Chapter 1 The best friend
Have you fall in love with your best friend?
Have you ever tried to confess your feelings towards him/her?
Or you’re just like me who is silently loving a bestfriend.
Afraid to confess feelings for some reason, either the feelings won’t be reciprocated or you’ll lose the friendship you both have.
I never tried to confess my feelings for him and I don’t have plans to tell it either.
Mas okay na saakin ang ganito, walang ilangan at mas komportable pang kausapin ang isat-isa.
Alam mo yun? Friends lang talaga.
Isa pa, ‘yon din ang napag usapan namin noong mga bata pa kami. That we’ll be best friends forever, not lovers.
I look at Ford na kasalukuyang nakaharap sa kaniyang pc at tila naglalaro doon.
It’s his favorite game that he’s playing.
I can’t remember what’s the name of the game, ilang beses na niyang sinabi ang name ng nilalaro nito pero lagi ko namang nakakalimutan.
I don’t know if it’s just because it’s hard to memorize the name of the game or it’s just because I don’t care? I am not fond of such kasi.
Tumayo ako at naglakad patungo sa kaniyang bookshelves.
One thing I like about Ford is that he’s a bookworm.
Mas adik pa nga itong magbasa saakin. Minsan ay ito rin ang bonding time namin, ang magbasa.
He loves to collect and read books.
Kahit saang parte ka pa ng bahay nila magpunta ay may makikita at makikita kang mga libro.
I grabbed the book that caught my attention. Isa itong mystery-thriller.
Hindi ako mahilig sa mga ganitong genre, it’s just the cover and title that caught my attention.
Maganda ang book cover. Yung tipong mapapabili ka nito ng wala sa oras kahit hindi naman iyon ang genre na gusto mong basahin.
“Ask no mercy...,” I read the title as I was scanning the book.
Minsan talaga ay nawi-weirduhan ako sa lalaking ‘to at ganitong mga genre ang gustong gusto niyang basahin.
Maging sa mga movies ay mystery-thriller din ang hinahanap hanap niya.
Kung hindi ko lang talaga kilala at kaibigan yang si Ford, iisipin kong isa siyang serial killer.
Choz.
“Do you like it?” I turn my head to see Ford at my back.
He’s done playing? Ang bilis naman ata?
Umiling ako at ibinalik sa dating lalagyan ang libro.
“Just the book cover.” I said at bumalik sa pagkakaupo.
“Alam mo namang wala akong hilig magbasa ng mga ganiyang genre hindi ba? Ikaw lang naman mahilig magbasa ng mga ganiyan.”
“Why? Bakit kasi ayaw mo, e maganda naman ang magbasa niyan.”
I shrugged. “Hindi ko alam. Basta romance lang ako.” dagdag ko sabay higa sa kaniyang kama.
Sa tuwing magbabasa ako ng romance, pakiramdam ko in love din ako.
Dun lang ako kinikilig.
Nagiging expert ako sa love kahit wala pa naman akong experience or kahit naging boyfriend.
Hayyy. Ewan ko ba jan kay Ford, ayaw pa akong ligawan.
Echusera ka ng taon Eashie! Akala mo naman type ka.
Friends lang kayo. Okay? Just. Friends.
“Why are you pouting? Nag-iimagine ka nanaman bang may humahalik sa ‘yo?” tanong niya at tumabi din saakin sa pagkakahiga.
Mabuti na lang at hindi ma issue ang parents niya.
Kahit magkasama kami sa iisang kwarto at kung minsan ay magkatabi pang matulog ay okay lang sakanila. Malaki naman ang tiwala nila sa aming dalawa, at isa pa hindi naman kami magshota!
“Hindi ah! Ang kupal mo!” wika ko na siyang ikinatawa nito.
I look at Ford who’s still smiling.
I can’t help myself to smile either.
Hindi ko alam kung nakakahawa lang ba talaga ang mga ngiti nito o dahil ganito lang talaga kapag in love ka sa taong lihim mong nagugustuhan.
Umayos ako ng higa at tumingala sa ceiling kung saan din siya nakatingin.
“May boyfriend ka na ba, Eash?” nagulat ako nang bigla niya iyong tanungin out of the blue.
Like for real?
Sa lahat ng pwede niyang tanungin, iyon pang masiyado obvious? masiyadong obvious na hindi na ako magkakaroon pa ng boyfriend! Kaloka! Malabong magkaroon ako no’n Ford, ano ka ba? Ikaw lang gusto ko no!
“Bakit mo naman natanong ‘yan? Tsaka ano ka ba, mukha ba akong may boyfriend? FORDa single ang ferson niyo no.” sabi ko at natawa ulit siya.
Ano kaba Ford, itigil mo ‘yan! Isa pa at hahalikan na kita! Best friend kiss nga lang.
“I just asked. I just can’t imagine you being with someone else already. Baka makalimutan mo na ako.” wika niya at tila nalungkot ang mga mata nito.
Hindi sa asyumera ha, pero I know he will miss me too kung sakali mang magkaroon ako ng nobyo. The bonding and so on. At ganun na rin ako kung sakali.
Hayy, Ford. Kung alam mo lang.
“But I don’t want to be called as KJ person. If ever it happens and it makes you happy, then wala na ako magagawa. Basta just don’t forget about me ha? Kakatayin kita kapag nagkataon.” He joked then laugh. Natawa na din ako.
Matagal mo na akong kinatay be.
Yung puso ko, I mean.
Tumayo ito at kinuha ang kaniyang laptop.
May tinaype ito sa search tab at agad nagpakita doon ang isang title ng movie.
“Would you rather, forget or be killed?” basa ko sa title nito.
Napakamot ako sa ulo.
Mystery-thriller nanaman.
“Ano ba naman Ford, wala na bang ibang movie? Romance naman o, gusto kong maihi sa kilig.” sabi ko ng naka pout.
Sana effective.
“E maihi sa takot, ayaw mo?”
“Isss, ayoko.”
“It’s a good movie, ngayon ko lang mapapanood ‘to. So please, panoorin natin?” nag puppy eyes pa nga.
Ayon, ang bagsak, pumayag ako.
Uso naman siguro maging marupok sa bespren no?
“Okay.”
“Yes!” ngumiti ito ng malapad.
“Thanks!” I nod and smiled widely at him too.
Inayos niya ang laptop at saka inistart ang panood.
1 hour and 30 minutes ang movie.
Nasa bandang gitna na kami pero wala akong maintindihan sa pinapanood. Na kay Ford lang ang atensyon ko.
Kung minsan ay napapatingin naman ako sa movie pero madalas sa kaniya. Alam mo yung pasulyap sulyap tingin? Yun yon.
Napahikab ako ng makaramdam ng antok.
Satisfied na ako sa mukha ni Ford, ‘di ko na kailangan manood ng movie or magbasa pa ng libro para makatulog.
Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Ford. Mag-isa na lang niyang manood.
Inaantok na ako, e.
Isa pa, wala akong interes at wala din akong maintindihan sa pinapanood namin.
Ipinikit ko ang mga mata at naramdaman kong napadpad ang kamay niya sa balikat ko at mahina iyong pinisil.
Napangiti ako sa kiliting naidulot niyon.
I admire Ford for such a great person and a caring best friend.
Sa loob ng 13 years na friendship namin ay wala itong ipinakitang mali sa akin.
I felt protected from the school’s bullies when I’m with him.
Pakiramdam ko ay parati akong ligtas kapag siya ang kasama ko. That’s why I love being with him and that doesn’t stop me from liking him.
Napakadaming rason para mahulog sa kaniya.
But sadly, we can’t be lovers.
Kung may gusto man akong makasama sa tanang buhay ko, siya na ‘yon.
Even we can’t be lovers, as long as were bestfriends, it’ll be fine for me.
Pero hindi ko inaakala na ang lalaking matagal kong naging kaibigan at matagal ko ng gusto ang magiging dahilan din pala ng pagkamatay ko.