Chapter 2 Party
“You sure, you don’t want to come with us, Eashie?” malungkot na tanong sa akin ni Lei na isa sa mga kaklase ko. She invited me to attend to her brother’s party.
Isang party na ipinaghanda ng kaniyang daddy para sa kapatid niya. She invited all of our class mates at ako lang ata itong walang balak pumunta. Kaya heto siya ngayon pinipilit ako.
Pang limang beses na nga ata niyang inuulit ulit ang tanong niyang iyan sa akin.
“Eashie, bae. Please join us na kasi. Minsan lang ‘to oh. I know my brother is expecting you to come.” she pleaded.
Oh right. She’s talking about her brother Ashton, the transferri guy from the Abm strand who confesses his feelings for me na kesyo na love at first sight daw saakin?
Sino naman inuto non.
“Please, Eashie. It’s my brother’s party, I just want to make his day especial, by you attending at his own party. Do me a favor, Eashie please? Just this once.”
Arghhh!
How can I tell her that I have no plans to attend at her brother’s party because I’m not fond with those things? It’ll just get me bored.
“Madami pa kasi akong gagawin and isa pa may lakad ako with Ford.” I reasoned out.
Sana effective.
“Huh? Where?”
“A-ah s-sakanila.” Hirap talaga mag lie on the spot, bigla ka nalang nauutal.
“But he said he’ll come too. Kausap ko nga lang ito kaninang umaga and he agreed. Are you really sure na doon talaga sakanila ang lakad niyo at hindi sa party ng kapatid ko?” takang tanong nito.
What now? In fairness buking agad ako. Pero teka, ano daw? Pupunta si Ford?
“Pupunta sa party si Ford?”
Tumango ito. “Yah, remember he’s my brother’s class mate?”
Oo nga pala.
“Bakit daw siya a-attend?” I asked curiously.
“Be, I don’t know. Maybe he wants to hang out and have fun too? Duh.”
Hindi ko maiwasang maipaikot ang mga mata sa kaniya.
What’s with the duh?
KinaganDuh niya ba ang pag gamit non?
Apaka arte huh.
“So, are you coming? Your best friend will be there.”
As if I have a choice noh.
Andun si Ford e!
“We’re coming.” napipilitang sagot ko.
Kasi naman Ford! hindi man lang ako nito inin-form na may pupuntahan pala itong party. Tsaka bakit siya pupunta?
Mas pipiliin ba nitong magsaya kasama ang iba, kaysa makasama ang best friend niya?
“Thank you girl! I’ll expect you guys to be there! See you at 8!” sabi nito at naglakad na paalis.
Buti naman.
Tinignan ko ang relo ko at napansing mag aalas sais na.
Tumayo ako at naglakad na rin paalis ng library.
Hayy Ford.
Humanda ka lang talaga sa akin mamaya.
--
Kasalukuyan akong nakaharap sa salamin habang pinagmamasdan ang aking kabuoan.
I was wearing a simple white cocktail dress.
Since hindi ko naman plinanong umatend nung una, hindi na ako nakabili pa ng masusuot. This dress fits for me though. Okay na rin ito.
Sagsaglit lang naman ako doon at wala rin akong balak na magtagal.
Si Ford lang naman ang dahilan ng pagpunta ko doon, wala ng iba.
It’s already 7:30 p. m and I still have few minutes left to attend at the venue. Exact 8 daw ito mag-uumpisa.
Kinuha ko ang cellphone at nakitang hindi pa nagrereply sa mga text at tawag ko si Ford.
Ganun ba siya ka busy para paghandaan ang party na ‘yon? Nakakainis ha, hindi man lang ito nagsabi.
Inis kong kinuha ang ibang gamit at mabilis na umalis ng bahay.
Instead of waiting for nothing, I decided to grab some taxi nalang.
Huwag na tayong umasang may darating at susundo pa sa iyo Eashie!
Ang isang dyosang kagaya mo ay hindi dapat pinag-aantay lang sa wala!
Gold ka, Gold! Always remember that Eashie Bae!
Nakarating ako sa venue, 3 minutes before it starts. Inilibot ko ang tingin sa paligid. I saw some school mates and some class mates na nasa labas pa.
Napalingon sa gawi ko ang ibang kakilala ko. They all smiled and greeted me.
Wala akong choice kundi ang ngitian din sila pabalik. Pilit nga lang. wala ako sa mood, e.
Tila nalusaw ang inis ko matapos ko pasukin ang lugar. I couldn’t help myself but to get in awe. This place was huge.
Well, mayaman ang pamilya nila Lei, hindi na dapat ako magtataka kung magpaparty ito ng ganito ka bongga.
I decided to go to the kitchen area kung saan ko nakita si Lei kasama ang kapatid nitong si Ashton at iba pa niyang kaibigan.
Wala sana akong balak na sila ang una kong puntahan pero dahil wala akong nakikitang ibang kakilala dito sa loob, at sila pa talaga ang una kong nakita, wala akong choice kundi ang puntahan sila.
“Eashie! You’re here! Welcome!” bati ni Lei nang makita ako. Their friends starts to greet me too.
“I didn’t expect you to be here, but thank you for coming.” sabi ni Ashton na may pa halik pa sa pisngi ko.
What’s that for?
“Yeah, no prob.” I answered with an awkward smile.
“The party’s about to start. Do you want to join at the mid. for the dance party?” tanong nito sa akin.
Lahat ng mga kasama niya kanina ay nagsipag alis na upang pumunta sa gitna kung saan nag-uumpisang magkumpulan ang mga tao.
Umiling ako. “Nah. I’ll just stay here.” kumuha ako ng isang basong beer at uminom doon.
“I thought you’re here for the juice, and not for the beer.” natatawang sita nito.
Bakit hindi na lang siya magpunta sa gitna at makipagkumpulan doon kaysa ang asarin ako dito?
Ok sana kung may pake ako sa sinasabi niya e, kaso wala.
“Chill. Don’t give me that scary look. I was just trying to communicate with you. Baka kasi ma bored ka lalo kapag wala man lang kumausap saiyo.”
“I prefer silence bruh, no thanks.” sabi ko na mas lalo niyang ikinatawa.
May nakakatawa ba sa mga sinasabi ko?
“Why are you here then?” tanong niya na tila nanghahamon.
Argh! pwede bang manahimik na lang siya?
“Okay, I won’t talk.” sabi niya na parang nabasa ang nasa isip ko.
Nagawa pa nitong kumindat at ngumiti sa huli. Ewan ko sa lalaking ‘to. Mas weirdo pa kay Ford.
Natapos ang dance party at napalitan ito ng malumanay na kanta. Meron ngang mga couples na nagsasayaw na sa gitna.
Lihim akong napangiti sa nakikita. Ang sarap sigurong ma-inlove at ma loveback ano?
Kelan ko kaya mararanasan lahat ng mga romantic things na nababasa at napapanood ko sa mga movies?
“Gusto mo bang sumayaw?”
Nagulat ako nang biglang pumunta sa harapan ko si Ashton upang tanungin ‘yon. At bakit ganiyan siya tumingin? Baka malusaw ako aber.
“Hindi. May inaantay din ako.” umalis ito sa harapan ko at bumalik sa dating pwesto.
“Waiting for the right one?”
“Oo.” sagot ko nang hindi sigurado sa sinabi.
I always hope that he is.
Mula nung magkagusto ako sa kaniya, palagi kong hinihiling na siya yung para sa akin.
Maybe he is, hindi nga lang sa paraang naiisip ko. Maybe he’s the right one who will hurt me, and not to love me.
“Maybe..” bulong ko habang nakatingin sa taong kanina ko pang hinihintay na dumating.
He’s with someone else, dancing and kissing a girl in front of the crowd.