CHAPTER 4
C H A P T E R 4
Alex's POV
'Anak, kailangan 9 am andun na tayo sa Resort.' sabi ni Dad.
'Uh.. Susunod nalang po ako dun Dad, susunduin ko pa po kasi sa office girlfriend ko eh.' sabi ko.
Grabe! Huhuhu I cannot! Girlfriend my ass!
'Sure anak! Just don't be late okay?' tumango tango ako at umakyat na sa kwarto.
Matapos naming tatlo mamili ay agad na umuwi na si Cali dahil kay Max at Carlie na mga anak niya at si Kaye naman ay diretso opisina as usual, work is life sa babaita na yon. Kaya tuyot na tuyot ang lupa non eh kulang sa dilig!
Binuksan ko ang aking cellphone at nag browse sa instagram.
'Hay nako, I need to clean my eyes makapag search nga ng mga fafa.'
Grabe ang sasarap naman ng mga fafa na ituuuuu!
Look at the abs and muscles! Rawrrrr!
Nilapit ko ang ang labi at hinalik halikan ang screen ng cellphone ko. Gosh ilang araw na kong walang fafabels! I want some di---
'Bunso!'
Napaigtad ako sa kama nang biglang pumasok si Kuya sa kwarto ko.
Nahulog ang cellphone ko saaking kamay.
'Bunso, sa tingin mo anong mas babagay dito? Pants or short nalang-- Teka bat pawisan ka diyan? Nagulat ba kita?'
OO! Ginulat mo ang diyosa mong kapatid!
'Uhmm.. Aherm! Okay lang kuya. Yung short mas okay.' kinakabahan kong sabi.
'Yon, sabi na nga ba eh eto talaga mas bagay. Salamat utol! Teka nahulog pala cellphone mo.' nanlaki ang mata ko nang pulutin ni Kuya Aj ang cellphone ko at bumungad sakaniya ang litrato na tinitingnan ko kanina.
SHIT.
'Teka, sino to?' tanong niya saakin.
'H-ha? Yung ano yan kuya..' mag isip ka bakla mag isip ka!
Nakatingin si Kuya saakin at iniintay ang sasabihin ko.
'Yan yung gago na umaali aligid kay Kaye, I checked his IG account. Di hamak naman na mas gwapo ako. Diba kuya?' confident kong sabi.
'Well, yeah I agree! Kaya kung ako sayo dalas dalasan mo sa pag ggym para lumaki din ng ganito ang katawan mo.' sabi niya. 'Teka si Kaye ba ang date mo for tomorrow?'
Tumango ako. 'Yes, siya ang kasama ko bukas.'
Ngumisi naman siya 'Nice one brother! Oh heto na ang cellphone mo. Mas malaki points mo kesa sa kumag na yan' pag tukoy niya sa lalake sa litrato. 'Sige alis na ko, salamat!'
Pakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga. Bakit ba kasi hindi ko nailock yung pintuan?!
Isang malaking buntong hininga ang pinakawalan ko.
Sa tingin ko kailangan ko nang mag pakatotoo sa kanila, hahanap lang ako ng tamang tyempo.
But not now.
---
8:15 am.
Maaga akong nag gayak para sa reunion, well ganun naman talaga kaming girls eh. Mabusisisi hihihi.
I composed a message at sinend ito kay Kaye.
To: Kaye
Hoy bruha! Mag ayos kana diyan! Dadaanan pa kita sa office.
Sent √
Hay nako paniguradong di pa ayos ang babaita na 'yon pag sa bagal talaga kumilos! Daig ko pa eh, mas malinis at maayos ako sa sarili eh siya 'tong may tunay na puday!
Pag baba ko ay wala na sila Dad at Kuya, baka sinusundo din ni Kuya Aj ang date niya.
Muli akong humarap sa salamin at inayos ang buhok ko and sprayed some perfume.
'Yan! Bongga!' bulong ko.
Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse.
To: Kaye
Gaga papunta na ko diyan sa Café.
Sent √
Nag simula na 'kong mag maneho at makalipas ang kalahating oras ay nakadating na ko sa Café.
'Goodmorning Sir Alex!' bati ng isa naming empleyado.
'Hi goodmorning, si Ma'am Kaye niyo?' tanong ko.
'Ay tingin ko sir nasa loob pa po siya.'
'Ah ganun ba sige thank you.' papasok na sana ako sa office nang may nahagip ang aking mata sa may window.
Andito nanaman siya?
Napalingon ako saaking unahan nang bumukas ang pinto ng office at niluwa nito si Kaye.
She's wearing a fitted red dress that hugs her curves.
Her long hair is a little curly at mayroon siyang light make up.
'Wow! Ang ganda niyo naman po ma'am Kaye!' sabi ng isang empleyado kaya nag agaw pansin si Kaye at ang ibang customer ay tumingin din sakaniya.
Pati na si Calvin, ang ex niya.
'Okay lang ba tong ayos ko? Todo na yan eh, yan ang tinuro ni Cali sakin.' sabi niya.
Pinaliit ko ang aking mata at nag kunwaring sinusuri siya.
'You look perfect...' sabi ko saka ngumiti.
Naaninag ko ang pag tayo ni Calvin sa table at lumapit siya sa direksyon namin.
Nakita ko ang bahagyang pag kagulat ni Kaye.
'Uhm.. Hi Kaye.' panimula ni Calvin.
Parang di maipinta ang mukha ng babaita.
I sighed and wrapped my arms on her waist at mas nilapit siya saakin.
'Babe, sino siya?' pag basag ko sa katahimikan.
Parang nagulat si Kaye sa sinabi ko at nag tataka siyang tumingin saakin.
'Uh.. So, boyfriend mo?' tanong ni Calvin.
'Yes, I'm Kaye's boyfriend.' I calmly said. 'And you are?'
He smirked.
'Calvin pare, Kaye's....
... first love.'
-----
Kaye's POV
He smirked.
'Calvin pare, Kaye's....
... first love.'
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang sabihin niya na siya ang first love ko. Ano bang kailangan niya?
Tumawa si Alex ng nakakaloko. 'Ow really dude? First love ka niya?' nang aasar niyang sabi.
'Yes.' madiin naman na sabi ni Calvin.
'Is that so? Hmm.. Don't worry...' Alex held my chin at hinarap ako sakaniya.
'... because I'll be her last.'
Teka ano bang pinag sasasabi ng baklita na 'to?
Napansin 'kong nakayukom ang kamao ni Calvin. Kaya bago pa man may kung anong eskandalong mangyare ay inaya ko na si Alex.
'Uhmm.. Babe, let's go na. Baka ma-late pa tayo nakakahiya sa family mo.' sabi ko.
'Okay babe let's go. Sige pare ha? May FAMILY reunion pa kasi kami.' hindi padin bumibitaw si Alex sa bewang ko, muli akong lumingon kay Calvin at nakatingin siya saamin habang nag lalakad kami palayo.
Nang makarating kami sa kotse ay agad akong napasampal sa sarili ko.
'TANGINA!!!!!!! JUSKO!' sigaw ko. 'I can't believe this! Nakaharap ko na ulit siya!'
Pinaandar na ni Alex ang kotse. 'Ano bang kailangan sayo ng first love keme keme mo?' tanong niya.
'Hindi ko alam, pero wait! Infairness bakla ang galing mo umacting don ha. Kung di ko alam na gaylalu ka baka kinilig ako ng sobra don!' Sabi ko.
Totoo naman eh, the way he talks kanina ang hot.
Tapos nung hinawakan niya ko sa bewang, he gave me butterflies in my stomach.
'Thank you for saving me in that kind of situation grabe di ko alam gagawin ko.' dagdag ko pa.
'Oh quits na tayo ha!' sabi niya.
'Oo na. Pero ililibre mo padin ako!'
'Patay gutom talaga..'
'Hayop ka talaga bakla!'
---
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa venue.
'Bakla, teka lang parang kinakabahan ako.' nag aalinlangan kong sabi.
'Hoy hoy hoy Kaye Anne wag mong susubukan mag back out! Kung kinakabahan ka aba mas kinakabahan ako no!' bulyaw niya.
'Wonder woman, ikaw na po ang bahala saakin ha?' sabi niya at kunwaring may nilunok na bato.
'Gaga! Kay Darna yan!' sabi ko at natawa sa kalokohan niya.
'Halika na whooo! Inhale exhale. Kaya mo ito Alessandra este ALEX ALEX ALEX.' paulit ulit niyang sabi.
'Let's go girl?' tanong ko.
'Let's do this!'
Pag baba namin ng kotse ay agad na hinawakan nanaman ni Alex ang bewang ko at akala mo'y nasapian ng sampung maskulado na lalake dahil sobrang manly niya.
Pogi talaga ng kaibigan ko.
Bumungad saamin ang mga kamag anak na nila, grabe kahit matatatanda na yung mga tito nila ang gu-gwapo padin, pati yung mga lola nila, makikita mo yung ganda.
'Son!' pag salubong saamin ng Dad ni Alex.
'Dad.' bumitaw saglit saakin si Alex at tinap ang balikat ng Daddy niya.
'Wait, this is Kaye, my girlfriend.' pag kasabi niya ay muli nanaman niyang pinulupot ang kamay niya sa bewang ko.
'Hello po.' I smiled.
'Wow! Manang mana ka talaga sakin anak. Hello there pretty lady. Well I'm Adam Torres, Alex's handsome father.' sabi niya at kumindat.
Natawa naman kaming tatlo sa sinabi ng Daddy ni Alex.
'Nice to meet you po.' sagot ko naman.
'Hey bro!'
Napalingon kaming tatlo at nakita namin na papunta saaming direksyon si Kuya Aj.
'Wow! Goddamn Kaye! Is that you? You look lovely.' bati niya saakin.
Napansin ko naman na parang sumimangot ang kasama niyang babae.
'I guess the BOLERO STYLE runs in the blood?' sabi ko at nag tawanan sila.
'I like this girl! Good job anak!' sabi ng Daddy ni Alex.
Bahagya naman na napakamot si Alex sa batok niya.
Jusko bakla ka! Nag papapogi masyado!
'Dad uupo po muna kami don.' paalam ni Alex.
'Go ahead anak.'
'Halika na babe.' yaya sakin ni Alex at tumango ako.
Umupo kami sa 8 seated table at sumama na din saamin sina kuya Aj.
Umikot ang aking mata sa paligid at grabe ang po-pogi at ang ga-ganda ng mga kamag anak nila. Lamang ang lalake sa mga babae pero lahat sila mukhang mababango at malilinis.
'Eyes on me babe.'
I stopped for a second nang marinig ko ang husky na boses ni Alex.
'Whoa! Seloso pala ang kapatid ko!' pang aasar ni kuya Aj.
Napailing naman si Alex, 'Saglit I'll get some drinks.' sabi niya at tumayo.
Pag kaalis niya ay agad akong inintriga ni kuya Aj. 'So, kelan pa naging kayo? Sabi ko na nga ba eh may something na sainyo!'
'Uhmm... '
Teka ano ba dapat ko sabihin??
'Last.... week? Hehehe.' nag aalinlangan kong sabi.
'Wow ang--
'Hey guys! Am I late?'
Napalingon kami sa lalaking dumating.
Sa litrato ay nakita ko na siya.
Ang panganay na kapatid nila Alex.
Napalingon ako sa direksyon ni Alex at nakita ko ang sunod sunod na pag lunok niya.
---