CHAPTER 3

Alex's POV

'Nag init saan?'

Nanlaki ang aking mata nang marinig ko ang boses na iyon.

'Dad...'

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

'Ah eh.. Y-yung ano po yung b-babae kanina. Ang aggressive masyado.' nauutal kong sabi.

Kumalma ka jusko!

Humalkhak naman si Dad at tinapik tapik ang balikat 'ko. 'That's my son! Naka-first base ba?'

'Oo naman Dad s-syempre.. Torres 'to eh.' pag yayabang ko pero sa loob loob ko ay gusto ko nang maduwal! Kaloka!

'Well, saan pa nga ba kayo mag mamana ng mga kuya Aj at Alfred mo kundi saakin lang!' sabi niya.

'Nga pala Dad, bakit po kayo andito sa kwarto ko?' pag iiba ko ng usapan.

'Eh kasi may hinahanap ako baka mamaya nadadala ni manang dito sa kwarto mo.'

Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil baka may nakita si Dad na mga kolorete at mga dresses na bigay ni Kaye at Cali.

'Eh ano po ba yung hinahanap niyo? Pag nakita ko ako nalang ang mag bibigay sainyo.' sabi ko.

'Yung bracelet ko na may letter L.'

'Sige Dad pag nakita ko ibibigay ko po agad sainyo.'

'Sige anak bababa na muna ako.'

Tumango ako at sinaraduhan na ang pintuan.

Parang may isang malaking bato ang nawala sa boobs ko--este sa dibdib ko nang makaalis si Dad.

Pabagsak akong humiga sa kama. 'Muntik nanaman ako dun.' bulong ko.

---

Kinaumagahan ay agad akong nag gayak upang pumasok na sa opisina at tumulong kay Kaye.

Pag baba ko ng hagdan ay naabutan kong nagbe-breakfast si Dad at kuya Aj.

'Anak! Come join us. Para naman may energy ka sa trabaho.' pag tawag ni Dad.

Umupo na ako at nag lagay ng pagkain sa pinggan.

'Nga pala, before I forgot mag kakaroon ng reunion ang Torres.' sabi ni Dad kaya natigilan ako.

'Really dad? When?' tanong ni Kuya Aj.

'The day after tomorrow. Dun sa resort ng mga Tito niyo.'

'Ha?! Sa isang araw na agad?' gulat kong sabi.

Kinakabahan ako dahil ilang oras na naman akong mag papakalalaki sa harap ng buong angkan namin.

'Yes anak, late din naman sinabi saakin. Anyways, bring your girlfriends.'

Teka?! Ano daw?!

'Sure Dad.' agad na sagot ni Kuya Aj.

Bumaling naman ng tingin saakin si Dad.

'And you Alex?'

'Pero--

'Hay nako Dad, merong dadalhin yan! Si Alex pa!' sabi ni Kuya Aj.

Napalunok ako.

'Teka eh wala naman si Kuya Alfred eh.' pag iiba ko ng usapan.

'He'll be home tomorrow.'

What the?!!!

Si kuya Alfred ang panganay saaming tatlo at siya rin ang pinaka matalino sa lahat, isa lang ang ibig sabihin nito.

Madadagdagan nanaman ang pag tataguan ko!

Gosh I need some dic-- este water!

Napainom ako ng madami dahil sa kaba na nararamdaman ko.

'Kaya ikaw Alex, mag dala ka din ng babae. Paniguradong may dala din ang kuya Alfred mo.' seryosong sabi ni Dad.

'O-opo Dad. I'll bring my girl.'

---

'A Y O K O! Period!' sigaw ni Kaye dito sa loob ng opisina.

'Parang timang naman to eh! Sige na girl! Please! After nito, ili-libre kita kahit saan magustuhan ng bunganga mong singlaki ng palanggana!'

Nanlisik naman ang mata niya saakin.

'Aba ikaw na nga nanghihingi ng tulong nanlalait kapa ha!'

Nilapitan ko naman siya at niyakap sa likod saka nag paawa.

'Ehhhh.. Girl naman eh. Sige na oh. Tulungan mo na 'ko.'

Hindi siya umiimik.

'Kayo lang naman ni Cali ang mahihingan ko ng tulong, atsaka di naman pu-pwede si Cali dahil may asawa na yung tao no.' sabi ko at nag papaawa padin sa babaita na ito.

'Please girl... Help me na kasi.' I pouted.

Bumitaw siya sa yakap ko at humarap saakin.

'Fine, mag papanggap akong girlfriend mo.'

Agad akong napalundag at nag papalakpak.

'Waaaaahhh!! The best ka talaga girl!! I love you talaga!' napahalik ako sa kaniyang pisngi dahil sa pag kadala ko sa tuwa.

Parehong nanlaki ang mata namin at nag layo.

'YUCK!!! / KADIRI KA!!! ' sabay naming sabi.

Pinupunasan ko ang aking labi samantalang si Kaye ay pinupunas ang kaniyang pisngi.

'Goshhh! I think I'm gonna die-- ARAY KO NAMAN!'

Binatukan nanaman ako ng gaga!

'OA mo ha! Wag kang maarte ikaw ang nag lagay ng germs sa pisngi ko bakla!' maarte niyang sabi.

'Asus mag tatalo pa kayo eh pareho lang naman kayo madaming bacteria sa katawan.'

Napalingon kami sa babaeng dumating.

'Cali?!'

'Mga bakla!!!' sigaw niya at agad kaming nag yakap yakap.

'Goshhh! I miss you both!' sabi niya at bumitaw sa yakap.

'Gaga namiss ka din namin, how's your resto?' tanong ni Kaye.

'It's okay, but wait ano yung mga naririnig ko ha?' tanong niya.

'Hay nako eto kasing baklita na to. May problema na naman.' sabi ni Kaye.

'What is it?' tanong ni Cali.

'Family Reunion.' maikli kong sagot.

Napatampal si Cali sa noo niya. 'Oww.. Patay tayo diyan bakla!' sabi niya.

'Hay nako! I know! Kaya nga humihingi ako ng tulong sa babaita na ito eh. Kailangan ko muna ng fake girlfriend para may maipag yabang sa mga kamag anak namin, alam mo naman family ko diba?'

Natahimik kaming tatlo.

'Aha! I got an idea!' masiglang sabi ni Cali.

'What is it?' tanong namin ni Kaye.

'I'll be your Fairy God Mother for today! Para naman may maitulong ako diba. Let's give Kaye a make over!'

---

Ilang minuto na kaming anditong tatlo sa mall at nag hahanap ng damit ni Kaye na babagay sakanya sa Family reunion namin.

'Ano kaya mas better dito? Yung black or red?' tanong ni Cali habang nilalapit ang damit sa katawan ni Kaye.

'Hmm.. Mas okay yung red.' sabi ko naman.

Makurba din naman ang babaita na 'to eh tinatago niya lang.

'Yah, I like it too.' sabi naman ni Kaye.

'Halika isukat natin sa fitting room!' yaya ni Cali kay Kaye.

'Teka pupunta muna ako sa men's section hahanap din ako ng damit ko.' sabi ko naman.

'Uyyyy MEN'S SECTION, wow fafa kaba?! HAHAHAHAHA' pang aasar nang dalawa.

Inirapan ko nalang sila at pakembot kembot na tumalikod.

'Cheee!!'

Nang makarating ako sa damitan na panglalaki-- ewww ay nag hanap ako ng damit na babagay sa susuotin ni Kaye para naman mas mag mukha kaming mag jowa--yuccckkk!

'Hi sir!' bati ng sales lady.

Ngumiti naman ako, 'Uhmm.. May Large ba kayo nito?' pag tukoy ko sa polo na hawak ko.

'Ay opo sir kukunin ko lang po. Hihihi ang pogi naman ni Sir!' malanding sabi ng sales lady habang nag lalakad paalis.

Jusko girl! Pogi din ang hanap ko!

Maya maya pa'y dumating na ang sales lady dala ang polo na size L. 'Sir eto na po! Saktong sakto to sa muscles niyo!'

'Okay I'll take it.' sabi ko naman.

'Hihihi ako din sir take me!'

Gosh! Kadiri ka naman ate girl!

Binigyan ko na lamang siya ng ngiti at kindat.

'Ohmaygash!! Sherr naman ihhhh!'

Konting konti nalang talaga.

Maduduwal na ko!!!!!

---