m pretty fine now. You don’t have to say sorry about what happened, it’s also my fault why it happened to me. Wag mong sisihin ang sarili mo, okay? Isa pa, I’m okay now. Wala namang nangyareng ibang masama sa akin. And about sa hindi mo pag-inform at hindi pag-reply ng mga message and calls ko, to be honest nagalit at nagtampo ako that time pero since ngayong alam ko na ang rason, naiintindihan na kita. I forgive you, you’re forgiven my best friend.”
I really hate dramas, but when it comes to Ford, hindi ko maiwasang makaramdam non. Ewan ko ba.
Sinunod kong inopen ang message ni Ash. Bigla kasi itong nagtext ulit so I have no choice but to open his message.
Total kanina pa rin naman iyong text niya, mas nauna pa nga ata iyon sa message ni Ford. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ng mabasa ang sunod sunod na text nito.
‘Hey?’
‘Eash, asan ka na?’
‘You’re not responding. Sorry, someone called me kanina kaya iniwan ko muna sa kotse ang cellphone ko. Hindi na ako nakapagpaalam.’
‘But, I’m back. Ikaw? Asan ka na? hindi kana sumasagot sa tawag.’
‘Eash, wala na talaga?’
‘Okay, maybe I’ll just text you na lang kung ano ang reason ng pagtawag ko sayo kanina.’
‘I have a copy of the footage kung saan ka mismo hinahabol ng kung sino mang lalaking ‘yon.’
‘I’ll be going home now. Meet me at Regsheyr shop if you want to see the footage.’
I received all his message at the time of 8.
And it's past 9 o'clock now.
‘Eash?’
‘I’ll just fetch you’
I was still shock about his text.
He got a copy of the footage from that exact place? How? Kelan at saan niya ito nakuha?
Tila umandar ang kuryosidad sa buong sistema ko.
I wanted to see the video. I wanted to know who’s that person.
Tumayo ako at agad kinuha ang gamit. Nagmadali akong lumabas ng bahay at pumara ng masasakyan.
Because of the perfume, hindi ko maiwasang isipin na iisang tao lang ang nag-mamay-ari niyon at iisang tao lang ang may kagagawan non.
But now he got a proof.
Ibig sabihin ay mali ang naiisip ko, mali ang hinala ko at napagkamalan ko pa silang iisang tao.
“If it’s not, Ash. Then who the hell are you?”