CHAPTER 5
Kaye's POV
Sinalubong agad ng Daddy nila Alex at ibang kamag anak ang kuya Alfred niya.
Maya maya pa'y bumaling ito kay Alex at agad siyang niyakap.
'Alex! My baby brother!' sabi nito at umakbay kay Alex. 'How are you huh?'
'I'm good kuya, ikaw? How are you?'
'Well, it's so nice to be back. Wait let's sit first.' umupo si Alex sa tabi ko at bahagyang napatingin ang kuya niya sakin.
'Uhmm.. Kuya, this is Kaye, girlfriend ko.' pag papakilala niya saakin at hinawakan niya ang kamay ko.
Naramdaman ko ang higpit ng kamay ni Bakla at namamawis mawis pa. Dahil sa kaba siguro.
'Hi.. I'm Kaye.' sabi ko.
'Alfred. Alex's kuya.' nilahad niya ang kaniyang kamay kaya tinanggap ko ito at binigyan niya ko ng malawak na ngiti.
Ngayon ko lang napansin na halos mag kakamukha silang tatlo.
Alfred Torres the Smart one.
Aj Torres the Outgoing one.
Alexander Torres the Queen-- este the youngest and the hottest among the three of them, yet he has a secret.
'Kumpleto ang 3 Aces ko!' sabi ng Daddy nila. 'God, I'm so proud na makita kayong mag kakasama ulit.'
'Let's capture this moment.' nag labas ng cellphone si Alfred. 'Smile everyone!'
*click*
Ang nakaupo sa isang table ay ako, si Alex, Kuya Aj at ang kasama niyang babae, si Alfred at ang Daddy nila.
'Teka, bakit nga pala wala kang kasama na babae anak?' tanong ng Daddy nila kay Alfred.
'It's so hassle Dad, kailangan ko pang mag hatid mamaya, God I'm tired!'
Ang kuya Alfred nila ay paiba iba ng location sa trabaho dahil engineer siya. Ang dami laging projects na nag ooffer sakaniya kaya bibihira lang siya umuwi sa bahay nila. While, si Aj naman manager.
'Oh before I forgot, si Kaye nga din po pala yung partner ko sa Café.' Alex said.
'Wow! So pareho pala kayong business minded no?' sabi ni Alfred.
'Atleast di green minded gaya ni kuya Aj.' pag bibiro ni Alex at nag tawanan sila.
'Teka bat nadamay ako?!' reklamo niya.
'Don't complain Aj, totoo ang sinasabi ni Alex.' sabi ni Alfred.
'Aba't-- pinag tulungan niyo talaga ko ha?! Honey oh inaaway nila ako.' pag susumbong niya sa babae niyang kasama at nag paawa.
'Yuck! Di bagay sayo Aj! Kadiri!' sabi ni Alfred.
'Just let them, totoo naman eh. Iba yang utak mo honey. Berde.' sabi ng babae niyang kasama kaya mas lumakas ang tawanan namin at napahalukipkip nalang si Aj at ngumuso.
---
Makalipas ang ilang minuto ay nag simula na ang program, nag bigay ng speech ang mga matatanda at sumunod naman ang mga padre de pamilya.
Nakasandal ako sa braso ni Alex at bahagyang naka-hilig sa mga balikat niya habang nakikinig.
Infairness ang bango ni bakla.
Napansin kasi namin na parang ino-obserbahan kami ng kuya Alfred niya kaya mas naging sweet kami sa mga galaw namin.
Tama nga si Alex, ang kuya Alfred niya ang pinaka-observant sa lahat. Para bang lahat sinusuri niya.
Matapos ang speech ay nag simula nang kumain, hindi na ko pinatayo ni Alex sa upuan at siya na raw ang kukuha ng pagkain ko.
Hinayaan ko nalang siya dahil alam naman ng baklita na yon kung ano mga kinakain ko.
Kami lang ng date ni Aj ang natira sa table.
'Hi, ang cute niyo naman ni Alex.' panimula niya.
'Ay hehe thank you, kayo din naman ni kuya Aj eh. You look good together.' sabi ko naman.
'Sus eh wala na nga yon iba ginawa kundi i-gala ang kamay sa katawan ko!' pag mamaktol niya at natawa naman ako.
'Here's your food babe.' nilagay ni Alex sa tapat ko ang pinggan na punong puno ng pagkain.
'Thanks babe, andami naman nito.' pero sa loob loob ko ay kayang kaya ko to ubusin!
Nakita ko naman ang pag ismid ni Bakla na parang sinasabi niyang 'Patay gutom ako' bwisit talaga to!
Dumating na din ang kaniya mga kuya at nag simula na kaming kumain.
Gosh ang sasarap ng pagkain!
'You like the food iha?' tanong saakin ng Daddy nila.
'Nako opo!' masigla kong sabi.
*toot*
1 message receive.
I checked my phone, text ni Cali.
From: Cali
Mga bakla! Ano nang ganap diyan?
Nakatingin din saakin si Alex at parang tinatanong kung sino ang nag message.
'Uhmm.. Excuse me po, punta lang po ako sa cr.' paalam ko sa kanila.
'Samahan na kita babe.' sabi ni Alex.
'Hindi na babe, saglit lang to.'
Tumango naman siya, 'Diretso ka lang babe tapos nasa may left yung cr.'
'Okay babe.'
Nag lakad na ko papunta sa cr at sinara ang pinto.
(Reply)
To: Cali
Heto mukhang okay naman, pero kinakabahan padin kami ni Alex. Ang daming tao jusko haggardo na ang lola mo!
Sent √
Humarap ako sa salamin at nag ayos ng buhok at retouch ng konti.
*toot*
From: Cali
Kaya niyo yan mga bakla. Ilang oras nalang naman matatapos na yan.
I sighed.
Hinawakan ko na ang door knob at akmang lalabas nang biglang may humawak sa braso ko at muli akong pinasok sa cr.
He pinned me on the wall hawak hawak ang mag kabila kong pulso.
Nanlaki ang mata ko at bumilis ang kabog ng dibdib ko.
Napaka lapit ng mukha naming dalawa.
Alfred...
'Girlfriend kaba talaga ng kapatid ko?' namamaos ang boses niya.
'L-Let go of me..' nauutal kong sabi.
'Answer my damn question.' mas lalo pang humigpit ang kapit niya sa pulso ko. At ramdam ko ang paghinga niya na tumatama sa may labi ko.
'Yes, girlfriend ako ng kapatid. So please let go of me, it's not appropriate na ganito ang position nating dalawa.' kinakalma ko ang sarili ko para hindi siya mag duda.
'Baka mamaya makita pa ni Alex at kung ano ang isipin niya. Seloso pa naman din yon.' dagdag ko pa.
Ilang segundo pa ang lumipas at nakatitig lang siya saakin na para bang tumatagos sa kaluluwa ko.
Napalunok ako at pilit na umiiwas ng tingin. 'Please let me go.' mahina kong sabi.
Naramdaman kong dahan dahan niyang niluluwagan ang kapit sa pulso ko hanggang sa tuluyan na niya kong bitawan at bahagyang lumayo.
I heavily sighed.
'Babe why took you so long--
Biglang dumating si Alex at nag tataka siyang tumingin saamin ni Alfred.
'Kuya? Anong ginagawa mo dito?' lumapit saakin si Alex at hinawakan ang pisngi ko. 'What happened?' nag aalala niyang tanong.
Hindi ko alam pero bigla akong napayakap sakaniya.
'Hey, anong nangyare?' tanong niya muli at hinahagod ang likod ko.
'Kuya? Bakit ka nasa loob? Anong ginawa mo?' baling ni Alex kay Alfred.
'The door was locked, hindi mabuksan at narinig ko siyang humihingi ng tulong. So I helped her.' sabi ni Alfred kaya nag tataka akong tumingin sakaniya.
Liar!
'Ganun ba? Babe, are you okay??'
Tumango tango na lamang ako, ayoko nang i-defend ang sarili ko nakakahiya naman na dito pa mag karoon ng eskandalo sa reunion nila.
'Labas na ko.' sabi ni Alfred at dire-diretsong lumabas. Naiwan kami ni Alex na mag kayakap sa cr.
'Anong--
Bago pa man siya makapag salita ay tinakpan ko ang bibig siya saka bumulong ng 'Let's talk about it later.'
Agad naman niyang na-gets ang sinasabi ako at tumango na lamang siya.
Bumalik na kami sa table at napansin ko ang panay pag tingin saakin ni Alfred.
Akala mo walang nangyare ah?
'Tagal niyo naman sa cr! Anong ginawa niyo ha?' pang aasar ni Aj.
'Secret. Wala kana don kuya.' pag sakay ni Alex.
---
Nang matapos ang reunion ay isa isa na silang nag paalam sa kanilang mga kamag anak.
Pag sakay na pag sakay namin sa kotse ni Alex ay agad kong kinuwento sakaniya ang nangyare sa cr.
'WHAT?!!!! GINAWA IYON NI KUYA?!' di makapaniwalang tanong niya.
'Oo nga! Sobra yung kaba ko! Pakiramdam ko nag hihinala talaga siya satin.'
Napasabunot si Alex sa sarili niya. 'Sinasabi ko na nga ba eh, iba talaga yang si Kuya Alfred ang hirap utuin! Hindi mo maloloko. Huhuhu kinakabahan na ko.'
'Ang intense nung pangyayare kanina, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hawak niya ko eh tapos ramdam na ramdam ko hininga niya.'
'Aysus! Ang sabihin mo kinikilig ka sa Kuya ko!' sinamaan niya ko ng tingin.
'Gaga hindi no. Nakakatakot nga siya eh.'
'Ewan ko sayo babaita hmp!' ini-start na niya ang kotse at nag maneho.
Aba may regla ang bakla?