Chapter 3 Chased
“Are you sure you’ll go home by yourself?”
I sheepishly smiled to Ashton. Hawak hawak nito ang kanang braso ko at tila inaalalayan ako sa paglalakad.
I couldn’t control myself that much, napadami ata ako ng inom. Si Ford naman kasi, mapanakit!
“Yes, I can still handle myself. Kaya ko namang umuwing mag-isa. I don’t need your help and I don’t want to bother you anymore. But, thank you for the company kanina. Kaya ko na ‘to.”
Inalis ko ang kamay nito sa braso ko. Ayaw pa nga niyang bitawan nung una, e.
Kinurot ko lang. Kailangan pa talagang saktan bago bumitaw.
Hugot yarn?
Tumingin ako sa kaniya at ‘di nakatakas sa paningin ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Sus! Huwag nga niya akong tignan ng ganiyan. Mamaya mag-assume pa ako dito.
Chariz.
Iniwas ko ang tingin at inilabas ang cell phone. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na message mula kay Ford.
Hindi ko alam kung hindi lang nito dinala ang cp niya kaya hindi ito nagrereply, o sadyang ayaw niya ng iniistorbo ko siya ngayon kaya hindi ako nito kinakausap.
Kung may gusto man akong kasabay umuwi at maghatid sa akin pauwi, gusto kong siya ‘yon.
Wala na. I can’t just trust anyone here para ihatid ako sa bahay.
I remember what he told me before, kahit gaano man kabait yung gustong maghatid saakin, I should refuse it’s offer at huwag daw akong magtitiwala basta basta.
Pinagmasdan ko si Ashton na nakatutok din sa kaniyang phone. Mukhang may kausap ito.
Kung titignang maigi, mukhang hindi naman masamang tao ‘tong kaharap ko at mukhang wala naman itong masamang balak sa akin.
But who knows? Malay mo scam lang yung pag-aalala effect niya kanina?
Pero, mukha naman talaga siyang mabait. Pahatid na kaya ako?
‘You can’t just trust someone that easily, no matter how kind and nice they were to you.’
Oo na Ford! Hindi na!
Hanggang sa isip ko ba naman ginugulo pa rin ako nitong si Ford. Sabagay, ano bang bago, e, araw-araw namang siya ang laman ng isip ko.
Sa totoo lang, hindi ko kayang umuwi ng mag-isa lalo at naka inom ako.
Although alam ko pa naman ang ginagawa ko, natatakot lang ako sa part na baka may bigla na lang mangyareng masama sa akin.
Hindi ko naman kayang ipagtanggol ang sarili ko sa ganitong estado noh. Hindi ko alam kung masiyado lang akong nag-o-overthink o dahil ito na ang kagagawan ng mga mystery-thriller na pinapanood namin ni Ford.
“Sinong kausap mo?” tanong ko bigla kay Ashton. Wala lang, wala kasi akong ma-topic. Kausapin ko na lang muna siya habang nag-aantay ng taxi.
“Lei.” Tipid niyang sagot.
Tumango na lang ako.
“Tinatanong ko kung nakita niya ba si Ford.” dagdag niya na nakaagaw ng pansin ko.
“Anong sabi? Anjan pa ba siya sa loob? Hindi pa ba umaalis? Kasama pa ba niya yung babae? Hindi kasi siya nagrereply sa mga text at tawag ko. Sabihin mo, sakaniya na lang ako magpapahatid.” tuloy tuloy kong sabi.
Napapakamot ulo akong tinignan ni Ashton.
“Teka, hinay-hinay. Isa-isahin mo lang.”
Huminga ako ng malalim sabay ngumuso. Hindi ako magpapahalik, gusto ko lang mag pout.
Namimiss ko na si Ford kahit sinaktan ako nito kanina. Gusto kong mainis sa kaniya pero saka na lang.
Pag dumating at nagpakita siya ngayon sa harap ko, magbabati na kami agad. No more quarrels para less hassle.
Ay, ano kayo Eashie, lovers?
Nakatingin lang ako kay Ashton habang nag-aantay ng sagot niya. Sa wakas ay, ibinaba nito ang hawak na cellphone at tumingin sa akin.
“Umalis na daw siya.” sabi niya at hindi ko maiwasang malungkot.
Hindi ba ako nito nakita sa loob kanina?
Bakit wala man lang nakapagsabi sa kaniya na naroroon din ako sa party at inaantay siya? Ni-hindi man lang ako nito inin-form nung una na may pupuntahan pala itong ganitong event.
Ayaw niya ba akong kasama?
Bumalik ang tingin ko kay Ashton.
“May kasama ba siya kaninang umuwi?”
Ilang segundo muna ako nitong tinignan bago ito tumango at sumagot.
“Meron, may kasama itong babae.”
Naiwas ko ang tingin upang hindi nito makita ang pamamasa ng mga mata ko.
Bakit Ford? Akala ko ba walang lihiman, pero sino siya? You even told me not to forget, pero ano ‘yang ginagawa mo. May nakilala ka lang, nalimutan mo na rin ako agad?
Pinunasan ko ang ilang butil ng luhang bumagsak sa pisngi ko bago lumingon kay Ashton at bigyan siya ng pilit na ngiti.
“Salamat, uuwi na ako.” sabi ko at maglalakad na sana paalis pero pinigilan ako nito sa braso.
“Let me take you home, anong oras na rin.”
Hinawakan ko ang kamay nito at dahan dahang inalis. Kahit gustohin ko mang magpahatid, mag-i-stick pa rin ako sa sinabi ni Ford dati.
I’m sorry Ashton pero, hindi ko kayang magtiwala ng basta basta.
“Hindi na, kaya ko naman. Thanks for tonight.” sabi ko at naglakad na paalis.
Maglalakad lakad na lang muna ako habang naghihintay ng taxi na daraan. May mga iilang katao pa naman akong nakikitang nagpapakalat kalat sa labas kaya okay lang din sa akin ang maglakad lakad muna, okay na din ito nang makapag-isip isip din.
Medyo malayo na ako sa venue at hanggang ngayon ay wala pa akong nakikitang dumaraan na taxi. Medyo kinikilabutan na rin ako, hindi ko gaanong memoryado itong lugar na ‘to.
Nagdadalawang isip na rin ako kung babalik pa ba ako sa party at doon na lang mag-antay ng masasakyan o ‘di kaya ay magpahatid na lang kay Ashton.
“Pero kasi, Aish!” napasabunot ako ng buhok.
“Bahala na nga.”
Huminga ako ng malalim at nag decide na bumalik na lang. Magpapahatid na lang siguro ako kay Ashton.
Hindi naman siguro ito gagawa ng masamang bagay sa akin. Maglalakad na sana ako pabalik nang mapansin ko ang isang lalaki, hindi kalayuan sa pwesto ko.
Pansin kong natigil ito sa paglalakad nang tignan ko ito. Hindi ko maaninag ang mukha niya.
Nakasuot ito ng jacket at natatakluban din ng suot nitong jacket ang ulo nito.
Ilang segundo ko itong tinitignan at hindi pa rin ito gumagalaw sa kaniyang pwesto.
Hindi naman ito nakatingin sa gawi ko at nakayuko lang ang ulo nito habang nakabulsa ang kamay sa suot niyang jacket.
That guy gave me chills that it tells my instinct to run away from him. Kinikilabutan na rin ako sa mga oras na ito.
Sinubukan kong maglakad paatras at napansing humakbang din ito paabante.
Oh Gawd.
Ito na ba yung mga napapanood namin ni Ford sa mga movies?
Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko habang unti-unti itong naglalakad paabante.
I was stunned for a moment. Hindi ko alam kung ano ang gagawin.
Mariin kong ipinikit ang mga mata at nagbabaka-sakaling dala lang ito ng matinding pag-iisip gawa ng nainom na alak. Ngunit sa pagmulat ng mata ay, hindi pa rin ito nawawala at patuloy pa rin itong naglalakad.
Nanlalambot ang isa kong paang napaatras nang bigla nitong i-angat ang ulo at kahit hindi ko man siya gaanong maaninag, alam kong nakatingin ito sa akin.
Nag-umpisa akong tumakbo dala sa matinding takot. Napalingon ako at nakitang tumatakbo na rin ito.
Nag-umpisang magtuluan ang mga butil ng luha sa aking mga mata.
Sana mali ang naiisip ko.
Sana hindi ako ang hinahabol nito.
Sana wala itong gawing masama sa akin.
At sana hindi ‘to totoo.
“I don’t want to die yet, please help me.”
Umiiyak akong nanalangin, umaasang walang mangyaring masama sa akin ngayong gabi. Muli akong lumingon sa lalaki at nakitang malapit na ako nitong mahabol. Hindi ko maiwasang mapahagulgol.
Why is this happening? Umatend lang naman ako ng party. I didn’t expect this coming. Sana ay nagpahatid na lang ako kay Ashton kanina.
Kinurot kurot ko ang kamay habang patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Nagsisisi akong hindi nagpahatid dahil iniisip ko yung bilin sa akin ni Ford.
Iniwasan kong magtiwala sa kahit kanino, maging kay Ashton, sa kaisipang baka may gawin itong masama.
But look, here I am, in danger, running for my life.
Gusto kong magalit kay Ford, if it wasn’t for him, wala ako dito, walang humahabol saakin ngayon, at hindi malalagay sa panganib ang buhay ko.
Ramdam ko ang pagod mula sa pagtakbo at ang sugat sa kamay ko na gawa ng pagkakakurot.
I can see it bleeding. Sinadya ko itong gawin para mas magising ako.
Ramdam ko na ang epekto ng alak sa buong sistema ko. Hindi ako pwedeng mahilo, hindi ako pwedeng tumigil.
Not now, I still want to live.
“Ahhh!” hindi ko na napigilan pa ang sariling mapasigaw nang maabutan ako nito at hablutin ako sa kamay.
“Let me go! I don’t even know you! Please let me go!” iyak ko habang mahigpit ang pagkakahawak nito sa braso ko.
I tried to scream and beg for help pero alam kong malabong may makarinig.
Malayong malayo na kami sa lugar na ‘yon. It’s just the two of us now.
Maya maya ay may kung anong tela itong itinapat sa ilong at bibig ko. Isa itong panyo na may halong matapang na amoy.
Hindi ako makahinga.
I tried to remove his hands but he’s too strong. Halos manlabo na rin ang paningin ko sa ginagawa niya.
Tahimik lang akong umiiyak, umaasang may makakita sa akin at tulungan ako ngayon.
I can feel that I’m losing some air.
Ford come and help me please.. Yan na lang ang tanging iniisip ko ngayon.
Kahit nasa panganib na ay, siya parin ang iniisip ko.
I can't just die right now, gusto ko pa siyang makita, makausap, makasama.
“Ford..” sambit ko parin kahit may tumatakip sa bibig ko.
I can even feel my eyes, starting to close. Naramdaman ko ang dahan dahang pagluwag ng kamay nito sa hawak na panyo. I catch up my breath but that doesn’t stop my eyes from slowly closing.
Bumibigat na ang talukap ng mga mata ko.
I can’t even control myself anymore, even if I wanted to run.
Ramdam ko ang unti-unting pagbasak ng katawan ko sa lupa, pero mabilis nitong nahawakan ang dalawa kong siko para hindi ako tuluyang bumagsak.
Dahan dahan ako nitong inihiga sa malamig at magaspang na semento. Sinubukan kong aninagin ang mukha niya kahit nanlalabo na ang paningin ko.
“Who are you..?” nanghihina kong tanong.
Hindi ko alam kung ano bang nagawa kong mali at gusto ako nitong gawan ng masama.
Lumapit ito sa akin at saka iniyuko ang ulo para tignan ako. My other senses are still active that I could even notice how strong his perfume is.
“You wouldn’t wanna know.”
Maging ang boses ay hindi ko kilala.
Sino ba siya?
Inalayo na nito ang sarili at maya-maya lang ay may hawak na itong kung ano.
“Sleep now, princess.”
Huli nitong sabi bago nito itinaas ang hawak hawak at agad iyong ipukpok sa ulo ko.