CHAPTER 88

Dave's pov:

Pagkatapos ng libing ay muli kong inasikaso ang kasong kinakaharap ni Don Fabian. Dinalaw ko ito sa piitan kung saan siya ikinulong ng kinauukulan.

"Kumusta Don Fabian?" tanong ko sa kanya. Nakaupo ito at nakayuko. Nakaposas ang kanyang mga kamay at tumingalang tumitig sa akin.

"Ikaw? Masaya ka na ba? Masaya ka na bang namatay ang mga taong mahal mo? Hindi mo ba alam na anak ko si Charls! Pero nagawa niya akong trydorin para sa iyo!" sigaw ni Don Fabian. Isang rebelasyon ang kanyang isiniwalat nang mga oras na iyon para sa akin.

"Anak mo pala siya!" mariin kong sagot.

"Oo! Anak ko siya! Para sa kanya ang lahat!" Napatayo itong hinawakan ang kwelyo ng suot kong polo.

"Anak! Na hindi mo pinahalagahan! Dahil nabaliw ka sa kayamanan!" Pabagsak kong binitiwan ang mga kamay niya at saka ko tinulak. Inawat naman siya ng mga pulis at mahigpit na hinawakan.

"Alam mo, Ikaw pa rin hanggang sa huli ang niligtas ni Charls, binigyan ka niya ng pagkakataong mabuhay! Hindi niya kinalimutang ikaw ang ama niya. Dapat Ikaw ang naiwan! Ikaw ang dapat na nasama sa mga kayamanan mong sumabog! Pero ano! Nagsakripisyo siya para ikaw ang ilabas sa halip na siya dahil alam niyang kung ako ang huling lalabas ay hindi kita ililigtas!" Dinuduro ko pa ang matanda habang sinasabi ko ang mga salitang iyon na alam niyang totoo. Ngayon ay alam ko na kung ano rin ang lubusang nagtulak sa kaibigan ko na ibuwis ang sariling buhay. Hindi lang para sa akin kundi para na rin sa ama.

"Alam mo! Nabaliw ka sa yaman at nalimutan mong may pamilya ka. Si Charls, nag-iisa mong anak! Hindi siya ang tumalikod sa iyo! Ikaw ang tumalikod sa kanya!" mariin kong sumbat sa kanya. Inayos ko ang suot kong suit, at saka timalikod sa matandang lalaki. Naiwan siyang umiiyak dahil sa kanyang mga natuklasan. Kung tutuusin ay hindi na siya dapat nabuhay pa. Ngunit dahil na rin sa isang tulad ni Charls na umaasa at nagbibigay ng isapang chance para sa ama niya ay nabigyan pa ito ng pagkakataong mabuhay muli.

Nasampahan ng kuta-kutakot na kaso si Don Fabian, at lahat iyon ay hindi maaring piyansahan. Magkagayun man ay wala na siyang kayamanang maipambabayad dahil iyon ay sumabog nang lahat. Ang isang baul na nakuha namin ay ibinigay namin sa iba't ibang klaseng charity, kasama na rin ang tauhan niyang nakaligtas. Binigyan ang pamilya nito. At ito naman ay sumuko rin sa mga pulis.

_____________________

Pagkagaling ko sa kulungan ay sa ospital naman ng launion ako nagpunta, upang pasalamatan din ang umaruga kay Annie sa ospital na iyon. Walang nakaaalam na isa sa mga matalik kong kaibigan ang chairman ng ospital. Kaya naman kasama ni Marvin ay napangalagaan nila si Annie, at ang anak ko. Bukod roon ay doon ko rin itinago ang anak at pamilya ni Mang Badong, ang matandang tumulong sa amin noon para makatakas sa mga kamay ng mga tauhan, ng baliw na si Don Fabian. Simula noon ay pinangalagaan ko na ang pamilya nito. At napaoperahan ko na rin ang apo nito. Ngayon ay nagpapagaling na lamang ito sa kanyang pribadong silid. Isa sila sa nabahaginan ng pera mula sa kayamanang nakuha namin kay Don Fabian. Na para sa akin ay nararapat lamang dahil ito rin ang isa sa may sala sa pagkamatay ng lolo ng dalagang si Celine.

"Mr. Santivaniez, naku napakarami na ninyong naitulong sa amin, sapat na po ang mga ito," wika ng matandang babae, asawa ni Mang Badong.

"Maraming, maraming salamat po sa inyo. Mr. Santivaniez," magalang na wika ng batang si Celine. Nasa labing pitong taong gulang pa lamang ito.

“Walang anuman Celine, kumusta naman ang pakiramdam mo, okay na ba ang puso mo?” mahinahon kong tanong sa apo ni Mang Badong.

“Ayos naman po ako, salamat po ng marami,” sambit nito na muling ngumiti sa akin.

_______________________________

Lumipas pa nga ang ilang buwan, at araw na ng panganganak ni Annie.

"Dave!" malakas na sigaw ni Annie, habang ako naman ay nasa paborito naming restaurant dahil kasalukuyan akong nakikipag-meeting sa mga investor ng kumpanya. Lahat kami ay napalingon sa labas ng restaurant dahil sa umaalingawngaw ang boses ng aking asawang si Annie.

"Dave anuba!" galit to nitong wika. "Hirap na hirap na ako!" malakas na sigaw ng babaeng sa unang tingin ng lahat ay tahimik at mahinhin. Ngunit ngayon ay ubod lakas na sumisigaw. Kinakabahang akong tumayo, inayos ko muna ang suot kong suit. Nagpaalam sa mga kausap at mabilis na lumakad para puntahan si Annie.

"Annie! What happened? Manganganak ka na ba?" Patakbo ko siyang nilapitan.

"Ano santingin mo! Mag-eeskandalo ba ako dito sa buong hotel kung wala lang! Nakakainis ka! Naiinis ako sayo!" Pinalo-palo na naman nito ang dibdib ko. Dahil sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang napipintong panganganak. At ilang minuto ay nawalan na naman ng malay tao si Annie. Mabilis ko na siyang binuhat at dinala sa kotse ko para isugod sa ospital.

"Okay Sweetie, papunta na tayo," sabi ko kahit na alam kong wala na itong malay. Mabuti na lang at mabilis na nakasunod si Mica. Na noon ay nagre-ready na pala dahil alam nitong anumang oras ay manganganak na siya. Mabilis ngang nadala si Annie sa ospital ng Santivanies, at pagkarating doon ay agad siyang inasikaso ng mga doktor.

Ilang minuto pa ang lumilipas at naroon na rin ang buong pamilya. Ako naman ay hindi mapakali, palakad-lakad akong sa buong pasilyo, at sila naman ay nahihilo sa katitingin sa akin.

"Bayaw kalma ka lang, hindi mapapaano si Annie," sabi ni Dhino na natatawa sa akin.

"Paano naman kasi, ngayon lang niya nakita si Annie na nanganganak," sabat naman ni Mama Anna. Na napapangiti sa ikinikilos ko. Samantalang nikapitan ako ni Daniel.

"Papa, where 's Mama?" Napapakunot noo na tanong ng magtatatlong taong gulang nang anak namin.

"She in the delivery room, and later on we will have baby," sagot ko sa anak kong marahil nagtataka dahil sa aking pag-aalala.

"Well, nakapag-alala talaga dahil ngayon lang siya nanganak ng normal delivery at grabe ang sigaw ni Annie, sobrang sakit siguro?" Napapakamot na sabi ni Kuya Salmon niya. Napatingin naman si Joan sa kanya na nakataas ang kilay.

"Talagang masakit manganak no!" singhal nito sa nobyo. Dahil alam nito sigurong hindi magtatagal ay ito na ang maaring sumunod sa kaibigan. Kinakabahan din si Joan, nang bigla ding dumating si Carol, naka-lab gown pa ito na humahangos pa.

"K-kumusta si Annie?" may himig pag-aalala nitong tanong.

"Honey, she's doing very well, I think she is almost done," sagot ni Shiemen na hinawakan sa kamay ng nobya. At parang walang nangyayaring naglambingan.

At napabuntong hininga na lamang ako sa dalawa.