CHAPTER 87
Six months later:
Annie's Pov:
Anim na buwan na pala ang lumilipas at anim na buwan na rin ang tiyan ko. Wala akong ginawa kundi ang isipin ang asawa ko na hindi nagpapakita sa akin. Ngunit may mga makakating dila ang nagsasabing pumaparito ang lalaking iyon sa aking silid sa twing natutulog na ako.
Iyon din ang sabi ni mama. Kapag raw natutulog na ako at siya, saka naman dumarating ang asawa ko, binabantayan raw ako at pinagmamasdan habang natutulog. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginagawa. Si Daniel na anak namin ay nasa Santivaniez Hotel na at kasalukuyang binabantayan nina kuya Salmon at Joan. Nalamang ko sa kanila ang mga nabuong relasyon at magandang pagtitinginan nina kuya Salmon at Joan, na akin namang ikinatuwa. Si Tatay Arman naman at ang mga kapatid nito ay nakiusap na kung maaring makabalik sila sa Baguio at asikasuhin muli ang strawberry farm doon na naiwan namin. Bagamat doon nangyari ang malungkot na pagkawala ni shiela. Alam kong binibigyan din ako ni Dave ng oras upang tanggapin ang pagkawala sa akin nina Shiela at Marvin na itinuring ko na ring parte ng aking buhay. Minahal ko sina Shiela sa paraang alam ko, maging si Marvin na hindi ko hinayaang maipakita ang pagmamahal sa akin bilang isang ina at kay Dave bilang isang ama. Ang lahat ay naganap at mayroong isang malaking bahagi sa puso ko ang naiwang may malaking pagsisisi. Marahil ay alam ni Dave na hinahanap ko pa rin ang aking sarili hanggang sa ngayon. Ngunit hindi niya hinahayaan na mag-isa kong daanan ang aking matinding kalungkutan.
Madalas niyang papuntahin ang isang doctor na makakaunawa sa mga pinagdaraanan ko. Ang trouma ay nagbalik sa akin. Ang lahat ng sakit na naranasan ko ay nagpa-trigger ng sakit ko. Kaya naman naiintindihan ko siya kung minamabuti niyang magpunta kung kailan natutulog na ako, madalas ring magsidalaw ang mga kaibigan ko at mga kapatid. Kaya naman unti-unti kong napaglalabanan ang lahat ng aking kalungkutan.
Si Mica na noon ay nurse sa benguet ay nakiusap kay Dave na maging personal nurse ko. Kaya naman siya na rin ang laging kong kausap. Mabait si Mica, pakiramdam ko ay nabubuhay si Shiela sa kanyang katauhan. Na kahit na nawala si Shiela sa buhay ko ay naroon naman siya. Natutuwa ako na kahit na may pagkatomboy ito ay nagawa niyang pahintulutan ang pangliligaw sa kanya ni Alvin. Masaya na rin ako. Alam kong masaya na rin si Shiela dahil magkasama na sila ni Marvin.
"Salamat Shiela." tanging nasabi ko sa aking sarili.
"Annie, bukas na ang libing ni Shiela at Marvin, huling lamay na nila mamayang gabi," sabi ni Mama sa akin na hindi ko naman gaanong narinig dahil sa may iniisip nga ako.
"Annie!" untag sa akin ni Mica na noo'y napansing wala ako sa aking sarili.
"Ha! B-bakit?" bigla ko nalang na itanong sa kanya.
"Ang sinasabi ko ay handa ka na bang pumunta mamaya sa huling burol nina Shiela at Marvin? Siya nga pala tuluyan nang ipi na cremate ni Dave ang bangkay ng kuya Edmond mo, kasabay ng bangkay ni Charles na nooy nasunog na rin," sabi pa ni Mama.
"Opo Ma, pupunta po ako mamaya, mauna na lang po kayo, at kami na ni Mica ang magkasabay na pupunta roon," mahinahon kong sagot. Kahit na nahihiya pa rin akong makaharap ang buong pamilya ni Shiela, hanggang sa ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko.
_________________________
Gabi na ng makarating kami sa funeral home kung saan ibinurol ang aking kaibigan na si Shiela at si Marvin na rin. Naroon na ang lahat dahil sa huling gabi na ng lamay. Ang buong pamilya ni Shiela ay naroon kaya nang dumating kami ay agad silang sumalubong sa akin. Ang limang mga kapatid ni Shiela, ang unang sumalubong sa akin.
"Ate Annie!" umiiyak ang mga ito nang makita ako. Yumakap sila sa akin, at niyakap ko rin sila. Naka-shade ako dahil ayaw kong makita nila ang namamaga kong mata dahil sa kagabi pa lang ay umiiyak na naman ako. Nakita ko sa unahan ng upuan ang nakatalikod na si Dave.
Mayamaya ay nilapitan na rin ako ni Daniel, nandito rin siya kasama ang iba pa. "Mama, bakit po ngayon ka lang pumunta rito? Bukas po ay aalis na si Tita Shiela," inosenteng pagsasalita ni Daniel sa akin. At naluluha pa rin akong niyakap ang anak ko.
"Yes baby, do you say goodbye to Tita Shiela?" tanong ko pa rin sa aking anak.
"Yes Mama, let's go to Papa.…" Tinuro niya ang kanyang ama na naroon naka upo sa unahan. Alam kong alam nito ang aking pagdating ngunit sinadya nitong hindi lumingon sa akin. Marahil ay iniisip niya na hindi pa ako handang harapin siya. Lumakad ako patungo sa harapan at nilapitan ang kabaong ni Shiela, at Marvin. Nakita ko silang tila payapang natutulog lang sa kanilang mga hinihigaan. Malungkot ako dahil alam kong hindi ko na sila makikita pa. Muli na naman akong napaluha at muntik matumba. Ngunit naiwasan ko iyon dahil sa nasapo ako ni Dave. Nasa likod ko lang pala siya at nakaalalay sa akin. Napatingin ako sa kanya, tingin na may kalungkutan. Naunawaan niya na kailangan ko siya sa mga sandaling iyon. Inayos niya ang aking pagtayo, at hinawakan ang aking dalawang balikat tanda nang pag-alalay niya.
"Dont be sad please, I'm here to carry on. If you want to cry, then cry," pabulong niyang wika sa akin habang nakatayo kami sa harap ng mga kabaong ng dalawang taong pareho naming minamahal.
"Dave, salamat sa pang-unawa mo sa akin," sabi kong ipinilig pa ang aking ulo sa braso niya.
Santivaniez Memorial Park. Naroon din nakalibing ang mga taong mahalaga sa pamilya Santivaniez. Iyon ang libingan ng buong pamilya Santivaniez. Doon ipinalibing ni Dave ang dalawa dahil sa hindi na ito naiiba sa kanya. Noon pa may itinuring na niyang pamilya si Shiela at Marvin. Kaya naman ipinahanda niya roon ang natatanging libingan para sa dalawa.
Habang unti-unting binababa ang kanilang mga ataul, patuloy naman naririnig ang pagtangis ng pamilya ni Shiela. Sina Joan at Carol at halos lahat na naroon ay umiiyak din. Sina Papa Arnold na matagal na ring nakilala at nakasama si Marvin ay lubos ding nalungkot dahil sa pagkamatay nito upang iligtas ang buhay nila. Si Daniel na anak ko ay umiiyak na rin, bagamat hindi pa niya nauunawaan ang lahat. Sabay-sabay naming itinapon ang mga puting rosas na hawak namin, kasabay din noon ang pagbitiw namin sa mga puting lobo, hinayaan ang mga ito na magsilipad papaitaas. Kasama ng aming mga kahilingan at pangako na hindi namin malilimutan ang kanilang mga alaala. Mahal namin sila.